Ang 520 ni Charlie ay mayroon lamang 184-horsepower na makina habang ang kanyang 540 ay mayroong 340 horsepower. Ang kanyang kotse ay dapat mas mabilis at mas malakas kaysa kay Charlie! Paano niya siya madaling nalampasan?!Ang mga taong nanonood ng karera ay nagulantang din!Walang nakaisip na si Charlie, na inakala nilang talo na, ay madaling nalampasan si Clinton sa isang matulin na paggalaw na parang isang palaso na binitawan sa pana! Sa totoo lang, ang kotse ni Charlie ay mabilis na kumaripas at agad na iniwan si Clinton!Wala pa sa kalahati si Clinton sa karera at nakaikot na agad si Charlie sa intersection sa dulo ng kalsada!Nang dumating si Clinton sa intersection, nasa panimulang linya na ang kotse ni Charlie!Nanalo si Charlie!Isang malaking tagumpay pa!Pagkatapos umikot sa intersection, nakita ni Clinton na nasa finish line na si Charlie at muntik na siyang himatayin!Anong nangyayari!Ano ba ang nangyayari!Kailan pa nalampasan nang sobra ng BMW 520 ang 540?H
Sa sandaling ito, nawala sa pag-iisip si Clinton.Ayaw niyang mapahiya ng talunan na si Charlie sa harap ng kanyang mga kaibigan.Kaya, kinagat niya ng kanyang mga labi, kinuha ang mga paputok kay Douglas, at tinapon ito sa loob ng kanyang sasakyan.Pagkatapos, habang kumuha siya ng lighter at hinawakan ang dulo ng paputok, sumigaw siya, “Tingnan niyo, kayong lahat! Hindi ako talunan! Hindi ko kailangan ng awa ni Charlie!”Pagkatapos, sinindihan niya ang mga paputok gamit ang lighter!Sa isang iglap, ang lahat ng mga paputok ay nasindihan at pumutok sa loob ng kanyang kotse!Sa una, mga apoy ang nagliliyab sa loob ng kotse, pero hindi matagal, ang kotse ay napuno ng makapal na puting usok. Ang tunog ng tuloy-tuloy na pagputok ay pinadugo ang puso ni Clinton sa sakit, ngunit ang mga nanonood ay sobrang tuwang-tuwa at sabik.Maraming naglabas ng mga selpon upang i-record ang kakaibang eksena. Pinlano nila na i-post ito online upang ibahagi sa mga netizens.Ang 3-metrong paputok a
Maraming mga bisita ang nagbigay ng kanilang mga regalo kay Douglas. Hawak ang painting, naglakad si Charlie papunta kay Douglas at sinabi, “Binabati kita kaibigan. Ito ang maliit na regalo namin upang ipagdiwang ang seremonya ng pagbubukas mo.”Sinabi nang nakangiti ni Claire, “Douglas, binabati kita at sana maging matagumpay ang grand opening mo. Sana ay maging maunlad ang negosyo mo sa mga susunod na taon!”“Salamat, salamat!” Sinabi nang mabilis ni Douglas. Pagkatapos, sumandal siya sa tainga ni Charlie at binulong na may pilyong ngiti, “Hey, nakikita ko na malapit ang relasyon niyo, hindi tulad ng mga sabi-sabi! Kailan kayo magkakaanak?”Nahiyang namula si Claire nang marinig niya ang bulong. Sumagot si Charlie, “Tigilan mo na. Kung mabubuntis siya, ikaw ang unang makakaalam at aasahan ko ang regalo mo!”“Syempre!” Tumawa si Douglas at tumango. “Bibigyan ko ng malaking regalo ang bata!”Sa sandaling ito, isang pangkaraniwang babae na may makapal na makeup ang lumapit kay Doug
Sina Charlie, Claire, at Loreen ay magkasama sa iisang lamesa. Sumali sa kanila si Clinton at umupo sa tabi ni Loreen.Tinanong niya si Loreen na may malaking ngiti sa sandaling umupo siya, “Loreen, narinig ko na pumunta ka sa Aurous Hill upang magtrabaho sa Emgrand Group, totoo ba?”Tumango si Loreen. “Oo, kasisimula ko lang.”Mas lalong lumaki ang ngiti ni Clinton. “Ano ang pagkakataon! Ang ama ko ay deputy general manager sa isang departamento sa Emgrand! Hihilingin ko sa kanya na alagaan ka sa trabaho.”Maraming tao ang nabulalas sa sorpresa, “Aba, Clinton, deputy general manager ang ama mo sa Emgrand Group?”“Oo!” Tumango nang buong karangalan si Clinton. “Napromote siya noong nakaraang taon.”Mabilis na sinabi ng isa na may pambobolang tono, “Sigurado na ang taunang sweldo ng deputy general manager ay ilang milyong dolyar, tama? Ang galing! Hindi nakapagtataka na mayaman ang pamilya mo!”Tumawa si Clinton at sinabi, “Sahod lamang iyon. Medyo malawak ang awtoridad ng ama ko
Walang intensyon si Douglas na gawin ito, ngunit sobrang lakas ni Lily at wala siyang magawa kundi sundin ang gusto niyang gawin.Gayunpaman, hindi nasorpresa ang mga dumalo. Nang i-anunsyo niya kung gaano kamahal ang mga regalo, kaya nilang malaman kung gaano kaganda o kasama ang katayuan ng mga dati nilang kaklase pagkatapos nilang magtapos. Dahil ang pagkukumpara at selos ay likas sa tao.Pagkatapos, sinimulan ni Lily ang anunsyo.“Salamat, Jack Brown, para sa iyong isang libong dolyar!”“Salamat, Bella Walsh, para sa pares ng ginto!”“Salamat, Ola Rivers, para sa isang magandang pasilyo!”“Salamat, Clinton Tucker, para sa iyong sampung libong dolyar!”Ang unang mga regalo, kahit pera o mga gamit, ay halos isang libong dolyar. Biglaan, nang dumating kay Clinton, ang kanyang sampung libong dolyar na regalo ay nagpadala ng alingawngaw ng gulat sa restaurant.Sampung libong dolyar ay malaking halaga para sa seremonya ng pagbubukas!Maraming tao ang namanghang tumingin kay Cl
Nang marinig ng lahat na ang ama ni Lily ay isang estimador ng mga kultural na relikya, agad silang tumingin nang mapanghamak at nakiramay kay Charlie.Silang lahat ay may parehong iniisip—sobrang malas ni Charlie!Ang pagpapasikat niya ay nagambala ng presensya ng isang eksperto! Ito ay parang sampal sa kanyang sariling mukha!Sobrang mapapahiya siya kung si Lawson Lewis, ang ama ni Lily, ay bumaba! Nahihiyang namula si Claire. Sumandal siya kay Charlie at binulong, “Maraming tao ang pinapanood ka. Hindi dapat maging matigas ang ulo mo, kung hindi sobrang nakakahiya!”Sa daan papunta rito, sinabi nga ni Charlie ang tungkol sa painting na binili niya ngunit sinabi niya na hindi malaki ang ginastos niya. Gayunpaman, ngayon, nagbago ang kilos niya at sinabi na sobrang mahal nito. Si Claire ay kaunting nagduda at nag-alinlangan nang dahil sa pagbabago ng reaksyon niya, iniisip na baka nagsinungaling si Charlie para sa kanyang reputasyon.Sa kabilang dako, walang reaksyon si Charli
”Opo,” sumagot si Lily. “Magkaibigan sila simula noong kolehiyo!”Habang sinasabi niya ito, iniisip niya sa kanyang utal, ‘Charlie, kayong dalawa ni Douglas ay mabuting magkaibigan ngunit nangahas ka na bigyan siya ng isang walang halagang basura, hayaan mong ilantad ka ng ama ko at ipahiya ka sa harap ng lahat!’Gayunpaman, taliwas sa inaasahan ng lahat, sinabi ni Lawson na may nalulugod na buntong hininga, “Talaga, mukhang isa siyang mabuting kaibigan! Bakit siya magbibigay ng isang sobrang mahalagang na regalo kung hindi?”Ang lahat ay nagulantang sa sinabi niya!Ano ang ibig sabihin niya sa ‘mahalaga’? Sinasabi niya ba na ang madilaw-dilaw na painting ay mahal? Nababagot, minura ni Clinton sa loob ng kanyang ulo, ‘T*ng ina! Pwede akong pumunta sa Antique Street, bumili ng pekeng painting, ihian ito para maging mukhang luma at madilaw-dilaw, at mas magiging mukhang tunay pa ito kaysa sa basurang iyan!’Nilinis ni Lawson ang kanyang lalamunan at sinabi sa tapat na tono, “Ito a
Sa sandaling ito, gusto nang mamatay ni Clinton!P*cha!Anong nangyayari!Hindi siya makakawala, tama?Paano siya pinahiya nang ilang beses ng talunan na si Charlie?Kailanman ay hindi niya inakala na ang painting ay tunay at may halagang dalawang daang libong dolyar!Nangako na siya, ano na ang gagawin niya? Kailangan niya ba talagang kainin ang lamesa?Talagang imposible ito!Kaya niyang bumili ng bagong kotse pagkatapos masunog ng isa, pero paano siya kakain ng lamesa?Siguradong mamamatay siya kung gagawin niya iyon!Inasar siya ng mga nanonood, “Hoy, Clinton, ikaw mismo ang nagsabi na kakainin mo ang lamesa kapag natalo ka. Sisirain mo nanaman ba ang pangako mo ngayon?”“Tama! Hinihintay ng lahat ang pambihirang palabas mo!”May sumampal nang malakas sa lamesa. “Hoy, gawin mo na ngayon!”Ang mukha ni Clinton ay naging pangit na kulay ng pula at berde. Sinabi niya nang mahina, “Magkaibigan tayong lahat, kailangan niyo ba talagang akong sipain kahit na natumba na ako? ”