“Hindi ba si Mr. Reviano iyon?” malakas na sambit ni Cece.
Napalingon naman ang lahat sa direksyon ng kanilang CEO kasama ang iba pang kalalakihan.
Tumango si Altha nang makilala ang pamilyar na mukha ng kanilang CEO.
“Mayroon silang private meeting sa hindi kalayuan dito siguro ay lumipat sila ng venue para mag-celebrate,” paliwanag ni Altha sa nagtatanong na mukha ng kanilang katrabaho.
“Gosh! Nakakalaglag panty naman ang matitipunong kalalakihang ‘yan! Tingnan mo, halos lahat ng babae rito ay hindi maalis ang tingin sa kanila!” saad ni Reina na lumilingon sa paligid.
Si Altha at ang iba pa nilang katrabaho ay nagpatuloy na sumayaw habang siya naman ay nakatayo lamang. Naiilang kasi siya sa presensya ni Sean na hanggang ngayon ay pinagmamasdan siya.
“Babalik na ako sa table natin,” saad niya kaya agad na tumango ang kaniyang katrabaho. Sinamahan niya si Kezia na hindi sumali sa dance floor kanina.
“Pagod ka na ba?” tanong ni Kezia habang inaabutan siya ng maiinom. Napailing siya nang marahan. “Hindi, masama lang ang pakiramdam ko, may tubig ba?” tanong niya’t tinanggihan ang alok na alak ni Kezia.
Matapos niyang inumin ang kalahating bote ng mineral water, isang anino ang bumalot sa kanila’t natatakpan ng liwanag sa bar. It was Sean’s figure. Nilingon nila ang lalaki’t nakitang nasa harapan pala nila. Gulat na gulat ang ekspresyon ng dalawa at napanganga. Hindi kasi inaasahan na lalapit ang boss sa kanila.
“Mukhang nag-e-enjoy kayo,” wika ni Sean at hindi man lang nagpakita ng interes kay Via.
Tumikhim si Kezia at napatango na lang to say yes.
“Puwede ba akong umupo rito? Mukhang nagkakasiyahan na kasi ang aking mga kliyente sa dance floor, ako na lang ang mag-isa sa table namin.” Tinuro ni Sean ang kanilang table at wala ngang katao-tao na roon.
“Oo naman, Mr. CEO,” kinakabahang sagot ni Kezia.
Mas pinili ni Sean na umupo sa gitna nilang dalawa at nagbukas ng makukuwento sa kanila.
Hindi niya maiwasan ang kaba na kan’yang nararamdaman, nakayuko lang siya at matiim na nakikinig sa lalaki.
Mukhang siyang-siya si Kezia dahil tumataas na ang boses nito habang kausap si Sean.
“Balita ko ikaw ang pinakamahusay sa batch niyo sa kolehiyo?” puri ni Sean na ikinapula ng pisngi ni Kezia.
“Hindi ah, masiyado namang O.A. ang balitang iyan. Marami pa akong dapat matutunan,” mahinhing sagot ni Kezia sa lalaki.
“Si Via, mas may talento iyan. Maliksi at masipag pagdating sa trabaho. Napakasuwerte ko nga dahil nasa iisang departamento lang kami.”
Pinandilatan niya ang babae dahil sa papuri nito sa kanya. Ngayon, siya na naman ang topic nila.
“Tama ka, maraming beses nang niligtas ni Via ang Luna Star dahil sa kan’yang magagandang ideya,” puri ni Sean, kita niya ang pagningning ng asul na mata ng lalaki. Pinigilan niya ang kan’yang paghinga. Nararamdaman niya ang paru-parong nagliliparan sa kan’yang tiyan hanggang sa naramdaman niyang uminit ang kan’yang pisngi.
Maraming beses na umiba ang paksa nila, hanggang sa mabilis na tumibok ang kan’yang puso dahil naramdaman niyang bumaba ang kamay ni Sean at pinagsiklop ang kanilang kamay sa ilalim ng mesa.
Patuloy na nakipag-usap si Sean kay Kezia na para bang walang nangyari. Naramdaman niyang hinihimas ng hinlalaki nito ang kan’yang makinis na balat.
Napayuko siya ng ulo at ngumiti nang maramdaman niya ang init galing sa haplos ni Sean papunta sa kan’yang dibdib.
Nilibot niya ang kan’yang mga mata sa paligid, nangangambang baka may makakita sa kanila . Mabuti na lang at busy ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa.
……
“Kaya niyo pa bang umuwi nang mag-isa? Puwede ko kayong ipahatid sa mga bahay niyo,” alok ni Sean sa kanila.
Nagkatinginan naman sina Altha, Cece, Reina at iba pa. Ang mga mata nila ay puno ng paghanga kay Sean. Sobrang gwapo na nga nito’t mabait pa dahil handa itong alukan sila ng masasakyan.
Gayunpaman, alam nila ang kanilang limitasyon kaya magalang silang tumanggi sa lalaki.
“Salamat sa alok mo, Sir, pero kaya na po naming umuwi mag-isa,” sagot ni Reina na kanina pa namumula ang pisngi dahil nakausap niya ang kanilang CEO.
Hindi naman nagpatalo si Cece, gusto rin nitong malipat ang atensyon ni Sean. “Ako at si Altha ay sasakay na lamang po ng taxi. Hindi na po kailangang mag-alok pa ng masasakyan sa amin.”
Tumango si Kezia at Altha sa sinabi ni Cece. Si Freya ay nahihiyang tumanggi rin. “Susunduin din po ako ng kapatid ko, maraming salamat na lang po sa alok niyo, Sir.”
Ang ngiti ni Sean ay napabihag sa mga babae kaya napaikot siya ng mata. Para bang nakakita ang mga katrabaho niya ng isang napakasikat na artista at maghihingi ng autograph sa lalaki, ang ilan ay pilit pa ring lumalapit kahit na sobrang lawak ng kalsada sa harap ng bar.
Matapos masiguradong ligtas na nakauwi ang lahat, siya ay nilingon ni Sean. Kanina pa siya sobrang tahimik.
“Ngayon, kukunin naman kita,” diretsong sambit ni Sean, dahilan para kumunot ang kan’yang noo. Napalingon siya sa paligid doon mismo sa kan’yang katrabaho subalit wala namang pumapansin sa kanila.
Sa isip ni Sean ay natural lamang na ihatid niya ang babae dahil malayo ang bahay nito rito. Napahinga siya nang maluwag at napatango.
Isa-isang nagsi-alisan ang mga tao patungo sa kani-kanilang destinasyon. Hindi man lang nag-usap sila sa loob ng kotse. Sapat nang nakasiklop ang kanilang mga kamay.
Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan na sinasabayan ng malambing na himig ng musika. Sa sandaling huminto ang kotse sa parking lot, lumabas ang lakaki at pinagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nitong bumaba dahil nakasuot siya ng mataas na takong.
“Gusto mo bang pumasok?” umaasang tanong niya.
“Sasamahan kita ngayon gabi,” sagot ng lalaki at inalalayan siya papuntang elevator.
Sa mood ngayon ni Sean, alam niyang aangkinin siya nito ngayong gabi. Para bang sasabog ang kan’yang puso dahil sa kasiyahan kahit na nakarinig siya ng tsismis tungkol sa lalaki. Maging ang pakikitungo nito sa kanya ay pareho pa rin ng dati para bang walang nagbago. Pero, kailangan niya pa rin ng eksplinasyon mula kay Sean.
Sinisigaw ng kan’yang puso na maghintay, bumubulong sa kanya na si Sean pa rin, si Sean na palaging nakakasama niya gabi-gabi.
“Paano ka napunta sa bar?” Nagulat kasi siya nang makita itong nasa bar kanina.
“Sabi mo kasi gusto mong pumunta ng bar kaya dinala ko ang aking mga kasosyo sa negosyo roon pagkatapos ng meeting,” sagot ni Sean. Alam niyang ayaw na ayaw ng lalaki na pumupunta siyang bar na hindi ito kasama kaya biglang namula ang kan’yang pisngi.
“Puwede naman tayong pumunta roon nang tayo lang,” walang kamalay-malay niyang saad sa lalaki hanggang sa napaawang ang kan’yang labi dahil na-realize niya ang kan’yang sinabi. Mabilis na napamura siya sa kan’yang isip dahil bawal pa silang lumabas na magkasama.
Natigilan si Sean, bumulong ito pero hindi niya maintindihan.
“May gusto ka bang kainin?” pag-iiba ng topic ng lalaki.
“Kumain na ako bago pa man pumunta sa bar, kung gusto mong kumain, magluluto ako.”
“Hindi, hindi na, kumain na rin kasi ako kanina sa meeting.”
Pumasok silang dalawa sa apartment, pagkasara ng pinto ay agad na inatake siya ni Sean ng halik na kaniya namang tinugunan. Ikinulong siya nito sa dingding habang ang mga malalaking kamay nito ay gumagala sa kan’yang katawan.
“Kanina pa ako nagtitimpi, sobrang ganda mo ngayong gabi,” bulong ni Sean sa gitna ng kanilang halikan. Umungol ang lalaki at mabilis siyang binuhat papunta sa kan’yang kwarto.
Isang oras pa lang ay nasa kwarto na si Via at nakahiga sa kama nang biglang narinig niya ang tunog ng bell, napabuntong-hininga siya at nagmamadaling buksan ang pinto pero nakita niya si Sean na nakatayo sa harapan niya kasama si Carolus na nasa bisig nito. “Mommy!” tawag ng batang paslit na may malaking asul na bilog na mga mata. Nang makita iyon, nadurog ang puso ni Via dahil sa ilang sandali ay muntik na niyang makalimutan ang kinaroroonan ng anak na naiwan sa bahay kasama ang yaya. Agad na nabaling ang mga mata ni Via sa lalaking nakahawak sa kanilang anak na may inosenteng tingin. “Sabi niya ... na-miss niya ang kan’yang ina,” sabi ni Sean habang bahagyang ibinaling ang katawan sa gilid na dahilan upang bumagsak ang ulo ni Carolus sa dibdib ng kan’yang ama, at ang mga mata ng bata ay tila mabigat na pumikit.Nagkibot-kibot ang mga talukap ni Via nang makita sa harap niya ang mag-ama. Tumikhim si Sean dahil mukhang natulala si Via at nahihirapang magsalita. “Sa tingin ko
Hinigpitan ni Via ang kaniyang scarf sa leeg dahil sa malamig na hanging nakakapanghina ng buto. Binilisan niya ang kan’yang mga hakbang habang binabagtas ang bahagyang mahangin na mga lansangan sa Manila. Siguro, uulan ngayong gabi, kaya binilisan ni Via ang lakad niya. Kadadating pa lang niya sa tapat ng gusali ng Luna Star nang biglang may bumagal na sasakyan sa gilid ng kalsada kaya napilitan siyang huminto. Napairap siya sa hangin nang makita kung sino ang nasa manibela. “Pumasok ka na sa kotse o papaluin ko ‘yang bilugang puwet mo kapag nakauwi tayo sa bahay,” sabi ng lalaki na nakasandal sa bintana at tinitigan si Via.Sa halip na sundin ang mga sinabi ni Sean ay nagpatuloy si Via sa paglalakad at hindi napigilan ng lalaki na iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Walang pakialam si Sean kung makakuha man siya ng ticket sa pulis dahil para sa kan’ya, ang pag-uwi sa sutil na babae sa harapa niya ang mas mahalaga. At sa sobrang pagmamadali ay agad siyang bumaba ng sasakyan
Nilagyan ni Via ng maligamgam na tubig ang bathtub at nilagay ang bomb bath doon nang biglang narinig niya ang tunog ng pagsara ng pinto ng banyo. Lumingon saglit si Via at napanganga, tiningnan niya si Sean na parang nagtatanong kung bakit ito naroon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Via sabay tingin sa pinto. “Maliligo, of course,” sagot ni Sean na nagsimulang maghubad.Paano niya nagawang maligo at hinayaan lang si Caro na mag-isa sa labas? Hinugot ni Via ang isang tuwalya mula sa istante at isinuot ito saka nilagpasan ang kan’yang asawa ngunit ang mga braso ni Sean ay pumulupot sa kan’yang baywang kaya agad na napatigil si Via. “Binigyan ko siya ng laruan. Kaya huwag kang mag-alala, Baby,” mahinang sabi ni Sean na para bang nag-uusap sila tungkol sa isang kuting sa labas na naiwan mag-isa sa halip na sa isang sampung buwang gulang na sanggol.“Gosh! Paano kung umiyak siya, Sean? Walang nag-aalaga sa kan’ya ngayon,” protesta ni Via habang sinusubukang kumawala.Sa kasamaang
“Isekreto natin... sa lahat?” pabulong na tanong ni Via, sa harap mismo ng labi ni Sean. Dahil sa liwanag na naaninag mula sa mga gusali sa paligid kaya kumikinang ang kanilang mga basang labi.“Oo,” sambit ng lalaki na sinundan ng ungol nang dumaan ang tungki ng ilong niya sa likod mismo ng leeg ng dalaga dahilan para manginig ang katawan nito. Muling pumikit si Via nang mag-iwan ng bakas ng halik si Sean sa kan’yang sensitibong balat sa leeg. “Sean,” tawag ni Via na hindi maintindihan kung ano ang gusto ng katawan. “Yes, Baby,” sagot ni Sean habang hinihila ang bewang ni Via para magkadikit ang ibabang bahagi ng katawan nila. Napatalon si Via sa gulat nang maramdaman niyang may dumidikit sa kan’yang pagkababae na ikinatawa ni Sean ng mahina at sinadyang halikan ang labi ng babae. Noong una ay kinakantilan at tinutukso lang ni Sean ang pang-ibabang labi ni Via at kinagat-kagat ng marahan, pagkatapos ay ipinasok niya ang dila niya sa labi ng dalaga kaya medyo bumuka ang bibig ni
Napatingin si Sean sa kan’yang wrist watch. Makalipas ang labin-limang minutong paghihintay, bumaba siya ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa hagdanan patungo sa apartment ni Via. Sinadya niyang bagalan ang mga hakbang para mas may oras si Via sa paghahanda. Agad siyang pumasok sa corridor nang biglang huminto ang kan’yang mga hakbang at nadatnan ang isang babaeng nakasilip mula sa apartment sa tabi ng kwarto ni Via. “Ikaw ba ang manliligaw ni Viania?” bulong ng babaeng ipinakita ang kalahating mukha nito at kanang mata lang ang ipinakita habang ang kabilang parte ng katawan ay nakaharang sa pinto. Nilagay ni Sean ang hintuturo sa labi niya na para bang sinasabi niyang manahimik at agad namang tinakpan ng babae ang kaniyang bibig gamit ang isang kamay habang tumatango, saka dahan-dahang isinara muli ang pinto ng apartment. Matapos matiyak na walang nang isturbo, kumatok si Sean sa marupok na pinto ni Via. Mula sa kan’yang nakatayong posisyon, masasabi ni Sean na kadalasan ay
Tumitibok pa rin ang puso ni Via nang makabalik siya sa kan’yang silid. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang takot. Kahit ang isang tanong ay pumasok sa kan’yang isipan; paano kung pumasok si Devan sa opisina niya? Agad na ni-lock ni Via ang pinto dahil ayaw niyang may biglang pumasok sa kaniyang opisina. Sana lang ay hindi magtanong ang kan’yang amo na si Hadley. Pagbalik sa upuan, sinubukan ni Via na mag-focus sa pagkumpleto ng mga dokumento sa computer ngunit hindi pa rin siya mapakali. Agad niyang hinanap ang AC remote para mapababa ang temperatura ng kwarto. Isang tunog ng mensahe sa kan’yang telepono ang agad na nagpagising kay Via. Umaasa siyang si Sean iyon. Sean: [Okay ka lang?] Nabato si Via ng ilang minuto nang mabasa niya ang mensahe. Nag-type siya ng ilang salita, pagkatapos ay binura muli, hindi niya sigurado kung ano ang sasabihin.Huminto ang daliri niya nang nabasa ang kaniyang tinipa ‘hindi okay’ at agad niyang ipinatong ang ulo sa mesa habang nasa tabi niya ang