Share

CHAPTER 98

CHAPTER 98

Ang kanina'y makulimlim na kalangitan ay tuluyan nang bumigay. Pumatak ang ulan. Sabay ang madamdaming paggapang namin palapit sa isa't isa ang pagtawag ng pangalan ng bawat isa sa amin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang luha. Umiiyak siya. Ganoon din ako. Hirap akong huminga dahil sa mga tama ko sa katawan. Nagsalubong ang aming mga palad. Hindi ko na iyon binitiwan. Gusto kong maramdaman siya. Sa kabila ng nararamdaman kong hapdi ng tama ng bala ay mas gusto kong mayakap siya hanggang sa lumalaban pa kami para sa aming mga buhay. Pinilit pa rin niyang gumapang palapit sa akin. Sinikap niyang maigapang ang sugatang katawan.

“Hindi, hindi tayo susuko dude ko. Hindi tayo mamatay di ba?” bulong niya. Nakita kong pinilit niya talagang tumayo pagkatapos niyang huminga ng malalim. Nang nakatayo na siya kahit pa duguan na siya ay nagawa niya akong buhatin. “Aya, dude ko… Aya. Huwag kang pipikit ha? Huwag kang bibigay dude ko.” Ang madamdamin niyang pagtawag sa aking pangalan ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status