Share

KABANATA 13 I HIS BODY IS JUST AS SMALL AS PEA

Natarantang nakatingin si Willow kung saan nakalagay ang telebisyon na ngayon ay nawawala na.

Napasulyap siya kay Via na tila abala sa pagtatahi ng medyas ng sanggol. Tutok na tutok ito sa kaniyang ginagawa habang inaaral kung paano ito gawin. May mga libro ring nakakakalat sa sahig.

“Nasaan ang telebisyon?”

Lumapit si Willow at kinuha ang isa sa mga pink na sinulid na nakalagay sa sahig. Nagkibit balikat si Via habang patuloy na sinusubukang ihabi isa-isa ang mga sinulid.

“Inilagay ko iyon sa taas,” sagot ni Via nang hindi lumilingon.

Nalilito at napanganga si Willow dahil gumagana pa rin naman ng maayos ang bagay na iyon. Tanging ang telebisyon lamang ang tanging malilibangan sa loob ng bahay kaya nalilito siya.

“May mali ba sa telebisyon na iyon? Hindi naman iyon sira. Okay pa naman siya kahapon, ‘di ba?” Napasulyap si Willow sa bintana nang marinig ang tunog ng mustang na nakaparada sa bakuran, tiyak na dumating na ang pinsan niyang lalaki para maghatid ng kanilang mga pinamil
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status