MasukMahigit dalawang linggo na akong nag ta-trabaho rito sa mansyon kaya gamay ko na ang mga gawain dito, na kahit naka pikit ay kayang kaya ko nang pagsilbihan ang senyorito.
Nasa sala ako ngayon, hinihintay ko ang senyorito na umuwi dahil bilin ni nanay Lita na hintayin ang pag uwi ng senyorito galing sa trabaho para maasikaso ko siya. Madalas ay ako na ang nag aasikaso sa senyorito kapag gabi dahil maagang nagpapahinga si nanay Lita.
Tulala lang ako sa sala nang bigla akong tawagin ni nanay.
“Carmella, matulog kana hija, baka hindi uuwi ang senyorito ngayong gabi,”
Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin.
“Po? Bakit po? Palagi naman po siyang umuuwi kapag gabi hindi ba?” hindi ko maiwasang hindi mag tanong. Bahagyang bumuntong hininga ang matanda sa tanong ko.
“Problemado ang senyorito kapag ganitong araw hija, kaya tandaan mo na lamang, kapag alas nuebe na at wala pa siya kapag ganitong petsa, huwag mo na siyang hintayin pa,” pinal na sagot nito sa akin.
Kuryoso man ay hindi na ako nag tanong pa ng kung anong impormasyon baka sabihin ay masyado akong pakielamera. Agad na lamang akong tumayo at nag lakad na papasok ng kwarto ko.
Ano kayang meron sa araw na ‘to? Wala man lang akong mapag tanungan kahit kuryoso ako dahil mukhang ayaw naman mag salita ni nanay Lita.
Bago pa ako tuluyang maka pasok ng kwarto ko ay may biglang humila ng kamay ko, kasambahay din siya katulad ko.
“Anong meron, Sharon?”
“Ang araw na ‘to ay ang pagkamatay ng ex-girlfriend ng senyorito Lorenzo,” bulong niya sa akin. Umawang ang labi ko sa sinabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tumitig kay Sharon.
“Hindi nga?!”
Agaran siyang tumango tango sa akin. “Sinabihan lang kita dahil mukhang ayaw sabihin ni nanay Lita sa’yo,”
Tumango ako kay Sharon at nagpa salamat, makakatulog ako nang mahimbing dahil nakuha ko na ang sagot sa tanong na gustong malaman ng utak ko.
Agad akong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama. Nakatingala lang ako kisame habang malalim ang iniisip ko. Akala ko maaga akong makakatulog dahil nalaman ko na ang dahilan kung bakit hindi uuwi ang senyorito pero nagkamali ako.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatulala sa kisame nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Nagtatakha akong tumayo at binuksan ito.
Bumungad sa harapan ko si Sharon, agad akong ngumiti nang makita ko siya.
“Anong problema, Sharon?”
“Hinahanap ka ng senyorito, Carmella,” natatarantang sagot niya sa akin. Agad na kumunot ang noo ko pero agad din naman akong sumunod sa kanya.
Agad kaming dumiretso sa sala at doon ko nakita ang senyorito na naka upo sa sofa at mariing nakapikit ang mga mata.
What happened to him? Lasing na lasing?
“Ano pong nangyari, nay?”
Sasagot na sana si nanay Lita nang biglang tumayo ang senyorito at agad na lumapit sa akin.
“Carmella Flores…” mahinang bulong niya sa akin. Mariin ang hawak niya sa magkabilaang pisngi ko. Amoy na amoy ko rin ang alak sa sistema niya.
Walang humpay din ang pag kabog ng dibdib ko dahil sobrang lapit niya sa akin.
“Alagaan mo ang senyorito, Carmella. Ikaw ang gusto niyang mag alaga sa kanya,” boses ni nanay Lita iyon.
Agad akong tumango nang nakangiti at tinignan ang lalaking nasa harapan ko ngayon. “Tara na, senyorito,”
Inakay ko ito paakyat sa kwarto niya, he’s obedient that’s why I didn’t had the hard time.
“Higa ka na sa kama, senyorito.. Kukuha lang ako ng mga gamit sandali,”
Agad akong napangiwi nang bigla nalang siyang nag dive sa kama niya nang naka dapa. Ano ba ‘yan? Wag lang sana siyang mag suka!
Nagmamadali akong kumuha ng pamunas sa kanya at tubig sa maliit na lalagyanan. Agad akong umupo sa tabi niya, nakahinga ako nang maluwag nang hindi na ito naka dapa kaya inumpisahan ko na siyang punasan sa mukha.
Nakapikit ang mga mata nito, siguro ay tulog na.
“Ang gwapo talaga ng senyorito..” I started tracing his nose down to his jaw, if God made a perfect man, it should be him. He is perfect, well his attitude isn’t based on what I am hearing from the other househelps.
Aalisin ko na sana ang kamay ko nang hulihin niya ito, napasinghap ako nang makita kong titig na titig siya sa akin.
“What are you doing?”
“Pinupunasan ka, senyorito,” alanganing sagot ko. Unti unti kong inaalis ang kamay niya sa akin pero ayaw niya talaga akong bitawan.
“Carmella,” tawag niya sa pangalan ko. Titig na titig pa rin siya sa akin, para akong na hihipnotismo sa bawat pag tingin niya sa akin. Hindi ako sumagot, hinayaan kong magka titigan kami.
Siya ang unang kumalas sa titigan namin, binitawan niya rin ang kamay ko kaya pinag patuloy ko ang pag punas sa kanya.
“Can I unbutton your shirt?” paalam ko.
“Do whatever you want,”
Huminga ako nang malalim. Kaya mo ‘to Carmella! This isn’t your first time seeing his body.
Gamit ang nanginginig kong mga kamay ay dahan dahan kong tinanggal ang butones ng polo nito, agad ko rin namang pinunasan ang katawan niya para agad na akong matapos.
Fuck, ang init ng pakiramdam ko!
Pagkatapos ko siyang punasan ay hinubad ko na ang damit niya, hindi ko na siya nilagyan ng damit, kukumutan ko nalang siguro siya para hindi siya lamigin mamaya.
“Tapos na po, senyorito.” paalam ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot dahilan para magkibit balikat ako. Tulog na yata siya.
Dahan dahan akong tumayo palayo sa kama niya pero agad akong napabalik sa pwesto ko pero nakahiga na ngayon. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako agad nakapag react.
Mulat na ngayon ang mga mata ng senyorito at mariing nakatitig sa akin. Abot ang pag tahip ng dibdib ko, para akong hihimatayin sa sobrang kaba!
Nanatili lang kaming nakatitig sa isa’t isa, walang nagsasalita. Tanging ang tibok ng puso ko ang naririnig ko, sobrang sakit ng bawat pag tambol nito sa dibdib ko.
“Iris..” sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko. Halo halong emosyon ang nakita ko sa mga mata niya, isang patak ng luha ang nag landas galing sa mata niya.
Gulat akong nanatiling nakatitig sa kanya, pero dahan dahan din nitong pinikit ang mga mata niya, kasabay ng pag pikit ng mata niya ay ang pag patak ng isang butil ng luha galing sa mata ko, kasabay ng bahagyang pag kirot ng dibdib ko.
Iris? Hindi naman ako si Iris, ako si Carmella..
A/N: please read the author's note below, thank you!Carielle Lorenzina Flores Del Castillo“Are you sure about this, Carielle?” I look back at Raphael. He look hesitant. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Why? Nagpaalam ako kay mama at papa!” sagot ko sa kanya. Umawang ang labi niya sa sinabi ko. Huwag niyang sabihing takot siyang pumasok sa mental institution na ‘to? “Thiago let’s go,” pag tawag ko sa kaibigan namin. Wala naman silang nagawa kung hindi sumunod sa gusto ko. May gusto lang akong dalawin. I wanna see her. I may be bad about this but I want to see her suffering. “Hi, good morning miss,” bati ko sa nurse na nasa counter. “Yes ma’am, who are you visiting?” “Ivy Vargas,” “I am afraid she cannot have visitors right now, ma’am,” Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi ng nurse. “What do you mean?” “Her situation got worsened, and she is very violent po,” Hindi ako makapaniwala sa naging sagot ng nurse sa akin. “Can we just at least see her? Don’t worry we won’t go
Carielle Lorenzina Flores Del CastilloNakakainis naman! Ayaw ko pa namang nag pupunta ng school dahil sa kadahilanang pinapatawag ako sa guidance office! Wala sina mama at papa dahil may kailangan silang asikasuhin sa manila, kaya kami lang ni Zio ang naiwan sa bahay, ang kapatid ko na sobrang pasaway! “Laurent Rafael!” gigil na sigaw ko sa buong bahay. Nakarinig ako ng kalabog mula sa ikalawang palapag ng bahay at bumungad sa akin ang pinsan ko na gulo gulo pa ang buhok. “What is it, Carielle? Ang aga aga init ng ulo mo,” nakangiwing sagot niya sa akin. Sinamaan ko naman siya nang tingin. “Samahan mo ako sa school!” “Bakit? Wala ka namang pasok ah?!” Nginiwian ko naman siya. Nakakainis! Bakit ba nakakainis lahat ng kasama ko sa bahay ngayon?“Isusumbong kita kay tita Lauren!” gigil na sigaw ko sa kanya. Naiiyak na ako sa sobrang inis. Ilang taon na naming kasama si Laurent dito sa bahay dahil ayaw niyang tumira sa ibang bansa kasama si tita Lauren, Laurent Raphael is my cous
Lorenzo Del Castillo “Ate..” “I know where Carmella is,” I smirked at her. “Stop playing with me.” may banta sa boses ko. Ilang taon ko nang hinahanap si Carmella, pero palagi akong bigo tapos biglang susulpot si Lauren para sabihin ito sa akin? “I am not playing with you, why are you finding her anyway? You hurt her,” “I know. I will pursue her again.” Humalakhak siya sa sinabi ko. “She’s happy now, she doesn’t need you anymore.” That’s the last words that I heard from my sister, but looking at my wife now, happy pregnant with our second child, I cannot help but smile. I still remember when I asked Carmella’s hand on Loren, our daughter. I thought she is my accomplice, when when I asked about the engagement I was planning she suddenly gave me an attitude. That’s when I realized that she is not my accomplice all along, but her mother’s. “What are you thinking?” “I was just reminiscing about the past, Carmella,” marahan kong inalalayan si Carmella na maupo sa tabi ko. Ma
“Para saan ang party?” nag tatakhang tanong ko sa mga kasama ko sa bahay. Ilang araw na kaming nakatira rito sa bagong bahay namin ni Lorenzo, tapos ngayon ay abala ang mga tao dahil may party raw na gusto si Lorenzo. “Ewan ko kay kuya Lorenzo ate,” naka ngising sagot ni Kara sa akin. Tinaasan ko naman siya nang kilay sa sinabi niya. “Talaga? Hindi mo alam?” Humalakhak siya sa sinabi ko. “Oo ah! Hindi ko alam,” Natatawa siyang lumayo sa akin kaya hinila ko ang buhok niya. “Aray! Ate naman eh!” nakangusong sagot niya sa akin. Inirapan ko naman siya at hinayaan ko siyang makalayo sa akin. Bahala sila kung ayaw nilang sabihin. Lumipas ang oras hindi ko pa rin nahahagilap si Lorenzo, kahit si Zina ay hindi ko makita. Sila mama lang ang nandito. “Ate,” Agad kong nilingon si Hikari nang tawagin niya ako. “Bakit, Hikari?” May inaabot siyang box sa akin na hindi ko alam kung anong laman. “Suot mo raw mamayang dinner ate..” “Sino nag sabi?” tinignan ko ang box at nakita kong kula
“Where are we going papa?” Kahit ako ay napa lingon kay Lorenzo dahil hindi ko rin alam kung saan kami pupunta. Kanina ko pa tinatanong si Lorenzo pero wala talaga siyang sinasabi sa akin. “It’s a surprise baby,” sagot naman ni Lorenzo. Ngumuso ako. Wala namang may birthday sa amin kaya hindi ko alam kung para saan ang surpresa niya. “Tayong tatlo lang?” nag tatakhang tanong ko sa kanya nang kaming tatlo lang ang lumabas ng bahay. “Yes,” Hindi na ako nag tanong pa kay Lorenzo at hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Malapit lang naman daw ang pupuntahan namin, at dahl ayaw niyang mag lakad ang anak niya ay gumamit pa rin kami ng sasakyan. Tumaas ang kilay ko nang makitang malapit sa plaza ang tinatahak namin, pero bago pa kami maka lagpas sa arko ay may nilikuan siya, bumungad sa akin ang isang malaking bahay. It’s a big and modern house, lumaki akong bakante ang lupang ito tapos ngayon ay may nakatayong bahay na. Mukha ring bagong gawa. “Let’s go..” naka ngising sambit ni L
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, hindi siguro naisara ni Lorenzo ang bintana kagabi. Ngumuso ako nang makitang wala na ang mag ama ko sa higaan. Ano na naman kayang ginagawa ng dalawa?Imbes na hanapin sila ay nag pasya akong bumangon para maligo. Wala naman kaming napag planuhan ngayong araw kaya baka dito nalang kami buong araw. Mabilis akong natapos sa pag ligo kaya agad din akong lumabas ng kwarto, kumunot ang noo ko nang wala akong makitang kahit sino pagka labas ko ng bahay, agad akong dumireto sa kusina at tumaas ang kilay ko nang makita ang mag ama ko na nag luluto ng pagkain. “Loren let me, you might get burn!” “Papa naman! Ako sabi dapat mag cook para kay mama!” “Let me help okay? You might get burn,” “I won’t! Tito Maxi taught me how to cook!” “You’re just a kid, for god sake," Hinayaan ko lang silang dalawa sa ginagawa nila. Hindi ko alam kung marunong bang mag luto si Lorenzo dahil lumaki siyang maraming katulong sa mansiyon. “I know you don







