Inosente at mahinhing kumurap si Meredith, mahinahon at mahina ang kanyang boses. Subalit, tila ba bulag ang mga kalalakihan sa pinakahalatang pagpapanggap. Ang palabas na ganito ay napakaepektibo sa mga lalaki. Alam ni Madeline na papayag si Jeremy nang hindi ito pinag-iisipan. Sandali lang, nakita niya itong tumango. "Dumito ka muna kung ganon." Talaga naman. Natatawa si Madeline dito, at ramdam niya ka nanghahamon siyang tinitignan ni Meredith mula sa sulok ng kanyang mga mata. Subalit, ilang segundo lamang nagdiwang si Meredith sa sandaling makita niya si Jeremy na sumulyap kay Mrs. Hughes. Iniutos niya, "Maghanda ka ng isang guest room para kay Miss Crawford." Hinihigop ni Madeline ang kanyang sabaw at halos masamid siya nang marinig niya ito. Ang nagdidiwang na mukha ni Meredith ay halos tuluyang maglaho sa isang iglap. Anong kalokohan ito? Di ito mapaniwalaan ni Meredith. 'Ako ba ang Miss Crawford na tinutukoy niya?' Nang pag-isipan niya ito, pakiramdam nito
Kailangan niyang manatiling buhay hanggang dumating ang araw ng pagbagsak ni Meredith!Hindi matagumpay na nakaalis ng Glendale si Madeline. Paminsan-minsan ay dinadala pa rin siya ni Jeremy sa Whitman Manor. Gustong-gusto ni Old Master Whitman si Madeline at napaka bait niya sa kanya. Tinapik pa nga niya ang balik at ni Madeline at sinabing, "Pamilyar ang batang ito. Tingin mo ba maglolo tayo sa nakaraang buhay natin?" Yung totoo, hindi lang ang old master ang nakakaramdam nito, maging si Madeline ay ganun din ang nararamdaman. Magmula noong una niyang makita ang old master, pakiramdam ni Madeline na nagkita na sila dati. Sa tuwing pupunta si Madeline sa Whitman Manor, maliban sa nagpapanggap si Jeremy na malambing at mapagmahal sa kanya, ang lahat ay masama ang tingin sa kanya. Lalong-lalo na si Meredith. Noong una, nagagawa niyang saktan si Madeline at kunin ang posisyon ng pagiging Mrs. Whitman, ngunit ngayon, hindi sila makalagpas kay Old Master Whitman. Lubhang napakah
Mabigat ang pakiramdam ni Madeline. Pagkatapos siyang alugin ni Meredith, lalo siyang nahilo. "Maddie, bakit ba napakasama mo? Wala akong pakialam kung galit ka sakin, pero inosente ang anak ko. Paano mo nagawa 'to kay Jack?" Parang pamilyar ang pangyayaring ito. Hindi nakalimutan ni Madeline na muntik na rin niyang sabihin ang mga salitang ito kay Meredith. Subalit, ano bang nangyayari? Anong sinasabi ni Meredith? "Maddie, sabahin mo sakin, saan mo tinago si Jack? Sabihin mo!" Habang naguguluhan si Madeline, muli siyang sinigawan at tinanong ni Meredith. "Si Jack?" Naalala ni Madeline ang nangyari bago siya makatulog. Pagkatapos, tiningnan niya kung nasaan na siya. Nasa bahay niya siya. Dadalhin niya sana sa Whitman Manor si Jackson kanina. Bakit nandito na siya ngayon? Nanlamig ang pakiramdam ni Madeline. Kinilabutan siya. Hindi niya maisip kung ano ang nangyari. "Madeline, hindi ko inasahan na gagawin mo talaga yung sinabi mo." Ang sabi ng isang nakapangingilab
Madaling naubos ang isang minuto. Natauhan si Madeline dahil sa pag-iyak ni Meredith. Tiningnan siya ng masama ni Jeremy at pumindot ng tatlong numero sa kanyang phone. Tatawag siya ng pulis! "Hindi!" Naubos ang pagtitimpi ni Madeline. Namumutla ang mukha ni Madeline habang palapit siya kay Jeremy. "Jeremy, hindi ko talaga tinago ang anak mo! Hindi ko gagawin ang ganung klaseng bagay kahit na galit na galit ako kay Meredith!" "Naranasan ko ang sakit ng pagkawala ng sarili kong anak, kaya alam ko na mas masakit pa yon sa kamatayan. Hinding-hindi ko—”"Kaya magiging masaya ka lang kapag naranasan din ni Mer yung sakit na yun, tama ba?" biglang nagsalita si Jeremy. Parang mga kutsilyo na bumaon sa puso ni Madeline ang mga titig ni Jeremy. "Madeline, hindi nagbabago ang mga batik sa katawan ng isang leopard. Kahit na mamatay ka pa ng 1,000 beses hindi pa rin mababawasan ang galit ko sayo!" Hiss.Parang mga balang tumagos sa puso ni Madeline ang mga sinabi ni Jeremy. "Huwa
Nanlabo ang paningin ni Madeline dahil sa ulan, ngunit ramdam niya ang galit ni Jeremy. Sa sobrang higpit ng hawak ni Jeremy sa leeg ni Madeline, halos hindi na siya makahinga. Nang makita niya ang namumulang mukha ni Madeline na halos malagutan na ng hininga, bumitaw siya na para bang nailabas niya na ang kanyang galit. Pagkatapos nito, itinulak niya palayo si Madeline. Naghabol ng kanyang hininga si Madeline habang bumubuhos ang ulan. Pinulot niya ang basa niyang phone at nakita niya ang mga message niya sa screen. Mayroong message mula sa isang unknown sender na nasa unahan ng listahan. 'Ayaw makinig sakin ng bata, kaya binugbog ko siya. Hindi na siya nag-iingay ngayon. Kailan mo ba makukuha yung pera sa mga Whitman para kunin yung bata na 'to?' Noong mabasa niya ang message na ito, sumabog ang utak ni Madeline. Pagkatapos, nablanko ang kanyang isipan. Malinaw na isa itong mensahe tungkol sa pandurukot na naganap, pero bakit ipinadala sa kanya ang mensaheng 'to? "Mad
Sinabi ng lalaki ang kinaroroonan niya bago niya ibinaba ang tawag. Agad na tinawagan ni Madeline si Jeremy, pero naisip niya na malamang ay blinock ni Jeremy ang number niya. Pagkatapos, tiningnan niya ang blankong contact list niya. Ang tanging number na pwede niyang tawagan ay ang kay Old Master Whitman. Subalit, pagkatapos niyang mag-isip-isip, hindi na tinawagan ni Madeline si Old Master Whitman. Tumatakbo ang oras, at wala na ring ibang pagpipilian si Madeline. Tumawag siya ng taxi at binigay ang address sa driver. Mukhang mabait ang driver. Noong makita niyang namumutla at may iniindang sakit si Madeline, binalak niyang dalhin sa ospital si Madeline. Pagkatapos siyang pasalamatan at tanggihan ni Madeline, nagpatuloy sila sa kanilang destinasyon. Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating si Madeline sa lokasyon na binigay ng lalaki sa kanya. Ito ay isang liblib na lugar na pinaliligiran ng mga bundok at anyong tubig. Maraming puno na naninilaw na ang mga dahon sa pa
Matapos iyon sabihin ni Tanner, napunit ang damit ni Madeline.Sobrang namimilipit sa sakit sk Madeline sa puntong wala na siyang lakas na magpumiglas. Nang maisip niya na makakatakas dito si Tanner, may sumipa pabukas ng pinto at kumalabog nang malakas. Gumewang muna sa gilid ang pinto bago bumagsak sa sahig. Lumingon si Madeline at nakita ang gwapo ngunit nakakakilabot na mukha ni Jeremy na kahawig kay Satanas. Nang magtagpo ang mga mata niya at ang mapanlinlang na titig nito, kinilabutan siya. Naglakad palapit si Jeremy at hinila si Tanner na nakaibabaw kay Madeline palayo. "Ang lakas ng loob mong dakpiin ang anak ko? Sawa ka na bang mabuhay?" Sinuntok niya nang malakas si Tanner sa gilid ng mukha nito, kaya napahagulhol ito sa sakit. Natanggal ang isa nitong ngipin at nagsimulang bumuhosbang dugo mula sa kanyang bibig. Sinipa ni Jeremy si Tanner papunta sa sulok ng pader, at sa sandaling iyon, hindi na makabangon si Tanner sa sakit. Matamlay na bumagsak sa sahig si M
'Talaga?''Kay Meredith ka lang nangako sa buong buhay mo? 'Kung ganon, ang mga sinabi mo noon ay walang kahulugan? At isa lamang akong tanawin na dinaanan mo sa buhay mo na di karapat-dapat ka maalala.' Hehe. Pumikit si Madeline. Hindi niya matukoy kung luha o ulan ba ang dahilan ng pagkabasa ng mata niya. Bago siya magkaroon ng lakas na tumayo, dinala silang dalawa ni Tanner sa kotse ng pulis. Sa loob ng 48 oras sa detention, hindi makatakas si Madeline sa muling pagkakabugbog. Subalit manhid na siya sa lahat ng ito. Sa sobrang manhid niya ay hindi na siya nasaktan nang magsimula siyang sumuka ng dugo. Luha lamang ang walang-humpay na lumabas sa kanyang mga mata. Napaso ng mga luha ang kanyang puso, nanlabo ang kanyang paningin at nalunod ang puso niya. Gumapang si Madeline at pumunta sa rehas. Pinagsisipa at pinagsusuntok siya sa kanyang likod. Nang tignan niya ang sikat ng araw sa labas, nagdadalamhati siyang ngumiti. Habang siya ay nabubuhay sa mundong ginawa