Share

Ang Manliligaw kong Doctor at CEO
Ang Manliligaw kong Doctor at CEO
Author: MHAYIE

Chapter 1

"Ang Manlligaw kong si DOC at ang C.E.O"

Written by; MHAYIE

CHAPTER 1;

ALTHEA EUNICE VASQUEZ :

"Thea !"

Napahinto ako sa paglalakad  dahil sa taong tumawag sakin,nang lingunin ko ito humahangos na si Giannarie Pachenco .

"Oh Gi? bakit parang hinahabol ka ng aso dian?"

"Besty naman eh ! kainis ka ang bilis mo maglakad!"

"Sino ba kasi nagsabi sayo na habulin mo ako?"

"Ay ang sungit!" sabi nito .napangiti naman ako sa itsura nitong mukhang pato kung magtampo dahil sa pinausling nguso nito.

"Asus bilis naman magtampo ng besty ko nagmumukha ka nanaman pato!" katyaw ko sabay akbay.

"Tsee pangit mo ka bonding !" sabi pa nito .

"Besty sorry na ,di ka naman mabiro!" pag aalo ko.

"Ayoko F.O na tayo besty !" sabibpa nito na may pagtatampo.

"Sorry na besty huwag kana magtampo uwuw! hali kana bili nalang kita ice cream!"

"Ok besty na uli tayo!" mabilis na sabi nito.

Mukhang nadali nanaman ata ako ng magaling na besty ko.

Si Giannarie Pachenco ang nag iisang bestfriend ko mula grade 1 hindi na nga ata kame mapaghihiwalay mula ng magkakilala kame, pati school na papasukan ay lagi kame pareho, hindi pa nga ito napayag na hindi kame magkasama sa classroom ,madalas nga kame tawaging kambal tuko kasi hindi na raw kame mapaghiwalay dalawa, maganda si Gi maliit ang mukha may mahahabang pilikmata at ang kilay nito ay sadyang perpekto sa hugis at kapal,isa rin sa asset nito ang dalawang biloy at mapupulang labi nito maputi si Gi sa katunayan para siyang pinaglihi sa labanos sa tangkad at hubog ng katawan pang pageant  talaga, yun nga lang wala itong hilig ,mas gusto raw kasi nito na mag-experiment kesa ang pag-eksperementuhan ng mga lalaki kaka imagine sa kanya lalo ayaw niya magrampa at ibalandra ang katawan sa lahat ng tao,kahit may pagkabalahura ito hindi naman ito pakawalang tao para nga itong Maria Clara yun nga lang hindi sa pag uugali kundi sa pananamit.

Pero Syempre ako pa ba? im Althea Eunice Vasquez 29 years old ,teka syempre kailangan ko rin ata itaas ang bandera ko kahit na NBSB ako (No boyfriend since birth) at kung tinatanong niyo kung bakit? hindi korin alam?

Maganda din naman ako yun nga lang hindi kulay labanos ,maputi oo balingkinitan mahaba ang buhok,matangos ang ilong may magagandang mata at may kulay rosas na mga labi , yeah simple but im pretty sure swak naman sa mga pantasya ng mga kalalakihan pero ewan ko ba bakit ni isa walang nagtangka manligaw!? .

Pero ayos lang para iwas sa tukso isa pa ok narin yun kasi ngayon 4rth year college na kame kelangan mas focus ako sa pag aaral hindi kasi biro ang kursong Nurse , isa pa ang lovelife makakapaghintayan yan ika nga nila?.

"Hui Besty ang layo na ng narating mo!!?" sabi ni Gi saka lang ako natauhan.

"Bat di ka sumama besty? !" katyaw ko .

"Yoko ikaw nalang! sa nga pala wala kabang Sundo?"  usisa nito.

"Wala ! " sabi ko

"O-ok sabay na Tay----OMG ayan na pala si Mr.Right mo!" biro nito.

"Baka kamo Mr.Wrong hahaha!" sabi ko sabay tawa.

"Wala daw Sundo ? LQ lang besty?" pang iinis pa nito.

"Hindi ah malay ko ba sa kabuteng yan!" pagsusuplada ko.

"Asus pero Mahal mo?"

"H-Hindi !."

"Hali ka na nga pakipot kapa eh!" tukso pa ni Gi at hinatak na ako papunta sa lalaking nakatayo.

"Hi pogi este Sir!" si Gi

"Hello Gi lalo kang gumaganda ata ngayon?" nakangiting bati nito.

"C-Chalamat hihihi Maliit na bagay!" parang bulateng saad ni Gi.

"Kung kiligin naman ito ?akala mo bulating binudburan ng asin naman itong besty ko!"  kastigo saking sarili.

"Oh ano magbobolahan nalang ba kayong dalawa diyan? " sita ko sa dalawa na bigla naman natawa.

"Asus selosa naman itong Besty ko parang nangangamusta lang sa Carl mo!" sabi nito na may diin sa dulo.

"Weirdo!" bulalas ko saking sarili.

"Sorry Carl masyado kasi selosa itong besty ko! oh paano maiwan kona kayo!"

"Teka sabi mo sasabay ka?" pigil ko kay Gi.

"Akala ko kasi wala kang sundo eh meron naman so hindi na kita para bantayan este samahan! oh pano Carl bantayan mo itong besty ko ah! saka mo na kunin ang bataan pag tapos na mag aral itong besty ko!" sabi ni Gi.

"Gi Bunganga mo lagyan mo naman ng konting filter oh!!" sita ko sa kahalayan ng besty ko

"I will thanks Gi!" paalam nito sa besty ko,ayun na nga ang kabute sumang ayon pa sa lokaret kong besty .

"Wow hanep besty ko nalimutan ako ihug awts! kainis sila na close!" bulalas ko saking sarili .

Pairap na tinalikuran ko si Carl at pumasok na ako ng kusa ,talagang umupo ako sa may passenger seat at padabog na sinarado ko ang pinto,pero ang loko hindi parin tuminag kaya inis na inabot ko ang busina ng sasakyan nito.

"What the Heck ?" gulat na bulalas nito at patakbo na nagtungo sa driver seat.

"What?" tanong ko ng mapansin ko nakakunot ang noo nito habang nakamasid sa may salamain.

"Bakit diyan ka nakaupo? "

"Magdrive kana kung hindi magcocommute nalang ako!" salungat na sagot ko.

"Ok fine!" napipilitang sagot nito..

Tahimik lang ako buong byahe talagang sinsadya kong ituon nalang ang tingin ko sa labas para hindi na ito magtanong pa ,ewan ko pero nainis talaga ako .

Maya-maya lang ay huminto ito sa isang Mall.

"Let's go?" aya nito,hindi ako umimik bumaba nalang ako at nagpatiyanaod nalang.

"Galit ka parin ba?" tanong nito,sa ikalawang pagkakataon mas tinikom ko nalang ang bibig ko kesa sungitan o sagutin pa siya.

"Tssk!" iritadong sabi nito at nauna nang maglakad.

Napangiti naman ako dahil alam kong inis na ito pero nagtitimpi lang.

"Haist iba talaga pag umeedad na nagiging mainit na ang ulo!" bulong ko sa aking sarili habang pangiti ngiti.

Pumasok sa isang Restaurant si Carl kaya sumunod nalang ako mukhang naputol ko na ata ang pisi ng pagtitimpi nito kasi di man lang talaga ako hinintay para isabay pumasok.

Pagkapasok ko May isang waitress na lumapit sakin para ihatid ako kung saan naroroon si Carl.

"Maam /Sir Enjoy your date po!" sabi nito.Aapila sana ako kaso nakita ko nanaman ang madilim na awra nito.

"Yes Maam?" Tanong ng Waitress na napinsin yata may sasabihin ako.

"A-ah wala Misss ! itatanong ko sana saan ang Restroom niyo?" pag iiba ko.

"Miss Pakituro nalang sa kanya at baka maligaw pa yan!" sabat ni Carl.

"Ok po Sir ! Maam samahan ko na po kayo!" magalang na sabi nito.

Tinignan ko ng masama si Carl bago ako tumayo,at napagpasyahang sumunod sa Waitress.

"Bweset na yun ano akala sakin bata? " inis sa bulong ko.

"Maam ang sweet naman po ni Sir sayo masyadong possessive Boyfriend hah? " sabi ng waitress.

"Yun Sweet? saan banda?" bulong ko pero mukha narinig ata ng waitress.

"Po Maam?"

"Wala Miss saka Hindi ko po siya Boyfriend!" pagtatama ko.

"Naku si Maam Todo Deny pa Bagay naman po kayo!"

"Huh bagay? kame bagay?" paglilinaw ko.

"Yes Maam perfect match kayo!" kinikilig na sabi ng Waitress.

"Maam This way po! maiwan ko na po kayo kung may kailangan papo kayo tawagin niyo langbpo ako !" magalang na sabi nito.

"Salamat !"

"Welcome po!"

Nang matapos ako magretouch syempre ano pa ba magagawa ko ? eh dinahilan ko lang naman ang paggamit ng Restroom kanina, napagpasyahan kong bumalik na sa pwesto namin at baka naiinip na si Kabute,pero mukhang hindi ang inaasahan ko ang madadatnan ko.

"Wow mukhang di naman pala maiinip kakahintay si Kabute kasi nag eenjoy makipaglandian !" kastigo ko sa aking sarili ,hindi ko alam pero bigla nalang may nag-udyok sakin na sirain moment ng dalawang ito,kaya malalaki ang hakbang na nagtungo ako sa pwesto namin.

"Hi Honey kanina ka pa ba naghihintay sorry ah may kinausap lang ako saglit!" sabi ko habang may matamis na ngiti sa mga labi.

Kita ko ang pagkadismaya ng kausap nitong babae,na kanina akala mo bulati na kikislot-kislot habang nakikipag usap kay Carl.

"Miss huwag ka nga feeling diyan!" pagmamaldita ng babae.

Mukhang makapal ang mukha ng isang ito,kaya binalingan ko ng tingin si Carl.

"Ano Honey uupo ka nalang ba diyan?hindi mo ba ako ipakikilala sa kasama mo?" inis na sabi ko.pero ang loko hindi man lang umimik o kahit tuminag mukhang nag eenjoy pa sa palabas ko .

"Miss pwede ba huwag ka gumawa ng Eksena dito nakakahiya! saka tigilan mo pag-aambisyon mo ! sa tingin mo papatol ito sa tulad mo na mukhang bayaring babae " sabi ng babae.

Medyo naiinis na ako ,kaya balak ko sana umalis nalang ng biglang may mga braso na kumabig sa may bewang ko,Sa sobrang gulat ko hindi ako nakahuma .

"Hey you Woman sumosobra na ata ang lumalabas sa bunganga mo? ano karapatan mo Pagsabihan ang asawa ko na Bayaring babae? hindi mo ata alam kung sino ang kaharap mo!"

"I thought you not Married!" sabi ng babae.

"Hindi porket walang sing sing ay hindi pa kasal sa susunod marunong ka munang kumilala bago ka umupo at makipaglandian ! Guard! " malamig na sabi nito sa babaeng kanina pa nagpapacute sa kanya .

"Yes Sir!" sabi ng Guard.

"Bakit kayo nagpapasok ng maduduming babae sa gantong Restaurant!? pakialis itong babae na nilaitlait ang asawa ko!" galit na utos ni Carl.

"Sorry po Sir di na po mauulit!" sabi ng Guard.

"Let me go kaya ko lumabas ng kusa!" sabi ng babae.

Hindi parin ako makaimik sa eksenang natutunghayan ko.

"Are you ok Honey?" nag aalang sabi nito .

"O-ok lang ako!" sabi ko pero ng maalala ko kung ano ang pwesto ko mabilis na umalis ako sa kandungan nito.

"Shit Thea ano bang katangahan mo ngayon!! grrrr!" inis na kastigo ko.

"What's on your mind my sweet Honey?" nakangising tanong nito.

"Iwww S-stop Calling me Honey hui!" saway ko pero ang loko tumawa lang.

"Oh sino ba nagsimulang tumawag ng Honey without my permission?" sabi nito.

"What ever!" bulalas ko.magsasalita pa sana ito ng lumapit ang waitress at ang manager.

"Mr.Socovia pasensya na po sa nangyari kanina eto na po yung inorder niyo po bigyan nalang po namin kayo na free food and dessert sa aberya dito kanina!" magalang na sabi ng manager.

"No need to do That Mrs.Yu hindi niyo kasalanan salamat sa magandang serbisyo niyo!"

"Thank you Mr Socovia.pero sana po kahit dessert ay maitreat namin sa  inyo?!" sabi ng Manager.

"Inferness may pusong mamon ang kabute natin huh? este kabute niyo.!" kastigo ko saking isipan.

"Ok Mrs.Yu ,By the i want to meet you Althea My Wife !" Seryosong sabi nito.

Laglag ang mga panga ko sa pagpapakilala sakin ng lokong kabuteng ito,hindi na ako nakapalag pa ng unahan ako magsalita ng manager.

"Hi Mrs .Althea nice meeting you po pasensya na po sa eskandalo kanina masyado po kasi gwapo napangasawa niyo kaya habulin ng babae!"birong sabi nito.ngumiti lang ako ng pilit para naman hindi kabastos bastos na tignan pero sa loob ko gusto kona manapak .

"Ok Mrs .Yu pwede pakiserve ang ice cream strawberry flavor at etong asawa ko kanina pa nag-iinit ng mabawasan man lang ." tatawa tawa na sabi nito sa Manager.

"Ok po sir ma-iwan ko po  muna kayo!" paalam ng manager.

Pagkaalis ng pagkaalis ng Manager mabilis na sinipa ko ito sa may tuhod.

"Ouch !" d***g ni Carl

"Ouch ka diyan bakit moko pinakilalang wife? shock asawa talaga? hui kilabutan ka naman oh!" reklamo ko pero ang loko mukhang nag eenjoy pa.

"Ikaw tong tatawag tawag ng Honey ! tas mananakit pa! Sadist Wife.huh!" sabi nito.

"Tsk ! kumain ka na nga lang diyan!" sabi ko pero ang loko pinagmasdan lang ako.

"What? "tanong ko dahil sa pagtitig niya sakin.

"Maganda ka pala!" sabi nito.

"Tssk oo matagal na ngayon mo lang nakita?"proud na sabi ko .

Jusko sarili ko pa ba ibaba kopa ?syempre minsan kailangan natin mag angat ng sariling bangko sino pa ba ang magbibigay ng lakas ng loob satin kundi sarili lang natin ,kailangan matuto muna natin mahalin ang ating sarili ,bago ang iba para sa huli di tayo magsisi.

"Pwede bang akin ka nalang?" natahimik ako sa sinabi nito diko alam kung ano irereaksyon ko dahil di ko alam kung ginogoyo lang ako nito.

"H--huh?" tanging nasabi ko lang.

"Wala sabi ko maganda ka nga kaso bingi naman ! mahirap pala maging magandang bingi" sabi nito.

"Tsk say Aah -kumain ka na nga lang diyan gutom lang yan sabi ko naman sayo huwag kang magpapalipas ng gutom na bubuang ka tuloy!" biro ko sabay subo ng beefsteak  kay Carl na kanina lang sinerve ng waiter .

Napailing nalang ito at napilitan ibuka ang bibig para isubo ang nakaabang na beefsteak sa tapat ng bibig niya.

Pagkatapos namin kumain ay nagyaya na ako umuwi marami pa kasi akong tatapusin na homework  ,si Carl ang hatid sundo sakin akala mo driver ko pero sa tingin ng iba boyfriend ko, ilang years lang naman ang agwat namin kaya madalas talaga pagkamalan kami magjowa o mag asawa, nasanay narin ako sa presensya niya ,Nakilala ko siya noon sa Puntod nila Mama at Papa ,unang pagkikita palang namin magaan na ang loob ko sa kanya kahit simpleng masiyan ko palang sa malayo at lalo na ng masilayan ko ito ng malapitan .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status