Share

Kabanata 25 (Unang Parte)

Aviona’s POV

Ang sabi nila, hangga’t nabubuhay ka raw, may pag-asa. At habang nananatili kang humihinga sa mundong ibabaw, ibig sabihin n’on, hindi pa tapos ang misyon mo dito.

Pero ang katanungan ko sa aking sarili ay nananatili pa ring walang kasagutan. Ano pa bang misyon ko sa mundong ito? Bakit humihinga pa rin ako. Misyon ko bang magdusa dahil sa pangyayaring kahit sa hinagap ko ay hindi ko hiniling?

Iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa aking paningin ang kisame. Pagod akong napabuntong-hininga. Muli kong sinariwa ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung bakit. Pero nakaramdam ako ng ibang klase ng takot kagabi matapos akong hilahin ni Stavros mula sa akmang pagtalon.

Nayanig ang aking mundo nang mapagtantong kapag itinuloy ko iyon ay maaaring hindi na ako nagising pa ngayon umaga. Hindi ba’t iyon naman ang gusto ko noon pa man? Hin

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status