Share

Kabanata 11

last update Last Updated: 2022-03-22 07:20:11

Stavros’ POV

“Mr. Bienvenelo, ready na po ang lahat. Kayo na lamang po ang hinihintay sa board room,” ani Dominic pagkapasok sa aking opisina.

Sa narinig ay tumalima na ako at tumayo. Isinuot ko ang aking coat at saka hinigpitan ang aking necktie.

Si Dominic naman ay nakatayo lamang sa harapan ng aking mesa, hinihintay akong makapag-ayos.

Nang makuntento ako ay lumakad na ako palabas ng aking opisina.

Nanatiling nakabuntot si Dominic sa akin.

“Do I have any appointment after this?” This was a hell week. Kung hindi ako uma-attend ng mga meetings ay natatambakan naman ako ng mga papel na nangangailangan ng final review at pirma ko. Minsan ay kumikirot na ang ulo ko sa dami nang kailangang gawin. May ipinapatayo na kasing bagong hotel sa katabing syudad. Kaya ganoon na lamang kaabala ang lahat ng empleyado ko sa main branch ng Crown Legacy Hotels.

“Wala na po para ngayong hapon. Pero may engagement party po kayong dapat daluhan mamayang alas otso ng gabi,” sagot niya pagkatapos tumingin sa kaniyang planner.

“Is that the engagement between Gonzales and Arturo?”

“Yes, Mr. Bienvenelo.”

“Okay.”

Nakarating na kami sa pintuan ng board room. Bago ko tuluyang pihitin ang seradora ay muli kong tinawag si Dominic. “Is there something odd that you notice about her today?” patungkol ko kay Aviona.

It had been a week since Aviona’s incident happened. The doctor that tend her wounds that day told me that I should look for her more often because she was suicidal. Kaya magmula noon ay pinakabitan ko ng CCTVs ang buong palibot ng bahay. So far, hindi na nasundan pa ang ganoong pangyayari. Although hindi kami nagkakasalamuha ay nalalaman ko naman na naging palalabas na rin siya ng kaniyang silid kaysa dati.

And Dominic was the one to monitor her whenever I am busy with my work.

Aviona became close to all the maids in the house, especially to Manang Eba. Hindi pa man siya gaanong palasalita, kahit papaano naman ay nag-improve ang kaniyang communication skills dahil kay Manang Eba.

I was not also sure kung napatawad niya na baa ko dahil ako na mismo ang umiiwas na magkaroon kami ng interaksyon. Ayokong takutin pa siya dahil sa aking presensya.

“Wala naman po, Mr. Bienvenelo. Katulad pa rin ng dati na lalabas tuwing kakain na at magpapahangin sa hardin o di kaya’y makikipagkwentuhan kina Manang Eba. Tapos ay matutulog pagdating ng ala una ng hapon.”

Tumango ako sa kaniyang sinabi. “Good.”

The meeting started immediately the moment that I sat on my seat.

Umikot ang meeting sa kung ano-anong mga pagbabago sa ipinapatayong hotel, kung magkanong budget ang nakalaan sa project, kung anong target date, at kung sino-sino ang mga bagong sponsors ng project. Sa kabutihang-palad, kaunti na lang ang bubunuin para sa target budget para rito.

Nasa kalagitnaan na kami ng presentasyon ng Finance Department nang biglang lumapit si Dominic sa akin.

“Mr. Bienvenelo,” tarantang bulong niya.

Kinunutan ko siya ng noo. Saglit pa akong tumingin sa nagpepresinta bago ko siya binalingan. “Why?”

“Si Mrs. Bienvenelo po.”

Bigla akong kinabahan sa tono ng kaniyang pagsasalita. “Why? What happened?” Nawala na ang aking atensyon sa nasa harapan.

This was the first time that he came to me because of Aviona. I was sure there’s something that had happened.

Kaagad na ibinigay sa akin ni Dominic ang tablet na nakakonekta sa CCTVs na nakakabit sa bahay. Ni-rewind niya ito sa parte na dapat kong makita.

Noong una ay wala namang kakaibang nangyari. Ngunit makalipas ang isang saglit ay nangyari na ang dahilan ng pagkataranta ni Dominic.

Aviona sat inside the tub full of water then sliced her neck using the toothbrush that she broke.

Napatayo ako sa sobrang gulat. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at pag-aalala para sa aking asawa.

Nagsitinginan ang lahat ng tao sa loob ng silid sa akin.

Itinago ko ang aking naging unang reaksyon at ipinormal ang aking itsura saka tumikhim. “Meeting adjourned,” anunsyo ko.

Bumakas ang pagtataka sa kanilang pagmumukha. Ngunit wala na akong panahon na intindihin pa ang kanilang saloobin.

Nauna na akong lumabas kaysa sa kanila. Malalaking hakbang kong tinungo ang palabas ng building. Hindi pa rin nawawala ang negatibong mga emosyon sa aking loob. “Give me my phone.”

Nang maiabot ni Dominic ang cellphone ko ay agad kong hinanap ang numero ni Manang Eba at tinawagan. “Manang, check on Aviona. She did it again. She’s in her bathroom.”

“Ano?!” nabigla niyang sigaw.

“Please hurry, Manang. I’m already on my way. I’ll call an ambulance. Check on her immediately, please. She’s in her bathroom.”

“Yes, ser.” Narinig ko pang nagkakagulo na sila sa kabilang linya bago ko ito naibaba.

“Send an ambulance to my place, Dominic. And cancel all my appointments for today. I need to go,” nagmamadaling bilin ko sa kaniya. Eksakto dahil nakarating na kami sa parking lot noon.

Kaagad kong pinakarurot ang aking kotse pauwi. Napakurot ako sa pagitan ng aking kilay. “What have you done, Aviona? Why did you do that?” I asked the wind. Hindi ko alam kung ano at paano tumatakbo ang isip niya pero alam kong mahirap ang kaniyang pinagdadaanan. If only I could read her mind so I would know how I can help her.

Para bang ang bagal ng oras dahil sa sobrang pag-aalala. Hindi ko na nga naigarahe ang kotse at hinayaan na lamang sa harapan ng gate.

Nang makarating ako sa silid ni Aviona ay naroon lang sila Manang Eba sa labas ng banyo. Kaagad na umakyat ang dugo ko sa nakita.

What the hell were they waiting for?!

“Manang! I told you to rescue her! Bakit nariyan lang kayo sa harapan ng banyo?!”

Tarantang napalingon sila sa akin. Kaagad na lumapit sa akin si Manang Eba. “E-eh kasi ser, wala pong susi ang mga banyo ng bahay. Hindi po namin mabuksan dahil naka-lock sa loob.” Nakasalikop ang kaniyang mga palad na parang nagdadasal.

Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin dahil baka masigawan ko silang lahat muli. Kaagad akong lumapit sa pintuan. Malakas ko iyong kinatok. “Aviona?! Baby?! Answer if you’re awake please!”

Nang wala akong nahita at tinadyakan ko na ang pinto.

Oh, God! Please spare my wife. Please save her.

Ilang beses ko itong pinagtatadyakan pero wala talaga. “Get me a crowbar!”

Kaagad na tumalima ang isang katulong. Habang naghihintay ay wala pa rin akong tigil sa pagtadyak sa pinto. “Aviona, hold on please?!”

“Ito na po, ser.” Ibinigay ni Jessa sa akin ang bareta.

“Lumayo kayo,” utos ko.

Buong pwersa kong sinira ang seradora ng pinto.

Nang magtagumpay ay kaagad kong binuksan ang pinto para lamang makita ang kalunos-lunos na itsura na Aviona.

“Susmaryosep, anak!”

Tinakbo ko ang distansya at iniahon si Aviona sa bathtub na kulay pula na ang tubig. Inalis ko ang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. Lalong namutla ang kaniyang mga labi.

Ang bilis ng tibok ng puso. Ngayon na lang ako ulit nakaramdam ng takot na ganito. Takot na maiwan ng isang taong malapit sa akin kahit na hindo ko pa naman gaanong kakilala si Aviona. “Aviona? Can you hear me?” Sinipat ko ang pulso niya. At halos hindi na iyon pumintig! Inilapit ko ang aking tainga sa kaniyang bibig.

Nabunutan ako ng tinik nang marinig kong humihinga pa naman siya.

“S-ser, nariyan na po ang ambulansya.”

Nilingon ko sina Manang Eba na naiiyak na sa sitwasyon ni Aviona. Muli kong binalingan si Aviona na animo’y natutulog lang sa aking mga bisig. Hinalikan ko ang kaniyang tuktok saka hinaplos ang kaniyang pisngi. “Hold on, baby. The ambulance is already here.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 30 (Huling Parte)

    "Is Aviona awake already?" naalala kong itanong kay Manang Eba."Ang alam ko ay oo. Sabi nila Magda ay nasa hardin siyang muli," sagot ni Manang Eba na abala sa pagpupunas ng lababo."Did she already eat?""Hindi pa, Ser Stabros. Hindi pa siya pumupunta sa hapagkainan. Baka dumiretso na naman iyon sa hardin para magdilig ng halaman o gumuhit," sagot niya."Oh." Napatango ako sa kaniyang sagot. "Do we still have fresh milk?"Humarap sa akin si Manang Eba at ngumisi. "Oo. Nariyan sa fridge."Kaagad kong inubos ang aking kape at saka nagtungo para kumuha ng tray.Mabuti na lamang at may naluto nang agahan si Manang Eba. Kaya ay naglagay na lamang ako sa plato ng pagkain at naglagay ng gatas sa baso."Para kay Aviona ba 'yan, Ser Stabros?" singit ni Manang Eba nang matapos ako sa paglalagay ng gatas.Napakamot ako sa aking kilay at tipid na napangiti. "Yeah."Narinig ko ang impit na sigaw ni Manang Eba. "Iba ka na talaga, ser!" kantyaw niya.Natatawa akong napailing sa kaniya.Kung dati a

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 30 (Ika-unang Parte)

    "Magandang umaga, Ser Stabros!" bati ni Manang Eba nang makita niya akong papasok sa kusina. "Magandang umaga rin, Manang Eba," bati ko pabalik."Kape?" alok niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. "Yes, please," sagot ko saka umupo sa high chair. Nangalumbaba ako sa bar counter at tamad na pinanood si Manang Eba sa pagtimpla ng aking kape. Napapapikit-pikit pa ako. At muntik nang masubsob sa counter kung hindi lang ako nagulat sa biglaang pagharap ni Manang Eba. Nagtungo siya sa aking harapan at saka inilapag ang tasa ng kape sa bar counter. "Kape niyo po, ser. Mukhang napuyat po kayo ah," pansin niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Medyo lang, Manang Eba," pagsisinungaling ko. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakabalik sa aking silid. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagtapos ang aming usapan ni Aviona. Narinig kong tumikhim si Aviona. Para kasing nabuhol ang dila ko nang matapos niyang sabihin ang napakahalagang katagang iyon sa akin. "A-ahm... M-matutulog na ako, S-Sta

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labingpitong Parte)

    "Bago tuluyang malagutan ng hininga si papa, nagawa niya pa ring humingi ng tawad sa akin sa huling pagkakaon." Napalunok ako. "And that's when I realized the consequences of not listening to someone's explanation. Madaming oras ang nasayang dahil sa pagpapadala ko sa aking galit." Natahimik ako saglit. At humugot muna ng panibagong lakas para magsalita. Nanghihina na kasi ako sa sobrang bigat ng emosyon na nailabas ko sa pagkukwento. "But you know what? Minsan, napapatanong pa rin talaga ako sa Diyos. Kung bakit palagi niyang binabawi sa 'kin ang mga taong minamahal ko. Una, si mama. Tapos noong napatawad ko na si papa, saka Niya siya binawi sa akin." Totoo naman. Dumating ako sa punto ng buhay ko na nalugmok ako dahil parehas ng mga magulang ko ang nawala sa akin. Hindi na ako nakabalik pa sa probinsya ni mama kahit na wala na si papa. Kaya sa mansyon ako nagluksa noon. Umabot ako sa hindi pagkain at buong magdamag na pagkukulong sa kuwarto. Walang lumabas na mga luha. Pero sobr

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labing-anim na Parte)

    "P-po?" gulantang kong tanong. Nginitian niya lamang ako sa aking reaksyon. "P-pero, bakit po ako? Nariyan naman po ang asawa niyo." Bakit niya ipagkakatiwala sa akin ang isang napakaimportante at napakalaking trabaho? Nahihibang na ba siya? O baka naman dala ng kaniyang unti-unting panghihina? Nanghihina siyang napahalakhak. "Bakit hindi ikaw? Ikaw lamang ang nag-iisa kong anak. Kaya ikaw dapat ang susunod na mamahala n'on," sagot niya. "P-pero po--" "Gusto ko munang magpahinga, Stavros. Huwag na huwag mong sasabihin kay Milagros ang tungkol sa bagay na ito," huling bilin niya bago niya ako palabasin ng kwarto. Matapos ang usapan na iyon, ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Baka kasi ay naapektuhan lang siya ng mga iniinom niyang gamot. Hanggang sa isang gabi, balak ko sanang bumaba para uminom ng tubig nang marinig ko ang malakas na boses ng asawa ni Don Steban mula sa kanilang kwarto. Napatigil ako sa akmang pagbaba at pinakinggan ang kanilang usapan. Masama man

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labinglimang Parte)

    "That night, I wasn't able to sleep well because of the thoughts that were running inside my head. Pansamantala kong nakalimutan ang pagkadismaya ko sa eskwelahan. And was just thinking about my dad." Napabuntong-hininga ako. "I didn't know that I was able to feel that way for him after all the grudges that I was holding. Milagros told me that if I've made up my mind and chose to stay with them, then I'd just contact her for her to send someone to fetch me. "And after one night of thinking and weighing everything, I've decided to accept the offer. But I told her that I needed to finish my graduation ceremony first before leaving our bario. Milagros really did send someone to fetch me. I was able to bid goodbye to Koi and his family before leaving," patuloy ko. "Naging malungkot sila sa aking pag-alis. Ngunit ipinangako ko naman na babalik din ako sa aming probinsiya kapag natapos na ang lahat. Pero hindi ko alam na hindi na pala ako muling makakabalik pa sa bayang sinilangan ko." Nak

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labing-apat na Parte)

    "May dapat tayong pag-usapan," tipid niyang sagot. Nanatili pa akong nakatanga. "Pasok po muna kayo," aya ko nang ako ay matauhan. Binuksan ko ang pinto at saka siya iginiyang pumasok. Tahimik siyang sumunod at inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aming bahay. "Pagpasensyahan niyo na po ang maliit naming bahay," ani ko. Akala ko ay mandidiri siya, ngunit kataka-takang nanahimik lamang siya at tiningnan ako nang diretso. "Upo po muna kayo. Gusto niyo po ba ng kape o tubig?" tanong ko. "Hindi na kailangan," sagot niya. Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at pinagsalikop ang kaniyang mga palad sa ipinatong sa kaniyang tuhod. "Ang pangalan mo ay Stavros, tama ba ako?" Tumango ako. Halatang-halata sa kaniyang mukha na nagtitiis lamang siya na ako ay kausapin. Hindi na naman ako nagtataka. Bakit nga ba naman siya hindi magkakaganoon kung ang kaharap niya ay ang bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa? "Ano po bang sadya niyo sa pagpunta rito?" diretsang tanong ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status