Share

Chapter 4

Ang Manlligaw kong si DOC at ang C.E.O"

Written by; MHAYIE

CHAPTER 4;

ALTHEA EUNICE VASQUEZ :

Malalaki ang Hakbang na tinahak ko ang unit ni Carl ,sumakay ako ng Elevator at nagpatiyanaod papuntang unit ng binata ,pagkabukas ay nagtungo na agad ako sa loob nito hindi na ako nagdoorbell dahil alam ko naman ng passcode ng Unit ni Carl.

Maingat na binuksan ko ang pinto,ng makapasok ay hinanap ko agad si Carl at nakita ko itong mahimbing na natutulog at mukhang walang balak talaga kumain,nagtungo muna ako sa kitchen ni Carl para ipagluto ito ng makakain bago uminom ng gamot.

Nang matapos ako magluto ay inihanda kona ang pagkain na dadalhin ko sa kanyang silid, ng naka settle na ang lahat pati ang gamot at tubig niya ay napagpasyahan kong puntahan na ito sa kanya silid para gisingin.

"Carl wake up!" tinapik ko ito ng mahina .

"T-thea?ikaw ba yan?" takang tanong nito.

"Oo kaya bumangon ka para kumain at para makainom ka narin ng gamot!" bilin ko.

"T-thea a-no ginagawa mo rito?baka mahawa ka sakin" sabi pa nito.

"Kaya nga bumangon kana riyan kumain at uminom ng gamot para di ako mahawa!" kumbinsi ko .

"Im Full Thea s-salamat!" sabi nito at akmang tutulog uli.

"Really Full? eh wala nga ni isang hugasin sa lababo mo kahit pinagtapunan ng mga plastic ng tinapay wala,! Come on Carl get up ! huwag mo paghintayin ang pagkain lalo ako!" sermon ko.

"Ok ! ok !" sabi nito na may pagtaas pa ng kamay na wari sumusuko na sa laban.

"Say ah! " sabi ko habang nakaabang ang kutsara na hawak ko sa pagsubo sa kanya ng  pagkain.

"Thea i can Handle ! hindi mo na kelangan gawin!" sabi nito.

"Tsk i can handle huh? may pa i Can ! i Can kapa eh pag inom nga lang ng gamot di mo magawa! huwag na makulit ! aaaah?" hindi na ito umiik at sumunod nalang.

"Aahhh!" sabi nito na bigla naman ako natigilan.

"Shit ! Althea Eunice? bakit iba ang pumasok sa isip mo ng sabihin niyang "Ah" o c'mon Althea kung ano ano nalang naiisip mo!" kastigo ko saaking sarili.

"Thea? what's wrong ?" untag nito sakin ,ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko at alam ko pinamulahan ako.

"A-ano w-wala!" nauutal na sabi ko at umiwas na ako ng tingin para di nito mahalata ang pamumula ng mukha ko .

"Ok !" at kinuha na nito ang Bowl ng pagkain at nagkusa na.

"Pagkatapos mo riyan inumin mona itong gamot mo! para mas lalong maging ok kana!lalabas lang ako sandali."

Lumabas ako ng silid para pumunta sa may kitchen para simpanin ang mga pinaggamitan ko kanina para makauwi narin ako pagkatapos ko painumin ng gamot si Carl,Tinataob kona ang mga natapos kong hugasin ng may biglang yumakap mula sa likuran ko na  matitipunong mga bisig,dahil sa pagkabigla ko hindi ako nakakilos ,lalo pa ng idantay nito ang mukha sa may banda balikat ko.

Ramdam ko ang init ng katawan nito ng magkadikit ang mga katawan namin.

"Pwede bang kahit 1minuto lang !" sabi nito at bigla akong kinalibutan ng tumama ang mainit na hininga nito sa may bandang leeg ko ,hindi ko alam bakit ganto ?diba dapat ako magprotesta? diba dapat akong magalit sa pagyakap niya ? gustuhin ko man siya itulak pero ang katawan kona ang nagsasabi sakin na gusto ko ang ginagawa niya gusto ko ang pagdidikit ng mga katawan namin .

Hindi ko narin alam ang mga kinikilos ko kasi bigla nalang ako humarap sa kanya,kita ko ang mapupungay na mga mata nito na may pagtataka na tumingin sakin.

"Bakit Lumabas kapa?"  sabi ko.

"K-kasi ang t-tagal mo akala ko umalis kana!" pag amin nito at umiwas ng tingin ,ewan ko kung dahil ba sa lagnat niya kaya namumula ang mukha niya.

"Tssk pasaway ka talaga tara na sa kwarto mo matulog kana! mamaya uuwi na-----C-Carl !" Naputol ang sasabihin ko ng bigla nalang ako nito binuhat ng pabridal.

"Carl ano ba ibaba mo nga ako baka mabinat ka!" saway ko pero ang loko hindi man lang nakinig,dinala ako nito sa kwarto niya at inihiga sa kama,sunod ay tumabi ito sakin napasinghap ako ng kabigin ako nito palapit sa kanya.

"Pwede bang dito ka muna? pwede ba sakin ka muna buong gabi!?mas komportable ako pagkatabi kita " pakiusap nito ,kaya napatingala ako para tignan ito ,pero mali ata yung ginawa ko kasi naglapat lang naman ang mga labi namin dahil sa sobrang dikit namin sa isat-isa.

Nung una ay parehas kame hindi nakahuma pero ilang sandali pa ay naramdaman kona ang paggalaw ng bibig ni Carl,kasabay non ang pagpikit ko ng mariin ,aaminin ko nadadala narin ako sa paggawad niya ng halik na may pag iingat at pagrespeto.

Hindi ko na namalayan na sumasabay na pala ako sa halik na ginagawa niya,pareho na kame nalulunod sa bugso ng damdamin hanggang sa ang kaninang mabining halik ay naging mapusok   at alam kong pareho kame nagiging mapaghanap sa isa't-isa nararamdaman ko rin ang kamay ni Carl na nagiging malikot sa halip na pigilan ko ay lalong nadadagdagan ang init na nararamdaman ko,

"Hmmm!" kusang kumawala ang ungol sakin bibig ng mahinang pisilin nito ang akingbpang upo, sa aminin ko man o hindi  nasasarapan  ako sa bawat madaanan ng haplos ng kamay nito ,pero ilang minuto ay si Carl na ang kusang bumitaw sa paghahalikan namin  .

"F***!" igting ang panga sa bulalas nito  at kita mo ang sobrang pagpipigil.

Pinagdikit ni Carl ang mga noo namin habang parehas kameng habol hininga sa paghahalikan namin dalawa .

"Kailangan kong magpigil dahil nirerespeto kita ! ayoko isipin mo na sinasamantala ko ang kabaitan mo ,Alam kong kalapastangan ang ginawa kong biglang paghalik sayo!, pero Hindi ako magsosorry dahil sa maling  nagawa ko ! hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko Thea! ok lang kung magalit ka sakin naiintindihan ko !" seryosong sabi nito.

Hindi ako umimik dahil alam ko naman ako ang may kasalanan ,at isa pa kahit anong halukay ko sa aking isipan wala ako mahagilap na galit o pambabastos na ginawa ni Carl saakin sa halip ay nagugustuhan ko rin.

Dahil sa di ako umiimik ay niyakap ako ni Carl na animo'y takot na lumayo ako sa kanya.

Ramdam ko ang paghalik nito sa may buhok ko habang  nakayakap ,dahil narin sa panatag ako sa pagkakakulong sa mga bisig niya ay nakatulogan kona ito.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status