“Ate!” bulalas ng kapatid ko pagka sagot ko ng tawag. “Anong nangyari, Kara?” “Ate kailangan ng dalhin si mama sa hospital!” Agad kong hinilot ang noo ko dahil sa narinig. “Kamusta na si mama?” “Hindi maayos ang lagay niya ate, kailangan na talagang dalhin sa hospital,” there’s an urgency on Kara’s voice. “Dalhin niyo na siya sa hospital, Kara!” nag aalalang sagot ko sa kanya. Kagat kagat ko ang labi ko nang mapag tanto ko na hindi pa ako nakakapag padala nang pera sakanila. “Magpapa dala ako ng pera mamaya o bukas, may pera na akong hawak pero baka manghiram muna ako,” “Kanino ka naman manghihiram ate? Baka naman mabaon ka sa utang diyan?” nag aalalang sagot ni Kara sa akin. Bahagya akong tumawa. “Babayaran ko naman, Kara. Huwag kang masyadong mag alala sa akin,” “Kumakain ka ba diyan ate? Baka kapag umuwi ka rito buto’t balat kana,” Natawa ako. “Ano ka ba? Syempre naman, kumakain ako rito, kayo dapat ang inaalala ko,” “Kumakain kami ate, may stock pa naman kami rito sa ba
Last Updated : 2026-07-01 Read more