Ang Rebelde at Ang Sundalo

Ang Rebelde at Ang Sundalo

last updateLast Updated : 2024-03-17
By:  MissThickCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
102Chapters
5.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Minahal ni Aya si Dindo ngunit may sikreto ang binatang hindi niya kayang sabihin. Napatay ng sundalong Daddy ni Ava ang mga magulang ng rebeldeng si Dindo. May balak si Dindo na maghiganti ngunit hindi na niya naisakatuparan dahil mahal na niya si Ava. Ang hindi magawa ni Dindo na misyon ay ginawa ng kapatid niya mismo. Napatay ang Daddy ni Ava sa araw ng kanyang graduation at doon niya nalaman ang tunay na pagkatao ng lalaking minahal at pinagkatiwaan niya. Dahilsa galit, naging sundalo si Ava at naging kalaban niya si Dindo na siyang lider na ng mga rebelde. Mabubuo pa kaya silang muli ngayong mortal na silang magkalaban?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Madaling Araw ng Sabado, maaga kaming ginising ni Daddy para daw mamasyal sa bahay nina Lola sa Diadi, Nueva Vizcaya. Bukod sa humigit kumulang pitong oras na biyahe mula Manila hanggang sa Diadi, idagdag pa ang nakakatakot na daan sa Santa Fe dahil sa matarik na bundok na dinadaanan ay alam kong mabobored lang ako sa bakasyon dahil hindi pa umaabot ang kuryente sa bahaging iyon ng lugar ng mga magulang ni Daddy. Minsan lang naman sa isang taon kami magbakasyon doon dahil bihira rin naman mabigyan ng bakasyon ang may mataas na ranggo na sundalo kong ama ngunit sadyang hindi ko talaga magugustuhan ang lugar na may kalayuan sa kabihasnan. Kung sana pinayagan na lang ako ni Daddy na maiwan sa bahay at maglaro sa bago naming computer ng mga war games, sana hindi ako mababadtrip ng ganito. Idagdag pa ang ingay nina Mommy na nakaupo sa harap ng aming sasakyan at ang bunso kong kapatid na kumakanta sa tabi ko.

                "Psst! Ate Aya! Ayos ka lang?" tanong ni Daddy sabay tingin niya sa akin sa salamin.

                Hindi ako sumagot. Gusto kong maramdaman niyang hindi ako masaya sa bakasyon na 'yun. Tumingin ako sa labas ng bintana. Hayan na at malapit na kami sa Sante Fe. Para na naman akong mahuhulog sa bangin ang sasakyan namin at paniguradong halos hindi na naman ako makahinga o kaya ay tuluyang magsuka.

                "Nagugutom ka na ba anak?" tanong ni Mommy.

                Hindi parin ako sumagot.

                "Lintik na bata 'to ah! Kinakausap ka! Sumagot ka naman!" mataas na ang boses ni Daddy. Bihira lang ako pagtaasan ng boses ni Daddy at alam kong kung ganoon na ang tono ng boses ay malapit na siyang maubusan ng pasensiya.

                "Hindi ho." Maiksi kong sagot.

                "Bakit ba ayaw na ayaw mong binibisita natin sina Lolo't lola mo e, hindi naman madalas na ginagawa natin ito. Minsan nga lang sa isang taon. Makisama ka naman anak. Hindi ibang tao ang bibisitahin natin, nanang at tatang ko ang mga iyon."

                "Kasi hindi makakalaro ng computer si Ate, Daddy" singit ng kapatid kong si Claire.

                "Hindi daw makalaro... sige ka, tatamaan ka sa akin" Tinignan ko ng masama ang kapatid ko. Sana makuha sa tingin.

                "Di ba nga iyon ang sabi mo sa akin kahapon ate? Saka wala daw naman siyang makalaro daw doon kina Lola."

                Dahil hindi siya makuha sa tingin ay inilagay ko ang kamay ko sa likod niya at tinusok ko ang tagiliran niya ng malakas gamit ang akin hintuturo.

                "Arayyyyyyyy! Daddy! Si ate oh, nang-aano." Sumbong niya.

                " Aya, tama na 'yan huwag mo akong ginagalit ha. Pati kapatid mo pinapatulan mo"

                Pagkapatapos kong tignan ng masama ang kapatid ko ay hinila ko ang isang unan at minabuti ko na lang pumikit bago man lang kami makarating sa Sante Fe. Gusto kong nakapikit na ako kung hindi man tuluyang makakatulog kapag nandoon na kami.

                Pagmulat ko ay banayad na ang takbo ng sasakyan namin. Ibig sabihin no'n malapit na kami kina lola. Kung maramdaman ko mamaya ang mabatong daan ay siguradong papasok na kami sa liblib na barangay na kung saan lumaki si Daddy. Dadaanan pa namin ang may kaluwangang bukirin bago ang bahay nina Lola sa gilid ng masukal na gubat at bundok. Magkakalayo ang mga bahay doon kaya iyon ang isang dahilan kung bakit ayaw kong magbakasyon. Walang makalaro at walang magawa. Ang kaisa-isang kapatid ni tatay ay nasa Cavite rin at bihira ring makasabay namin sila na magbakasyon. Alam kong mababagot na naman ako sa paghihintay na matapos ang parusang ito ni Daddy.

                Nang huminto ang aming sasakyan at bumaba na si Daddy ay alam kong nakarating na rin kami. Ilang sandali pa ay nabuksan na ang aming van.

                "Anlalaki na ng mga apo ko!" masayang salubong ni Lola sa amin. Siya kaagad ang tumambad sa akin at nasa likod naman niya si Lolo na maluwang ang pagkakangiti.

                Papungas pungas akong bumaba. Inabot ko ang palad ni Lola at nagmano.

                "Ilang taon ka na Aya. Bigla ka yatang naging dalaga, apo."

                "Thirteen na po." Mapait ang aking pagkakangiti. Sumunod na nagmano si Claire at agad naman siyang kinarga ni Lola.

                "Ganda ng apo ko kung sana nagbestida. Manang mana ka siguro sa ganda ni lola." Puri ni lolo nang inabot ko ang kaniyang kamay at nagmano.

                “Naku tang, huwag na ninyong asahang magbestida pa ‘yan. Baka nakalimutan ninyong ‘yan ang apo ninyong susunod sa yapak ng anak ninyong sundalo.”

                “Pero babae ka apo, gusto mo talaga magsundalo?”

                “Astig nga ‘yon ‘Lo. Dami na kayang babaeng sundalo ngayon. Hindi ninyo alam?”

                “Aya!” paalala ni Daddy.

                “Sorry ho.” mabilis kong paghingi ng dispensa.

                “Sige na apo. Pumasok na kayo sa loob nang makapagpahinga na kayo.”

          

                Pagkatapos naming magpahinga ay kinuha ko ang pellet gun ko.

                "Saan ka pupunta, Aya?" tanong ni Daddy nang mapansin niyang naglalakad ako palayo.

                "Diyan lang ho."

                "Huwag kang pumunta sa gubat at baka ka maligaw ka ha?”

                “Opo.”

                “Huwag kang lumayo masiyadong delikado at baka kung mapano ka anak." Sigaw ni Mommy na ikinairita ko.

                “Paulit ulit. Ang kulit.” Bulong ko.

                “Anong sinabi mo?”

                “Wala mommy, sabi ko doon lang ako sa tinatambayan ko lagi!"

                Hindi naman kalayuan sa bahay nina Lola ang malagong puno na iyon na tinatambayan ko ngunit mas malapit na iyon sa gubat. Nang marating ko iyon ay napansin kong masukal na ang dati'y nilinis kong inuupuan kong malaking ugat ng puno. Kahit mataas ang damo ay minabuti ko pa ring umupo.

Kinargahan ko ng pellet ang aking baril-barilan ngunit wala akong balak umasinta. Napabuntong-hininga ako. Kung sana naiwan na lang kasi ako sa Manila. Siguro naglalaro kami ngayon malapit sa computer shop sa bahay ng war games.

"Psst! Bata! Huwag kang gumalaw." Nagulat ako sa tinig na iyon mula sa aking likuran. Napalingon ako sa pinanggalingan niyon ngunit hindi ang bata ang pumukaw sa aking paningin kundi ang isang malaking cobra na nakahanda nang tuklawin ako. Bumilis ang kabog ng aking dibdib at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Iginalaw ko ang puwit ko palayo sa nakaambang Manuka na cobra ngunit lalong parang mas nagalit ito. Tumaas na ang ulo nito at lumapad ang kaniyang leeg.

                "Huwag kang gumalaw sabi e" Bilin muli sa akin ng binatilyo. Lumapit ang cobra sa akin hanggang sa halos apat na dangkal na lamang. Lalo na akong nagpanic. Gusto ko nang sumigaw at humingi ng tulong kay Daddy ngunit alam kong hindi niya iyon maririnig. Parang nagtayuan na lahat ng balahibo ko sa katawan sa tindi ng aking takot kaya hindi ko kayang sundin ang utos niya sa aking huwag gumalaw. Bakit naman hindi ako gagalaw? Hahayaan ko na lang na tutuklawin ako ng cobra?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
liling
maganda ang story nangyayari sa totoong buhay. nagustuhan ko ang kwentong ito kasi yong bida ordinaryong tao lang hindi bilyonaryo na kadalasan nababasa ko dito.
2024-11-30 17:11:23
0
user avatar
Ocram Cerujano
mayfe baka sundalo ang bida Jan ha? kasi sa pinas ang revelde o revolutionary ang mabait at totoong sundalo ng mamayang pilipino
2024-09-29 13:56:12
0
user avatar
Mayfe de Ocampo
ganda ng story.... highly recommended
2024-05-11 22:36:12
0
102 Chapters
CHAPTER 1
Madaling Araw ng Sabado, maaga kaming ginising ni Daddy para daw mamasyal sa bahay nina Lola sa Diadi, Nueva Vizcaya. Bukod sa humigit kumulang pitong oras na biyahe mula Manila hanggang sa Diadi, idagdag pa ang nakakatakot na daan sa Santa Fe dahil sa matarik na bundok na dinadaanan ay alam kong mabobored lang ako sa bakasyon dahil hindi pa umaabot ang kuryente sa bahaging iyon ng lugar ng mga magulang ni Daddy. Minsan lang naman sa isang taon kami magbakasyon doon dahil bihira rin naman mabigyan ng bakasyon ang may mataas na ranggo na sundalo kong ama ngunit sadyang hindi ko talaga magugustuhan ang lugar na may kalayuan sa kabihasnan. Kung sana pinayagan na lang ako ni Daddy na maiwan sa bahay at maglaro sa bago naming computer ng mga war games, sana hindi ako mababadtrip ng ganito. Idagdag pa ang ingay nina Mommy na nakaupo sa harap ng aming sasakyan at ang bunso kong kapatid na kumakanta sa tabi ko. "Psst! Ate Aya! Ayos ka lang?" tanong ni Daddy sabay tingin niya s
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
CHAPTER 2
Nang bigla na sana akong tatayo ay saka naman mabilis na gumalaw ang cobra para tuluyan akong tuklawin ngunit mabilis ang ginawa ng estrangherong binatilyo na ihampas ang hawak niyang patpat gamit ang kanang kamay niya at hinila niya ako gamit naman ang kaliwang kamay niya kaya bago pa man ako matuklaw ay nakita kong tumilapon ang cobra sa malayo. Nawalan siya ng panimbang kaya bumagsak kami sa damuhan at nakapatong ako sa kaniya. Sa bilis ng pangyayari ay hindi kaagad kami nakakilos. Yakap niya ang baywang ko. Ang isang kamay ko ay nakapulupot sa kaniyang leeg at ang isa pa ay nakadampi sa matigas-tigas niyang dibdib. Tatlong pulgada lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko kaya amoy ko ang kaniyang hininga at amoy pawis niyang katawan. Ngunit napansin ko kaagad ang mapungay niyang mata na binagayan ng may kakapalang kilay at hindi naman katangusang ilong. Ngunit sandali lang ang tagpong iyon dahil mabilis din niya akong hinawi kaya bumagsak ako sa damuhan at siya nama
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
CHAPTER 3
Natigilan ako. Hindi ako maaring magkamali. Siya! Siya ang binatilyong nagsabing lampa ako at hambog. Ang gusto kong makita mula pa kaninang umaga na nagligtas sa akin sa cobra. Napakislot ako nang makita ko siyang walang kahit anong saplot sa katawan. Kumikintab ang moreno niyang kutis na basa ng tubig at natatamaan ng sikat ng araw. Alam kong hindi pa siya ganoon kabinata. Maaring nasa 13 o 14 years old lang siya sa tingin ko sa kaniyang mukha ngunit bakit ganoon na kaganda ang hubog ng kaniyang katawan. May kaumbukan na ang kaniyang dibdib, may masel na ang kaniyang mga braso at impis ang kaniyang tiyan. Gusto kong takpan ang mga mata ko. Gusto kong lumayo na lang doon kasi hindi na akma sa aking pagkababae ang nakatambad sa akin. Nang luminga siya ay mabilis akong nakapagtago sa sanga ng nakausling puno. Muli ko siyang palihim na sinilip at nakita kong nagsasabon na siya. Hindi ko man kita ang buong kahubdan niya dahil nakalublob naman siya sa tubig ay pa
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
CHAPTER 4
Ngunit bago ako tuluyang lumubog ay nakita ko siyang nakatago sa gilid na halos matakpan ng mga nagtatayugang damo. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang bisig niyang nakapaikot sa aking baywang. Suminghap ako ng hangin, napakahalaga ng kahit katiting na oxygen lang habang inilalangoy niya ako sa mababaw na bahagi ng sapa. At nang binuhat niya ako para ipahiga sa may damuhan ay tinuluy-tuloy ko na at pinanindigan ko na ang aking pag-iinarte. Naisip kong gantihan na rin siya dahil sa ginawa niyang pagkukunwariang nalunod kahit marunong din naman pala siyang lumangoy. Sumisid lang naman pala siya at mabilis na pinagtaguan ako. Hindi madali sa aking ibuwis ko ang buhay ko para lang sana iligtas siya. Naramdaman kong inilagay niya ang hintuturo niya sa aking ilong. Siguro pinapakiramdaman niya kung humihinga pa ako. Mabilis kong itinigil ang paghinga kahit pa natatawa na ako. "Hoy!!!" tinatapik-tapik niya ang aking pisngi ngunit desidido talaga akong ar
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
CHAPTER 5
Nahiya na rin akong humingi pa ng tulong kay Dindo. Naisip kong maaring kapit-bahay lang nila sina lola kaya kung sakaling sundan ko siya at makakalabas kami sa gubat ay mas mabilis ko nang matutunton ang bahay nina lola. Bago siya nilamon ng masukal na gubat ay binilisan ko siyang sinundan. Mabilis ang kaniyang mga hakbang kaya ako naman ay parang tumatakbo na rin. Tumigil siya na parang nakikiramdam at bago siya lumingon ay nakatago na rin ako. Nang pinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad ay sinundan ko pa rin siya. Malayo-layo na rin ang aming nilakad nang bigla ko na lang siyang hindi makita. Binilisan ko ang lakad ko at baka lang lumiko siya at nakakubli siya sa malalaking puno ngunit wala na talaga siya. Paano na ‘to. Parang lalo pa akong naligaw ne’to e.Gusto kong sumigaw at tawagin siya pero baka sabihin na naman niyang lampa ako o tatanungin ako kug bakit ba ako sunud ng sunod sa kanya. Ngunit paano ako ngayon makakalabas sa gubat? Tagaktak na ako ng pawis. Ninenerbiyos. K
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more
CHAPTER 6
Pagdating ko sa bahay ay wala si Daddy.“Oh, saan k aba nagsusuot kang bat aka. PInakaba mo kami,” salubong ni Lola sa akin. Napakamot pa ng ulo. Hindi naman galit pero hindi natutuwa.“Asan po si Daddy ‘La?”“Hayun, umalis. Hinahanap ka kasama pa ng Lolo mo.”Nang narinig ni Mommy ang pag-uusap namin ni Lola ay lumabas si Mommy. Tulad ng nakagawian, bunganga na naman ni Mommy ang sumalubong sa akin. Katulad ng ginagawa niya sa Manila kung late na ako umuwi dahil sa pagco-computer kasama ng mga tropa kong kapit-bahay namin. Sanay na ako doon kaya nilambing-lambing ko siya dahil alam kong kapag ginagawa ko iyon ay nawawala na ng kusa ang galit niya sa akin. "Saan ka ba nagpuntang bata ka! Pinag-alala mo kami ah! Anak naman, babae ka at hindi lalaki!" agad na tanong ni Daddy pag-uwi niya. Halatang galit. "Dad, ang ganda pala doon sa may batis na may maliit na falls.”“Paano ka nakarating doon? Ang layo na no’n dito? O, paano kung natuklaw
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more
CHAPTER 7
CHAPTER 7 Nagsimula kaming lumusong sa tubig. Unang ginawa niya ay pinasakay niya ako sa dalawang bisig niya. Kailangan ko daw magrelaks at matutunan kung paano ang tamang pagkampay ng kamay na sinasabayan ng pagkilos ng aking mga paa para hindi ako lulubog sa tubig. Nang nasa malalim na kami ay binitiwan niya ako ngunit hindi siya lumayo. Nagpanik ako ng alam kong unti-unti na naman akong malulunod. Bigla ko siyang hinawakan sa leeg at niyakap at dahil sa takot ay nagtama ang aming mga bibig. Hindi niya inilayo ang labi niya sa aking labi. Naramdaman ko ang paggalaw niyon na parang medyo kinagat pa niya ang pang-ibabang bahagi ng aking labi. Ako man din ay walang balak ilayo ang aking labi. Gusto ko ang nangyayari. Gustung-gusto ko yung pakiramdam. Bahala na kung isiping makiri ako o alembong, basta ang alam ko, maluwalhating tinatanggap ng loob ko ang kanyang halik sa akin. Kakaiba ang pakiramdam ng malambot niyang labi sa aking labi. Gusto ko ang pag
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more
CHAPTER 8
CHAPTER 8Nang gabing iyon, alam ko. Kung puppy love man ang nararamdaman ko kay Dindo, iisa lang ang ibig sabihin no'n. Babae nga ako. Hindi ako tomboy tulad ng sinasabi ng mga tao. Gusto ko yung nararamdaman ko pero hindi pa ako handa. Pero paano ko nga ba iyon mapaglalabanan kung ang tanging alam kong ikinasisiya ko ay ang makita siya at makasama? Nang pangatlong araw ng aming pagkikita ay tinuruan na niya ako magdive. Nang una natatakot ako. "Sige na. Sabay naman tayong tatalon e." "Kahit pa sabay tayo. Natatakot ako! Paano kung hindi na ako lulutang?" "Paanong hindi ka lulutang?”“E kung may bato diyan o kaya nakausling kahoy.”“Wala, di ba nilalangoy natin ‘yan?”“Kahit na, natatakot pa rin ako ‘no.”“Sige para hindi ka matakot. Magkahawak tayo ng kamay na tatalon." "Sige!" Ngunit bago kami tumalon ay mabilis ko siyang niyakap dahil sa takot. Nakayakap na rin siya sa akin bago namin n
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more
CHAPTER 9
CHAPTER 9Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa silong ng puno. Madilim-dilim pa ay naroon na ako. Si Lolo at lola palang nga ang gising no'n kaya para hindi nila ako makita ay dumaan ako sa likod bahay ng patago. Nakadama ako ng takot lalo pa't madilim-dilim pa nang tinatalunton ko ang madamong daan papunta sa puno pero dahil sa excitement ay tuluyang natatabunan ang aking naramdamang takot at pagkabahala.“Bakit wala pa siya? Kapag ganitong usapan, laging antagal niya!” napakamot ako ng ulo sa inis at inip sa kahihintay.Sumakit na ang puwit ko sa kauupo at ang aking leeg sa kalilingon pero hindi pa siya dumadating. Pasikat na din ang araw. Tumayo na ako. Bahala siya. Kung hindi siya marunong tumupad sa usapan e, di huwag. Naglalakad na ako pabalik ng bahay nang marinig kong may sumisipol. Sipol na parang sa ibon ko lang naririnig. Nilingon ko. Naroon na siya. Ngumiti ako."Dude! Okey ka na?" masaya kong bati sa kaniya habang mabilis akong lumapit sa kitatayuan niya. Tinaas ko ang
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more
CHAPTER 10
CHAPTER 10 Mabilis na dumaan ang araw. Masakit man pero kailangan kong iwaglit si Dindo sa utak ko. Kung wala akong ginagawa, naiisip ko siya at nalulungkot ako. Kung naglalaro kami ng computer kasama ng mga tropa ko, ni kahit isang saglit hindi siya pumapasok sa utak ko. Kaya para hindi ko siya maisip, naging regular na ang paglalaro ko ng computer kasama ng mga kaklase ko at kapitbahay. First year high school na ako noon nang tuluyan na akong nawili sa paglalaro sa computer. Iba kasi ang naibibigay sa akin na excitement ng paglalaro. Lalo na kung nananalo na ako. Pagkatapos ng klase ay diretso na agad kami sa computer shop para maglaro kasama ng mga kaibigan kong lalaki at tomboy. Sa paraang gano'n ay nawawala si Dindo sa isip ko. Dumating ang December at muli kaming dumalaw kina Lola at Lolo. Kakaiba ang nararamdaman kong saya noong binabagtas namin ang daan pauwi. Nagkakantahan pa nga kami nina Mommy at Claire samantalang si Daddy
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status