Share

Kabanata 20

Author: Sixteenth Child
Hindi alam ni Madeline ang kanyang gagawin ng maalala ang kanyang kalagayan.

Lahat ng babae ay gusto na ipresenta ang kanilang sarili na maayos sa lalaking kanilang pinakamamahal.

“Sinong nagsabi na pwede kang pumasok?” Sabi ni Jeremy pagkatapos humarang sa pinto.

Tinignan siya ni Madeline at sinabi, “Dito ako nakatira, ito ang bahay ko.”

“Bahay mo?” Sabay tawa ni Jeremy. “Sa tingin mo may karapatan ka na sabihin na pamamahay mo ‘to?”

Nawala ang mga kislap sa mata ni Madeline. Parang sinaksak ng basag na salamin ang puso ni Madeline dahil sa mga sinabi ni Jeremy.

“Kung hindi lang dahil mabait si Mer, malamang nabulok ka na sa bilanguan.” Kitang kita ang pagmamahal ni Jeremy kay Meredith sa kanyang mga sinabi.

Napangisi si Madeline. “Oo, kung hindi dahil sa kanya, malamang hindi ako hahantong sa ganong lugar.”

Kita na nagalit si Jeremy sa kanyang mga sinabi. “Pagkatapos ang mga nangyari, may lakas ka pa ng loob na sumagot?”

“Hindi ko ginawa ‘yun Jeremy! Nagsasabi ako ng totoo!” Naglakas loob at taas-noo niyang binigyan ng diin ang kanyang sinabi.

Gayunpaman, hindi natinang ang napakagwapong si Jeremy. Tinignan niya si Madeline at sinabii, “So ayaw mo talaga huh? Sige, lumuhod ka doon. Maniniwala ako sayo kapag nanatili kang nakaluhod hanggang sa tumigil ang ulan.”

Nabigla si Madeline, at agad nyang hinawakan ang kanyang tiyan.

“Ayaw mong maniwala ako sa’yo? Bakit nakatayo ka padin dyan?” Masungit na sagot ni Jeremy.

Nakatayo si Madeline sa ulan at tinaas ang kanyang mga matang puno ng luha sa lalaking lubos na nagmalasakit sa kanya sa kanyang alaala. “Jeremy, meron akong...”

“Jeremy, nagugutom na ako.”

Bago pa makatapos magsalitia si Madeline, narinig ang boses ni Meredith mula sa loob ng bahay.

Nandito pala si Meredith.

Matinding sakit ang nagsimulang kumalat sa buong katawan ni Madeline. Nanikip ang kanyang dibdib na para bang nahuhulog siya sa isang walang katapusang kadiliman.

Tumingin si Jeremy kay Madeline. “Dito mananatili si Maredith ngayong gabi. Kung gusto mong pumasok sa bahay na ‘to. Kailangan mo manatiling nakaluhod hanggang sa gusto ko.”

Pagkatapos niya sabihin iyon. Sinara niya ng malakas ang pinto at walang-awang tumalikod.

Ramdam ni Madeline ang malamig na ulan sa kanyang katawan. Kasabay nito, nanlamig din ang kanyang puso kasabay ng paglamig ng kanyang katawan.

Nagsimula ng dumilim ang kalangitan, at nakita ni Madeline na bumukas ang ilaw sa master bedroom. Dalawang anino ang makikita sa kurtina, at napakasakit sa mata na makita ito.

‘Jeremy, paniniwalaan mo ba ‘talaga ako?”

‘Pagkatapos ng lahat, hindi parin ako maikukumpara kay Meredith kapag nakatabi sayo sa kama...’

Pagkatapos ng gabing iyon, habang hilong-hilo si Madeline, sinalubong siya ni Meredith habang nakangisi.

“Hindi ko inakala na mananatili kang nakaluhod buong gabi para lang makuha ang atensyon ni Jeremy.”

Masiglang masigla pa si Meredith. Tila mapalad na walang nangyari sa batang kanyang dinadala kahit na nahulog siya sa hagdanan.

“Kung gusto mo talagang lumuhod, edi manatili kang nakaluhod!”

Sabay tawa ng malakas bago tumalikod.

Nanunuyo na ang bibig ni Madeline. Masama ang kanyang pakiramdam, kaya wala na siyang lakas na makipagtalo pa kay Meredith.

Pagkatapos manatili sa iisang posisyon buong gabi, hindi na maramdaman ni Madeline ang kanyang mga kamay at paa. Sinubukan niyang tumay upang pumasok sa loob ng bahay. Ngunit bago pa siya makapaglakad, dumating si Jeremy sa harapan niya.

Nakabaluktot na ang tuhod ni Meredith dahil sa matinding kapaguran. Sinubukan niyang hawan ang kwelyo ng damit ni Jeremy. Namumutla na ang kanyang mga labi at nagmakaawa, “Parang awa mo na Jeremy, maniwala ka sakin. Hindi ko talaga tinulak si Meredith...”

Nginisian lang siya ni Jeremy. “Bakit ako maniniwala sa isang masama at walang pusong babae na katulad mo?” Sagot ni Jeremy at pagkatapos ay itinulak niya palayo si Madeline.

Matinding sakit ang naramdaman ni Madeline sa kanyang ulo habang nakahandusay sa sahig; hindi niya magawang makatayo dahil sa matinding sakit na kanyang nararamdaman, at nagsimula siyang pagpawisan ng todo.

Nang maisip niya ang bata na kanyang dinadala, ginamit ni Madeline ang buong lakas na makakaya niya upang hawakan ang pantalon ni Jeremy. “Jeremy, sumasakit ang tyan ko. Dalhin mo ako sa ospital.”

Ngunit tinignan lang siya ni Jeremy na may halong pandidiri. “Ang galing mo talaga umarte Madeline.”

“Hindi Jeremy...Hindi ako... sobrang sakit na Jeremy...” Mahinang ginalaw ni Madeline ang kanyang mga labi. Naramdaman niya na nagsisimulan na siya mawalan ng malay. Hinawak niya ang pantalon ni Jeremy. “Kahit na malaki ang galit mo sakin o kahit na kinamumuhian mo ako, ikaw ang tatay ng dinadala ko...”

“Hmph.” Sabay ngisi ni Jeremy. Kita ang pagkutya sa kanyang mga mata. “Dinadala? Talagang ang galing mo gumawa ng storya Madeline! Lumayas ka sa harapan ko!”

Sinipa siya ni Jeremy ang mga kamay niya na nakawak sa pantalon. Pagkatapos masipa, napatawa nalang si Madeline. Tumingala siya upang tignan ang lalaking nasa kanyang harapan. Tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata habang may matinding sakit sa kanyang puso. “12 years sa nakaraan, isang batang lalaki ang nagsabi sakin, “Linnie, poprotektahan at mamahalin kita habangbuhay. Hindi kita hahayaan na masaktan...” Kasinungalingan lang pala lahat ng ‘yon... Sa loob ng labingdalawang taon, nahihibang lang pala ako... Hindi na ikaw yung Jez na naalala ko,”

Ano?

Halos mapatigil sa pagtibok ang puso ni Jeremy. Agad niyang naalala ang pinakaiingatan niyang memorya na hinding hindi niya malilimutan.

Nakilala niya ang isang batang babae na nagngangalang Linnie sa isang dagat ng taon na iyon.

Napakainosente at wala pang muwang ang batang babae. Makulit at maganda. Halos mahulog na ang kanyang kalooban ng masilayan niya ang batang babae.

Sa mga magagandang alaala na iyon, lagi siyang sinusundan ng batang babaeng iyon at malambing siyang tinatawag na Jez.

Nangako siya sa batang babae na mananatili sa tabi niya habangbuhay at papakasalan siya.

Pagkatapos niya malaman na Meredith ang pangalan ng batang babae, nagpasya si Jeremy na magiging mabuti sa babaeng nagngangalang Meredith habangbuhay. Paparusahan niya ang lahat ng sasaktan si Meredith!

Ngunit bakit biglang sinasabi sa kanya ni Madeline ang pangako na kanyang ginawa noong bata pa siya?

Pakiramdam ni Jeremy ay sasabog ang kanyang dibdib. Lumuhod siya at hinawakan ang balikat ni Madeline. “Anong sinabi mo?”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (140)
goodnovel comment avatar
Tess Dizon
oo nga nakakabeten dapat toloytoloy
goodnovel comment avatar
Drusilla Dru
gago Ka ang lakas Ng tama mo.mamatay Ka na Jeremy at Meredith
goodnovel comment avatar
Lovely Arguelles
sabi ung stirya dito free lang tapos nka unlock lang pla
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2479

    Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2478

    Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2477

    Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2476

    Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2475

    “Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2474

    Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status