Share

Kabanata 6506

Penulis: Lord Leaf
Sumigaw si Jacob sa middle-age na lalaki, "Kung hindi mo kayang magbayad, tigilan mo ako! Isa lang ang hinihingi ko, at iyon ay gusto kong bumaba sa eroplano ngayon din!"

Saka lang natauhan si Elaine at mabilis siyang nagtanong, "Huwag mong sabihing… Iyong nakita natin online… ikaw ang nagbenta kagabi?!"

Malapit nang maiyak si Jacob habang tumatango. "Oo, ako iyon! Kaya gusto ko iyong mabawi kahit ano pa ang mangyari!"

Nabahala na rin si Elaine. 20 million ang pinag-uusapan nila! Kahit interes lang sa bangko ang gamitin nila, kaya nilang gumastos ng 10 thousand kada araw nang hanggang walong taon!

Paano nila hahayaang mawala iyon sa kamay nila?!

Itinuro ni Elaine ang flight attendant at agad siyang sumigaw, "Hoy, kausap ka niya! Buksan mo ang pinto, narinig mo?!"

Habang hindi makayanan ng flight attendant na sabay silang harapin, may lumapit na binatang may puting polo at itim na pantalon, at sinabi niya kina Jacob at Elaine, "Pasensya na pero ako ang air marshal ng eroplanong it
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6507

    Sa totoo lang, hindi naman ganito katapang si Jacob, pero nagawa niyang sagutin ang air marshal dahil sobrang laki ng 20 million.Nagpapalakas ng loob ang pera, parang alak—hindi magsasalita ang isang tao dahil lang sa ilang libo, pero para sa isang milyon, papatay siya.At 20 million ang pinag-uusapan nila rito!Bukod pa roon, mapupunta pa sa kaaway niya ang 20 million niya, kaya lalo siyang nagngalit!Pero mabilis siyang napakalma ng mga salita ni Elaine dahil wala talagang panalong mangyayari kapag nakulong siya.Nakulong na si Elaine nang tatlong araw at umalis siya roon na bali pa ang binti.Diyos lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari kung maaresto siya nang labing-apat na araw.Nang maisip iyon, tumigil na siya sa pakikipagtalo sa air marshal at malungkot na bumalik sa upuan niya.Hawak-hawak ang kamay ni Elaine, tumulo ang luha ng hinagpis sa pisngi niya habang mahina niyang tinanong, "Ano na ang gagawin ko ngayon, mahal? Akala ko kalakal lang kaya binenta ko nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6506

    Sumigaw si Jacob sa middle-age na lalaki, "Kung hindi mo kayang magbayad, tigilan mo ako! Isa lang ang hinihingi ko, at iyon ay gusto kong bumaba sa eroplano ngayon din!"Saka lang natauhan si Elaine at mabilis siyang nagtanong, "Huwag mong sabihing… Iyong nakita natin online… ikaw ang nagbenta kagabi?!"Malapit nang maiyak si Jacob habang tumatango. "Oo, ako iyon! Kaya gusto ko iyong mabawi kahit ano pa ang mangyari!"Nabahala na rin si Elaine. 20 million ang pinag-uusapan nila! Kahit interes lang sa bangko ang gamitin nila, kaya nilang gumastos ng 10 thousand kada araw nang hanggang walong taon!Paano nila hahayaang mawala iyon sa kamay nila?!Itinuro ni Elaine ang flight attendant at agad siyang sumigaw, "Hoy, kausap ka niya! Buksan mo ang pinto, narinig mo?!"Habang hindi makayanan ng flight attendant na sabay silang harapin, may lumapit na binatang may puting polo at itim na pantalon, at sinabi niya kina Jacob at Elaine, "Pasensya na pero ako ang air marshal ng eroplanong it

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6505

    Pagkakita niya sa comment na iyon, agad na humarap si Elaine kay Jacob. “Mahal, sa tingin ko ay hindi ito gawa-gawa. Sabi dito na itinuring na Renaissance ang antique at naibenta sa dealer ng 300 thousand, pero medieval pala at naibenta agad ngayong umaga.”Parang naglaho ang diwa ni Jacob sa isang iglap, at nabitawan niya ang baso ng champagne nang hindi niya namamalayan, nabasa ang pantalon niya.Dali-daling kumuha si Elaine ng tuwalya para punasan iyon. “Anong nangyari?! Bakit binasa mo ang pantalon mo?!”Nang mapansin niyang nakabuka ang mata at bibig ni Jacob habang tulala itong nakaupo na parang lantang-lanta, agad niya itong niyugyog. “Anong nangyayari sa iyo, Jacob? Ayos ka lang ba?”Nang matauhan si Jacob, agad namula ang mga mata niya.Bigla siyang tumayo at sumigaw sa galit, “Puta! Yung 20 million ko! Buksan niyo ang pinto! Ngayon din! Bababa ako sa eroplano!”Nagulat ang cabin crew at ang ibang pasahero sa bigla niyang sigaw, at lalo ring nalito si Elaine. “Yung 20 mi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6504

    Habang labis na nanghihina si Zachary sa kawalan ng pag-asa, kumalat na parang apoy ang balita na kumita si Raymond ng 20 million sa loob lamang ng isang araw.Kahit na tinakot na ni Zachary si Mick para hindi ito ipagkalat, ang problema ay alam ng buong Antique Street ng Aurous Hill na may mahigit isang dosenang customer ang dumagsa sa shop ni Raymond pagkabukas pa lang ng umaga.Kaya lalo lang silang naintriga—kahapon lang daw nagkamali si Raymond, pero ngayong araw ay dagsa ang mga tao sa shop niya? Ano bang ginagawa niya?Kaya nang nag-uwian na ang karamihan sa mga kolektor matapos hindi makuha ang bronze sculpture, nilapitan sila ng mga usisero para magtanong.Sa panig ng mga kolektor, hindi naman nila itinago ang totoo, kaya ibinahagi nila ang buod ng nangyari.Di nagtagal, napaisip ang lahat ng antique dealer sa Aurous Hill kung ano pa ang silbi nila sa mundong ito.Sinasabi pa naman na naghanda ang mga kolektor ng 20 million bago nagmadaling bumiyahe papuntang Aurous Hill

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6503

    Nakahinga agad nang maluwag si Zachary nang marinig niyang paalis na ang flight ni Jacob.Mabigat ang problema, pero magkakaroon siya ng oras para makapag-isip ng paraan kung bibigyan siya ng kaunting panahon.Bukod pa roon, walang alam si Jacob at nasa Dubai na siya pagkalipas ng ilang oras. Higit sa lahat, hindi siya maaabala ng mga tsismis sa Aurous Hill pagdating niya, kaya mas may oras si Zachary para ayusin ang gusot na ito.Kaya mabilis na sinabi ni Zachary, “Ah, wala naman, Mr. President. Tumawag lang ako para kumustahin ang flight niyo, pero dahil lilipad na kayo, siguradong sasabihin na ng flight attendant na i-on ninyo ang flight mode. Hindi na ako mang-aabala pa—ingat sa biyahe kasama ang misis!”Nang marinig ang magiliw na boses ni Zachary, natawa si Jacob. “Ayos ka talaga. Bibilhan kita ng mga local souvenir!”“Ay, salamat agad, Mr. President!” sinabi ni Zachary, parang alipin pa rin ang tono.“Uh-huh,” sagot ni Jacob. “Sige, ibabana ko na. Mag-usap tayo sa susunod.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6502

    Ang grupo ni Mr. Cardensky ang gumawa ng pekeng bronze sculpture—ang ginawa lang talaga ni Zachary ay kumbinsihin si Jacob na bilhin iyon, at kumita pa nga si Jacob nang bilhin iyon ni Raymond.Ibig sabihin, wala talagang kinalaman si Zachary sa buong plano dahil tagapamagitan lang naman siya.Sa madaling salita, kung wala palang halaga ang bronze sculpture, wala siyang talo… pero kahit maging 100 million pa ang halaga niyon, wala rin siyang kikitain.Pero kilalang-kilala niya kung anong klaseng tao si Jacob Wilson.Sa totoo lang, si Charlie lang ang mas nakakakilala kay Jacob kaysa sa kanya—pati sina Claire at Elaine ay hindi uubra sa kanila.Patay na talaga siya.Iyon agad ang pumasok sa isip ni Zachary sa oras na malaman ni Jacob ang nangyari.Siyempre, isa si Jacob sa mga taong walang pakialam sa kung anumang patakaran—Pagsisisi ng buyer? Pagsisisi ng seller? Wala siyang pakialam sa mga iyon.Hindi siya magre-refund kahit pa Diyos ang mabiktima niya. At kabaligtaran, kung m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status