Chapter 125 Margarita Maaga akong nagising para maghanda ng almusal para sa aking mag-aama. Kasama ko si Manang Thelma at Lala sa kusina. Ako ang nagluluto habang si Lala ang tumutulong, at si Manang Thelma naman ay nag-aayos sa kusina. "Marga, patatagin mo sana ang loob mo at maging matapang. Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit hindi ako pala-kwento tungkol sa buong pamilya ni Sir Harrison," mahina niyang sabi na tanging kami tatlo lang ang nakakarinig. "Kahit huwag mo na sabihin, Manang Thelma, talagang pinapatatag ko ang sarili ko at pinapatapang pa. Pagod na akong api-apihin ng kung sino-sino na lang! Nakakapagod rin 'yung dedma ka na nga pero para bang sinasadya ka pang iprovoke para gumanti ka lang sa kanila!" seryoso kong sagot. "Mas mabuti na 'yung pinaalalahanan kita. Hindi mo pa alam kung gaano katuso ang ina ni Sir Harrison. Baka magkasagutan at magkasakitan pa kayo," paalala ni Manang Thelma. "Salamat sa paalala, Manang Thelma," sagot ko habang nakangiti.
Chapter 124 Margarita Binuhat ako ni Harrison papasok sa loob ng mansyon. Sumunod naman ang mga anak namin, hawak sila ng tita nila. "Ibaba mo na ako, kaya ko naman maglakad. Nakakahiya sa mga tao dito," sabi ko sa kanya. Nahihiya pa ako sa kapatid niya. Pero hindi niya ako pinansin. Diretso lang siyang naglalakad patungong elevator ng mansion nito. Seryoso ang mukha at parang gusto niyang manapak ng tao. Nakakatakot ang mukha kaya di na lang ako nagsalita. "Ako na ang pipindot, Daddy," malakas na sigaw ni baby Hollis at tumakbo na ito palapit sa elevator. "Pasok na po kayo lahat," sabi pa nito. Napangiti naman ako at nagpasalamat sa anak kong si baby Hollis. Tahimik lang kaming lima sa loob ng elevator. Sumama rin si Hershey sa loob ng kwarto ng kuya niya. Maingat niya akong iniupo sa sofa. Agad namang tumabi sa akin ang kambal at malambing na yumakap sa akin. "Ahm... pakitignan nga, Ate Hershey, yung ulo ko kung may sugat. Mahapdi kasi at masakit. Salamat," sabi ko
Chapter 123 Margarita Sa may patio kami nagtambay pagkatapos naming kumain. Napapangiti ako sa mga halakhakan ng kambal kasama ang Tita Hershey nila. Tahimik lang akong nakaupo rito habang pinapanood ko silang naglalaro ng bola, kasama ang ama nila at ang Tita Hershey nila. Dalawa lang pala silang magkapatid. Bunso ang babae at panganay si Harisson. Hindi ko rin alam na ganito siya kalambing at kaalaga sa kapatid. Sana ganito rin ang kambal paglaki nila. Nagdadamayan at nagtutulungan sa lahat ng oras.Tumayo ako dahil nakaramdam ako ng panunubig. Wala dito ang magulang ni Harrison, may pinuntahan yata. Ewan ko lang ang ex niya. Sana umalis na lang ito dito dahil hindi naman na siya belong kay Harrison. "Ang kapal eh," sambit ko sa sarili."Ang kapal ng mukha mong magpaanak kay Harrison. Bruha ka talagang babae ka! Malandi!" "Waaah kalabaw!" sigaw ko sa gulat. Galit na galit ang mukha ni Tiffany habang nakatingin sa akin. Hindi ko man lang napansin na may tao rin pala dito s
Chapter 122 Margarita Mahigpit kong hawak ang mga kamay ng mga anak ko. Mukhang mataray ang nanay ni Harrison, pero kabaligtaran sa ama nito. Mukhang strikto pero mabait. Ang isang babae naman ay parang wala lang, normal lang ang mukha, at nakatingin sa kambal. "Hello po sa inyo. Ganda hapon po," matinis na sambit ni baby Hollis. Nakita kong napangiti ang isang babae at ang ama ni Harrison. Pero si Tiffany at ang ina ni Harrison ay walang emosyon na tumingin sa mga bata. "Daddy, ayaw nila makipagbati pabalik pero ayos lang po. Babati pa rin po ako." "Daddy!" sabay-sabay na sambit nilang apat. Gulat na gulat sila. "Yes, they are my twins and my wife," seryosong sabi naman ni Harrison. Napasinghap sila, pati ako. Hindi ko kasi akalain na wife ang ipapakilala niya sa akin sa pamilya niya. "Kelan ka pa nagpakasal, Harrison? Akala ko ba si Tiffany ang fiancée mo? Anong nangyari? Nagbabae ka ba habang nasa malayo ang fiancée mo? At sa isang..." tinignan pa niya ako mula
Chapter 121 Margarita Umuwi lang kami sa Manila nang nailabas na sa hospital ang kapatid ko. "Anong nangyari sa pagpunta ninyo sa presinto?" tanong ko kay Harrison. "Ayon, walang nangyari. Your ex is really a dumbass! Ayaw daw niyang magsalita dahil idadamay ang pamilya niya kapag umamin siya. Tanga lang talaga na pinatunayan niyang may nag-utos na sunugin ang bahay niyo at bahay ng kuya mo," napatiimbagang ito. "Pero sino kaya ang mga nasa likod ng mga nangyayaring ito?" naguguluhan kong tanong. Simula pa lang naiisip ko na kung sino ang likod ng kawalanghiyang ito. Si Tatay pa talaga ang pinuntirya nila! "I also don't know. Isa lang ang nasa isip ko, either may lihim silang galit sa pamilya niyo o may lihim silang galit sa'yo. Not sure about this. Hindi ka nila masaktan dahil kasama mo ako, kaya ang pamilya mo na lang ang ginawan nila ng masama. Well, ito lang ay kathang-isip ko." "Pero dalawa lang naman ang naiinis sa akin. Ang pinsan ko at ang ex mo!" sambit ko.
Chapter 120Margarita Sa Pangasinan kami umuwi galing ibang bansa bago kami uuwi ng Maynila. Nanlumo kami sa balitang pinatay nila sa loob mismo ng ospital ang kaibigan ni Tatay na nagtanggol sa kanya sa korte. Sinisi ng ginang ang sarili niya dahil ito pala ang nag-udyok sa asawa na sabihin ang totoo, para hindi na makonsensya dahil sa pagkakakulong ni Tatay na wala namang kasalanan. Si Harrison, Kuya Jerry, Marlon, at Dolan ang nagtungo sa barangay namin para makilibing. Tatlong araw lang ang lamay dahil sa unang gabi ng lamay ay may nanggulo na naman. Kukunin na rin daw nila ang mag-iina at sa bahay dito sa Pangasinan na muna pansamantala maninirahan. Ayon ang sabi ni Harrison at Kuya. Nag-vibrate ang cellphone ko. Binasa ko agad ang mensahe ng kapatid kong si Marlon. Nabitawan ko sa pagkabigla ang cellphone ko. Napanganga pa ako sa nabasa ko at agad tumulo ang luha ko sa pisngi."Bakit anak?" takang tanong agad ni Tatay. "Si Harrison Tatay, nabaril raw pati si Dolan