Share

Chapter 3

Ang Manlligaw kong si DOC at ang C.E.O"

Written by; MHAYIE

CHAPTER 3;

ALTHEA EUNICE VASQUEZ :

"Bakit malungkot ang Beshy mo!?" si Ella.

"Kasi Wala ang Carl niya!" segunda ni Gi.

"Ay nako sa malamang napagod na yun kakaparamdam ikaw ba naman Eunice ang nagmumukhang Tanga sa pagpaparamdam tapos wala naman epekto sa gusto mo!,  na akala mo lagi tinuturukan ng isang bote ng pampamanhid ewan ko nalang kung di kapa sumuko?!" si Ella kay Gi.

"Sa bagay sa gwapo nun malabong hindi makahanap agad yun ng iba! kaya Move on nalang tayo Beshywap" gatong pa ni Gi.

"Oh ano Freny? ano gagawin mo ? "baling  ni Ella na sakin napala nakatingin ang dalawa  at hinihintay ang sagot ko.

"Wala may dapat ba ako gawin? beside hindi naman kame at walang kame kaya tigil-tigilan niyo akong dalawa sa mga padali niyo.!" seryosong sabi ko.

Totoo naman ano gusto nila magpretend ako na girlfriend na nangungulila sa kasintahan? eh wala naman gusto sakin yung tao mabait lang talaga si Carl para ko narin siya kuya kahit na konti lang ang Gap ng edad namin dalawa ,isa pa baka nga girlfriend talaga nito ang pupuntahan hindi business trip.

"Miss.Vasquez!" sabi ng babaeng Nurse na kapapasok lang maganda ito at mistisa,matangkad rin !"

"P-Po? " at napatingin kame tatlo sa babae.

"Pinapatawag ka sa office ni Mr.Tamayo!" sabi nito .

"A-ako po?" pagkumpirma ko

"Miss.Vasquez? right oo ikaw ang pinapatawag !" sabi nito.

"Ok po Maam!"

"Diane nalang masyadong pormal ang Maam! at isa pareho lang naman tayo nurse dito Soon !" magalang na sabi nito.

"Ok po!"

"Sige mauna na ako ,ikaw lang talaga ang sinadya ko! bye girls!" paalam ni Diane.

"Bye Diane!" panabay namin tatlo at umalis na nga si Dianne .

"Hala Besty bakit ka kaya pinatatawag may nagawa kaba? " takang tanong ni Gi.

"Ewan ko? "

" Alam niyo bang masungit yan si Doc Tamayo !" sabi ni Eunice.

"Hala ka Besty! teka Ella pano mo nalaman?"si Gi.

"Basta Gi huwag kang atat wala pa tayo sa Exciting Part ,Saka isa daw ito magaling na doctor pero kinatatakutan ng lahat!" dagdag pa ni Ella.

"Patay ka Besty!baka matanda na kaya naman masungit kasi nga nagkakaedad na or balo?" sabi ni Gi ,hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga itong dalawa imbis na palakasin loob ko parang tinatakot pa ako,sa huli nagpagpasyahan ko nalang magtungo kesa makinig sa chicka ng dalawa ,bakit naman ako matatakot eh alam ko naman sa sarili ko na wala ako ginawang mali.

"Ewan ko ! diko pa nakikita at narinig ko lang sa may hallway!" rinig ko pang sabi ni Ella habang nag aayos ako ng aking sarili.

"Tignan mo tong marites na ito ! sasagap nalang ng Chismiss hindi pa nilubos lubos.!" inis na sabi ni Gi.

"Gaga ikaw kaya habang nakikinig may dumaan na pogi ewan ko nalang kung makapagfocus kapa sa pakikinig!" si Ella.

"Ah kaya ! may dumaan lang gwapo nadistract kana!"

"Gagi gwapo nga makalaglag panty nga eh!" kinikilig na sabi ni Ella.

"Oh siya mauna na ako sa inyong dalawa ang hahalay niyo ! bye! " paalam ko sa dalawa.

"Si Ella lang hindi ako Besty!" si Gi.

"Pareho lang yun ! oh siya mag ayos na kayo dalawa! maiwan kona kayo .!" sabi ko.

"Ok ingat ka kita nalang tayo mamaya sa may canteen!" sabi ni Gi.

"Ok !" lumabas na ako at tinahak  ang daan papunta sa opisina ni Doc.Tamayo.

Nang marating ko ang pintuan ng opisina ni Doc.Tamayo , siguro nga ay may edad na ito kaya masungit  sabi ni Gi, pero syempre bakit ako makikinig sa sabi lang at isa pa sino ba ako para husgahan ang pag uugali niya gayon hindi ko pa naman siya nakikita at nakakausap,bumuntong hininga muna ako bago mapagpasyahan kumatok.

Nakatatlong katok na ako pero wala parin nasagot kaya napagpsyahan kong pumasok kahit alam kong mali itong gagawin ko,gusto ko lang naman makasigurado kung nandito siya ,sisilip lang naman ako .

Pinihit ko ang seradura at sinilip kung may tao pero walang Doc. Tamayo ako nakita ,isasarado ko na sana ang pinto ng marinig ko ang malakas na bagsakan ng nga gamit sa sobrang taranta ko pumasok na ako sa opisina nito ng tuluyan at nagtungo kung saan naggaling ang mga gamit na nalaglag,Natadnan ko ang lalaki sa loob ng C.R nito hindi ko alam kung sino ito at ano ang ginagawa niya sa opisina ni Doc.Tamayo pero isa lang ang tingin ko isa rin itong Doctor, nagulat ako ng may makita akong pulang marka sa damit  nito kaya malalaki ang hakbang na lumapit ako rito .

"Your Bleeding ,Hali ka kailangan natin gamutin yang sugat mo!" sabi ko ng di man lang tinitignan ito sa mukha pero alam kong nagulat uto sa biglaang pagsulpot ko, nakafocus ako sa sugat nito at binalak ko na mamaya nalang magpaliwanag sa kanya..

"Saan nakalagay ang first aid kit?!" seryosong tanong ko na di parin binabalingan ito ng tingin..

"D-diyan sa may cabinet !"sabi nito kaya naman binuksan ko ang cabinet at kinuha ang mga gamot ay bulak  at iba pa na gagamitin ko.

Nang makuha ko ang mga kailangan ko  ay bumalik agad ako para gamutin ang sugat nito .

"Kailangan ko lang iangat itong damit mo para magamot ko ang sugat mo!" paalam ko at hindi na hinintay ang pahintulot nito.

Nang makasigurado kong  naampat na ito sa pagdurugo at nalinis kona, ay inayos ko ang mga pinaggamitan ko ,tinapon kona sa basurahan ang mga bulak na ginamit kong panglinis.

"S-salamat !" sabi nito kaya naman nag angat ako ng tingin.

"Walang Anuma----!" naudlot ang sasabihin ko ng masilayan ko ang mukha nito.

"Jusko tao paba to? "grabe ang mukha nito na akala mo napakaperpekto ng pagkagawa!"kastigo ko sa aking sarili.

"Are you Done to checking me?" Seryosong sabi nito,pinamulahan ako sa sinabi nito kaya napa-iwas ako ng tingin.

"Y-yes! i mean ok na po yung sugat mo!"  nauutal na sabi ko.

"Alam ko!" supladong sabi nito.

"You are Ms.Vasquez Right?"

"O-opo!"

"Ok Pinatatawag kita kasi may kailangan ako sayo!"

"K-kayo po?" pagkumpirma ko .

"Yes Miss.Vasquez bakit may inaasahan ka pa bang iba bukod sakin?"

"Wala po Doc----!? "

"Doc.Adrian Lei Tamayo !" pagpapakilala nito.

"I Thought na-----!"

"You thought What Miss.Vasquez?"

"Na matanda na ang Doc.Tamayo na sinsabi nila.!" bulong ko sana pero mukhang narinig ata nito.

Tumayo ito at nanlilisik ang nga mata na Tumingin sa akin na akala mo lalamunin ka ng buhay ,napaatras ako ng mapansin kong papalapit ito sakin habang may nakakatakot na tingin,Napasinghap ako ng lumapit ito dahil wala na ako maatrasan ay naipikit ko ang aking mata naramdaman ko na kinulong ako ng dalawang braso nito .

"Mukha naba ako matanda sa paningin mo Miss.Vasquez?" kinilabutan ako ng maramdaman ko ang mainit na hininga nito na bumalatay sa tenga ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko na wari natulos ako at dahil narin nakulong ako sa mga bisig nito.

Magsasalita pa sana ito ng Bumukas ang Pinto.

"Doc.Tamay----- S-Sorry doc ! naistorbo ko ata kayo?!" sabi ng Lalaking pumasok! sa taranta ko hinila ko ang suot nito at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nito na wari nagtatago,hindi ako pwede makilala ng taong pumasok Trainy palang ako pero mukhang masisira na agad ako sa hospital na ito..

"Doc.Clint nalimutan mo ata kumatok! wala bang pinto sa bahay niyo?" galit na sabi nito.

"Sorry Doc ! malay koba may ginagawa kayong kababalaghan dito Bakit Doc .wala bang lock sa bahay niyo at nakalimutan niyo maglock?" nakangising sabi nito.

"Shut up !! Doc.Clint ! Umalis kana dito baka malimutan kong kaibigan kita!" seryosong banta nito pero ang lalaking kausap nito ay natutuwa pa sa inaasta ng kaibigan.

"Chill Doc.Ok aalis na ako ah pakilock nalang itong pinto! enjoy !" akmang sasarado na ang pinto ng magsalita ulit ito.

"What ??!" iritableng tanong nito.

"Huwag mo kalimutan mag proteksyon sa ganun ,walang aatungal na chanak!" pagbibiro nito.

"Fuck*** i Said Leave!" galit na asik nito.

"Ok -ok masyado nag iinit Doc? By the way Miss.ingat ka diyan sa k*****a ng kaibigan ko malaki yan baka di mo kayanin ,matagal pa namang tigang yan!" sabay sarado ng pinto.

"Fuck you Clint!" sigaw nito..

Nang makaalis na ang Doctor.na kausap nito ay tinulak ko ito palayo sakin.

"Ouch! Shit !" mura nito ng maitulak ko at bahagyang napwersa ang sugat siguro nito.

"S-Sorry po!" paghingi ko ng tawad at balak na lalapitan ng mabilis nitong nahuli ang kamay ko .

"Stop! kaya ko to.!" sabi nito kaya binawi ko nalang ang kamay ko nahinawakan niya.

"Sorry po talaga Doc.Hindi ko sinsadya!"

"Just Leave Miss.Vasquez!"

"Sorry----!"

"I Said Leave! hindi mo ba naiintindihan o gusto mo tagalugin ko pa?!" galit na asik nito.

"Sorry po Doc .Hindi na mauulit!" sabi ko at lumabas na ako ng opisina niya.

Feeling ko ngayon palang katakot takot na reklamo na ang mangyayari sakin baka ibagsak din ako ni Mrs.Chie dahil sa inasta ko,kahit na tumulong at nagmalasakit lang naman ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status