ログインHindi rin naman nanalo si Lenlen na patulugin sa duyan si Juancho. Siya pa itong napaalis sa maliit niyang kwarto at doon pinapatulog si Juancho ng Lola niya."Pasensya ka na, Hijo. Maliit lang 'yan. Wala rin kaming makapal na kutson," paliwanag ng matanda matapos ayusin ang kwarto.Sinulyapan iyon ni Juancho. Papag lang na may banig ang nandoon. Pagpasok ay papag na agad pero pwede na iyon at hindi siya magrereklamo basta malapit siya kay Lenlen."Okay na po 'yan, La. Magbabayad na lang po ako ng renta ko kada gabi na matutulog ako rito," offer niya pa ngunit napatitig sa kanya ang matanda."Ay bakit? Magtatagal ka ba dito, Hijo? Akala ko ba isang gabi lang?"Mabilis na sinulyapan ni Juancho si Lenlen na sambakol ang mukha."Mukhang opo, magtatagal. Ayoko pong bumalik sa siyudad na hindi kasama ang apo ninyo," seryosong sagot niya para naman malaman ng matanda na seryoso na siya kay Lenlen.Nanliit naman ang mga mata ni Lenlen kay Juancho.Ano bang plano nito? Hindi ganito ang inaasa
Nagpa-ikot ikot yata sila sa dalampasigan. Pinagtitinginan na rin si Juancho lalo at mukha itong dayo. Halata na mukha itong Afam."Tumigil na kayong dalawa! Hinihingal na ako!" sigaw muli ng Lola niya.Agad silang tumigil ni Juancho. Binitiwan niya agad ang kamay nito at dumistansya rito."Lenlen—"Tinawag siya nito ngunit hindi siya lumingon. Imbis ay mabilis siyang lumapit sa Lola niyang nakahawak na sa mga tuhod nito."Ikaw na bata ka. Anong trabahong ginawa mo sa lungsod ah? Nagp*kpok ka ba?" galit pa rin ito."Grabe namam sa p*kp*k, Lola. Joke lang naman iyong sinabi ko kanina. Janitress ang trabaho ko kay Sir Juancho, La. Nakakahiya tuloy sa kanya, hinabol niyo pa ng itak iyong tao. Hindi naman kami nags*x doon," labas sa ilong na sagot niya.Alangan namang sabihin niyang naisuko na niya ang perlas ng silangan sa isang dayuhan. Baka ipakain na sila sa pating ng lola niya.Naningkit ang mga tingin ng Lola niya, "Totoo ba iyang sinasabi mo, Lenlen? Kilala kitang bata ka. Laging n
"Juancho," mahinang sambit ni Lenlen matapos makita ang lalaki sa likod ni Nene.Seryoso ang mukha nito at malalim ang eyebags na para bang kulang ito sa tulog.Magulo pa ang buhok at kahit simpleng t-shirt at jeans lang ang suot, nagsusumigaw pa rin ang kagwapuhan nito.Tanging itim na travel bag ang bitbit nito na nakasukbit sa balikat nito.Nahiya siya bigla noong tumingin ito sa kanya. L*ngya! Naka-daster pa siyang luma at wala sa ayos ang buhok niya!Pero teka nga, anong ginagawa nito rito? Hindi ba at galit ito sabi ni Lorenzo?Hindi niya naisip na susundan siya nito. Wala naman din kasing dahilan kung galit ito sa kanya.Ipapakulong na ba siya? May kasama ba itong pulis?Bigla siyang kinabahan at nanghaba ang leeg kakalingon sa likod nito. Baka mamaya, may dalang warrant of arrest para sa kanya!"Sino ba 'yan, Lenlen? Lumalamig na ang pagkain—anong.... porenjer 'yan?" takang tanong ng Lola niya.Ngumiti si Nene, "Opo, Lola! Hinahanap si Ate Lenlen. Baka boyfriend ni Ate, Lola.
Aburido at walang ngiti si Juancho pagkarating sa kumpanya.Qouta na siya ngayong araw sa dami ng ganap sa buhay niya.Wala siyang ngiti sa labi pagpasok sa conference room. Naroon ang lahat ng shareholders niya at investors.Lahat tumingin sa kanya. Salubong naman ang kilay na nagpunta siya sa harapan, humahangos pang lumapit sa kanya si Felix.Nagbulungan ang mga ito at ang iba ay tumindig."Kung sino man ang gustong i-pull out ang investment niya at ibenta ang shares, tell me now. I don't have all the time in the world. If you don't want to stay in my company, then go," malamig niyang bigkas na nagpatahimik sa mga ito.Hindi niya hahabulin ang mga ito. For Christ sake's, kayang-kaya niyang makahanap muli ng bagong investors.Tumikhim ang isang matanda, "Mr. Moreau, hindi maganda sa image ng kumpanya ang scandal video mo—""Says who? Sabi mo? Fine. You want to pull out your investment? Go, I don't need you," naiinis niyang bigkas.Sa init ng ulo niya ngayon, pati ang mga ito ay dama
Mabilis namang pinarada ni Juancho ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Lorenzo.Nagmamadali siyang lumabas at sa gate pa lang, kita na siya ng naka-abang na katulong na para bang hinihintay talaga ang pagdating niya.Lumabas din agad ng bahay si Lorenzo kaya dumiretso si Juancho sa kaibigan."Where's Lenlen? Sinusundo ko na siya."Hinawi niya pa si Lorenzo para makapasok sa bahay nito ngunit hinila ni Lorenzo ang longsleeve niya upang pigilan siya."She's gone, Juancho. Umalis na si Lenlen," parang bombang balita ni Lorenzo sa kanya.Natigilan si Juancho at nangunot noo, "What? Kasasabi mo pa lang na nandito siya—" "Yeah pero gaya ng sabi ko, may sariling isip si Lenlen at mas pinili niyang umuwi sa probinsya nila."Tumiim bagang si Juancho. Parang ayaw niyang maniwala sa kaibigan."Let me check first. Baka... tinatago niyo lang," madiing bigkas niya.Umusog naman si Lorenzo para padaanin si Juancho. "Check it for yourself."Agad na pumasok sa bahay si Juancho. Sinuyod ng tingin ang p
Hindi na siya nag-abalang kuhanin pa ang coat niya. Ni-dial niya agad ang numero ni Lenlen.Damn! Sana ay hindi pa ito pinaalis ni Lorenzo at Sienna.Nagulat si Lenlen na tumatawag si Juancho sa kanya. Maging si Miss Sienna tuloy ay napatingin sa cellphone niya.Bakit naman siya tatawagan ng binata? Baka... sinisisi rin siya nito sa nangyari.Ayaw niya tuloy sagutin iyon dahil sa naisip."Makipag-ayos ka na sa kanya," udyok ni Miss Sienna sa kanya, "Humingi ka ng sorry."Nanlumo siya, "Baka... galit pa siya at ipakulong lang ako, Miss Sienna. Ayoko pang humarap sa kanya."Nagyuko na siya at binitiwan ang cellphone sa sofa.Baka mamaya, may kasamang pulis si Juancho para hulihin siya."Gusto ka ni Juancho, sigurado ako, susuyuhin ka niya pero hindi ibig sabihin no'n na hindi ka hihingi ng tawad sa kanya," sermon nito sa kanya.Magsasalita na sana siya kun'di lang lumabas si Lorenzo at lumapit sa kanila."I know Juancho. He was f*cking mad, Lenlen. Hinahanap ka nga niya at.... baka....







