LOGIN"Oshino Hakkai?!" sigaw ni Yoshitaka. "Tokyo Dome ang sinabi ko, at ako ang dapat ninyong protektahan! Sino ba nagbanggit ng Oshino Hakkai?!"Ang Mitsui residence ay nasa timog-kanluran ng Tokyo, habang nasa downtown naman ang Tokyo Dome.Samantala, ang Oshino Hakkai naman ang lugar kung saan nagretiro ang ama ni Yoshitaka, at malapit iyon sa Mount Fuji at mahigit walumpung kilometro pa sa timog-kanluran ng Mitsui residence!Sa madaling salita, kabaligtaran ang direksyon na pinupuntahan ni Shinichi!"Pero, Sir, si Yoshiyasu ang tumawag sa akin," paliwanag ni Shinichi. "Sinabi niyang baka nasa panganib ang estate ng ama ninyo kaya dapat akong pumunta agad doon…"Nang matauhan siya, mabilis siyang sumigaw nang malamig, "Mga inutil! Bumalik kayo at pumunta agad sa Tokyo Dome! Inaatake tayo!"Dumilim ang mukha niya pagkababa ng tawag, nanginginig pa rin ang kamay habang mahigpit na hawak ang cellphone dahil sa galit. "Hindi… Imposible… Ang kapatid kong matagal nang tapat na nagliling
Pagharap kay Hanzo, sinabi ni Charlie, "Papuwestuhin mo ang mga tauhan mo sa magkabilang dulo ng hallway na ito—walang papasok o lalabas. Kung fan lang, paalisin ninyo. Pero kung halatang may masamang pakay, pabagsakin ninyo agad!""Opo, Sir!" tumango si Hanzo bago mabilis na humarap sa mga ninja niya. "Bantayan ninyo ang hallway na ito at huwag magpapapasok ng kahit sino! Ihanda ninyo ang mga shuriken at iba pang projectile weapon kung sakaling may dalang baril ang mga iyon. Kapag sumilip sila rito, mamamatay sila!"Pagkatanggap ng utos, mabilis na umalis ang mga ninja para bumuo ng perimeter habang nilapitan naman ni Charlie ang samurai na binulag niya, saka ito iniangat gamit ang isang kamay habang malamig na sinabi, "Sino ang nagpadala sa inyo? Magsabi ka ng totoo at hahayaan kitang mabuhay. Kung hindi, mamamatay ka."Kahit takot na takot, matigas pa ring sumagot ang samurai, "Walang mangyayaring ganoon! May asawa at mga anak pa ako. Kapag nagsalita ako, mamamatay sila! Pero kun
Nagulat ang lahat nang makita si Hanzo na magalang na lumuluhod sa harap ni Charlie.Natural lang na hindi kilala nina Yoshitaka at Kokomi kung sino si Hanzo, dahil kahit sikat ang mga Iga ninja at si Hanzo, wala naman talagang nakakaalam kung ano ang hitsura nila.Dahil, mga espesyal na martial artist ang mga ninja, pero ang tunay nilang kalakasan ay ambush tactics. Ang pinakamahalagang kakayahan na sinasanay nila ay ang manatiling hindi napapansin, nagtatago ng mga gamit sa ordinaryong damit para manakit o magtago. Ang hindi pagpapakita ng tunay nilang pagkakakilanlan ang paraan nila para protektahan ang sarili nila.Siguradong hindi inaasahan ni Yoshitaka na lilitaw sa Tokyo Dome ang mga Iga ninja, ang pinakamalakas na ninja clan sa Japan, at magbibigay-galang pa kay Charlie na isang Oskian.Pero nakahinga siya nang maluwag dahil nakikita niyang malaki ang tsansa niyang makaligtas ngayong gabi sa dami ng mga ninja at sa halos mala-diyos na kakayahan ni Charlie.Doon tinanong ni
Nag-aalala si Yoshitaka na lalo siyang mamaliitin ng anak niya, lalo na at hindi pa rin niya alam kung sino talaga si Charlie at ano ba talaga ang ginagawa niya.Langit lang ang nakakaalam kung agad siyang dudurugin ng lalaking iyon kapag sumobra siya.Dahil alam niyang wala ma siyang pagpipilian, tumango siya kay Charlie. "Huwag kang mag-alala, Mr. Wade! Sisiguraduhin kong mawi-wire ang pera kapag natapos na ito!""Uh-huh," walang ganang sumagot si Charlie bago humarap kay Tanya. "Dalawang beses na kitang iniligtas ngayon. Dahil sampung concert ang nakuha ko noong una, hindi ba dapat gawing dalawampu iyon ngayon?"Tumango si Tanya nang walang pag-aalinlangan. "Oo, Mr. Wade. Kung dalawampu ang gusto mo, dalawampu iyon. Wala rin akong problema kahit mas marami pa ang hilingin mo."Binigyan siya ni Charlie ng malaking thumbs-up. "Mabilis kang umintindi at desidido ka. Pinapahalagahan ko iyon, kahit hindi ko masabi ang pareho para sa iba."Namula si Yoshitaka sa kahihiyan dahil hala
Bilang isang global investor, hindi lang kayang maglabas ng Mitsui Group ng 5 billion nang madali—sigurado rin silang tuloy-tuloy silang kikita mula rito.Kung gagawin ni Yoshitaka ang gusto ni Charlie, ibig sabihin ay isusuko niya ang 780 million US dollars at halos ibibigay na lang iyon nang libre… at iyon ay kung perpekto niya lang magagawa ang lahat ng hinihingi niya, kung hindi ay aabot sa 5.78 billion dollars ang kabuuang lugi niya.Iiyak sana si Yoshitaka kung pwede lang—bilang negosyante, kita lang ang mahalaga sa kanya, at likas na sa kanya na sulitin ang bawat deal. Kahit may malulugi man, sisiguraduhin pa rin niyang pinakamaliit lang ang mawawala sa kanya.Kaya sinabi niya kay Charlie, "Mr. Wade, maimpluwensya at mataas ang reputasyon ng Mitsui Group namin. Wala ka talagang dapat alalahanin. Susundin ko nang eksakto ang lahat ng utos mo…"Tumango at nagkibit-balikat si Charlie. "Sige, pinagkakatiwalaan kita. Gaya ng sinabi ko, mababawi mo ang pera mo kung walang magiging
Habang nagfa-fangirl si Tanya kay Charlie, parehong gulat at ginhawa naman ang nararamdaman ni Yoshitaka nang makita niyang kontrolado ni Charlie ang lahat.Napabuntong-hininga siya sa ginhawa at nag-thumbs-up kay Charlie habang sinasabi, "Napakagaling noon, Mr. Wade! Walang laban ang mga sanay na samurai na iyon!"Tiningnan siya ni Charlie at malamig na sinabi, "Ikaw ang bahala sa mga bangkay. At tandaan mo, linisin mo ito nang maayos at huwag mag-iwan ng kahit anong bakas… O kung meron man, siguraduhin mong hindi iyon matutunton pabalik sa akin at magdudulot ng hindi kailangan na problema sa akin. Naiintindihan mo?"Sinulyapan ni Yoshitaka ang mahigit isang dosenang bangkay na nakahandusay sa paligid at parang sumakit agad ang ulo niya.Hindi naman sa hindi pa nakakapaglinis ng bangkay ang kumpanya niya—pero hindi pa sila nakakaranas ng ganoon karami nang sabay-sabay.Mas problema pa iyon dahil nasa gitna sila ng abalang lungsod tulad ng Tokyo.Pero nangako na ang anak niya kay
Ngumiti nang mapaglaro si Isaac habang sinabi, “Gusto mong malaman kung sinong nagbigay sa akin ng tapang na gawin ito? Pasensya na, pero inutos sa akin ito ng young mater ng pamilya Wade!”Kung sa ordinaryong pangyayari, bilang tagapagsalita ng pamilya Wade, syempre ay hindi direktang lalabanan ni I
Hinihintay sila ni Christopher sa labas ng villa. Nang makita niyang lumabas ang matandang babae sa villa kasama ang kanyang anak na lalaki at anak na babae, lumapit siya nang nagmamadali at tinanong agad, “Ma, nakuha mo ba ang pera sa kanila?”Mayroong sobrang dilim na hitsura si Lady Wilson habang
Ilang helicopter ang nagtipon-tipon sa labas ng bayan ng Aurous Hill at papunta na sa hangganan ng probinsya nang mabilis, unti-unting pinapaliit ang distansya nila sa target.Sa kabilang dako, nasa federal route ang puting Iveco Daily, nagmamaneho ayon sa speed limit. Madalas silang nakakasalubong n
Sa sandaling ito, nagtanong si Elaine sa pulis ng isang alanganin na tanong sa mahinang boses, “Ah… officer… hindi ko man lang ba pwedeng kausapin nang pribado ang manugang na lalaki ko tungkol dito sa bahay?”Galit na hinampas ng pulis na gumaganap bilang kontrabida ang lamesa bago siya tumingin sa







