1998. Bayan ng Villapureza.
Hawak ni Mama Linda ang notebook na naglalaman ng listahan ng mga pangalan. Katapat ng bawat pangalan ang presyong ibinayad ng mga ito para sa bawat gramo ng shabu na kanilang binili. Marami rito ang tig-isang daan, mayroon din tig-dalawang daan at pinakamataas na ang tatlong daan. Salubong ang kilay ni Mama Linda habang iniisa-isa niyang sumahin sa pamamagitan ng calculator ang kabuuhang kita nila para sa pagbebenta ng bawal na gamot. Umabot lang ito ng 1,900 pesos. Masyadong maliit kumpara sa dating arawang kita nila na umaabot ng siyete hanggang otso mil. Epekto kasi ito ng mas pinalakas na kampanya ng lokal na gobyerno kontra ilegal na droga. Ang karamihan sa regular na parokyano nila Mama Linda ay lumipat muna ng ibang bayan para magpalamig at magtago sa mga pulis."Minggay, anak, mag-iisang linggo na yatang ganito ang benta natin. Ano bang nangyayari? Si Estong ba nakatok mo na sa bahay niya? Hinahanapan ako nu'n noong isang araw pa kaso sabi ko ngayong araw pa ang dating ng item." Ang "item" na tinutukoy ni Mama Linda ay ang shabung inaangkat pa nila galing Cavite."Oo, Ma. Kaso nung pinuntahan ko siya kanina, wala na raw siyang pambili. Nagastos na raw niya pambili ng gatas ng anak niya." Kalong niya ang kapatid na si Caloy habang sinusubuan ito ng kanin na sinabawan ng nilagang baka na hiningi pa nila sa kapitbahay. At para magkaroon ng dagdag na lasa, binudburan ito ni Minggay ng patis na siya na ring nagsisilbing ulam nito. Apat na taon na si Caloy pero sa payat na pangangatawan at pandak na anyo nito, mukha itong two years old pa lang.Panay ang bugaw ni Minggay sa mga langaw na tila naghahabulan sa paligid. Galing ang mga iyon sa isang baradong kanal sa tapat ng bahay nila. Samantalang ang buong loob naman nila ay naiilawan lang ng gasera. Naputulan na kasi sila ng kuryente tatlong buwan na ang nakalilipas simula noong naging matumal ang bentahan."Eh anak, hindi tayo puwede maging ganito palagi. Tingnan mo mga kapatid mo, ang dami ng bungang araw. Init na init na kasi wala tayong electric fan. Itong si Edgar, tinutubuan na ng pigsa sa binti," sabay turo ni Mama Linda kay Edgar na mas bata kay Minggay ng isang taon. Hindi maayos ang mga paa nito dahil nasalanta ng polio noong musmos pa lang. Malinis na ang nakalapag nitong plato pero naka-rehistro pa rin sa malamlam niyang mga mata ang pagka-gutom."Hayaan mo, Ma. Gagawa ako ng paraan. Dedelihensya ako bukas." Sumubo rin si Minggay ng kanin pero hindi marami. Baka maubusan si Caloy."Huwag mong sabihing dudukot ka na naman sa palengke. Tandaan mong mainit pa ang mga tao sa'yo doon. Kung hindi lang dahil kakilala ng Kuya Iking mo 'yung ninakawan mo, malamang diretso presinto bagsak mo," banta ni Mama Linda na sige sa pagpaypay. Halos hindi na ito magkasya sa inuupang monobloc chair dala ng sobrang katabaan. Nagtataka tuloy si Minggay kung bakit ganoon ang tinuturing niyang ina gayong wala na nga sila halos makain. Baka siguro may tinatago itong mga ulam sa kabinet at pinapapak niya lahat iyon mag-isa kapag tulog na sila."Hindi, Ma. Hahanap ako ng ibang puwesto. Lilipat ako ng palengke. Doon ako sa Villadolid," pagsisiguro ni Minggay."Aba't sguraduhin mo lang anak na ayos ka doon. Wala akong pampiyansa sa'yo kapag nahuli ka." Tumayo si Mama Linda at iika-ika itong lumabas para magpalamig sandali mula sa mala-oven nilang bahay.+-+-+-+-+-+-+-+-Bandang alas nuwebe, nang makabalik na si Mama Linda sa loob at tulog na ang lahat, tahimik na lumabas si Minggay. Pupunta siya sa paborito niyang lugar -- ang bakanteng bahay ng mga Vera-Real limang bloke ang layo mula sa kanila. Matagal nang walang nakatira doon dahil lumipat na ang mga Vera-Real pa-UK sampung taon na ang nakalilipas para doon na manirahan. Hindi alam ni Minggay kung bakit wala itong bagong may-ari o kung bakit hindi na lang ito pinaupahan. Marami tuloy sa mga kapitbahay nila ang takot magawi dito sa pag-aakalang isa na itong haunted house.Pero 'di si Minggay.Sa tuwing nalulungkot siya at walang kausap, pinupuntahan niya agad ang mayabong na puno ng Banaba sa likod ng bahay at kinakausap niya ito na parang tao. Nagsusumbong siya rito ng mga bagay na hindi niya masabi kahit kanino lalong lalo na kapag siya ay may problema."Tangkad, pa-advice naman, oh. Kung doon ako sa Villadolid ako pupuwesto bukas, sa tingin mo ba mahuhuli ako ng pulis doon? Eh wanted na kasi ako sa palengke natin dito. Mahirap na." Nakaupo si Minggay sa kapirasong sementong sahig sa paanan ng puno na hindi natibag noong nagdaang mga lindol. "Tangkad" ang ipinangalan ni Minggay sa puno dahil sa taas nito na tanaw mula sa bintana ng bahay nila at sa malalaki nitong sanga."Wala na kasi kami halos makain. Humina na rin 'yung benta ng alam mo na..." hindi mabanggit ni Minggay ang salitang "shabu" sa takot na may makarinig sa kanya."Tapos, 'yung kita sa limos ng mga kapatid ko, hindi rin sapat. Dati naman hindi ganito kahirap ang buhay," reklamo ni Minggay sa puno. Hindi ito sumagot. Takot lang niya kapag nagsalita ito. Sa halip, sumayaw lang ang mga dahon nito noong umihip ang hangin.Ang totoo, hindi talaga kaano-ano ni Minggay ang kahit na sino sa pamilya niya ngayon. Hindi niya tunay na ina si Mama Linda at hindi rin niya tunay na kapatid sina Edgar, Erika, Beng, Lito at Caloy. Lahat sila ampon lamang ni Mama Linda mula sa iba't ibang mga nanay. Si Minggay ang panganay, hindi lang dahil sa siya ang pinakamatanda sa kanila, kundi dahil siya rin ang kauna-unahang inampon ni Mama Linda sa kanilang "magkakapatid". Nalunod ang totoong mga magulang ni Minggay noong tumaob ang lantsang sinasakyan nila papauntang Batangas noong siya ay isang taong gulang pa lamang."Ano sa tingin mo, Tangkad? Samahan ko na lang kaya sila Caloy sa pamamalimos sa plaza. Kaya lang ang tanda ko na kasi, 14 years old na ako. Mukha akong malakas at puwede nang magtrabaho. Wala rin akong kapansanan katulad ni Edgar kaya baka imbes na maawa, baka magalit pa ang mga tao sa akin." Napabuntong-hininga si Minggay dahil ang pamamalimos lang noon at pagnanakaw ang alam niyang trabaho dahil iyon lang itinuro sa kanila ni Mama Linda. Ni hindi man lang siya nakapagtapos ng elementarya. Nitong huli, tinuruan na rin siya ni Mama Linda magtulak ng droga."Nakakapagod maging mahirap. Gusto ko rin maranasang yumaman kahit isang beses lang."Umihip muli ang hangin at umugong ang kiskisan ng mga dahon sa puno ng Banaba. Kasabay noon, isa-isa nang nagsipag-awitan ang mga kuliglig sa paligid nito. Senyales na lumalalim na ang gabi at kailangan na niyang umuwi.Gumaan ang pakiramdam ni Minggay. Naibuhos na niya sa halaman ang bigat ng loob na pinapasan. Wala sa hinagap niya na simula pa lang iyon ng mas matitindi pang pagsubok na darating.Maagang gumising si Minggay kinabukasan. Naghilamos muna siya at saka inangat ang panaklob na nakapatong sa ibabaw ng lamesa upang tingnan kung may pandesal ba sa ilalim nito o kahit na anong puwedeng gawing pang-almusal. Wala siyang nakita. Tulog pa ang mga kapatid niya at mukhang wala na naman silang makakain pagkagising kaya magtitiis na lang muna sila sa tig-isang takal ng kape. Kung tutuusin, bawal pa sa kanila ang ganoong inumin. Masyadong matapang ang kape para sa mga katulad nilang bubwit pa ang sikmura, pero mas maigi na raw iyon sabi ni Mama Linda. Mabuti na raw na kahit papa'no madampian man lang ng kahit kaunting init ang kanilang katawan sa umaga. Pagkalabas ng bahay, nakita niyang nakaupo ang Mama Linda niya sa pahabang bangko na nasa bakuran ng katapat na bahay. Sa tabi niya ang may-ari at nakatayo sa harap nila ang tatlo pang mga babae. Libangan na ng Mama Linda niya ang makipag-tsismisan tuwing umaga at hindi buo ang araw nito kapag hindi nakakasagap ng sariwang ba
Hindi halos nakatulog si Minggay buong magdamag. Panay ang baling niya sa higaan. Natatakot ang puso niya pero sa isip niya, pagkakataon na ito para guminhawa ang buhay nilang lahat. Pagsapit ng alas-kuwatro ng madaling araw bumangon na rin siya at inihanda ang backpack na pagsisidlan niya ng korona ng Mahal Na Birhen. Pagkatapos, kumain na siya ng ininit na sopas na binili niya sa karinderya noong nagdaang gabi. Labis-labis ang kabog ng dibdib niya kahit walang iniinom na kape. Hindi lang kasi simpleng pagnanakaw ang gagawin niya. Hindi na rin siya nagpaalam sa mga kapatid at Mama Linda niya. Baka kasi mahirapan lang siyang umalis. Dumaan muna siya nang mabilisan kay Tangkad, ang kaibigan niyang puno para humingi ng proteksyon at gabay. Hindi niya alam kung bakit dito siya nanghihingi ng patnubay kaysa sa Diyos. Marahil ay mas dama niya kasi ang presensya at malasakit ng halaman. Ang punong iyon kasi ang natatangi niyang naging kanlungan."Tangkad, gabayan mo naman ako. Medyo delik
Hindi makakain nang maayos si Minggay. Bukod kasi sa nakatitig sa kanya si Father na para siyang organismong ino-obserbahan sa ilalim ng microscope, nasisilaw din siya sa kuwintas nito na may hugis susi na pendant. Bumabanda kasi ang liwanag ng araw dito papunta sa kanyang mata."Ay, sorry," nahihiyang sabi ng pari nang mapansin niyang panay ang kurap ni Minggay at saka niya ipinasok ang kuwintas sa loob ng kuwelyo.Father Antonio Komendador ang pakilala ng pari kay Minggay, pero Father Tonyo na lang daw ang itawag sa kanya. Siya ay isang 30 year old chinito na apat na taon ng naninilbihan sa simbahan at mahilig mag-jogging tuwing umaga o hapon. Maayos at pantay ang pagkaka-gel ng buhok ni Father Tonyo at ang mga ngipin nito, mukhang ikinula sa sobrang puti. Maraming babae ang nagkakagusto rito, pero nasa paglilingkod daw kay Hesus ang totoong misyon niya sa buhay."Ikaw, may pamilya ka pa ba? Saan ka nakatira? Teka, ilang taon ka na nga ulit?" Sunod-sunod ang tanong ni Father Tonyo h
Amoy baul ang mga damit na ibinigay kay Minggay. Hindi rin maiwasan dahil matagal nang nakatambak ang mga iyon sa bodega. Mga donasyon ng kung sino-sino para sa mga nasalanta ng bagyo at nasunugan na hindi na naipamahagi ng simbahan dahil kulang sila sa tao. Pero ayos pa rin ito sa kanya dahil siguradong mawawala din ang amoy ng mga ito kapag nalabhan na.Hanggang ngayon hindi pa rin makapagdesisyon si Minggay kung tama ba na manatili pa siya sa simbahan. May pamilya siya sa labas na malamang hinahanap na siya. Ang usapan nila ni Mama Linda, kukunin lang niya ang korona at pagkatapos sisibat na siya. Pero halos makalimutan niya ang buhay niya sa labas ng simbahan nang mabusog siya sa sobrang sarap ng tanghalian nila kanina. Lechong kawali na may dalawang sawsawan: gravy at toyomansi. Tapos sinigang na baboy ang sabaw niya na may panghimagas pang leche flan at puto. Siguro iyon ang unang beses na nabusog nang ganoon si Minggay sa tanang buhay niya.Ang higaan niya ngayon ay isang malam
Ito ang unang gabi ni Minggay sa Casa Del Los Benditos at unang beses niyang matutulog sa isang napakalambot na kama na may malambot at mabango ring mga unan. Dito hindi na rin niya kailangan mag-electric fan. Bubuksan lang niya ang mga bintana at siguradong dadaloy ang sariwang hangin galing sa hardin ng simbahan.Pagkaligo, isinuot ni Minggay ang isang pinaglumaang pajama na may disenyo ng mga oso at sorbetes. Medyo masikip ang pajama pero masaya si Minggay dahil para siyang bumalik sa pagkabata. Dati, kung anong suot niya sa buong araw, iyon na rin ang suot niya sa pagtulog. Wala kasi siya masyadong damit. Isa pa, mabuti na rin daw iyon para makakatipid sila ng tubig sa paglalaba sabi sa kanya ni Mama Linda."Hay, sana nandito kayo," sambit ni Minggay sa sarili. Nakatingin siya sa kisame at nakikita ang mukha ng mga kapatid niyang gutom na gutom. Dasal niya na sana huwag silang pabayaan ng nanay nila.Unti-unti, bumibigat na ang kanyang mga mata. Maya-maya pa, humikab siya at tuluy
Napahawak si Minggay sa pader paglabas niya ng bahay. Nagulat siya sa inasal ng pari. Nanginginig ang laman niya sa hiya at galit. Bakit ganoon na lang ang naging reaksyon sa kanya ni Father Eman? Hindi naman niya sinasadya na mabunggo ito. Para kasi kay Minggay, ang mga pari ang dapat na maging ehemplo ng kahinahunan at kabutihang asal. Malayong-malayo si Father Eman kay Father Tonyo na siyang kabaliktaran nito. Napabuntong-hininga na lang tuloy si Minggay at tinungo si Mary Beth at Lila sa simbahan gaya ng iniutos sa kanya."Oh, bakit ka nandito?" Tanong sa kanya ni Mary Beth na abalang nagtitistis sa mga tunaw na kandila sa altar."Eh, si Father Eman kasi. Nagalit sa akin," nahihiyang sagot ni Minggay. Kinuha niya ang isang basahan na nakalagay sa balde at nagsimulang punasan isa-isa ang mga santo."Bakit naman? Nagkita na pala kayo?" "Oo, nakilala ko na rin siya. Hindi kaagad maganda una naming pagkikita. Nabunggo ko kasi siya pero 'di ko naman sadya 'yun. Ilang beses na nga ako
Nakaupo sa magkabilang dulo ng lamesa sina Father Eman at Father Tonyo. Alas tres na ng madaling araw at nasa loob sila ng meeting room sa unang palapag. "Itigil mo na ang kahibangang ito, Father Tonyo. Sa malao't madali may makakadiskubre sa mga ginagawa natin at kapag nangyari 'yun katapusan na na nating lahat," mahinahon ang boses ni Father Eman. Sa harapan niya ang isang bote ng red wine na nangangalahati na ang laman. Nitong mga nagdaang mga buwan napapadalas ang kanyang pag-inom."Itigil ang alin, Father Eman? Ginagawa ko lang naman ang huling habilin sa atin ni Father Greg. Sa akin niya ipinagkatiwala ang misyon. Alam mo naman siguro ang mangyayari kung hindi ko pinagpatuloy ang sinabi niya. Matinding trahedya ang dadanasin ng mundo kung hindi natin susundin ang mga sinabi niya. Alam kong alam mo 'yan dahil kinausap ka rin niya bago siya mamatay." Hindi direktang nakatingin si Father Tonyo kay Father Eman habang nagsasalita. Abala kasi ito sa pagpirma ng mga liham na ipapadala
Apat na araw na ang lumipas at hindi pa rin nagpapakita sa kanila si Mr. Aragon, ang tutor nila Mary Beth, Lila at magiging tutor na rin ni Minggay. Pero tumawag ito kay Father Tonyo at sinabing hindi muna siya makakabiyahe dahil tinamaan siya ng trangkaso. Kaya naman naisipan na lang ng pari na isama si Lila at Minggay sa Sanctuary Of The Abandoned Elders para magpamahagi ng mga donasyon mula sa mga parokyano at maninimba. Si Mary Beth naman ay naiwan para maglinis ng mga altar sa simbahan.Umarkila sila Father Tonyo ng jeep. Medyo dagsa rin kasi ang mga donasyon nitong nakaraang tatlong buwan at hindi nila ito napamahagi noon dahil nga kapos sila sa tao. Lima sila sa loob ng jeep. Sa unahan, nakaupo sina Father Tonyo katabi si Manong Jerry na hardinero at ang driver. Sa likod naman, nakasiksik sina Minggay at Lila kasama ang mga sako-sakong lumang damit, unan, kumot at adult diapers. Papunta sila sa Isabela kung saan nakatayo ang sanktwaryo.Tatlong oras din ang iginugol nila sa biy