Share

Kabanata 10

Author: Lord Leaf
Nagulat ang lahat sa biglaang ingat.

Agad nilang nilabas ang kanilang mga selpon at hinanap ang opisyal na media account ng Emgrand Group!

Tunay nga!

Ang sertipikadong official account ng Emgrand Group ay naglabas ng pinakabagong pahayag!

Isang alulong ang kumalat sa kwarto ng pagpupulong sa sandaling na-anunsyo ang pahayag.

Talagang nakakuha si Claire ng kontrata! Na doble sa hinahangad na halaga!

Kalahating oras lang ang tinagal nito!

Paano ito posible? Paano ito naging madali?

Hindi ito makatwiran!

Nakaramdam ng gulat at panghihinayang si Harold.

Bago ngayong araw, si Claire Wilson ay hindi maikukumpara pagdating sa katayuan o pagkakakilanlan.

Kung tinanggap niya lang ang tungkulin kahapon, hindi niya hahayaang sumikat si Claire kahit ano man ang maging resulta!

Gayunpaman, tinanggihan niya ito dahil natakot siyang mabibigo siya!

Tinanggihan niya ang tungkulin, pero ang mas mahalaga ay nagtagumpay si Claire!

Ito ay parang malaking sampal sa kanyang mukha!

Agad dinampot nang sabik ni Lady Wilson ang kontrata at sinimulan itong basahin. Pagkatapos, naglabas siya ng malakas na tawa. “Magaling! Magaling! Napakagaling! Claire, napakagaling ng ginawa mo!”

Pagkatapos, tinanong niya, “Paano mo ito nagawa?”

Sumagot si Claire, “Ang lahat ay dahil kay Miss Doring Young. Mataas ang tingin niya sa atin, ang pamilya Wilson.”

Gustong maging matapat ni Claire, pero pagkatapos pag-isipan, hindi niya nga alam kung sino ang chairman ng Emgrand Group. Walang maniniwala sa kanya kapag sinabi niya ang totoo.

Nang marinig ito, naramdaman ni Harold na tila ba ang kanyang puso ay sinaksak nang isang milyong beses at gusto na niyang mamatay!

Hindi nakapagtataka na nakakuha ng kontrata si Claire!

Malaki pala ang tingin ni Doris Young ng Emgrand Group sa pamilya Wilson!

Hindi ba’t ibig sabihin ay hindi mahalaga kung sino ang pumunta?

Pinagalitan niya ang kanyang sarili dahil sa hindi pagtanggap ng malaking pagkakataon.

Sa sandalin ito, nagsalita si Charlie, “Harold, natatandaan mo pa ba ang ating pustahan?”

Sa isang iglap, ang mukha ni Harold ay bumaluktot nang nakangiwi.

Paano niya makakalimutan ang tungkol sa pustahan? Kung sino man ang matatalo ay luluhod sa paa ng kabila.

Nakuha ni Claire ang kontrata,, kaya halata naman na natalo siya…

‘Hindi! Imposible! Paano ako luluhod sa paa ng talunan na iyon! Kahit mamatay ako!’

Nagngalit ang kanyang mga ngipin at kinutya. “Charlie Wade, Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang walang kwentang laruan na kinasal sa aming pamilya! Sa tingin mo ba ay yuyuko ako sa harap mo?”

Sinabi nang walang ekspresyon ni Charlie, “Oo, tama, ako ay isang walang kwentang laruan, pero tandaan mo, nangako tayo kahapon. Kung sino man ang sisira sa pangako ay mamatay ang kanyang ina, ama, lolo, at lola!”

Talagang diniinan niya muli ang salitang ‘lola’.

Syempre, isang patong ng itim ang bumalot sa mukha ni Lady Wilson!

Tumingin siya nang masama kay Harold at tinanong sa malamig na tono, “Ano? Gusto mo ba talaga akong mamatay?”

Nabalisa si Harold at sinabi, “Lola, huwag kang magpapaloko sa kanya! Gusto niya lang ako ipahiya at pagtawanan ka!”

Sinabi nang kalmado ni Carlie, “Harold, huwag mong gawing tanga ang lola mo. Huwag mong kalimutan na nangako ka sa diyos. Kung hindi mo ito susundin, mahahatulan ka. Gusto mo bang sumapain si lola?”

“Lola, nagbibiro lamang kami, hindi mo ito kailangang seryosohin!”

Walang ekspresyon sa mukha ni Lady Wilson at sinabi, “Alam mong tapat akong tagasunod sa budista. Gaano ka kangahas upang sirain ang pangako pagkatapos mong mangako sa diyos?!”

“Lola…”

Talagang nabalisa na si Harold, dahil malinaw na talagang galit na ang kanyang lola!

Nang makita ang pag-aatubili ni harold na gawin ang kanyang pangako na may kinalaman sa kanya upang hindi mapahiya, hinampas nang galit ni Lady Wilson ang lamesa at sumigaw, “Determinado ka bang sirain ang panunumpa ngayon?”

“Lola, ako…” Nag-alangan na magsalita si Harold. Nag-isip siya nang mabilis sa kanyang isipan.

Kung susundin niya ang pangako at aaminin ang pagkatalo niya kay Charlie, mapapahiya siya.

Pero kung hindi niya susundin at ginalit ang kanyang lola, mawawala ang lahat sa kanya sa pamilya Wilson! Mas marami ang mawawala kaysa sa mapahiya!

Kahit gaano kabigat ang loob niya, kinagat niya nang madiin ang kanyang mga ngipin at sinabi, “Sige! Tutuparin ko ang pangako ko!”

Tahimik na tumingin si Charlie sa kanya habang nakangiti, hinihintay siyang pumunta at lumuhod sa harap niya.

Naramdaman ni Harold na tila ba ang kanyang mga binti ay puno ng tingga. Mabagal siyang naglakad at nahihirapan maglakad papunta kay Charlie.

Siya ay sobrang nabalisa sa puntong nanginginig ang kanyng katawa, madiin na kagat ang kanyang mga ngipin. Ngunit pagkatapos, lumambot ang kanyang mga binti at lumuhod sa lupa.

Thump!

Ang ibang pakialamerong manonood ay tahimik na kinuha ang kanilang selpon at tinutok sa kanila.

Yumuko si Harold at sinabi sa malakas pero nanginginig na boses, “Patawad!”

Pagkatapos, sinandal niya ang kanyang ulo sa sahig.

Sinabi ni Charlie, “Anong sinabi mo? Hindi kita marinig, lakasan mo pa at mas linawan mo pa.”

Tinitiis ang kahihiyan, yumuko ulit si Harold at sumigaw, “Patawad!”

Kinutya ni Charlie, “Ah, humihingi ka ng tawad. Para saan?”

Sa loob ni Harold, gusto niyang patayin at gilingin si Charlie sa milyong piraso, pero mayroon pang isang huling yuko.

Kaya, kingat niya ang kanyang labi at sinabi, “Hindi ko dapat pinagdudahan ang abilidad ni Claire…”

Isa pang yuko sa sahig!

Naramdaman ni Charlie ang isang sariwa na hangin na dumaloy sa kanyang katawan.

Matagal na siyang may galit kay Harold. Ngayong mayrooon siyang pagkakataon upang paluhurin si Harold sa lapag na parang asi at paaminin ang kanyang pagkakamali, siya ay napresluhan at nasabik!

Ang mga mata ni Claire ay lumawak sa gulat habang pinapanood ang buong pangyayari, bigla niyang naramdaman na ang kanyang asawa ay iba na kaysa dati!

Gayunpaman, hindi niya talaga malaman kung ano ang pinagkaiba.

Nang maalala niya ang kumpiyansang tingin sa mukha ni Charlie noong nakipagpustahan siya kay Harold kahapon, hindi niya maiwasang isipin kung alam na niya na magtatagumpay siya.

Saan at bakit bigla siyang nagkaroon ng kumpiyansa?
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6538

    Gabi na sa Dubai habang hinihila ni Jacob ang pagod niyang katawan pabalik mula sa hotel papunta sa airport.Dahil economy ang lipad niya ngayon, napaupo siya sa matigas na upuan malapit sa boarding terminal habang hinihintay na magbukas ito.Habang naghihintay, masakit ang puso niya habang binuksan niya ang website ng Aurous Hill Charity Fund, hinanap ang donation account nila, at ipinadala roon ang buong 300 thousand na kinita niya.Pinili niya ang Aurous Hill Charity Fund dahil pinag-uusapan sa mga kolektor ng antiques sa Aurous Hill na idninonate ni Raymond ang kalahati ng 20 million na kinita niya sa parehong charity fund.Simula nang sumikat nang husto si Raymond sa Antique Street at naging tanyag, hindi maikakailang marami ang humanga sa husay niya.Pero may mga naiinggit din sa galing niyang bumaligtad ng sitwasyon, at mayroon ding nagseselos dahil kumita siya ng 20 million sa isang gabi.Gayunpaman, kumilos agad si Raymond—pagkalat pa lang ng balitang kumita siya ng 20 m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6537

    Mabilis na nagtanong si Elaine, “Eh paano kung hindi mo matapos?”Kabado si Jacob kahit napabuntong-hininga siya. “Kapag talagang pinilit nila, mukhang hindi na ako pwedeng manatili sa Calligraphy and Painting Association… Tingnan na lang natin. Kapag lumala, magre-resign na lang ako. Wala na akong hihilingin, basta huwag lang akong makulong.”Tumango si Elaine. “Kaya kausapin mo muna si Raymond Cole o humingi ka ng tulong kay Charlie kung sakaling kailangan. Mas mabuti nang mapahiya kaysa makulong.”“Sige!”-Gabi na sa Aurous Hill nang makarating sa hotel sina Elaine at Jacob.Kakatapos lang kumain nina Charlie at Claire, at kinuha ni Claire ang cellphone niya. “Nag-check ako sa flight app, at sabi, dalawang oras na dapat nakarating sina Mama at Papa. Nasa hotel na siguro sila, kaya susubukan kong i-video call sila.”Hindi pa niya nabubuksan ang WhatsApp nang tumawag na si Elaine sa video call.Plano ni Jacob na tawagan sina Claire at Charlie para hindi sila mag-alala bago si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6536

    Nang marinig ni Elaine ang sinabi ni Jacob, kinabahan siya at agad siyang tinanong habang ibinababa niya ang tawag, "Anong nangyayari? Aalis ka? Kararating lang natin! Wala pa ngag alikabok ng Dubai sa sapatos ko, bakit aalis na agad tayo—"Pero pinupunasan ni Jacob ang pawis sa noo niya habang pabulong na sinabi, "Eh, sa ngayon, kailangan ko talagang umalis kung ayaw kong mawala ang posisyon ko bilang vice president."Agad nangalit si Elaine. "Kasal tayo sa kalahati ng buhay natin at honeymoon natin ito, tapos aalis agad tayo? Nag-post pa ako sa social media—ang daming naghihintay ng mga update sa trip natin!"At huwag mong kalimutan—ang mahal ng ticket natin at ng hotel! Hindi rin refundable ang mga booking!"Napangiwi si Jacob. "Eh, anong magagawa natin? Bakit hindi ka na lang manatili dito? Uuwi muna ako para ayusin ito…""Gaano katagal naman 'yon?" tanong ni Elaine."Paano ko malalaman?" buntong-hininga ni Jacob, halatang balisa at naiinis. "Sabi ni Don Albert na kailangan k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6535

    "Pero gumastos ako ng 98 thousand para sa bronze sculpture na iyon!"Hindi na namalayan ni Jacob na napasigaw siya sa inis. "Kumita ako ng 300 thousand mula roon, kaya ibig sabihin ang kita ko ay 200 thousand sa pinakamataas, pero kailangan ko pa rin ibalik iyon sa kanya?! Ibig sabihin ay mawawala pati ang puhunan ko!""Hindi kita matutulungan kung hindi mo kayang bitawan ang perang iyon, Mr. Wilson," mahinahong sinabi ni Don Albert. "Kung ganoon, ikaw na lang ang bahala dito.""Teka, teka, teka!" agad na nataranta si Jacob at sinabi, "Pakiusap, Don Albert! Ibabalik ko ang pera! Ibabalik ko, okay?! Lahat ng kinita ko—202 thousand, okay? Kahit papaano ay hayaan mong itira ko ang pera na ginastos ko, okay?""Sa ganitong rason, Mr. Wilson, kapag sinabihan ng pulis ang isang phone scammer na isauli ang perang nakuha niya sa panloloko, dapat ba niyang itira ang perang ginastos niya sa telco charges?""Ah, Ako…" napahinto si Jacob at walang masagot.Nagpatuloy si Don Albert, "Mr. Wilso

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6534

    "Mr. Wilson, talagang kasuklam-suklam ang ginawa niyo!" galit na sinabi ni Don Albert. "Pinagalitan ko mismo si Zachary nang malaman ko ito, at ako rin ang nagsabi sa kanya na i-post ang pahayag na iyon!"Nagulat si Jacob. "Pero bakit, Don Albert? Kaibigan mo ba si Raymond Cole?""Hindi ko pa nakikilala ang lalaki," sagot ni Don Albert.Lalo pang nalito si Jacob. "Kung ganoon, bakit mo siya kinakampihan?""Pinipilit kong linisin ang aking imahe nitong mga nakaraang taon," malamig na sagot ni Don Albert. "Bihira akong makialam sa negosyo ng mob o anumang ilegal, at alam ng lahat sa Aurous Hill na si Zachary ang kanang kamay ko, pero inamin niya ang paggawa ng kasuklam-suklam na krimen sa likod ko. Ano pa ito kung hindi paninira sa reputasyon ko?"Napalunok si Jacob sa gulat dahil hindi niya inaasahan na magiging ganito kaseryoso si Don Albert, pero agad siyang nagpaliwanag, "Patawad. Hindi ko inaasahan na maaapektuhan ka nang sobra… Kasalanan lahat ni Zachary! Hindi ko sana malalam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6533

    Sa puntong ito, pwede nang ituring ni Jacob si Don Albert bilang kanyang personal na tagapagligtas.Kahit na binantaan niya si Zachary na tatawagan niya si Charlie, sa totoo lang, hindi niya talaga magagawa na tawagan si Charlie.Dahil, paano niya sisimulan ang pagpapaliwanag na kasangkot siya sa isang krimen?At ang pagsabi kay Charlie ay parang pagsasabi sa kanyang anak na babae—ano ang iisipin nila sa kanya pagkatapos nito? Magagawa pa ba niyang itaas ulit ang kanyang ulo sa pamilya?Kaya, ang tanging pagpipilian niya ngayon ay hilingin ang tulong ni Don Albert at tingnan kung tutulong siya.Ang hindi niya alam, kasama ni Don Albert si Charlie, na inaasahan na ang gagawin ni Jacob.Kapag napagtanto ni Jacob na hindi niya mapipigilan si Zachary, hahanap siya ng taong makakagawa nito, at si Don Albert ang pinakamahusay para sa trabahong iyon!Hindi nakapagtataka, agad na tumunog ang cellphone ni Don Albert dahil sa tawag mula kay Jacob.Hindi agad sumagot si Don Albert, sa hal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status