Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod si Ichiro at umalis agad.Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie kay Anthony, “Mukhang medyo tuso ang Japanese na ito. Kung iniisip niya talaga na may reseta ka para sa high-level paraplegia, dapat kang maging mas maingat. Dahil, kapag nakagawa siya ng marami nito, talagang magiging lubos ang kayamanan niya sa mundong ito.”Mayroong pelikula na tinatawag na ‘Hindi ako ang Diyos ng Medicina’ kailan lang, at tungkol ito sa isang Chinese na pasyenteng may leukemia. Dahil hindi niya kayang bilhin ang mga mahal na gamot na ginawa ng mga Western culture, maaari na lang siyang pumunta sa India upang bumili ng ilang medisina. Sa pelikulang ito, makikita mo kung gaano kaitim ang mga puso ng malalaking pharmaceutical group dahil lamang gusto nilang kumita ng pera. Kapag lumabas ang bagong medisina, kailangan munang gumastos ng pasyente ng dalawampu o tatlumpung libong dolyar kada buwan para makabili ng gamot. Ano pang magagawa ng pasyente?Gusto ring maku
Bukod dito, hindi mahirap gawin ang Terminal Lucidity Pill.Ang kailangan lang ay ilang karaniwang materyales ng medisina.Dahil hindi pa nagsisimula ang auction ng purple ginseng, ginamit ni Charlie ang pagkakataon na ito na hanapin si Graham bago at ibinigay ang listahan ng isang dosenang halamang gamot at mga materyales na kailangan.Nagmamadaling nilikom ni Graham ang lahat ng mga halamang gamot at materyales para sa kanya.Pagkatapos, pumunta si Charlie sa pahingahan na nirentahan ni Graham bago niya ginawa ang apat na Terminal Lucidity Pill.Ang Chinese medicine ay palaging gawa sa iba’t ibang halamang gamot at materyales. Kaya, pagkatapos pakuluan ang mga halamang gamot, kahit para saan pa ang medisina at kahit gaano ito kaiba, ang kulay ng medisina ay dark brown pa rin.Gayundin ang mga tableta.Ang kulay ng Terminal Lucidity Pull ay halos kapareho ng ginawa niyang medisina bago ito. Bukod dito, sinadya ni Charlie na itulad ang laki ng Terminal Lucidity Pill sa laki ng m
Alam ni Jeffrey na kapag patuloy na nag-bid ang mga tao para sa premium na purple ginseng, marahil ay aabot ang presyo ng purple ginseng sa dalawampu o tatlumpung milyong dolyar. Kaya, dinoble niya lang ang presyo ng purple ginseng sa unang bid para takutin niya ang ilang tao. Umaasa rin siya na makukuha niya ang purple ginseng sa mababang presyo!“Labing-isang milyong dolyar.” Isang di gaano katandang lalaki sa hall ng sumigaw at itinaas ang kanyang placard.Sumulyap nang mapanghamak si Jeffrey sa lalaki bago niya ulit itinaas ang kanyang placard at sinabi, “Labing-limang milyong dolyar.”“Labing-anim na milyong dolyar.”May nagsalita ulit.“Dalawampu’t limang milyong dolyar,” sumigaw si Jeffrey habang itinaas niya ulit ang kanyang placard.Sa totoo lang, tinutulungan lang ni Jeffrey si Kenneth na sumali sa auction sa sandaling ito. Si Kenneth ang magbabayad ng presyo ng bid ngayon. Kaya, hindi siya nababalisa.Maraming tao ang sumuko nang dumating ang presyo sa dalawampu’t lim
Maraming tao sa lugar na iyon ang nakakaalam na lumuhod na si Kenneth sa harap ni Charlie at tinawag siyang papa at lolo. Kaya, tumawa sila nang malakas nang marinig nila ang sinabi ni Charlie.Ayaw nang mapahiya lalo ni Kenneth, kaya kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabi, “Sige! Matapang ka talaga! Magbabayad ako ng 90 milyong dolyar!”Hinila ni Jeffrey ang manggas ni Kenneth at sinabi, “Chairman Wilson, sobrang mahal ng 90 milyong dolyar para sa purple ginseng! Hindi gano’n kamahal ang bagay na iyon. Huwag kang kumilos nang hindi nag-iisip at maloko ng g*gon iyon!”90 milyong dolyar para lang bumili ng purple ginseng?! Walang ginseng ang may ganitong halaga maliban na lang kung mahigit isang libong taon ang tanda nito!Kahit sobrang yaman ni Kenneth, hindi siya gastador o nagsasayang ng pera. Naramdaman niya na nasunog na ang bulsa niya nang gumastos siya ng labing-limang milyong dolyar para makipagtalik kay Wendy. Talagang nararamdaman na ngayon ni Kenneth na butas na ang wa
Paano kung aksidente niyang nalagay ang cheque sa washing machine kasama ang mga damit niya?Diyos ko! Nagugulat sila kapag pinag-iisipan ito.Kaunting kumibot ang mukha ni Kenneth sa galit. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit may ganito karaming pera ang basurang ito. Hindi ba’t isa lang siyang walang kwentang manugang ng pamilya Wilson?Tinanong ni Charlie ang host, “Dahil walang nag-bid nang mas mataas laban sa’kin, at dahil kaya kong magbayad ng isang daang milyong dolyar, sa akin na dapat ang pambihirang purple ginseng, tama?”Bumalik sa diwa ang host at sinabi agad, “Ngayon, sasabihin ko na ang three-hundred-year-old purple ginseng ay mapupunta kay…”Bago pa niya matapos ang sinasabi niya, nagmamadaling sinabi ni Kenneth, “Teka! Tataasan ko na ang bid!”Nagulat ulit ang lahat ng tao na nandoon.Nagsimula ang auction sa limang milyong dolyar, at nasa isang daang milyon na agad na ang bid ngayon.Hindi nga ganito kamahal ang purple ginseng! Baliw ba ang dalawang tao n
Tumingin ang lahat kay Kenneth sa sandaling ito.Napahiya nang sobra si Kenneth at nainis, at minura niya nang malakas, “Ikaw ang impotent! Ang buong pamilya mo ay impotent! Magaling pa ako at masigla!”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Alam natin kung sino ang impotent. Ang ibang tao ay hindi kayang magpatigas habang ang iba naman ay matigas lang ang bibig. Ano pang punto nito?”Tumawa nang malakas ang lahat sa sandaling ito.Totoo ba? Nawala ba talaga ang pagkalalaki ng tanyag at kagalang-galang na si Chairman Wilson?Mukhang totoo nga ito. Kung hindi, bakit siya magsisikap na mag-bid para sa premium na purple ginseng? At saka, kasama niya pa ngayon si Jeffrey ng pamilya Weaver.Ang lahat ng tao na nandito ay galing sa larangan ng medisina. Alam nilang lahat na pinag-aaralan ng pamilya Weaver ang bagong gamot na kayang palakasin at pabalikin ang pagkalalaki ng isang tao. Mukhang nandito ngayon sina Kenneth at Jeffrey nang magkasama ay dahil si Kenneth ang gustong mauna
“Makikita na ito sa buong mukha mo. Kaya, paanong hindi ko ito malalaman?”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung may problema ka, huwag kang mag-atubiling humingi sa akin ng tulong. Sabihin mo lang sa akin ito.”Hinawakan ni Aurora nang hindi nag-iisip ang mga pisngi niya, at naramdaman niya na napakainit ng mga pisngi niya.Kahit na sa una ay sobrang tapang niya at astig na tao na may masayahing pagkatao, palagi siyang nahihiya nang sobra sa harap ni Charlie.Pagkatapos pakalmahin ang sarili niya, sinabi niya nang seryoso, “Mr. Wade, mayroon nga akong pinag-iisipan. Kung gustong hingin ang tulong mo.”Tumango si Charlie at sinabi, “Sige, sabihin mo ang tungkol dito.”Ipinaliwanag ni Aurora, “Mr. Wade, mayroon akong napakabuting kaibigan sa kolehiyo. Dati ay masigla siya, ,masayahin, at positibo ang pagkatao niya. Pero, sa tingin ko ay na-brainwash siya ng kanyang boyfriend, at parang grabe na ang mga ginagawa niya ngayon. May isang beses pa ngana sinubukan niyang tumalo
Gumawa ng appointment si Charlie na makikipagkita siya kay Aurora sa Aurous University of Finance and Economics kung saan siya nag-aaral, mamayang gabi. Pagkatapos, umuwi siya kasama ang kanyang three-hundred-year-old na purple ginseng.Sa daan pauwi, tinawagan ni Charlie nang magkasunod sina Don Albert at Isaac, at sinabi sa kanila na may gustong umagaw ng medisina sa kamay ni Anthony. Kaya, inutos niya sa kanila na magpadala ng tao para protektahan nang palihim si Anthony at bantayan si Ichiro.Dahil ilang taon nang nasa Aurous Hill si Isaac, mayroon na siyang malaking impluwensya sa siyudad. Sinabi ni Charlie kay Isaac na magtayo siya ng tagong kampo sa airport para bantayan si Ichiro para hindi siya madaling makakaalis sa Aurous Hill.Alam niya na balak kunin ni Ichiro ang mahiwagang gamot ni Anthony at dalhin ito pabalik sa Japan para suriin ito at pag-aralan ang mga sangkap.Kaya, plano ni Charlie na gumawa ng malaking patibong para kay Ichiro.Samantala, walang ideya si Ic
Napangiwi si Antonio nang marinig ang hiling ni Charlie.Napakagat siya sa labi at pinilit ngumiti habang sinasabi, “Ayos, ang galing mong mangikil ng mafia!”Nagtanong si Charlie na may pagtataka, “Hoy! Mafia ka ba talaga?”Napangisi si Antonio, “Ano? Ngayon mo lang nalaman?”Pagkasabi noon, ibinalik niya ang one thousand US dollars sa kanyang pitaka at mayabang na sinabi kay Charlie, “Ngayong alam mo na kung sino ako, may oras ka pa para umalis ngayon.”Napailing si Charlie at sinabi nang nanghahamak, “Tulog ka pa ba? Gusto mong paalisin ako nang walang bayad?”Napakagat sa labi si Antonio at sinabi, “Totoy, kung hindi mo sasamantalahin ang pagkakataon na binibigay ko sayo, huwag mo akong sisisihin kung magiging bastos ako sayo!”Pagkatapos noon, inutusan niya ang mga tauhan niya, “Basagin ang mga binti niyan at itapon sa isang lugar na isang daang milya ang layo. Bilisan niyo, parating na ang VIP.”Agad na lumapit ang ilang lalaki kay Charlie habang pinagkuskos ang mga palad
Hindi niya hahayaan na palampasin ang ganito kagandang pagkakataon.Kaya matigas niyang sinabi, “Gusto ko ng cash, at dito ako maghihintay. Kapag hindi n’yo ako binayaran, hihintayin ko na lang ang pulis!”Kita kay Jilian ang kaba at desperasyon habang nagmakaawa siya nang mapait, “Sir, pakialis niyo lang ako rito, bibigyan ko kayo ng 200 thousand US dollars!”Hindi natinag si Charlie at patuloy na iginiit, “Cash ang gusto ko, at gusto ko ngayon din!”Halos maiyak na si Jilian habang balisa siyang lumilingon-lingon pabalik sa mansyon, takot na takot na baka habulin siya ng kanyang ama. Pero hindi siya binigyan ng kahit anong pagkakataon ni Charlie.Sa sandaling ‘yon, may isang matangkad at matabang lalaking naka-amerkana na lumapit nang mabilis kasama ang maraming tauhan. Nang makita ito ni Jilian, nawalan siya ng pag-asa dahil ang nasa unahan ay walang iba kundi ang kanyang ama, si Antonio.Galit na galit at naalarma si Antonio. Hindi niya inaasahan na pagkatapos masira ng damit
"Kikilan?!"Nang marinig iyon ni Charlie, agad siyang nagalit at biglang sumigaw, “Dumaan lang ako rito, wala naman akong inagrabyado, tapos bigla na lang akong binangga ng kotse ng babaeng ito. Natural lang na humingi ako ng bayad. Paano mo nasabing nangingikil ako? Huwag kayong manindak dahil mas marami kayo, at huwag niyong isipin na natatakot ako sa inyo!”Agad na bumunot ng baril ang miyembro ng mafia mula sa kanyang baywang, itinapat ito sa ulo ni Charlie, at malamig na sinabi, “Bumaba ka riyan! Kapag nagsalita ka pa ng kung anu-ano, babarilin kita!”Galit na sagot ni Charlie, “Letse! Ang galing mo rin pala. Babarilin mo ako sa harap ng maraming tao?”Sa oras na ‘yon, binuksan ni Angus ang pinto ng pasahero ng Chevrolet at itinaas ang hawak na cellphone habang malakas na sinabi, “Mr. Charlie, tinawagan ko na ang pulis!”Tumango si Charlie na parang kontento, tumingin sa mga miyembro ng mafia at malamig na sinabi, “Hindi niyo ba ako babarilin? Sige nga, barilin niyo ako dito
Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang headlights at inapakan ang gas para makaalis.Samantala, sa loob ng itim na sedan, mabilis na pinaandar ni Jilian ang kotse habang nakasuot ng puting evening gown. Kanina, sinadya niyang sirain ang suot niyang gown at ginamit iyon bilang dahilan para makalusot palabas ng main hall. Sa likod-bahay, may nakita siyang itim na sedan na may susi pa sa loob, kaya agad niya itong ginamit.Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Jilian kung saan siya pupunta. Ang mahalaga lang sa kanya ay makaalis agad bago pa mapansin ng iba ang pagkawala niya.Pero habang kinakabahan siyang nagmamaneho palabas ng estate, biglang lumitaw ang isang Chevrolet sa mismong harap ng gate.Mabilis siyang napakadyak sa preno, pero kahit anong pilit niya, hindi niya ito maapakan kahit kaunti. Hindi alam ni Jilian, pero ito mismo ang hinihintay ni Charlie.Ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para harangan ang preno at manibela ng kotse, kaya kahit sino pa ang nagmamaneho,
Walang magawa ang dalaga sa loob ng kwarto at sinabi, “Sige na, tama ka na. Pero umalis ka muna. Kailangan ko munang mag-ayos at magbihis!”Malamig na sagot ni Antonio, “Bibigyan kita ng sampung minuto. Maghihintay ako rito.”Napilitan ang dalaga at sinabing, “Bahala ka. Kung gusto mong maghintay, wala namang pumipigil sa’yo.”Humagikgik si Antonio at malamig na binalaan, “Jilian, payo ko lang sa’yo, huwag mong subukang tumakas sa bintana. May tao na akong inilagay doon sa labas para magbantay. Kapag sinubukan mong lumabas, huhulihin ka agad nila at diretso kang dadalhin sa airport!”Biglang nagalit ang dalaga. “Walang hiya ka talaga!”Hindi natinag si Antonio sa panlalait ng anak niya. Ngumiti pa siya at sinabi, “Tandaan mo, Jilian, ang mga babaeng Sicilian ay nabubuhay para sa pamilya nila habang buhay! Ang pagtataksil sa pamilya ay kahihiyan para sa akin. Mas pipiliin ko pang ipadala ka sa Sicily at mag-alaga ng tupa habang buhay kaysa hayaan kang ipahiya ang pamilya natin.”N
Habang nangyayari iyon, minamaneho ni Charlie ang hindi kapansin-pansing Chevrolet papunta sa labas ng Zano Manor, kasama si Angus na halatang kinakabahan.Mula sa labas, kita nilang napakakulay at abala ngayon sa Zano Manor. Maliwanag ang buong lugar at maraming miyembro ng mafia na nakasuot ng itim na suit ang nakahanay sa magkabilang gilid ng pasukan, para bang may hinihintay silang napakahalagang bisita.Pagkakita niya nito mula sa malayo, napangiti si Charlie at sinabi, “Mukhang napakaganda ng timing natin. Parang may malaking okasyon ang pamilya Zano ngayon.”Napalunok si Angus sa kaba at tinanong si Charlie, “Mr. Wade, mukhang may daan-daang tao rito sa unang tingin pa lang. Papasok ba talaga tayo para gumawa ng gulo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi ba sinabi ko na gagawa tayo ng eksena sa kanila? Sundan mo lang ako mamaya. Bibigyan kita ng senyas para sa susunod na gagawin.”Pagkatapos ay idinugtong niya, “Pero kung talagang nag-aalala ka, pwede akong pumasok mag-isa
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin