Pagdating ko sa bahay ay wala si Daddy.
“Oh, saan k aba nagsusuot kang bat aka. PInakaba mo kami,” salubong ni Lola sa akin. Napakamot pa ng ulo. Hindi naman galit pero hindi natutuwa.
“Asan po si Daddy ‘La?”
“Hayun, umalis. Hinahanap ka kasama pa ng Lolo mo.”
Nang narinig ni Mommy ang pag-uusap namin ni Lola ay lumabas si Mommy. Tulad ng nakagawian, bunganga na naman ni Mommy ang sumalubong sa akin. Katulad ng ginagawa niya sa Manila kung late na ako umuwi dahil sa pagco-computer kasama ng mga tropa kong kapit-bahay namin. Sanay na ako doon kaya nilambing-lambing ko siya dahil alam kong kapag ginagawa ko iyon ay nawawala na ng kusa ang galit niya sa akin.
"Saan ka ba nagpuntang bata ka! Pinag-alala mo kami ah! Anak naman, babae ka at hindi lalaki!" agad na tanong ni Daddy pag-uwi niya. Halatang galit.
"Dad, ang ganda pala doon sa may batis na may maliit na falls.”
“Paano ka nakarating doon? Ang layo na no’n dito? O, paano kung natuklaw ka ng ahas o kaya naligaw ka!”
Hindi ko pa rin sinagot ang kanyang mga sinasabi. Kailangan kong ma-divert agad ang usapan.“Tumambay ako doon at may kaibigan akong halos kasing edad kong magtuturo sa akin kung paano lumangoy bukas." Ipinakita ko sa kaniyang nawiwili na ako. Alam ko kasi na iyon ang kahinaan ni Daddy. Ang makita niyang masaya ako at nawiwili sa lugar na kaniyang kinalakhan. Nagkatinginan sila ni Lolo. Nakita kong nawala ang kanina'y galit ni Daddy. Pasok ang aking diskarte.
"Bukas po, babalik ako roon. Magpapaturo lang ako sa paglalangoy. Okey lang ba Dad?"
"Papayagan kita pero mag-iingat ka at dapat makilala ko muna ang kaibigan mong ‘yan.”
“Sure po dad.”
“Babae ba ‘yan?”
“Syempre Dad, lalaki.”
“Lalaki? Ilang taon?” tumaas ang boses ni Mommy. Hindi talaga siya patatalo. Mataas agad ang boses e.
“Fourteen ho.”
“Fourteen? Oh my god! Mahal naman e. Narinig mo, fourteen yung kasama niyang lalaki sa gubat? Kaya na niyan gumawa ng masama. Paano kung… oh my god!” di ba? Sabi ko naman may pagka oa talaga si Mommy.
“Anak, ganito ah. Babae ka, hindi mo kilala ng lubos kung sino ang lalaking ‘yan. Paano na lang kung gawan ka ng hindi maganda?”
“Sabihin mo na lang kasi, diretsuhin mo na. Paligoy-ligoy ka pa kasi e.” nakapamaywang si Mommy na tumingin sa akin. “Ang gustong sabihin ng Daddy mo, paano kong reypin ka niya!” singhal ni Mommy.
“Hindi ho gano’n ang kaibigan ko Mom.”
“Oh paano mo alam? Kailan mo lang ba siya nakilala? Paano ka nakasisiguradong hindi siya ganoon? Iba nga diyan matagal nang kakilala pero nakagagawa pa rin ng hindi maganda.”
“Mom, matagal ko na hong kaibigan si Dindo. Matagal na matagal na.” pagsisinungaling ko.
“Kahit na, dapat makilala ko muna anak, okey?” inakbayan ako ni Daddy malayong malayo sa pagka-hyper ni Mommy.
“Sige po,” sagot ko.
“Pinapayagan mo? Talaga lang? Pumapayag ka agad?” mataas pa rin ang boses ni Mommy.
“Hayaan mo na. Doon din naman ako natutong lumangoy noon. Ang kaibahan lang, mas masukal ang gubat noon. Basta mag-ingat ka ha. Tatlong araw na lang babalik na tayo sa Manila. Kaya, mabuti at nakahanap ka ng iyong mapaglilibangan."
"Ayos dad."
"Sandali, ano uli ang pangalan nong bata na magtuturo sa'yo sa paglangoy?"
" Dindo po ang pangalan.”
“Apilyido?”
Nagkamot ako ng ulo. “Di ko na tinanong ang apilyido, Dad e."
"Dindo?" tumingin siya kay lolo. “May kilala ba kayong ang anak ay Dindo ang pangalan dito, Tang?”
"Wala akong kilalang batang ganun ang pangalan sa mga kapit-bahay natin ah. Sigurado ka bang Dindo daw ang pangalan?"
"Oho. Baka tiga-ibayong barangay ho."
“Basta, dapat makilala ko muna ‘yan ‘nak ha? Mahirap na.”
“Sure po.”
Kinagabihan ay hindi ako makatulog na naman. Dumikit sa utak ko ang mukha ni Dindo. Ang kaniyang ngiti. Ang mahiyain niyang mga mata na kung nagkakatitigan kami ay siya ang nauunang magbaba. Ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Ang mainit-init niyang labi at bango ng hininga nang binubugahan niya ako ng hininga niya kanina. Bigla na naman akong nagkaroon ng nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Napansin ko na naman na bumilis ang tibok ng aking puso. Sana hinahangaan ko lang siya. Sana lilipas din lang ito. Alam ko kasing bata pa ako para makaramdam ng ganoon.
Kinabukasan ay inipon ko ang mga damit ko na naiwan ko sa bahay nina lola sa tuwing nagbabakasyon kami na alam kong magkakasya naman kay Dindo. Ibinalik ko rin ang pellet gun ko sa box nito dahil kabibili lang naman ni Daddy sa akin ito bago kami umuwi rito sa Vizcaya. Pakiramdam ko nakapatagal mag-ala una ng hapon. Panay ang tingin ko sa orasan. Pabalik-balik. Naiinip. Pati nga sa pagkain kanina nagmamadali ako kaya tuloy hindi ko nalasahan ang tinolang manok na niluto ni lola. Paborito ko pa naman iyon.
Alas dose y medya pa lamang ay umalis na ako nang bahay. Tinandaan kong mabuti ang nilakaran namin ni Dindo nang inihatid niya ako kaya hindi na ako naligaw pa. Wala pang ala-una ay naroon na ako at naghihintay sa batis. Tinakasan ko lang si Daddy na nagsisiyesta. Palinga-linga akong nang umupo ako sa batuhan. Nababagot sa kaniyang pagdating. Tatlumpong-minuto na akong nakaupo doon ngunit wala pa siya. Naiinip na ako lalo't nakakaramdam na ako ng antok. Darating pa kaya siya?
Biglang may nagdive mula sa sanga ng puno na kinahulugan ko kahapon. Bahagya akong nagulat. Bumilis ang tibok ng aking puso. Siya na nga. At doon pa talaga siya nagdadive. Grand entrance naman.
Nang umahon siya at tanging lumang brief ang suot niya ay naroon na naman ang diyaskeng nararamdaman ko. Lalo pa niya akong binihag nang nakangiti siyang nakatingin sa akin. Uminit ang aking mukha at alam kong epekto iyon ng namamataan ko. Pinamumulahan na naman ako.
"Galing dude, ah!" bati ko pambawi lang ng kakaiba kong nararamdaman.
"Tuturuan din kita no'n. Kanina ka pa?" tanong niya. Tinaas niya ang kaniyang kamay para makipag-apir sa akin at tinanggap ko iyon. Ngunit sa pagkakataong iyon siya ang humila sa akin. Dumikit ang hubad niyang katawan sa katawan kong nakabalot ng t-shirt. Nagkatinginan kami. Sa tindi ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko masabi ang karaniwang sinasabi namin kung nag-aapir kami.
CHAPTER 7 Nagsimula kaming lumusong sa tubig. Unang ginawa niya ay pinasakay niya ako sa dalawang bisig niya. Kailangan ko daw magrelaks at matutunan kung paano ang tamang pagkampay ng kamay na sinasabayan ng pagkilos ng aking mga paa para hindi ako lulubog sa tubig. Nang nasa malalim na kami ay binitiwan niya ako ngunit hindi siya lumayo. Nagpanik ako ng alam kong unti-unti na naman akong malulunod. Bigla ko siyang hinawakan sa leeg at niyakap at dahil sa takot ay nagtama ang aming mga bibig. Hindi niya inilayo ang labi niya sa aking labi. Naramdaman ko ang paggalaw niyon na parang medyo kinagat pa niya ang pang-ibabang bahagi ng aking labi. Ako man din ay walang balak ilayo ang aking labi. Gusto ko ang nangyayari. Gustung-gusto ko yung pakiramdam. Bahala na kung isiping makiri ako o alembong, basta ang alam ko, maluwalhating tinatanggap ng loob ko ang kanyang halik sa akin. Kakaiba ang pakiramdam ng malambot niyang labi sa aking labi. Gusto ko ang pag
CHAPTER 8Nang gabing iyon, alam ko. Kung puppy love man ang nararamdaman ko kay Dindo, iisa lang ang ibig sabihin no'n. Babae nga ako. Hindi ako tomboy tulad ng sinasabi ng mga tao. Gusto ko yung nararamdaman ko pero hindi pa ako handa. Pero paano ko nga ba iyon mapaglalabanan kung ang tanging alam kong ikinasisiya ko ay ang makita siya at makasama? Nang pangatlong araw ng aming pagkikita ay tinuruan na niya ako magdive. Nang una natatakot ako. "Sige na. Sabay naman tayong tatalon e." "Kahit pa sabay tayo. Natatakot ako! Paano kung hindi na ako lulutang?" "Paanong hindi ka lulutang?”“E kung may bato diyan o kaya nakausling kahoy.”“Wala, di ba nilalangoy natin ‘yan?”“Kahit na, natatakot pa rin ako ‘no.”“Sige para hindi ka matakot. Magkahawak tayo ng kamay na tatalon." "Sige!" Ngunit bago kami tumalon ay mabilis ko siyang niyakap dahil sa takot. Nakayakap na rin siya sa akin bago namin n
CHAPTER 9Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa silong ng puno. Madilim-dilim pa ay naroon na ako. Si Lolo at lola palang nga ang gising no'n kaya para hindi nila ako makita ay dumaan ako sa likod bahay ng patago. Nakadama ako ng takot lalo pa't madilim-dilim pa nang tinatalunton ko ang madamong daan papunta sa puno pero dahil sa excitement ay tuluyang natatabunan ang aking naramdamang takot at pagkabahala.“Bakit wala pa siya? Kapag ganitong usapan, laging antagal niya!” napakamot ako ng ulo sa inis at inip sa kahihintay.Sumakit na ang puwit ko sa kauupo at ang aking leeg sa kalilingon pero hindi pa siya dumadating. Pasikat na din ang araw. Tumayo na ako. Bahala siya. Kung hindi siya marunong tumupad sa usapan e, di huwag. Naglalakad na ako pabalik ng bahay nang marinig kong may sumisipol. Sipol na parang sa ibon ko lang naririnig. Nilingon ko. Naroon na siya. Ngumiti ako."Dude! Okey ka na?" masaya kong bati sa kaniya habang mabilis akong lumapit sa kitatayuan niya. Tinaas ko ang
CHAPTER 10 Mabilis na dumaan ang araw. Masakit man pero kailangan kong iwaglit si Dindo sa utak ko. Kung wala akong ginagawa, naiisip ko siya at nalulungkot ako. Kung naglalaro kami ng computer kasama ng mga tropa ko, ni kahit isang saglit hindi siya pumapasok sa utak ko. Kaya para hindi ko siya maisip, naging regular na ang paglalaro ko ng computer kasama ng mga kaklase ko at kapitbahay. First year high school na ako noon nang tuluyan na akong nawili sa paglalaro sa computer. Iba kasi ang naibibigay sa akin na excitement ng paglalaro. Lalo na kung nananalo na ako. Pagkatapos ng klase ay diretso na agad kami sa computer shop para maglaro kasama ng mga kaibigan kong lalaki at tomboy. Sa paraang gano'n ay nawawala si Dindo sa isip ko. Dumating ang December at muli kaming dumalaw kina Lola at Lolo. Kakaiba ang nararamdaman kong saya noong binabagtas namin ang daan pauwi. Nagkakantahan pa nga kami nina Mommy at Claire samantalang si Daddy
Chapter 11Lubos ang nararamdaman kong saya noong makita ko siya. Tulad ng sinabi ni Daddy, baka muli kong makikita ang kaibigan ko kung kailan ay hindi ko inaasahan. Tama siya, dumating si Dindo sa panahong hindi ko inaasahan. Sa pagkakataong hindi ko siya hinahanap.Unang araw pa lang ng pasukan ngunit kaagad na akong hindi maka-focus sa mga sinasabi ng aming mga guro. Wala akong naiintindihan sa aming asignatura. Si Dindo ang tumatakbo at walang pagod sa kalalaro sa aking isipan. Lagi ko siyang tinitignan ngunit malas lang dahil nasa likod ako samantalang siya ay nasa harapan. Tanging likod lang niya ang nakikita ko at ang kaniyang pisngi. Alam kong batid niyang naroon ako sa likod. Bakit hindi man lang ako lingunin? Bakit ni hindi niya magawang tapunan ako ng kahit man lang isang mabilis na sulyap? Galit pa rin kaya siya sa akin?Kringgggg! Kringgggg! Kringgggggg!Sa wakas, recess na rin. Mabilis akong lumapit sa kanya ngunit mas maagap ang kanyang pagtayo at pag-alis. Hindi ko al
CHAPTER 12 Algebra. Kinabukasan nang nangyari ang eksena sa Biology class namin. May usapan na kung sino ang magiging highest o maka-perfect ng aming quiz ay mamimili siya sa mga nakakuha ng pinakamababang marka ng magbubura ng aming pisara ng isang buong Linggo pagkatapos ng aming klase o kaya ay sa tuwing mapupuno na ang pisara at kailangang magbura.Alam kong hindi man ako nag-aaral ngunit hindi naman siguro ang pinakabobo sa Math. Hindi man ako nakasusunod ngunit may nasagot naman siguro ako. nang bigayan na ng naiwastong papel, as expected, pinakamataas na naman siyempre si Dindo. Isa lang ang mali niya. Magaling talaga.Pinakamababa? Anim kaming 3 points lang ang score. Anim kami. Ako dude niya. Malayong ako ang gagawin niyang tigabura sa blackboard. Dikit kami dati e. May pinagsamahan kaya malayong ako ang aatasan niya sa pinakaayaw kong gawain.Pero nadgdagan ang pagkairita ko sa kanya. Ang pinili sa aming anim na magbura? Ako. Ako pa rin ta
CHAPTER 13 "Imbes na igugol natin sa pagrereview o pagbabasa sa next na subject natin ang oras na wala ang teacher natin sa first period ay mas pinipili pa ninyong makinig diyan sa walang kuwentang jokes ni Ancheta. Baka matulad kayo diyan, kababaeng tao pero puro yabang lang kahit halos bagsak na ang mga exam." Biglang tumaas ang dugo ko. Parang lahat ng natitira kong pasensiya sa kaniya ay tuluyan nang naglaho. Masyado na niya akong pinapahiya sa mga kaklase ko. "Ano bang problema mo sa akin, ha!" singhal ko. Napatayo ako sa inis. "Problema ko sa'yo? Masyado kang mayabang! Masyado kang epal! E kung gamitin mo kaya ang yabang at kaepalan mo sa discussion natin, siguro mas bibilib pa ako sa'yo." "E, ano kung bobo ako! Inaano ba kita ha! Tinigilan na kita ah! Baka gusto mong pansinin ka lang dahil lahat ng atensiyon nila ay napupunta sa akin." "Ulol! Hindi ako ganun kababaw. Nagsisimula
CHAPTER 14 Nagpatuloy ang malamig na pakikitungo niya sa akin. Lantaran pa rin kung ipamukha niya sa akin na bobo ako. Dahil sa walang tigil niyang pagpapa rinig at pagpapamukha sa akin na matalino siya at mapurol ang utak ko ay ipinangako ko sa aking sarili na mag-aaral akong mabuti. Titignan niya kug paano ako gumanti. Mararamdaman niya kung paano ko siya lalabanan. Hindi ko lang siya papantayan, lalagpasan ko pa siya.Nagsimula akong magbasa gabi-gabi. Tinutukan ko ang aking pag-aaral. Tuwing walang pasok ay libro ko lang ang hawak ko at nag-eensayo ng basketball kasama sina Dindi at iba ko pang tropa. Minsan nga kahit mga lalaki, kinakalaro ko na. Gusto kong ipakita sa kanya na oo, babae ako pero kaya ko rin laruin ang laro nilang mga barako. Lahat ng pwede kong gawin para matuto sa lahat ng asignatura namin ay ginawa ko. Pursigido ako. Ipapamukha ko sa kanya na hindi ako bobo tulad ng pagkakakilala niya sa akin.Tahimik lang ako sa klase ngunit nakikinig. Nagmamatyag sa lahat n