Direkta si Evan. Hindi siya nagpapaligoy-ligoy pagdating kay Fabian. Hindi din ito itinanggi ni Fabian, pero hindi tanggap kung paano ito sinabi sa kanya ni Evan. “Isa siyang mabuting babae, mas maganda pa kaysa sa mga libertine na babae na palagi mong kasama. Hindi lang yun, nagkataon na nagkita na kayong dalawa noon. Kilala mo din ang kanyang ama. Baka tinadhana pala kayong dalawa.” Nagtaas ng kilay si Evan. “Young Master Fabian, gusto mo pa din akong i-reto sa kanya? Pero kailangan mong linawin to. Interesado siya sayo.” “Hindi ko din naman siya lubos na kilala. Higit pa doon, baka gusto lang niya ang itsura ko,” malamig na sinabi ni Fabian. Pagkatapos ay nagtawag siya ng isang katulong para dalhin na si Lillian pabalik sa kwarto nito para maligo. Hindi sang-ayon si Evan sa pananaw ni Fabian. “Ito lang ay dahil sa atraksyon sa itsura ng isang tao, kaya nakakaramdam ang isang tao ng kagustuhan para lubos pang makilala ang isang tao sa isang personal na lebel. Fab, wala ka p
Pero, hindi interesado sa kanya si Fabian. Pinakilala pa siya nito sa ibang lalaki. Dahil dito ay sandaling nalungkot si Julie. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin malaman kung ano ang kulang sa kanya. "Julie, normal lang para sa magkasintahan na mag-away. Wag lang masyadong malungkot. Kung sinubukan ka niyang suyuin, hayaan mo siya. Wag kang magtanim ng galit sa nobyo mo," mabuting paalala sa kanya ng isa pa niyang katrabahong babae. Natulala si Julie nang dalawang segundo bago siya tumango. "Hindi, hindi kami nag-away." Bahagya siyang ngumiti at nagsalita nang nahihiya. Sa sandaling ito, tumunog ang phone niya na nagsasabing nakatanggap siya ng message. Dinampot ni Julie ang phone niya nang may pananabik at tinitigan ito nang malapitan. Galing nga ito kay Fabian, pero pagkatapos niya itong buksan, ang nakita niya lang ay tatlong pamilyar na salita. [Salamat, Ms. Charles.]Sobrang nadismaya si Julie, pero hindi rin siya pwedeng magreklamo ng kahit na ano. Hindi siya nobya ni
Pagkatapos itanong ang bagay na ito, pakiramdam ni Julie ay masyadong malalim ang mga tanong niya. Paanong maiintindihan ng isang batang nasa kindergarten pa lamang ang kahulugan ng nobyo at nobya? Gayon na nga, tumingin si Lillian kay Julie nang may pagtataka na para bang nagtatanong siya kung anong ibig sabihin ng nobya. Pakiramdam ni Julie ay hindi na niya kailangang magtanong pa. Sa sandaling iyon, tumunog ang bell na nangangahulugang tapos na ang break. "Lillian, magsisimula na ang klase. Dalian mo at bumalik ka na sa klase mo." Tumango si Lillian at masunuring naglakad papunta sa klase niya. Habang pinapanood ang kanyang maliit na anyo, napuno ang isipan ni Julie. Gusto niya talagang malaman kung sino ang nasa puso ni Fabian. Nasa oras pa rin ang paglitaw ni Fabian nang matapos ang klase ni Lillian. Syempre, makikita niya palagi si Julie. Kagaya ng nakasanayan, iniabot ni Julie si Lillian kay Fabian nang may palakaibigan at malumanay na ngiti. Magalang na i
Maagang gumising si Fabian at nilagay ang mainit na tanghaliang kakaluto lamang ng chef sa isang thermal lunch box. Pagkatapos, maigi niyang sinuri ang lahat ng bagay na kailangang dalhin ngayon ni Lillian. Nang patapos na siya sa paghahanda, dumating si Lillian sa baba pagkatapos maligo. Kalahating oras ang nagdaan, dinala ni Fabian si Lillian sa kindergarten. Nang dumating sila, isang grupo ng mga magulang kasama ng mga anak nila ang nagtitipon-tipon na sa entrance. Para bang masigla silang lahat. Dinala ni Fabian si Lillian papasok. Sa kabilang banda, matagal nang napansin ni Julie ang taong kanina pa niya hinihintay sa gitna ng mga tao. "Mr. Johnson." Kumaway si Julie kay Fabian. Tumingin si Fabian at nakita niya si Julie na naglakad papunta sa kanya nang nakangiti. "Ms. Charles, mahirap siguro para sa'yo na mag-alaga ng napakaraming bata ngayong araw." "Trabaho ko ito, Mr. Johnson, ito ang itinerary ng spring outing ngayong araw, pati na rin ang ilang bagay na dapa
Doon lamang natauhan si Julie. Lumingon siya at nakita niya ang katrabaho niyang babae na nagtatakang nakatingin sa direksyon ni Fabian. "Julie, hindi ba boyfriend mo si Mr. Johnson? Bakit siya nakikipag-usap nang malapit sa ibang babae? Nag-away na naman ba kayo?" paulit-ulit na tanong ng babae sa pagtataka. Noon, hindi niya nilinaw na wala silang relasyon ni Fabian kaya nakakailang na itanggi niya ito ngayon. Kung kaya't pinili niya ang parehong pagsagot. "Wala lang yun. Magtrabaho muna tayo at mamaya na tayo mag-usap." Gumawa ng palusot si Julie at umalis. Inisip ng katrabaho niya na hindi maganda kung magtatanong pa siya kaya tumalikod siya at ginawa ang trabaho niya. Kahit na sinabi ni Julie na gagawin niya ang trabaho niya, hindi niya mapigilang isipin si Fabian. Pagkatapos makita si Fabian na masayang nakikipagkwentuhan sa isang bata-bata pang iba, mas lalong nabagabag si Julie. Sinasadya ba niya ito? Habang nanghuhula si Julie, bigla siyang may naisip. Mukhan
Sa sandaling iyon, hindi na mabango para kay Julie ang tiramisu na hawak niya. Tumalikod siya para umalis sa pagkadismaya at nakita niya ang ibang mga magulang na papalapit kasama ng mga anak nila para bigyan siya ng masasarap na pagkain at inumin. Nanatiling nakangiti si Julie at tinanggap ang kabutihang loob ng bawat isang magulat at estudyante. Gayunpaman, wala siyang gana na kainin ang lahat ng ito. Pagkatapos isantabi ang lahat, hindi niya mapigilang tumingin ulit kay Fabian. Gayunpaman, hindi niya nakita si Fabian pagkatapos niyang lumingon. Sa halip, nakita niya ang magandang nanay na naglalakad papunta sa kanya kasama ng kanyang anak. Dala niya ang anak niya at naglakad papunta kay Julie nang may magalang na ngiti sa kanyang eleganteng mukha. "Ms. Charles, salamat sa pag-aalaga sa anak ko sa klase. Niluto ko to kaninang umaga. Sana magustuhan mo." Tinignan ni Julie ang iniabot niyang pagkain. Isa itong kahon ng apat na mochi balls na mukhang nakakatakam. Kahit na
“Mr. Johnson, ayaw mo ba sa akin?” tanong ni Julie habang naglalakad siya para habulin si Fabian. Pagkatapos marinig ang tanong ni Julie, hindi nagbago ang mukha ni Fabian. Sa kabilang banda, itinaas ni Lillian ang kanyang tingin at nakatingin ito nang nagtataka kay Julie gamit ng maliwanag nitong mata.Subalit, inosente pa ang isipan ng mga bata. Tumingin lang siya saglit kay Julie bago magpatuloy sa paglalakad paharap nang may maliit na hakbang. Sa sandaling ito, nagsalita si Fabian, “Bakit mo natanong, Ms. Charles?” Nakahinga nang maluwag si Julie sa loob niya at ngumiti sa hiya dahil napansin na siya ni Fabian. “Wala lang. Pakiramdam ko lang may nagawa akong masama kaya ayaw mo akong kausapin.” “Ms. Charles, masyado ka atang nag-aalala. Ikaw ang teacher ni Lily. Wala akong ibang nararamdaman kundi respeto para sa’yo. Paano ako magkakaroon ng galit sa’yo?” Magalang na sumagot si Fabian, ngunit kinilabutan siya sa sagot nito. Walang-iba kundi respeto? Natulala siya s
“Tama siya, Mr. Johnson. Kahit anong mangyari sa mga magkasintahan, hindi dapat tayo umabot sa puntong papahirapan natin ang kasintahan natin. Si Julie ay isang mabuting babae. Nagmula siya sa isang magandang pamilya, at higit sa lahat, mahal na mahal ka niya, Mr. Johnson. “Noong isang araw, noong kinuha ka ng mga pulis sa labas ng kindergarten, nagmadaling nagpunta si Julie ng monitoring room para hingiin sa mga tao doon ang isang kopya ng surveillance footage ng argumento niyo ng magulang ng bata. Hindi man lang siya nagkaroon ng oras para manghingi ng leave bago siya tumakbo palabas upang patunayan ang pagiging inosente mo. Napagalitan pa siya ng principal pagbalik niya. Hindi mo ba nakikita kung gaano ka kahalaga sa kanya?“Mr. Johnson, ito lang ang masasabi namin. Huwag mo sana biguin ang ganito kabait na babae.” Pagkatapos marinig ang sinasabi nila, naunawaan ni Fabian ang gustong ipahiwatig ng dalawang guro. Subalit, natuwa dito si Fabian. Nang magpapaliwanag na siya, n