Share

Kabanata 6

Author: Sixteenth Child
“Hindi! Jeremy...”

Namumutla na ang mukha ni Madeline sa takot. Hindi siya makakilos sa ginagawa ni Jeremy.

Hindi niya pa nakikita ang malamig at bayolenteng bahagi ni Jeremy dati. Natatakot siyang mawala ang anak nila sakaling masaktan siya nito nang todo.

Subalit, hindi siya hinayaang makatakas ni Jeremy. Kinulong siya nito sa kanyang mga bisig.

Hindi niya inakalang ganito ang galit ni Jeremy sa kanya.

Matapos ang napakahabang sandali, nakaramdam lang si Madeline ng sakit sa kanyang buong katawan. Sunod doon, nakatulog siya nang malalim, at sa kanyang panaginip, nabalik siya sa sa araw na nakilala niya si Jeremy, labindalawang taon ang nakararaan.

Maaliwalas ang sinag ng araw sa dalampasigan noon at mayroong isang puno ng alkampor.

Namumulot ng mga kabibe ang batang si Madeline. Tinignan niya ang isang tahimik na lalaking nakaupo sa malayo. Ang lungkot ng mukha nito.

Dito niya unang nakilala si Jeremy. Labindalawang taon pa lamang ito subalit napakagwapo na nito, matangkad at payat ang katawan.

Yun nga lang, napakalungkot ng itsura niya.

Maingat siyang nilapitan ng batang si Madeline habang walang saplot sa paa. Binigyan niya ito ng isang kabibi matagal niyang nahanap at may iba-ibang kulay.

“Hello, para ito sa iyo. Sana maging masaya ka habambuhay.”

Sa pagkakataong iyon, tumingin si Jeremy gamit ang dulo ng kanyang mga mata. Puno ng pag-iingat ang mga ito.

Nakasuot ito ng isang mamahaling tracksuit. Kahit ang kanyang sapatos ay limited edition rin.

Sa kabilang banda, nakasuot si Madeline ng isang damit na halos mamuti na sa kalalaba. Tila ba nagmula silang dalawa sa magkaibang mundo.

Kalaunan, iniabot niya ang kanyang kamay kay Madeline.

Nagkasalubong na naman sila sa sumunod na araw. Binigyan siya ni Jeremy ng isang baso ng milk tea at sinabing regalo ito bilang kapalit ng binigay niya kahapon.

Masaya itong tinanggap ni Madeline. Ito ang unang beses na makakatikim siya ng milk tea. Napakasarap nito.

Ganoon pa man, tinitigan siya ni Jeremy na tila ba mas matamis pa ang ngiti niya kaysa sa milk tea.

Sa buong panahong iyon, lagi silang nagkikita sa dalampasigan. Sa tuwing makikita ang isa’t isa, lagi silang naglalaro.

Isang araw, nahiwa ang paa ni Madeline nang ilang bubog. Si Jeremy ang bumuhat sa kanya papunta sa isang clinic.

Sa pagkakataong iyon, nakasandal lamang siya sa likod nito, namumula ang kanyang mga pisngi mula sa liwanag ng araw. Dagdag pa roon, napakabili ng tibok ng kanyang puso.

Lalo pa siyang namula nang yakapin niya ang leeg ni Jeremy. “Jeremy, g-gusto kong makasama ka habambuhay. Gusto kong kalaro kita palagi.”

Sumagot si Jeremy nang walang alangan, “Sige. Kapag lumaki na ako, ikaw ang magiging bride ko. Sa ganyang paraan, lagi nating makakasama ang isa’t isa.”

Subalit, matapos ang munting pangakong iyon, ilang taon silang hindi nagkita.

Hindi niya akalaing hindi na niya nakita mula si Jeremy matapos magpaalam sa araw na iyon.

Nang makita niya ito muli, tinitingala na siya ng lahat. Bukod pa roon, mayroon na siyang babaeng minamahal, si Meredith.

Matapos magising, binuksan ni Madeline ang kanyang mga mata. Nakita niya ang isang kakaibang paligid. Dagdag pa roon, nadama niya ang sakit ng buong katawan. Sa tuwing kikilos siya, may nararamdaman siyang sakit.

“Oh, akala ko patay ka na. Naisipan mo na ring buksan ang mga mata mo, huh?”

Isang boses ng babae ang narinig niya, at talagang sarkastiko ito. Itinaas ni Madeline ang kanyang ulo at nakita niya ang magandang mukha ni Meredith. Puno ito ng galit at inggit.

Inggit?

Hindi naunawaan ni Madeline kung bakit ito naiinggit sa kanya.

“Madeline, napaka-espesyal mo talaga sa lahat ng babaeng nakilala ko. Gumagamit ka pa ng ganitong paraan para lang ma-ospital.”

Ma-ospital?

Tumingin si Madeline sa kanyang paligid at nakita niya ngang nasa ospital siya.

Naalala niya ang nangyari at bago siya nakatulog, bigla niyang naalala kung bakit ganito si Meredith.

Naramdaman niyang para itong biro, subalit, napangiti pa rin siya.

“Hayop ka!” Nang makita ang ngiti ni Madeline, nagsimulang pumutok ang ugat ni Meredith. “Madeline, wala kang hiya!”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2479

    Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2478

    Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2477

    Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2476

    Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2475

    “Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2474

    Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status