Aviona’s POV
“Kain lang nang kain, iha.”Natapos nang gamutin at balutin ng benda ni Manang Eba ang aking sugat. Kaagad niya akong pinakain nang matapos. Nagpresinta akong kumain nang mag-isa ngunit nagpumilit siyang subuan ako. Ang katwiran niya ay hindi raw ako makakakain nang maayos dahil sa aking sugat.“Lagi kitang hinihintay na bumaba upang mabantayan ka naming kumain. Ang kaso naman ay madalang ka lamang na lumabas sa kwarto mong ito.” Muli siyang sumalok ng pagkain gamit ang kutsara saka isinubo sa akin.Nilunok ko muna ang pagkain sa aking bibig bago nagsalita. “Pasensya na po kayo. Hindi po kasi ako sanay na humarap sa mga tao,” pag-amin ko.“Naiintindihan ko naman. Ang sa akin lang, kung may problema ka, magsabi ka sa amin. At kung wala man kaming maibigay na adbays, kahit papaano naman ay may napagsabihan ka. May nakinig sa iyo. Tulad nga ng napanood ko sa tibi, malaking gaan sa pakiramdam ang paglalabas at pagsasabi ng saloobin.” Hinaplos-haplos niya ang aking likuran.Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Susubukan ko po.”Napangiti siya. “Alam mo ba? Nagulat ako nang araw na dalhin ka rito ni Ser Stabros. Unang beses niya lamang kasing mag-uwi ng babae n’on. Ang akala ko nga ay pinsan o pamangkin ka niya na makikitira lang saglit dito. Kaya naman sobrang gulat ko nang malaman kong asawa ka pala niya.”Kiming mga ngiti at pagtango lamang ang binigay ko sa kaniya.“Mabait naman iyang si Ser Stabros. Minsan nga lang ay may kasungitan siyang taglay. Siguro ay dahil sa kawalan niya ng nobya noon. Akala ko nga ay balak niyang tumandang binata. Ay susko! Sayang naman ang lahi.” Napasapo pa siya sa kaniyang noo. “Kaya naman laking tuwa ko nang malaman kong ikinasal na siya. Kahit na nakakagulat ang balitang iyon,” dugtong niya.Nakakatuwa. Ganito pala ang pakiramdam kapag may kausap ka. Iyong kausap na hindi ka lang kakausapin dahil may kailangan siya sayo. Iyong handang pakinggan ang hinaing mo sa buhay. Iyong nag-aalala kapag may nangyayari sa iyong hindi maganda.Buong buhay ko kasi ay walang nagtangkang makinig sa akin. Sa tuwing nagsusumbong ako, sa tuwing nagsusumamo ako, nagiging bingi silang lahat.Iyong mga taong akala ko ay pwede kong lapitan noong panahong unti-unting sinisira ang aking pagkatao, wala. Hindi pala sila maaasahan. Dahil dinaig pa nila ang mga bulag at bingi.Tandang-tanda ko pa rin kung paano nila ako tinanggihang tulungan.“Ano bang pinagsasabi mo, iha? Alam mo bang kasalanan ang mambintang sa iyong kapwa? At talagang si Tata Pedro pa ang pinagbibintangan mo! Dios mio kang bata ka!” Hawak-hawak ni Sister Janet ang kaniyang dibdib na animo’y gulat na gulat sa aking isiniwalat sa kaniya.Si Sister Janet ang isa sa mga pinakamalapit sa akin na tagapamahala sa bahay-ampunan na ito. Kaya naman ay siya ang naisipan kong pagsumbongan dahil hindi ko na kaya ang ginagawa ni Tata Pedro sa akin.Labing-anim na taong gulang na ako. Kaya akala ko ay maniniwala siya sa akin. Ngunit mukhang nagkamali ako.“Pero, sister. Nagsasabi po ako ng totoo! Ginahasa po talaga ako ni Tata Pedro! Ginagahasa niya po ako hanggang ngayon!”Para niyo na pong awa! Pakinggan niyo naman po ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung sino ang maaari kong lapitan.Hinila ako ni Sister Janet papalapit sa kaniya. Nanatili ang kaniyang mga kamay na nakapatong sa magkabilang balikat ko. “Makinig ka sa sasabihin ni Sister Janet, iha ha?”Umiling ako at suminghot. Wala ring tigil ang pagpatak ng aking mga luha.Hindi siya naniniwala. Bakit? Bakit?! Hindi ba niya ako mahal? Hindi ba ako mahalaga sa kaniya? Hindi ba siya nag-aalala sa akin? Hindi ako kailanman nagsinungaling sa kaniya. Bakit ngayon ay ayaw niyang maniwala sa akin?“Walang ginawa si Tata Pedro sayo. Sobrang bait ni Tata Pedro. Lalo na sayo. Hindi ko alam kung bakit mo nasasabi iyan sa kabila ng kabutihang ginagawa niya sayo. Ikaw pa nga ang paborito niya eh. Gusto mo bang mapaalis sa bahay-ampunan na ‘to? Gusto mo bang tumira sa lansangan? Sa lansangan wala kang maayos na higaan at wala ring pagkain doon. Hindi ka rin makakapag-aral kapag nasa lansangan ka na. Gusto mo ba n’on?”Muling tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Akala ko ay manhid na ako. Pero nasasaktan at nasasaktan pa rin ako sa tuwing nagbabalik-tanaw ako sa aking nakaraan.Kaagad na pinunasan ni Manang Eba ang aking mga luha gamit ang kaniyang hinlalaki. “Gusto mo ba munang magpahinga?” Mababanaag sa kaniyang mga mata ang pag-aalala.Tumango ako bilang sagot.“O sya, sige. Basta ipapangako mo sa akin na hindi mo na uulitin ang ginawa mo sa kamay mo. Dahil baka atakihin na ako sa susunod na mangyari pa ulit ‘yon, anak.”Muli akong ngumiti.Ang bait niya talaga. Kung sana kasing bait niya ang lahat ng tao sa mundo na nakasalamuha ko, siguro naging masaya at nagkaroon ng direksyon ang buhay ko.Lumipas ang saglit at nakalabas na si Manang Eba sa aking silid dala ang medicine kit at pinagkainan ko.Habang ako naman ay naiwan dito. Nakahiga sa malambot na kama. Nakatitig sa kisame. At punong-puno ng mga isipin ang utak.Bigla kong naalala si Stavros. Naalala ko rin ang kaniyang mukha habang humihingi ng tawad kanina.Pumasok na kaya siya sa trabaho? Nagalit kaya siya dahil sa ginawa kong pagsagot sa kaniya kanina at sa hindi ko pagtanggap sa kaniyang paumanhin?Ang sabi ni Manang Eba kanina ay mabait daw si Stavros. Ngunit hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya. Dahil simula nang nagkakilala kami ay hindi na natanggal ang takot ko sa kaniya.Dahil sa mga nangyari sa buhay ko ay nawalan ako ng tiwala sa mga tao. Lalo na sa mga lalaki. Hirap na hirap akong magtiwala sa mga taong nakakasalamuha ko. Pakiramdam ko, sa isang saglit lamang ay may gagawin na sila sa akin na hindi maganda. Parang sasaktan nila ako lagi. Natatakot din akong buksan ang sarili ko sa kanila dahil baka sa huli ay hindi sila maniwala at akalain pang isa akong baliw. Kaya mas pinipili kong magkulong na lamang at magtago mula sa mga taong maaaring makasakit sa akin.At isa na roon si Stavros. Kailangan kong iwasan si Stavros hangga’t maaari. Dahil mapanganib siya. Dahil isa siyang lalaki."Is Aviona awake already?" naalala kong itanong kay Manang Eba."Ang alam ko ay oo. Sabi nila Magda ay nasa hardin siyang muli," sagot ni Manang Eba na abala sa pagpupunas ng lababo."Did she already eat?""Hindi pa, Ser Stabros. Hindi pa siya pumupunta sa hapagkainan. Baka dumiretso na naman iyon sa hardin para magdilig ng halaman o gumuhit," sagot niya."Oh." Napatango ako sa kaniyang sagot. "Do we still have fresh milk?"Humarap sa akin si Manang Eba at ngumisi. "Oo. Nariyan sa fridge."Kaagad kong inubos ang aking kape at saka nagtungo para kumuha ng tray.Mabuti na lamang at may naluto nang agahan si Manang Eba. Kaya ay naglagay na lamang ako sa plato ng pagkain at naglagay ng gatas sa baso."Para kay Aviona ba 'yan, Ser Stabros?" singit ni Manang Eba nang matapos ako sa paglalagay ng gatas.Napakamot ako sa aking kilay at tipid na napangiti. "Yeah."Narinig ko ang impit na sigaw ni Manang Eba. "Iba ka na talaga, ser!" kantyaw niya.Natatawa akong napailing sa kaniya.Kung dati a
"Magandang umaga, Ser Stabros!" bati ni Manang Eba nang makita niya akong papasok sa kusina. "Magandang umaga rin, Manang Eba," bati ko pabalik."Kape?" alok niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. "Yes, please," sagot ko saka umupo sa high chair. Nangalumbaba ako sa bar counter at tamad na pinanood si Manang Eba sa pagtimpla ng aking kape. Napapapikit-pikit pa ako. At muntik nang masubsob sa counter kung hindi lang ako nagulat sa biglaang pagharap ni Manang Eba. Nagtungo siya sa aking harapan at saka inilapag ang tasa ng kape sa bar counter. "Kape niyo po, ser. Mukhang napuyat po kayo ah," pansin niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Medyo lang, Manang Eba," pagsisinungaling ko. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakabalik sa aking silid. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagtapos ang aming usapan ni Aviona. Narinig kong tumikhim si Aviona. Para kasing nabuhol ang dila ko nang matapos niyang sabihin ang napakahalagang katagang iyon sa akin. "A-ahm... M-matutulog na ako, S-Sta
"Bago tuluyang malagutan ng hininga si papa, nagawa niya pa ring humingi ng tawad sa akin sa huling pagkakaon." Napalunok ako. "And that's when I realized the consequences of not listening to someone's explanation. Madaming oras ang nasayang dahil sa pagpapadala ko sa aking galit." Natahimik ako saglit. At humugot muna ng panibagong lakas para magsalita. Nanghihina na kasi ako sa sobrang bigat ng emosyon na nailabas ko sa pagkukwento. "But you know what? Minsan, napapatanong pa rin talaga ako sa Diyos. Kung bakit palagi niyang binabawi sa 'kin ang mga taong minamahal ko. Una, si mama. Tapos noong napatawad ko na si papa, saka Niya siya binawi sa akin." Totoo naman. Dumating ako sa punto ng buhay ko na nalugmok ako dahil parehas ng mga magulang ko ang nawala sa akin. Hindi na ako nakabalik pa sa probinsya ni mama kahit na wala na si papa. Kaya sa mansyon ako nagluksa noon. Umabot ako sa hindi pagkain at buong magdamag na pagkukulong sa kuwarto. Walang lumabas na mga luha. Pero sobr
"P-po?" gulantang kong tanong. Nginitian niya lamang ako sa aking reaksyon. "P-pero, bakit po ako? Nariyan naman po ang asawa niyo." Bakit niya ipagkakatiwala sa akin ang isang napakaimportante at napakalaking trabaho? Nahihibang na ba siya? O baka naman dala ng kaniyang unti-unting panghihina? Nanghihina siyang napahalakhak. "Bakit hindi ikaw? Ikaw lamang ang nag-iisa kong anak. Kaya ikaw dapat ang susunod na mamahala n'on," sagot niya. "P-pero po--" "Gusto ko munang magpahinga, Stavros. Huwag na huwag mong sasabihin kay Milagros ang tungkol sa bagay na ito," huling bilin niya bago niya ako palabasin ng kwarto. Matapos ang usapan na iyon, ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Baka kasi ay naapektuhan lang siya ng mga iniinom niyang gamot. Hanggang sa isang gabi, balak ko sanang bumaba para uminom ng tubig nang marinig ko ang malakas na boses ng asawa ni Don Steban mula sa kanilang kwarto. Napatigil ako sa akmang pagbaba at pinakinggan ang kanilang usapan. Masama man
"That night, I wasn't able to sleep well because of the thoughts that were running inside my head. Pansamantala kong nakalimutan ang pagkadismaya ko sa eskwelahan. And was just thinking about my dad." Napabuntong-hininga ako. "I didn't know that I was able to feel that way for him after all the grudges that I was holding. Milagros told me that if I've made up my mind and chose to stay with them, then I'd just contact her for her to send someone to fetch me. "And after one night of thinking and weighing everything, I've decided to accept the offer. But I told her that I needed to finish my graduation ceremony first before leaving our bario. Milagros really did send someone to fetch me. I was able to bid goodbye to Koi and his family before leaving," patuloy ko. "Naging malungkot sila sa aking pag-alis. Ngunit ipinangako ko naman na babalik din ako sa aming probinsiya kapag natapos na ang lahat. Pero hindi ko alam na hindi na pala ako muling makakabalik pa sa bayang sinilangan ko." Nak
"May dapat tayong pag-usapan," tipid niyang sagot. Nanatili pa akong nakatanga. "Pasok po muna kayo," aya ko nang ako ay matauhan. Binuksan ko ang pinto at saka siya iginiyang pumasok. Tahimik siyang sumunod at inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aming bahay. "Pagpasensyahan niyo na po ang maliit naming bahay," ani ko. Akala ko ay mandidiri siya, ngunit kataka-takang nanahimik lamang siya at tiningnan ako nang diretso. "Upo po muna kayo. Gusto niyo po ba ng kape o tubig?" tanong ko. "Hindi na kailangan," sagot niya. Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at pinagsalikop ang kaniyang mga palad sa ipinatong sa kaniyang tuhod. "Ang pangalan mo ay Stavros, tama ba ako?" Tumango ako. Halatang-halata sa kaniyang mukha na nagtitiis lamang siya na ako ay kausapin. Hindi na naman ako nagtataka. Bakit nga ba naman siya hindi magkakaganoon kung ang kaharap niya ay ang bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa? "Ano po bang sadya niyo sa pagpunta rito?" diretsang tanong ko