Sa isang kurap ng mata, limang tao na ang nakapagtaas ng kanilang mga kamay.Sinadya ni Walliot na hindi muna magtaas ng kanyang kamay, sa halip, naghintay siya hanggang sa sumali muna ang iba saka siya nagsalita, “Sasali rin ako.”Pagkatapos sabihing sasali siya, napatitig siya kay Charlie. Sinusubukan niyang mag-isip ng paraan para mapasali si Charlie sa game. Sa hindi inaasahang pagkakataon, si Charlie na mismo ang nagtaas ng kanyang kamay, “Mahilig rin akong maglaro ng Texas Hold’em Porker. Sasali ako.”Sabik na sabik si Walliot at halos mapahiyaw siya sa saya.‘Sinusubukan ko lang maghanap ng oportunidad para pasalihin si Charlie sa game na ito nang hindi niya nahahalata ang intensyon ko pero hindi ko naman inaakalang handa siyang mahulog sa patibong ko.’‘Perpekto!’Pagkatapos, nagpanggap si Walliot sa isang magalang na paraan, “Mr. Wade, hindi ko inaakalang mahilig ka rin palang maglaro ng Texas Hold’em Poker. Kung iyan ang kaso, maglaro tayo ng dalawang rounds para lang s
Dahil huling minuto na nang mapag-usapan nila na poker ang kanilang lalaruin at isinuko ng taong nagbigay ng suhestiyon ang kanyang partisipasyon na maglaro ng card game at nagboluntaryo pa siyang maging broker, maliban kay Charlie at Olivia, hindi inisip ng iba na may mangyayaring pandaraya.Higit sa lahat, dahil nasa loob sila ng poker room ng Northern European royal family at bago at hindi pa nabubuksan ang deck, hindi sila nagkaroon ng kahit anong duda.Sa totoo lang, wala naman talagang problema sa deck ng cards na gamit nila. Ang tunay na problema ay nasa broker.Isa talaga siyang expert sa gambling at malaki ang naipon niyang yaman mula sa kanyang abilidad. Kahit maglaro siya ng cards kasama ang mga professionals, hindi nila mapapansin ang pandaraya niya lalo naman ang isang grupo ng mga amateur.Mabilis ang kamay ng taong ito, matalas ang isip, maganda ang memorya, at malikot rin ang daliri. Masasabing maikukumpara siya sa isang magician. Kaya nang ishufle niya ang cards, w
Hindi pinansin ni Charlie kung anong klase ng cards ang mayroon siya, pero sa tuwing dumarating ang card sa harap niya, agad siyang naglalagay ng one-million-euro na chip. Pagkatapos ng ilang segundo, nagtapon si Charlie ng four-million-euro na chip. Sa kabuuan, nagkakahalaga ito ng 70 million euros.Hindi sanay ang iba sa laki ng perang nakikita nilang sinusugal, kaya nanood na lamang sila sa gilid habang namamangha.Tanging si Charlie at Walliot na lamang ang natitira sa mesa.Hindi nagtagal, nagsalita ang broker, “Pakibuksan ang mga cards niyo!”Binaliktad agad ni Charlie ang kanyang cards. Makikitang binubuo ito ng isang pair at tatlong magkakaibang cards. Masasabing small hand ito sa Texas Hold’em Poker.Para naman kay Walliot, maganda ang set ng cards niya. May apat siyang Jacks at isang naiibang card. Masasabing bigger hand ito kumpara kay Charlie.Agad na nag-anunsyo ang broker, “Nanalo si Mr. Walliot sa round na ito.”Nakaramdam ng kaunting sabik si Walliot at tinipon n
Nang makita ni Walliot na nagagalit na nang kaunti si Charlie, agad siyang nakaramdam ng kaba at nagpaliwanag siya, “Mr. Wade, mali ang pagkakaintindi mo sa akin. Hindi iyan ang ibig kong sabihin…”Habang nagsasalita, nagpatuloy si Walliot, “Akala ko pareho pa rin ang rules natin at kailangan nating magbayad kapag nawalan na tayo ng 100 million euros. Pero dahil ikaw na ang nagsabi, hindi na ako magsasalita ng kalokohan. Bayaran na lang natin ang isa’t isa sakaling lumagpas ng one billion euros ang losses natin? Kung hindi ganyan kalaking pera ang mawawala sa atin sa dulo, babayaran na lang natin kung ano ang kulang. Ano sa tingin mo?”Tumango si Charlie sa tuwa at napangiti siya, “Tama! Ganito dapat magsalita ang isang lalaki! Kung hindi, iisipin ko isa kang nakakaawa at pobreng tao na hindi pa nakakakita ng pera kaya hindi ka makapaghintay na ibulsa ito kahit malit na pera lang naman ang napanalunan mo.”Habang nagsasalita, naging seryoso ang boses ni Charlie, “Hayaan mo akong sam
Naglaro si Charlie na para bang walang problema. Nagdagdag siya ng five million chips kaya two million na lamang naiwan sa kanya.Gustong puwersahin ni Walliot si Charlie na magmadali at bayaran agad siya kaya naglagay siya ng 10 million chips saka siya nagsalita, “Mr. Wade, 100 million euros ang ipupusta ka. Mukhang malapit ka nang maubusan ng chips.”Nagkibit balikat si Charlie at agad niyang inihagis ang mga walang silbi niyang cards, “Fold na ako.”Nagkaroon ng kaguluhan sa mga manonood.“Magfofold na lang siya ng ganyan?”“100 o 200 million euros na ang naipusta niya, pero magfofold na lang siya ng ganyan?! Marunong ba talaga siyang maglaro o hindi?”“Kung alam ko lang sana na tanga siya, kakalabanin ko na sana siya ngayon din! Hindi ko hahayaan si Walliot na tangayin ang lahat ng pera niya!”Tatawa na sana si Walliot sa pagkakataong ito at hindi niya halos mapigilan ang kanyang emosyon. Pagkatapos ng ilang sandali, pinakalma niya ang kanyang sarili, “Mr. Wade, wala ka ng c
May bago ng kahulugan ang susunod na laro.Nang magpamigay ng cards ag broker, agad na nakatanggap si Charlie ng tatlong Aces, dalawa ang nasa kulay pula.Para naman kay Walliot, mas nakakamangha pa ang kanyang mga cards. Ang kanyang cards ay 10, J, K, at lahat ito Spades.Nang makita ni Walliot ang kanyang mga cards, alam niya sa loob ng kanyang puso na balak siyang bigyan ng kanyang broker ng straight flush pagkatapos nitong bigyan si Charlie ng apat na Aces.Ang pinakamataas na set ng cards sa Texas Hold’em Poker ay ang straight flush na kayang patayin ang lahat ng ibang card combinations.Ipinakita na ni Charlie ang dalawa sa pinakamaganda niyang cards, at ito ang dalawa niyang Ace. Ang pinakamagandang combination na pwede niyang makuha ay apat na Aces.Ganoon pa man, kahit magkaroon si Charlie ng apat na Aces, imposible pa ring matalo niya ang isang straight flush.Kaya, hindi nagduda si Walliot. Alam niyang matatalo si Charlie sa larong ito at siya ang mananalo.Subalit,
Kaya, kinakabahan siyang nagsalita, “M-Mr. Wade… Sa opinyon ko, hindi na dapat tayong magdagdag sa game na ito… Masyadong malaking halaga ang two billion euros. Kahit hindi mo sineseryoso ang usaping pera, hindi ibig sabihin na pwede ka nang magwaldas nang hindi nag-iisip…”Tumawa si Charlie, “Hindi mo pa nga binubuksan ang card na hawak mo, paano mo naman malalaman kung talagang nagwawaldas lang ako ng pera?”Hindi alam ni Walliot kung ano ang sasabihin pero nagsalita pa rin siya, “Mr. Wade, hindi kita binibiro. Sa tingin ko mas mataas ang tsansa na manalo ako sa larong ito kumpara sa’yo. Bakit hindi na lang natin buksan ang mga cards? Kung sino ang mananalo, kukunin niya ang lahat ng chips na nasa mesa. Hindi na tayo magdadagdag ng kahit ano pa, ayos lang ba?”Pumuwersa ng isang tawa si Charlie saka siya ngumisi, “Sinabihan na kitang padalos-dalos ka gaya ng isang babae! Hindi nga talaga mali ang sinabi ko sa’yo! Nanalo ka na nga ng one billion euros galing sa akin, ano pa ang iki
Sa pagkakataong ito, handa na si Walliot na tanggapin ang three billion euros at Concorde ni Charlie.Maliban kay Charlie, nakatitig ang lahat sa kamay ng broker at tila ba hindi sila makahinga.Ang card na ito ang magdidikta ng kapalaran ng billions of euros na nasa mesa ngayon.Samantala, sigurado na si Walliot at Olivia na nasa kanila na ang tagumpay.Sa kabilang banda, para bang walang pakialam si Charlie. Hindi siya masaya at hindi rin siya malungkot. Hindi siya nagmamadali at hindi siya nagbabagal. Para bang walang kinalaman sa kanya ang lahat ng nangyayari.Ganoon din, dinampot ng broker ang card at bigla niyang itong binuksan saka niya ito inihagis sa harap ni Walliot.Sa pagkakataong ito, hindi pa nakikita ni Walliot kung ano ang laman ng card, pero hindi niya mapigilang matigilan na para bang tinamaan siya ng kidlat.Ito ay dahil… nakikita niyang… ang card na hawak niya… ay pula!Nakadisplay na ang apat na Aces ni Charlie sa mesa, at kung gustong manalo ni Walliot, ka
Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang headlights at inapakan ang gas para makaalis.Samantala, sa loob ng itim na sedan, mabilis na pinaandar ni Jilian ang kotse habang nakasuot ng puting evening gown. Kanina, sinadya niyang sirain ang suot niyang gown at ginamit iyon bilang dahilan para makalusot palabas ng main hall. Sa likod-bahay, may nakita siyang itim na sedan na may susi pa sa loob, kaya agad niya itong ginamit.Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Jilian kung saan siya pupunta. Ang mahalaga lang sa kanya ay makaalis agad bago pa mapansin ng iba ang pagkawala niya.Pero habang kinakabahan siyang nagmamaneho palabas ng estate, biglang lumitaw ang isang Chevrolet sa mismong harap ng gate.Mabilis siyang napakadyak sa preno, pero kahit anong pilit niya, hindi niya ito maapakan kahit kaunti. Hindi alam ni Jilian, pero ito mismo ang hinihintay ni Charlie.Ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para harangan ang preno at manibela ng kotse, kaya kahit sino pa ang nagmamaneho,
Walang magawa ang dalaga sa loob ng kwarto at sinabi, “Sige na, tama ka na. Pero umalis ka muna. Kailangan ko munang mag-ayos at magbihis!”Malamig na sagot ni Antonio, “Bibigyan kita ng sampung minuto. Maghihintay ako rito.”Napilitan ang dalaga at sinabing, “Bahala ka. Kung gusto mong maghintay, wala namang pumipigil sa’yo.”Humagikgik si Antonio at malamig na binalaan, “Jilian, payo ko lang sa’yo, huwag mong subukang tumakas sa bintana. May tao na akong inilagay doon sa labas para magbantay. Kapag sinubukan mong lumabas, huhulihin ka agad nila at diretso kang dadalhin sa airport!”Biglang nagalit ang dalaga. “Walang hiya ka talaga!”Hindi natinag si Antonio sa panlalait ng anak niya. Ngumiti pa siya at sinabi, “Tandaan mo, Jilian, ang mga babaeng Sicilian ay nabubuhay para sa pamilya nila habang buhay! Ang pagtataksil sa pamilya ay kahihiyan para sa akin. Mas pipiliin ko pang ipadala ka sa Sicily at mag-alaga ng tupa habang buhay kaysa hayaan kang ipahiya ang pamilya natin.”N
Habang nangyayari iyon, minamaneho ni Charlie ang hindi kapansin-pansing Chevrolet papunta sa labas ng Zano Manor, kasama si Angus na halatang kinakabahan.Mula sa labas, kita nilang napakakulay at abala ngayon sa Zano Manor. Maliwanag ang buong lugar at maraming miyembro ng mafia na nakasuot ng itim na suit ang nakahanay sa magkabilang gilid ng pasukan, para bang may hinihintay silang napakahalagang bisita.Pagkakita niya nito mula sa malayo, napangiti si Charlie at sinabi, “Mukhang napakaganda ng timing natin. Parang may malaking okasyon ang pamilya Zano ngayon.”Napalunok si Angus sa kaba at tinanong si Charlie, “Mr. Wade, mukhang may daan-daang tao rito sa unang tingin pa lang. Papasok ba talaga tayo para gumawa ng gulo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi ba sinabi ko na gagawa tayo ng eksena sa kanila? Sundan mo lang ako mamaya. Bibigyan kita ng senyas para sa susunod na gagawin.”Pagkatapos ay idinugtong niya, “Pero kung talagang nag-aalala ka, pwede akong pumasok mag-isa
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin
Nahiya si Daves nang marinig niya ito. Totoong hindi naman ganoon kataas ang tingin niya kay Angus.Bukod pa roon, si Charlie ay isang estranghero na bigla na lang lumitaw, kaya hindi siya naniniwalang may kakayahan itong tulungan siya o si Angus na buhayin muli ang Oskian gang sa ilalim ng pang-aapi ng Burning Angels.Pero kailangan niyang aminin na si Angus, bagamat bata at kulang pa sa karanasan sa mundo, ay mas matapang kaysa sa kanya.Kahit wala siyang tiwala sa kakayahan ni Charlie, may sarili rin siyang pangamba. Kung tatanggihan niya ito, kailangan pa rin niyang magtago kung saan-saan, at baka wala na siyang pagkakataong makabawi sa buong buhay niya.Pero kung makikipagtulungan siya kay Charlie, baka may tsansa pa siyang makabalik at bumangon.Habang iniisip niya iyon, hindi niya naiwasang mapatingin kay Janus na nasa tabi lang.Sa tingin niya, si Janus ay isang kahanga-hangang tao.Kahit matagal na itong naipit sa pagluluto ng roast goose sa tindahang ito, siya pa rin a
Pagkasabi noon, napakagat siya sa labi at mahigpit na sinabi, “Pero bago ako umalis sa United States, kailangan ko munang ipaglaban ang mga kababayan kong namatay sa Oskiatown! Kailangan kong makaganti, kahit ilan man lang sa kanila ang madala ko!”Gustong magsalita ni Janus pero napigilan niya ang sarili niya at napatingin na lang kay Charlie, hinihintay ang sasabihin nito. Tumingin si Charlie kay Angus at seryosong sinabi, “Angus, kung ikaw ang babaril, may dalawang pagpipilian ka. Una, papalabasin kita sa United States ngayong gabi. Tulad ng sinabi mo, hindi ka na babalik.”Pagkasabi niyon, saglit siyang tumigil, tapos tinaasan nang kaunti ang boses niya. “Ang pangalawa, manatili ka rito, at tapusin ang lahat ng dapat tapusin!”Nagtatakang tinanong ni Angus si Charlie, “Mr. Wade, ano pong ibig mo sa pangalawa?”Seryoso ang mukha at boses ni Charlie habang sinabing, “Manatili ka rito, tutulungan kitang buuin ang bagong Oskian gang. Simula ngayon, kahit sino pang manghamak sa’yo a
Agad na natakot nang husto ang lima, pati na si Will, sa sinabi ni Charlie!Paano nila naisip na kahit tiniis na nila ang lahat ng kahihiyan at pagpapahirap mula kay Charlie hanggang ngayon, at umaasa pa rin sila na palalayain sila ni Charlie, pero sino ang mag-aakalang ilalabas pa ni Charlie ang lider ng Oskian gang at uutusan pa siyang patayin sila.Takot na takot ang lima, at halos hindi na malinaw ang boses ni Will habang may dugo sa bibig. “Mr. Wade… ginawa na po namin ang gusto mo… pakiusap, huwag mo po kaming patayin…”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung sapat na ang pakiusap para makaligtas, edi sana wala na kayong pinatay. Naalala niyo ba ‘yung mga biktima niyo? Nakiusap din ba sila bago niyo sila pinaslang?”Pagkasabi nito, hindi na pinansin ni Charlie si Will. Inilagay niya ang baril sa kamay ni Daves, tapos malamig niyang sinabi, “Bakit nakatayo ka pa rin diyan?”Halatang nag-aalangan si Daves habang nakatitig sa baril sa kamay niya. Malalim ang galit niya sa Burning A