Hindi alam ni Madeline ang kanyang gagawin ng maalala ang kanyang kalagayan.Lahat ng babae ay gusto na ipresenta ang kanilang sarili na maayos sa lalaking kanilang pinakamamahal.“Sinong nagsabi na pwede kang pumasok?” Sabi ni Jeremy pagkatapos humarang sa pinto. Tinignan siya ni Madeline at sinabi, “Dito ako nakatira, ito ang bahay ko.”“Bahay mo?” Sabay tawa ni Jeremy. “Sa tingin mo may karapatan ka na sabihin na pamamahay mo ‘to?”Nawala ang mga kislap sa mata ni Madeline. Parang sinaksak ng basag na salamin ang puso ni Madeline dahil sa mga sinabi ni Jeremy.“Kung hindi lang dahil mabait si Mer, malamang nabulok ka na sa bilanguan.” Kitang kita ang pagmamahal ni Jeremy kay Meredith sa kanyang mga sinabi.Napangisi si Madeline. “Oo, kung hindi dahil sa kanya, malamang hindi ako hahantong sa ganong lugar.”Kita na nagalit si Jeremy sa kanyang mga sinabi. “Pagkatapos ang mga nangyari, may lakas ka pa ng loob na sumagot?”“Hindi ko ginawa ‘yun Jeremy! Nagsasabi ako ng totoo!
Labis ang takot na naramdaman ni Jeremy. Naramdaman niya na parang may isang tinik na tinutusok ang kanyang puso. Agad niyang binuhat si Madeline ng walang alinlangan.Nang makita ito ni Meredith mula sa isang tabi, agad siyang humarang para pigilan si Jeremy. “Jeremy, saan mo dadalhin si Maddie?”Ngunit, hindi siya pinansin ni Jeremy at agad agad na nagtungo sa Hospital habang buhat-buhat si Madeline.Habang nagtutungo sa ospital, puno ang kanyang isipan ng alaala ng sandali na unang niyang makilala ang batang babae noong bata siya. Napakaselan ng mga sandaling iyon ngunit napakatahimik. Patuloy niya itong iniisip.Bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy. Tila nakalimutan niya na dapat ay kinamumuhian niya si Madeline at agad agad na dinala siya sa ER.Sinabi sa kanya ni Madeline na buntis siya at siya ang ama. Subalit ngayon ang dugo ni Madeline ay nasa katawan niya.Pakiramdam ni Jeremy na sinasakal siya ng isang bagay na hindi niya maintindihan. Ito ang unang pagkakataon na pinal
Nagbago ang ekspresyon ni Jeremy ng marinig iyon.Lumakad siya papalapit at nakita na nakatalikod sa kanya si Meredith. Nakikipagusap siya sa doktor ni Madeline.“Bakit ito nangyayari? Hindi ko inakala na magagawa ni Maddie ang ganong klase ng bagay...” Pagkalipas ng ilang sandali, maririnig ang buntong-hininga ni Meredith. Hindi narinigg Jeremy ang buong istorya. Ngunit, nang lalakad na siya papasok at kwestyunin sila, sumimangot ang doktor at sinabi, “Hay! Laban sa sinumpaan ko ang magsinungaling, pero iba talaga ang kapatid mo. Hindi siya nagdadalang-tao, pero pinilit niya na magpanggap na nagdadalang tao siya. Gumamit pa siya ng pekeng dugo para magpanggap na naapektuhan ang sanggol. Nang nalaman namin, tinakot niya kami na magpapakamatay siya at pinilit kami na magsinungaling kasama niya. Wala kang masabi!”Agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jeremy ng marinig ito.Nagpapanggap lang siya?Nagpapanggap lang si Madeline na nagdadalang tao? Peke din ang dugo niya?“Nai
“Heh.”Kutya ni Jeremy. Tinitigan niya si Madeline gamiti ang kanyang mga maitim na mata.“Madeline, minaliit kita. Nagawa mo pa bayaran ang mga dokto dito para magsinungaling sila sakin tungkol sa pagbubuntis mo. Sa tingin mo ba tanga ako? Sa tingin mo ba malilinlang mo ako ng ganun lang kadali?”Tumingala si Madeline habang umiiyak. “Hindi! Hindi ako nagsinungaling sayo Jeremy! Bakit ako magsisinungaling sayo tungkol doon? Nagdadalang tao talaga! Jeremy, hindi ka ba naniniwala sakin? Hawakan mo tyan ko. Nandito talaga ang sanggol...”Tumayo si Madeline gamit ang lahat ng kanyang lakas at hinawakan ang kamay ni Jeremy. Gusto niya na paniiwalaan siya ni Jeremy. Nais niyang maramdaman ang buhay na namumuo sa kanyang tyan.Subalit tinapik lang palayo ni Jeremy ang kanyang kamay.Umalis ka sa harapan ko! Wag mo kong hawakan gamit yang napakadumi mong kamay!” Kita ang galit sa mga mata ni Jeremy. “Hindi ka buntis. Pero kahit buntis ka talaga, ipapa-abort ko ‘yan dahil hindi ka karapa
Gayunpaman, napailing nalang si Madeline at mapait na ngumiti. Anong pinagkaiba kung sasabihin niya kay Jeremy o hindi?Hindi parin siya bibigyan ng pansin ni Jeremy. Para kay Jeremy, mas makakabuti kung mamamatay siya.Alang-alang sa sanggol na nasa tyan niya, kailangan mabuhay ng matiwasay ni Madeline.Sinabihan siya ng doktor na kinokontra ng sanggol ang kalagayan niya.Sa paglaki ng sanggol sa kanyang tyan, lalong lalala ang kalagayan ni Madeline dahil ang posisyon ng sangol ay direktang nasa itaas ng tumor na lalong lalala sa bawat araw na lumilipas.Napakaraming resume ang ipinasa ni Madeline online, ngunit wala siyang natanggap kahit isang sagot. Ngunit sa huli, nakatanggap siya ng isang order.Mula ito sa isang maliit na kumpanya. Gusto nila na magdisenyo si Madeline ng isang pares ng singsing at disente ang inalok na presyo.Tinanggap ni Madeline ang order. Nagtrabaho siya buong araw sa kanyang silid at bumaba lang para kumain.Tatlong buwan na ang sanggol. Ngunit, tag
Nang marinig iyon ni Ava, nagsimula siyang mag-alala. “Madeline Crawford, anong pinagsasabi mo?”“Seryoso ako.” Sagot ni Madeline sabay ngiti. Tinignan niya ang asul na karagatan sa kanyang harapan, at muli niyang naisip ang magagandang alaala. “Ito ang lugar kung saan idineklara namin ni Jeremy ang pagmamahal namin sa isa’t-isa,” sabi ni Madeline bago niya itama ang kanyang sinabi, “Dito pala nagsimula ang one-sided love ko para sa kanya.”Nagulat si Ava. At pagkatapos ay napagtanto niya ang mga nangyayari. “So eto ang lugar kung saan kayo unang nagkakilala.”Tumango si Madeiline at ipinikit ang kanyang mga mata. Nasinawagan ng araw ang kanyang bilugan ngunit mabutong mukha. “Sinabi niya sakin noon, ‘Linnie, pagtandi natin, ikaw ang papakasalan ko.’”Sabi ni Madeline bago dahan-dahang minulat ang kanyang mga mata. Sa sandali ding iyon, nagsimula tumulo ang luha mula sa kanyang mata.Nagsimulang magalit si Ava. “Sinungaling ang lahat ng lalaki! Bata palang si Jeremy, alam na niy
Nagulat si Madeline sa inaasal ni Jeremy. Subalit, hindi na niya sinubukan pang amuhin si Jeremy. Mahinahon siyang nagtanong, "Anong gusto mong pag-usapan, Mr. Whitman?" Hindi masaya si Jeremy sa itinawag sa kanya ni Madeline. "Anong tawag mo sakin?" "May nagbago ba? Wala ka namang pakialam sakin, Mr. Whitman." Sumimangot si Jeremy. Pagkalipas ng ilang sandali ng pananahimik, nagsalita siya, "Lumalaki na ang tiyan ni Mer. Gusto ko siyang pakasalan." Kahit na alam ni Madeline na darating ang araw na pipilitin siya ni Jeremy na makipaghiwalay, nasaktan pa rin ng husto si Madeline sa kanyang narinig. Tumingin si Madeline sa lalaking kaharap niya. Natawa lamang siya. "Paano naman ako?" Ang tanong ni Madeline. Pakiramdam niya ay sila na ng anak niya ang pinakamalaking kalokohan sa buong mundo. Tumingin ng masama si Jeremy kay Madeline. "Kung magiging masunurin ka, pwede tayong manatiling ganito." Napahalakhak si Madeline sa kanyang narinig. "Mr. Whitman, sinasabi mo ba na gu
Hinanap agad ni Madeline si Jeremy. Kasing gwapo pa rin ng dati si Jeremy. Nakauoo siya sa kanyang mesa habang nagbabasa ng ilang dokumento; hindi man lang niya iniangat ang kanyang ulo. Napahalakhak siya nang malaman niya na nangungutang ng tatlong daang libo si Madeline sa kanya. "Maliit na bagay lang ang pera para sakin Maddie. Pero, hindi kita bibigyan ng kahit isang sentimo." Nagpatuloy sa pagmamakaawa si Madeline, "May cancer sa baga ang lolo ko, kailangan niya yung pera para sa pagpapagamot niya. Jeremy, please, pahiramin mo ako ng pera. Babayaran kita." "Babayaran mo ako? Ng ano?" Alam niyang hindi siya kayang bayaran ni Madeline. Subalit, bigla niya sinabi na, "Mapapahiram kita ng pera, pero kailangan mong pumayag sa hinihingi kong divorce." Hinawakan ng mahigpit ni Madeline ang dulo ng kanyang damit. Gusto ni Jeremy na maging asawa si Meredith at siya naman ang maging kabit. Pinigil ni Madeline ang sakit na naramdaman niya. Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sa