Share

Chapter 28 - The meet up

Parang bata na maliit si Ashton na nakatitig sa kanyang ina. Kasalukuyan siyang nasa opisina nito. Nasa kanyang harapan ang mga pictures niya kasama si Amber. Hindi n'ya talaga maintindihan kung bakit ganoon nalang ang pagtutol nito sa pakikipaglapit niya sa ina ng kanyang anak.

“Ma! Please, pwede bang sabihin mo sa akin kung bakit against ka sa relasyon ko sa ina ng apo n'yo? Hindi ba't maging masaya ka sana para sa akin dahil mabibigyan ko ng buong pamilya si Ave? Pero sa ginagawa ninyo parang hindi ko na kayo kilala, e! Hindi mo ako pinalaki na maging mata-pobre.” mahaba niyang litanya. Naguguluhan na siya sa mga galaw at plano nito.

Huminga ng malalim si Anastasia habang nakatitig sa anak.

“Anak, para sa ikabubuti mo ang ginagawa ko dahil ayaw kitang masaktan pagdating ng araw.” seryoso niyang tugon sa anak.

Biglang tumayo si Ashton.

“Seryoso po kayo, Ma?” bahagyang tumaas ang kanyang boses. “Hindi ko nga maintindihan kung bakit n'yo ginagawa ito eh! Instead na tulungan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status