INICIAR SESIÓNMaaga akong bumangon dahil maayos na ang pakiramdam ko. Ala singko palang ng umaga ay bumangon na ako, ang bilin ni nanay Lita ay dapat ala singko palang ay naka bangon na ako kaya naman saktong ala singko ay pababa na ako.
Nadatnan ko si nanay Lita na nasa kusina na. Inaayos ang mga lulutuin, mahilig kumain ng kanin ang senyorito sa umaga at iba’t ibang putahe ang naka hain sa lamesa, hindi niya type ang mga palaging inihahain sa lamesa kapag umaga.
“Oh hija? Maayos na ba ang pakiramdam mo?”
Agad kong tinanguan ang matanda.
“Ano pong lulutuin niyo nay?” kumuha ako ng apron para makatulong ako sa pagluluto.
“Marunong ka naman hija mag luto hindi ba?”
“Opo! Ako po palagi ang nagluluto sa bahay,” nakangiting sagot ko. Parang naka hinga naman nang maluwag si nanay sa sinabi ko.
“Mabuti, dahil habilin ng senyorito ay ikaw ang magluto ng pagkain niya palagi,”
Nagulat ako sa sinabi ng matanda. “Po? Bakit po?”
“Ewan ko ba sa batang ‘yon, hindi naman siya pihikan sa pagkain hija, kaya huwag kang mag alala,” bahagya naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya sa akin.
Mabuti naman at hindi pihikan ang senyorito! Baka mahirapan akong lutuan siya ng mga pagkain kung sakaling pihikan siya sa pagkain.
“Mabuti naman po, akala ko po ay mahihirapan ako sa pagluluto at pag pili ng ulam kung sakaling sobrang pili niya sa pagkain,”
Sa totoo lang ay sobrang hirap lutuan ng mga pihikan sa pagkain. Danas ko na sa kapatid ko na sa sobrang aarte sa pagkain, mga hindi naman anak mayaman.
“Bukod po sa pagluluto, ano pa pong kailangan kong gawin dito?” sobrang lawak ng mansyon, kung wala na akong gagawin ay pwede kong libutin ito o makipag kwentuhan sa ibang mga kasambahay.
“Maaari kang mag dilig ng mga halaman hija, ikaw ang bahala kahit ano pu-pwede pagkatapos mong mag luto para sa senyorito,” nakangiting sagot sa akin ni nanay. Tinanguan ko ito at tinapos ko na ang niluluto ko.
Balak ko na mag dilig ng mga halaman, nakita ko na ang hardin nila at isa lang ang masasabi ko! Sobrang ganda at sobrang linis nito.
Tuwang tuwa ako kapag nakaka kita ako ng mga halaman, sobrang gumagaan ang pakiramdam ko, siguro dati akong cactus.
Bahagya akong natawa sa kalokohang naiisip ko sa sarili ko, pero agad din itong nawala nang marinig ko ang mala yelong tinig ng senyoritong masungit at palaging iritado sa buhay.
“What’s funny?” bugnot na tanong nito sa akin. Agad akong umiling sa kanya.
“Magandang umaga, senyorito Lorenzo,” ginandahan ko pa ang ngiti ko pero hindi man lang niya ako binati pabalik.
Arte naman.
Si nanay Lita na ang nag asikaso ng pagkain ng senyorito kaya lalabas na sana ako nang magsalita na naman ang bugnutin na senyorito.
“Where are you going, Carmella?”
Dahan dahan akong pumihit paharap sa kanya at ngumiti.
“Sa hardin senyorito, may ipag uutos ka?”
Umiling siya sa akin kaya agad akong tumango.
“Ipatawag niyo nalang po ako kapag kailangan niyo ako, nasa hardin lang po ako!” bahagya pa akong kumaway sa kanya bago tuluyang tumalikod. Pero bago pa ako tuluyang maka labas ay tinawag na naman niya ang pangalan ko kaya halos mapa padyak nalang ako sa sobrang inis.
“Carmella,”
Agad akong lumapit. Pilit ang ngiti na sinalubong ko sa kanya.
“Bakit po?” halos may banta na sa tono ng boses ko. Kanina ko pag gustong tignan ang hardin nila.
“Nothing, you can go,” hindi nakatakas sa akin ang multo ng ngisi niya pero hindi ko na iyon pinansin pa. Ngumiti ako nang malapad at tuluyan nang lumabas.
Dali dali akong nag punta sa hardin, hindi nga ako nagkamali dahil sobrang ganda ng hardin nila, iba’t ibang mga bulaklak ang nandito.
“Good morning daidy! Good morning rose!” halos banggitin ko na ang bawat bulaklak na nandito sa hardin habang dinidiligan ko ang mga ito.
Sobrang aliwalas dito sa hardin, halos matuyo na ang ibang mga bulaklak kaya agad kong diniligan ang mga ito. Hindi siguro gaanong na aasikaso ang hardin na ito.
“Malalanta kana, sobrang kawawa ka naman,” pakikipag usap ko sa bulaklak na nilapitan ko. Agad ko itong diniligan.
“Huwag kayong mag alala! Simula ngayon ako na ang mag aalaga sainyong lahat!” pangako ko sa mga bulaklak. Bahagya pa akong natawa dahil kinakausap ko ang mga ito.
Kaya minsan sinabihan akong baliw dahil kinakausap ko ang mga halaman, minsan pader. Lumaki akong si Norine lang ang kaibigan ko kaya minsan nakikita ako ng mga kapatid ko na kausap ko ang pader o kaya ang mga halaman sa bahay na pinilit ko pa si mama na ibili para sa akin.
“Naku, kawawa naman kayo, mukhang dehydrated na kayo..”
“Hi Mr. Woody! I hope you’re okay!” ngumisi ako dahil ito lang ang nag iisang puno rito sa hardin. Sa may bandang gilid pa ito kaya hindi masyadong pansinin.
“Mas maganda siguro kung may lamesa’t upuan dito,” bulong ko sa sarili ko habang nakatayo ako sa tabi ni Mr. Woody.
“You want to put a table and chairs here?”
“Palaka!” sigaw ko sa sobrang gulat nang marinig ko ang boses ng senyorito. Bakit bigla na lamang itong nasulpot?!
“What are you doing?” natatawang tanong niya sa akin. Tawang tawa siguro siya sa akin dahil mukha akong dagang gulat na gulat dahil sa kagagawan niya.
“Nakakagulat ka naman senyorito, bakit bigla ka nalang nasulpot?” hawak ko pa rin ang dibdib ko.
“Tumikhim ako, Carmella.” tipid niyang sagot sa akin. Bahagyang umawang ang labi ko nang marinig ko siyang mag tagalog. Marunong naman pala siyang mag tagalog? Pinapahirapan niya pa ako sa pag e-english niya minsan.
“Pasensya na senyorito,”
Muli siyang tumikhim kaya tipid akong ngumiti. “You want to put a table and chairs here?” pag u-ulit niya sa tanong niya sa akin kanina.
Dahan dahan akong lumingon at tumango sa kanya. Tinitignan ko ang magiging reaksyon niya kung galit ba siya pero mukha namang hindi.
“Let’s do that, let’s put table and chairs here,” tipid na sagot niya sa akin. Bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
Seeking shelter, I saw myself standing into my cousin’s house. Kumunot ang noo ko nang walang nag bubukas ng pintuan. Naiinis kong pinag dudutdot ang door bell ng bahay niya. Hindi ko tinigilan ang door bell hanggang sa walang nag bubukas ng pintuan. “Can’t you just chill?!” boses ng babae ang narinig ko na nag bukas ng pintuan. Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Lea na nasa harapan ko ngayon. “What are you doing here, brat?” Lea is one of the girls na hindi ko maka sundo kahit anong gawin ko. She have this secret animosity towards me. It’s because of Thiago. Ang alam ko si Thiago ang gusto niya, bakit siya ngayon nasa bahay ng pinsan ko? “What are YOU doing here, slut!” Nag sukatan kami nang tingin hanggang sa dumating si Rafael, ang nag iisang pinsan ko sa father side. “Nag away na naman ba kayo nila tita, Cari?” problemado niyang tanong sa akin. Eksaherada kong tinulak si Lea paalis sa dinadaanan ko. “Ouch!” alma niya sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin kaya hindi na
My life with my parents are the best parts of my life, where they always reminds me how beautiful life is because they exists, we exists. Pero ito na ata ang araw na pinaka ayaw kong mangyari sa buong buhay ko. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Blanko ang titig ko sa pader na tinitignan ko. Hindi ko man lang magawang iangat ang ulo ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Hinayaan kong pumasok ang taong kumatok sa kwarto ko. “Ate..” Hindi ako nag angat ng ulo nang marinig ko ang boses ng kapatid kong si Zio. Ayaw kong lumabas ng kwarto dahil ayoko munang kausapin sina mama at papa. “You need to talk to them,” lumapit si Zio sa tabi ko at umupo sa gilid ko. Hindi pa rin ako kumikibo. How can a parent arrange their child’s marriage?“Alam mo ang gusto ko, Zio,” malamig na sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag galaw niya sa kinauupuan niya. Bumuntong hininga siya. “You just heard the end of their conversation, you already assumed that they will fix your marriage to so
A/N: please read the author's note below, thank you!Carielle Lorenzina Flores Del Castillo“Are you sure about this, Carielle?” I look back at Raphael. He look hesitant. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Why? Nagpaalam ako kay mama at papa!” sagot ko sa kanya. Umawang ang labi niya sa sinabi ko. Huwag niyang sabihing takot siyang pumasok sa mental institution na ‘to? “Thiago let’s go,” pag tawag ko sa kaibigan namin. Wala naman silang nagawa kung hindi sumunod sa gusto ko. May gusto lang akong dalawin. I wanna see her. I may be bad about this but I want to see her suffering. “Hi, good morning miss,” bati ko sa nurse na nasa counter. “Yes ma’am, who are you visiting?” “Ivy Vargas,” “I am afraid she cannot have visitors right now, ma’am,” Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi ng nurse. “What do you mean?” “Her situation got worsened, and she is very violent po,” Hindi ako makapaniwala sa naging sagot ng nurse sa akin. “Can we just at least see her? Don’t worry we won’t go
Carielle Lorenzina Flores Del CastilloNakakainis naman! Ayaw ko pa namang nag pupunta ng school dahil sa kadahilanang pinapatawag ako sa guidance office! Wala sina mama at papa dahil may kailangan silang asikasuhin sa manila, kaya kami lang ni Zio ang naiwan sa bahay, ang kapatid ko na sobrang pasaway! “Laurent Rafael!” gigil na sigaw ko sa buong bahay. Nakarinig ako ng kalabog mula sa ikalawang palapag ng bahay at bumungad sa akin ang pinsan ko na gulo gulo pa ang buhok. “What is it, Carielle? Ang aga aga init ng ulo mo,” nakangiwing sagot niya sa akin. Sinamaan ko naman siya nang tingin. “Samahan mo ako sa school!” “Bakit? Wala ka namang pasok ah?!” Nginiwian ko naman siya. Nakakainis! Bakit ba nakakainis lahat ng kasama ko sa bahay ngayon?“Isusumbong kita kay tita Lauren!” gigil na sigaw ko sa kanya. Naiiyak na ako sa sobrang inis. Ilang taon na naming kasama si Laurent dito sa bahay dahil ayaw niyang tumira sa ibang bansa kasama si tita Lauren, Laurent Raphael is my cous
Lorenzo Del Castillo “Ate..” “I know where Carmella is,” I smirked at her. “Stop playing with me.” may banta sa boses ko. Ilang taon ko nang hinahanap si Carmella, pero palagi akong bigo tapos biglang susulpot si Lauren para sabihin ito sa akin? “I am not playing with you, why are you finding her anyway? You hurt her,” “I know. I will pursue her again.” Humalakhak siya sa sinabi ko. “She’s happy now, she doesn’t need you anymore.” That’s the last words that I heard from my sister, but looking at my wife now, happy pregnant with our second child, I cannot help but smile. I still remember when I asked Carmella’s hand on Loren, our daughter. I thought she is my accomplice, when when I asked about the engagement I was planning she suddenly gave me an attitude. That’s when I realized that she is not my accomplice all along, but her mother’s. “What are you thinking?” “I was just reminiscing about the past, Carmella,” marahan kong inalalayan si Carmella na maupo sa tabi ko. Ma
“Para saan ang party?” nag tatakhang tanong ko sa mga kasama ko sa bahay. Ilang araw na kaming nakatira rito sa bagong bahay namin ni Lorenzo, tapos ngayon ay abala ang mga tao dahil may party raw na gusto si Lorenzo. “Ewan ko kay kuya Lorenzo ate,” naka ngising sagot ni Kara sa akin. Tinaasan ko naman siya nang kilay sa sinabi niya. “Talaga? Hindi mo alam?” Humalakhak siya sa sinabi ko. “Oo ah! Hindi ko alam,” Natatawa siyang lumayo sa akin kaya hinila ko ang buhok niya. “Aray! Ate naman eh!” nakangusong sagot niya sa akin. Inirapan ko naman siya at hinayaan ko siyang makalayo sa akin. Bahala sila kung ayaw nilang sabihin. Lumipas ang oras hindi ko pa rin nahahagilap si Lorenzo, kahit si Zina ay hindi ko makita. Sila mama lang ang nandito. “Ate,” Agad kong nilingon si Hikari nang tawagin niya ako. “Bakit, Hikari?” May inaabot siyang box sa akin na hindi ko alam kung anong laman. “Suot mo raw mamayang dinner ate..” “Sino nag sabi?” tinignan ko ang box at nakita kong kula







