Chapter 167 Margarita "Daddy, alis po ikaw?" lambing na tanong ni baby Molly habang nasa hapag-kainan kami. "Yes, baby ko. May importante na lakad lang si Daddy. Why, anak?" masuyong tanong ni Harrison sa anak. Lumingon si baby Molly sa kakambal niya. Mukhang nagpapatulong ito. Mukhang may gusto silang gawin pero nahihiya silang magsabi. "Gusto po namin mag-babekiyo, Daddy. 'Yung ihaw-ihaw po, may hotdog, paa ng manok, 'yung zigzag na kain namin noon sa maliit naming bahay. Nanay, ano tawag ng bili natin lagi sa ihaw-ihaw ni ate Pal?" Ang cute ng anak ko dahil hindi pa pala niya nakakalimutan ang mabait naming kapitbahay. "Isaw, anak. Na-miss niyo ba kumain ng gano'n? Ewan ko kung pwede kayo kumain ng gano'n mga anak," sabay tingin ko kay Harrison. Bago pa magsalita si Harrison, ay sumabad na si Lolo. "We can ihaw-ihaw outside, mga apo. Ihaw natin lahat ng gusto ninyong ihawin," magiliw na sabi naman ni Lolo. "Whoaaaa talaga po!" sigaw ng kambal. "Yes, apo. Sabih
Chapter 167 Margarita "Okay ka lang ba dito?" tanong ko kay Bella ng hinatid na namin siya sa matitirhan niya. Kasama niya si Nanay Diday sa bahay para may kasama si Bella. "Okay na ako dito. Sure naman akong safe ako dito. Maraming salamat sa inyo," pasasalamat ni Bella. "Walang anuman, friend. Walang ibang magtutulungan kundi tayong dalawa na lang. Sabihin mo lang sa akin o kay Nanay Diday kapag may kailangan ka, ha," sabi ko at yumakap sa kanya. "Safe ka dito, hija. Walang nakakapasok dito na outsider dahil may electrical ground ang bakod. Kaya kung may magtangka na pumasok, makukuryente sila," sabi naman ni Nanay Diday. "Ipapadala na lang namin ang ibang damit mo dito para may susuotin ka," sabi naman ni Harrison. "Mauna na kami, baka hinahanap na kami ng kambal. Umiiyak pa naman si baby Molly kapag hindi niya agad makita ang Daddy niya," sabi ko pa. Tumango naman si Bella. Mukhang guminhawa pa ang pakiramdam nito. Hindi na gaanong nag-worry sa anumang pang
Chapter 165 Margarita "Sana matulungan niyo akong umalis na dito sa Manila," pakiusap ni Bella. "Ayoko ng madamay pa sa mga gulong wala naman akong mapapala at kinalaman," sabi ni Bella. "We bring you home, Bella," sagot ni Harrison. "Oo, kung hindi ka comfortable sa mansion, meron naman yata extra na kwarto pa sa taniman mo, di ba, Harrison Mahal?" tanong ko. "Tatawagan ko mamaya si Manang Diday na linisan ang isang bahay roon para sa'yo. Ligtas ka roon kaya wag kang mag-alala. Hindi ka pa pwedeng umalis ng hindi pa nahuhuli ang mga siraulong mga iyon," paalala pa ni Harrison kay Bella. "Hindi ba kayo galit sa akin dahil ngayon lang ako nagsabi sa inyo?" nahihiya niyang tanong. "Bakit naman kami magagalit sa'yo, eh wala ka namang ginawang masama sa amin? Kasi kung masama kang kaibigan, di sana pinahamak mo na ako. Hindi ka dapat nagsinungaling kay Mateo para sa kaligtasan ko, yun pa lang, thankful na ako," nakakaunawang pahayag ko. "Ikaw ang isa sa totoo kong kaibigan
Chapter 164 Margarita "May nangyari na ba sa inyo ni Mateo?" alanganin kong tanong. Tumitig ako sa kanya ang mga mata nito'y may takot at pandidiri sa sarili. 'Tama ba ang hula ko?' tanong ko sa sarili. "G-Ginahasa niya ako," sabay yuko niya ng ulo. Napasinghap ako at napanganga sa siniwalat ng kaibigan ko. "G-Galit na galit siya noong umalis ka sa restaurant niya. Nagwala siya sa restaurant isang beses at alam ko na ikaw ang dahilan ng ikinagagalit niya noon," huminga siya ng malalim. Masamang-masama ang loob na tumingin sa akin. Ramdam ko ang bigat ng pinagdadaanan niyang hirap sa buhay. "Lahat sila sinaktan ako. Wala akong laban. Wala akong magawa. Wala akong ginawa kundi tanggapin na lang ang pananakit sa akin ni Mateo. Kapag umangal at magreklamo ako, sampal at suntok ang matatanggap ko mula sa kanya. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang babuyin niya ako! Takot na takot ako dahil parang baliw na talaga siya," masakit na masakit sa dibdib ang kwento nito. "S
Chapter 163 Margarita Biglang natawa si Harrison nang may maalala siguro. Bumulong ako sa kanya habang nasa elevator kami. "May naalala ka na naman bang katangahan ko ha?" kurot ko ng mahina sa tagiliran nito. Tumawa lang naman ito sa sinabi ko. Umakbay sa akin. Napalingon ako kay Bella na tahimik lang sa gilid. Ang laki na ng pinagbago ng katawan niya, parang biglang bumagsak ang katawan niya. Nangangati na talaga akong magtanong sa kanya. "Ang tagal naman ng elevator na ito. Next month pa yata tayo makakarating sa opisina ni Attorney Harrison Dela Berde. Kung sakaling natatae na ako, baka di na ako umabot sa toilet, dito na lang sa elevator ako nagdumi! My gosssss!" sabay paypay ko pa ang kamay ko sa mukha ko. Niyakap naman ako ni Harrison mula sa likuran ko. "Kanina ka pa daldal nang daldal, Mahal! Nagugutom ka na ba?" natatawang puna ni Harrison. Tumingala ako sa kanya sabay ngiti at bumulong, "Gusto kong kainin si ampalaya," sabay kindat ko! Sumama na naman ang
Chapter 162 Margarita Sumimangot ako habang nakahaplos sa labi ko. "You’re teasing me! You know that my baby is Marupok, di ba? Niloloko-loko mo pa kung wala lang akong respeto sayo. Kanina pa kita inangkin dito kahit pa may kasama tayo!" inis na sambit nito. Gigil na gigil e. "Ang gwapo mo kasi, mainis," hagikhik ko. "Oh, sorry na! Nagsungit ka na naman. Tignan mo na ang reply ni Bella," sabi ko na lang at malambing na yumakap kay Harrison. Bumuntong-hininga ito. "Alam kong gwapo ako kaya tigilan mo na ang pabiro at pang-aakit mo sa akin, Mahal," seryosong sabi nito. "Bakit ayaw mo ba?" nguso ko. "God! Of course gusto ko, lalo na kapag ikaw ang umaakit sa akin. But, please, wag dito sa loob ng sasakyan. Pwede sa mansyon dahil kaya lang kitang ipuslit agad-agad. Mapagbigyan ko lang ang sarili ko," sagot niya agad. "Okay, sa mansyon na lang mamayang gabi," biro ko naman. Napatigil ako. "Iyon lang, inagawan na ako ni baby Molly, hindi siya nakakatulog kapag hindi