CHAPTER 101Paggising ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog. Mabilis kong nilingon ang kama na kung saan nakahiga si Dindo ngunit wala na ang kama niya doon. Pinanghinaan na ako ng loob. Alam kong mahaba ang tulog ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kinalalagyan ng kama ni Dindo. Umagos ang aking luha. Sumisikip ang aking dibdib. Ang tahimik na pagluha ay naging hagulgol. Hangga’t hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw sa pangalan ni Dindo. Awang-awa ako sa kanya na kahit sahuling sandali ng kanyang buhay ay hindi man lang siya nakaramdam ng kaginhawaan. Buong buhay niya ay puro pasakit at hirap kasama na doon yung mga panahong dumating si Rave sa buhay ko. lalong nadagdagan yung sakit na kanyang dala-dalawa. Sa buong buhay niya, ako lang ang tanging niyang minahal. Ako rin pala ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nahihirapan akong huminga. Para akong nalulunod sa matinding emosyon ng pagkawala sa akin ni Dindo.May humawak sa kamay ko. Pinisi
CHAPTER 102Dumating ang doctor. Pinalabas kami ni Rave para maeksamin pa daw si Dindo ng maigi. Sila man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Kakausapin na dapat nila kami para taggalin ang life support ni Dindo ngunit heto’t nangyari ang isang himala. Naka-recover si Dindo sa hindi nila malaman na kadahilanan.Masaya kami ni Rave sa labas ng kuwarto ni Dindo. Yumakap siya sa akin. Hindi nga lang mahigpit dahil ayaw niyang magalaw ang sugat ko. Sunod naming pinuntahan si Dame sa kaniyang kuwarto. Mahina man si Dame nguni ligtas na siya. Nagawa na nitong itaas ang kamay niya para sumaludo sa akin nang makita kami ni Rave na pumasok sa kuwarto niya. Bakas sa mukha nina Rave at Dame ang kakaibang saya. At sa harap ko, nakita kong hinagkan ni Rave ang labi ni Dame. Tanda na iyon ng isang simula ng tapat at magtatagal na pagmamahalan.Ilang araw pa ay tuluyan ng lumakas si Dindo. Ako man din ay halos bumalik na sa normal ang aking katawan. Ako na ang matiyagang nagbabantay sa kaniya. Masaya
FINAL CHAPTER“Go Mama.” Sigaw ng kinikilig na si Shantel."Of course! Yes!" sagot ko. Yumuko din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay kaming tumayo. Nagyakapan at binuhat niya ako. Ipinaikot niya ako habang nakayakap sa kaniya. Ibinaba niya ako at pinunasan niya ang aking luha. Hinalikan niya ako sa labi. Sumabay iyon sa isang masigabong palakpakan."Tuloy na ang kasal. Double wedding!" wika niya at nag-apir sila ni Rave. Halatang planodo na pala nila ang lahat.Muling itinuloy ni Shantel at Miley ang kanilang pagkanta. Bumalik kami ni Dame sa likod para muling simulan ang aming paglalakad palapit sa aming mga minamahal.On this dayI promise foreverOn this dayI surrender my heartAko ang unang naglakad. Sumunod si Dame. Dama ko ang bawat linya ng kanta. Para akong dinuduyan sa langit. Tanging si Dindo ang nasa paningin ko habang naglalakad ako. Napakaguwapo ng aking magiging asawa sa suot niya. Idagdag pa ang kaniyang nakakikilig na ngiti. Hawig na hawig niya talaga si Ejay Fal
Madaling Araw ng Sabado, maaga kaming ginising ni Daddy para daw mamasyal sa bahay nina Lola sa Diadi, Nueva Vizcaya. Bukod sa humigit kumulang pitong oras na biyahe mula Manila hanggang sa Diadi, idagdag pa ang nakakatakot na daan sa Santa Fe dahil sa matarik na bundok na dinadaanan ay alam kong mabobored lang ako sa bakasyon dahil hindi pa umaabot ang kuryente sa bahaging iyon ng lugar ng mga magulang ni Daddy. Minsan lang naman sa isang taon kami magbakasyon doon dahil bihira rin naman mabigyan ng bakasyon ang may mataas na ranggo na sundalo kong ama ngunit sadyang hindi ko talaga magugustuhan ang lugar na may kalayuan sa kabihasnan. Kung sana pinayagan na lang ako ni Daddy na maiwan sa bahay at maglaro sa bago naming computer ng mga war games, sana hindi ako mababadtrip ng ganito. Idagdag pa ang ingay nina Mommy na nakaupo sa harap ng aming sasakyan at ang bunso kong kapatid na kumakanta sa tabi ko. "Psst! Ate Aya! Ayos ka lang?" tanong ni Daddy sabay tingin niya s
Nang bigla na sana akong tatayo ay saka naman mabilis na gumalaw ang cobra para tuluyan akong tuklawin ngunit mabilis ang ginawa ng estrangherong binatilyo na ihampas ang hawak niyang patpat gamit ang kanang kamay niya at hinila niya ako gamit naman ang kaliwang kamay niya kaya bago pa man ako matuklaw ay nakita kong tumilapon ang cobra sa malayo. Nawalan siya ng panimbang kaya bumagsak kami sa damuhan at nakapatong ako sa kaniya. Sa bilis ng pangyayari ay hindi kaagad kami nakakilos. Yakap niya ang baywang ko. Ang isang kamay ko ay nakapulupot sa kaniyang leeg at ang isa pa ay nakadampi sa matigas-tigas niyang dibdib. Tatlong pulgada lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko kaya amoy ko ang kaniyang hininga at amoy pawis niyang katawan. Ngunit napansin ko kaagad ang mapungay niyang mata na binagayan ng may kakapalang kilay at hindi naman katangusang ilong. Ngunit sandali lang ang tagpong iyon dahil mabilis din niya akong hinawi kaya bumagsak ako sa damuhan at siya nama
Natigilan ako. Hindi ako maaring magkamali. Siya! Siya ang binatilyong nagsabing lampa ako at hambog. Ang gusto kong makita mula pa kaninang umaga na nagligtas sa akin sa cobra. Napakislot ako nang makita ko siyang walang kahit anong saplot sa katawan. Kumikintab ang moreno niyang kutis na basa ng tubig at natatamaan ng sikat ng araw. Alam kong hindi pa siya ganoon kabinata. Maaring nasa 13 o 14 years old lang siya sa tingin ko sa kaniyang mukha ngunit bakit ganoon na kaganda ang hubog ng kaniyang katawan. May kaumbukan na ang kaniyang dibdib, may masel na ang kaniyang mga braso at impis ang kaniyang tiyan. Gusto kong takpan ang mga mata ko. Gusto kong lumayo na lang doon kasi hindi na akma sa aking pagkababae ang nakatambad sa akin. Nang luminga siya ay mabilis akong nakapagtago sa sanga ng nakausling puno. Muli ko siyang palihim na sinilip at nakita kong nagsasabon na siya. Hindi ko man kita ang buong kahubdan niya dahil nakalublob naman siya sa tubig ay pa
Ngunit bago ako tuluyang lumubog ay nakita ko siyang nakatago sa gilid na halos matakpan ng mga nagtatayugang damo. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang bisig niyang nakapaikot sa aking baywang. Suminghap ako ng hangin, napakahalaga ng kahit katiting na oxygen lang habang inilalangoy niya ako sa mababaw na bahagi ng sapa. At nang binuhat niya ako para ipahiga sa may damuhan ay tinuluy-tuloy ko na at pinanindigan ko na ang aking pag-iinarte. Naisip kong gantihan na rin siya dahil sa ginawa niyang pagkukunwariang nalunod kahit marunong din naman pala siyang lumangoy. Sumisid lang naman pala siya at mabilis na pinagtaguan ako. Hindi madali sa aking ibuwis ko ang buhay ko para lang sana iligtas siya. Naramdaman kong inilagay niya ang hintuturo niya sa aking ilong. Siguro pinapakiramdaman niya kung humihinga pa ako. Mabilis kong itinigil ang paghinga kahit pa natatawa na ako. "Hoy!!!" tinatapik-tapik niya ang aking pisngi ngunit desidido talaga akong ar
Nahiya na rin akong humingi pa ng tulong kay Dindo. Naisip kong maaring kapit-bahay lang nila sina lola kaya kung sakaling sundan ko siya at makakalabas kami sa gubat ay mas mabilis ko nang matutunton ang bahay nina lola. Bago siya nilamon ng masukal na gubat ay binilisan ko siyang sinundan. Mabilis ang kaniyang mga hakbang kaya ako naman ay parang tumatakbo na rin. Tumigil siya na parang nakikiramdam at bago siya lumingon ay nakatago na rin ako. Nang pinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad ay sinundan ko pa rin siya. Malayo-layo na rin ang aming nilakad nang bigla ko na lang siyang hindi makita. Binilisan ko ang lakad ko at baka lang lumiko siya at nakakubli siya sa malalaking puno ngunit wala na talaga siya. Paano na ‘to. Parang lalo pa akong naligaw ne’to e.Gusto kong sumigaw at tawagin siya pero baka sabihin na naman niyang lampa ako o tatanungin ako kug bakit ba ako sunud ng sunod sa kanya. Ngunit paano ako ngayon makakalabas sa gubat? Tagaktak na ako ng pawis. Ninenerbiyos. K