Share

Chapter 2

Ang Manlligaw kong si DOC at ang C.E.O"

Written by; MHAYIE

CHAPTER 2;

ALTHEA EUNICE VASQUEZ :

***FLASHBACK***

Malapit na ako sa puntod nila Mama ng matanaw ko ang lalaking nakasuot ng blackpants and black shirt ,hindi ito pamilyar sakin kaya napakunot ang noo ko kung sino ito sa buhay ng mga magulang ko? meron kasi itong iniwan na mamahalin mga bulaklak "oo mga" dahil sobrang dami ng bulaklak na nilalagay sa tingin ko mga tauhan niya.

Nanatili lang ako nakamasid sa di kalayuan ,dahil ngayon ko lang talaga ito nakita,Napatingin ito sa direksyon ko marahil naramdaman nito na may nakamasid sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaasal ko kasi ng makita kong humakbang ito papalayo ay Nakaramdam ako ng pagkataranta ,hindi ko na namalayan na hinabol ko ang estranghero na ngayon ko lamang nasilayan,aminin ko hindi ako natatakot sa presensya niya bagkus ,magaan ang pakiramdam ko sa simpleng tanaw lang sa kanya.

"S-sandali.!" sigaw ko ,na kinahinto ng lalaki.

"S-sino ka ? at ano ang ugnayan mo sa mga magulang ko !? "walang patutsaga na tanong ko.

Hindi ito umimik o lumingon man lang, kaya nagsalita ako muli .

"Kaano-ano mo ang mga magulang ko? mawalang galang na pero ngayon ko lang po kayo nakilala.! at wala po ako matandaan na ipinakilala kayo sakin ng mga magulang ko! then tell me who are you? " naguguluhang tanong ko.

Mukhang wala itong balak makipag usap o humarap man lang sa halip ay muli itong hahakbang sana paalis ng mabilis akong tumakbo sa harapan nito para pigilan pero Hindi ko napansin ang bato kaya natisod ako ,handa na ako sa pagsubsob ko ng biglang may mga bisig na yumakap sa bewang ko .

Napayakap lang naman ako sa taong sumalo sakin ,hindi ko alam pero biglang kumabog ang aking dibdib ng magdikit ang aming katawan,hindi ko mawari ang ganitong pakiramdam dahil bago lang ito para sa akin.

"Be Carefull Miss!" sabi nito,kaya napatingala ako sa lalaki ,ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng masilayan ko ang mukha nito na akala mo anghel na ibinaba sa lupa.

"Miss are you ok?" sabi nito kaya medyo nahimasmasan ako at pinamulahan narin ng mukha dahil sa kahihiyan ,marahil napansin nito ang pagkagitla ko o pagkatulala ko sa mukha niya.

"O-oo o-okay lang ako salamat!" sabay kalas ko sa pagkakayakap sa lalaki.

"Next time mag ingat ka huwag kang padalos-dalos tignan mo napapahamak ka!" seryosong sabi nito na akala mo may pinapahiwatig na kahulugan.

"S-orry po Sir!" nakayukong paghingi ko ng paumanhin.,narinig ko ang paghinga nito ng malalim.

"About sa tinatanong mo ! im Carl  your Dad Friends"

"T-talaga po?pero wala naman po nababanggit si dad na maykai----!" pinutol na nito ang sasabihin ko.

"Actually nameet ko ang mga magulang mo sa isang business trip  kaya naman hindi niya ako nababanggit at isa pa minsan lang ako umuwi dito sa pinas at ang ama ko ang kaibigan niya talaga naging representative lang ako that time.!" mahabang paliwanag nito.

"Ok im Althea!" sabi ko sabay lahad ng kamay , pero ang suplado hindi man lang nagawang kamayan ako at talagang tinitigan lang ako kaya naman binawi ko nalang.

Nakagaanan ko na kaagad si Carl sa unang pagkikita namin ,at umabot sa punto na parang guardian slash guwardiya ko na siya ikaw ba naman hatid sundo kahit di naman dapat,Kaya mula ng pagkikita namin sa puntod ng mga magulang ko naging malapit na kame sa isat-isa.

****End Flashback******

"Thea!" agaw pansin nito .

"B-bakit? " tanong ko kahit alam ko naman ang sagot ,ikaw ba naman ang bumalik tanaw ewan ko lang kung di ka mukhang nababaliw nakangiti habang natutulala.

"Ok kalang ba? "nag aalalang tanong nito .

"Oo naman ! ikaw ok kalang ba?" balik tanong ko.

"Kanina hindi pero ngayon maybe!" 

"Huh?"  takang tanong ko.

"Never mind ! lets go hatid na kita papasok sa inyo!"

"Huwag na Carl masyado na nakakaabala!" 

Pero Carl is Carl pagsinabi nito kelangan masusunod ,talagang bumababa pa ito para lang pagbuksan ako ng pinto ,wala na ako nagawa kundi bumaba nalang kesa makipag argumento pa sa kanya  at alam naman natin na lagi ako hindi nanalo sa kanya.

"Hindi kaba papasok?" tanong ko dito.

"Hindi na ano oras narin mapupuyat ka lang pag nagstay pa ako ! pumasok kana ,at magpahinga!" sabi nito.

"Sure ka?" paninigurado ko.

"Yeah!" tipid na sabi nito.

"Sigurado ka? ayaw mo talaga !? " pangingulit kopa.

"Goodnight Thea!" sabi nito.

" Seryoso ka ayaw mo talaga ?"

"Ang kulit pumasok kana ! kundi kapa papasok hahalikan talaga kita!mukhang hinihintay mo goodnight kiss ko eh?" nakangising pagbabanta nito kaya mabilis na sinara ko ang gate at nagsalita.

"H-Hindi ah, sabi ko nga papasok na ako Goodnight Carl Sweetdream!" sigaw ko  .

Kinabukasan maaga ako pumasok dahil kailangan ko magreview para sa first subject namin,hindi ko narin nahintay na sunduin ako ni Carl dahil nakakahiya naman baka tulog pa iyon .

"Thea ! kamusta ang date niyo ni CEO este ni CarL?" pag uusisa ni Gi.

"Gi bunganga mo konting preno? saka f.i.y (For your in fomation) ,hindi kame nagdate Gi,huwag kang embentor .

"Ay ano ba yan napakatorpe talaga nun!" si Gi.

"Gi hindi naman torpe si Carl talagang hindi lang siya nanliligaw!" depensa ko.

"Wow kung makadepensa ka akala mo totoo ! manhid kalang kaya di mo nararamdaman o nakikita yung effort niya Thea!"

"Gi wala malisya yun paghatid-sundo niya ok!?" paglilinaw ko.

"Hay naku bagay nga kayo! isang Torpe isang Manhid!"

"Oo nalang Gi!" sabi ko ng matapos na ang topic namin kay Carl.

Sa wakas tumigil narin sa pag uusisa ni Gi ,ewan koba kung ano nakain nito at G na G sa pag usisa bagay talaga nickname niya Gi ang babaeng G na G , maya maya pa ay pumasok na ang prof namin,nagdiscuss at nagpaquiz lang naman si Mrs.Chie yun ang madalas nito gawin sa subject namin ,matatapos na ang oras niya ng mag-anunsyo ito.

"Ok Class !  pakicheck nalang sa baba ang  Schedule niyo kung saang Hospital kayo mapupunta at sino ang kasama niyo ! please class huwag na kayong maging pasaway ,  maging mabait at masunurin higit sa lahat trabaho po ito hindi laro may buhay na dapat pag usapan at iligtas kaya sana you follow all the rules and regulations, sana ay May matutunan kayong lahat , ingat  at good luck!!" mahabang bilin ng kanilang proof.

Pagtapos ng Classes namin ay nagtungo kame ni Gi sa may malapit sa library kung Saan nakadikit ang List .

"Besty magkasama tayo ng Hospital buti naman hindi tayo magkaiba!" masayang anunsyo ni Gi.

"Oo nga Besty!"pag sang-ayon ko.Sabay na kame naglakad palabas ni Gi natatanaw kona ang sasakyan ni Carl.

"Oh pano Besty kita nalang tayo bukas?" sabi ni Gi.

"Sige besty !" sabi ko.

"Oh Carl ang laging bilin ko ingatan mo lagi besty ko,dahan dahan sa pagmamaneho!" sabi nito na kinatango lang ni Carl.

Mukhang wala sa mood ito ngayon dahil hindi man lang ito nakipagbiruan kay Gi .

"O' sya besty mauna na ako ingat kayo !"

"Ikaw din Besty ingat!"

Pagkaalis ni Gi ay sumakay na ako dahil mukhang walang balak ito bumaba para pagbuksan ako.

binalot ng katahimikan ang aming byahe hindi narin ito nagyaya kumain sa labas,nakakapanibago lang ang awra nito ngayon,huminto ito sa tapat ng bahay namin pero nanatili parin tahimik ,saglit pay bumuntong hininga ako at saka nagsalita.

"Salamat! ingat ka sa pag uwi!" sabi ko,akmang baba na ako ng magsalita ito.

"Ikaw din mag ingat ka! " seryosong sabi nito.

"S-salamat!" sabi ko ng pagkababa ko sasarado kona ang pinto ng sasakyan niya ng tawagin niya ako .

"T-thea!" napatingin ako sa kanya at ganun din siya kita ko ang bakas na pangungulila nararamdaman niya ,pero bakit? ano ba ang problema nito at iba ang kinikilos,ito na ang bumawi ng tingin at kalaunan nagsalita muli.

"B-bukas ipapakaon nalang kita sa Driver ko ! pansamantala na siya muna ang maghahatid sundo sayo!" hindi ako nakaimik bagkus napaisip ako kung bakit?,sa huli ay tumango nalang ako.

Tuluyan kuna sinara ang pinto ng sasakyan niya at walang lingon lingon na naglakad papunta sa gate namin,Hindi ko alam kung galit ba siya o may nagawa ako na ikalalayo niya medyo nakaramdam ako ng lungkot na hindi na siya ang susundo at maghahatid sakin,nasa ganun ako pag iisip na may humatak sakin at yumakap.

Ewan ko kung ano ba ang dapat kong maramdamab sa kanya ,pero isa lang ang tumatakbo sa isip ko ano ang problema bakit ganto ang pakikitungo niya ngayon?.

"Mag iingat ka ! "sabi nito habang yakap yakap ako at ako naman ay nanatili lang sa mga  bisig niya.

"Pangako pag balik ko gagawin kona ang gusto ng puso ko!" makahulugang sabi nito, na di parin ako umiimik.

Ano ba trip nito sa buhay? hindi naman amoy alak lalo hindi naman lasing pero ewan ko kung anong problema kinahaharap nito,maya maya ay kumalas ito sa pagkakayakap sakin,at tinitigan ako na wari kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko.

"C-Carl may problema ba?" usisa ko at bigla naman natauhan ang binata .

"Ah wala trip ko lang magdrama!" biro nito pero kita sa mga mata ang pilit na ngiti nito.

"C-Carl a-aalis kaba?" hindi ko alam bakit nahihirapan ako bigkasin ang mga katanungan na ito,tumango lang ito at kita ko ang paghinga nito ng malalim.

"Saan ka pupunta?"

"Businesstrip i guest!"

"Tssk parang business trip lang kung makapag inarte akala mo di na babalik!" sabi ko.

"Maybe? hindi ko alam kung hanggang kelan!" sabi nito.

Natigilan ako ng bahagya pero ng maisip isip ko kung ano ang inaakto ko na akala mong gilfriend na iiwan ng matagal ng kasintahan ay winaksi ko ang aking isipan.

"O.A mo Carl di ako sanay ! nagpalipas ka nanaman ba ng gutom? at kung ano ano mga pakulo mo ngayon! " pag iiba ko.

Nakatingin lang ito nawari mong may gusto sabihin o ipahiwatig.

"Pumasok kana !ano oras na maaga kapa bukas!" sabi nito.

"Gusto mo ba pumasok muna para magkape?" ewan ko bakit yun ang lumabas sa bibig ko.

"Hindi na maaga kapa bukas diba?" sabi nito.

"Hindi naman! kasi sa Hospital ang punta ko bukas!" sabi ko

"hah? bakit ano nararamdaman mo may masakit ba sayo? may sakit kaba?" balisang sabi nito.

"Huy kalma ako lang to! ano kaba wala ako sakit o kahit ano! " sabi ko kasi grabe pag kataranta nito.

"Then? bakit kailangan mo magpunta?" usisa nito.

"Doon po kasi pasok ko bukas!"

"What hospital?" eto na ang pagiging detective nito.

"Ampf. Haidee Hospital !" sabi ko.

"Ok sabihin ko nalang kay manong Jess!"

"Naku hindi na kailangan Carl sobra na ginagawa mo mag---!"

"No!! hindi ka maaring bumyahe mag isa!" putol nito na may himig na kakaiba.

"What do you mean?"

"I mean delikado saiyo ang magcommute hindi ka sanay!" sabi nito.

"Yun nga gusto ko matutunan eh!" sabi ko.

"Then! sasamahan kita pero hindi bukas kundi sa pagbalik ko!" maawtoridad na sabi nito.

"Ok!" Tanging sagot ko lang,hanep talaga mag mood swing eto maloloka ka talaga kung di mo ito kilala.

Biglang tumunog ang telepono ni Carl ,dinukot nito sa may bulsa at ng makita kung sino man ang tumatawag ay mabilis ito nagpaalam sakin.

"Thea i have to go ! emergency lang! pumasok kana Goodnight!" sabi nito at malalaki ang hakbang papunta sa sasakyan nito,ni hindi na ako hinintay pa nito sumagot ganon siguro kaimportante ang taong tumawag dito para magpatakbo siya ng ganun ka bilis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status