LOGINThe call THIRD POV Gabi na sa mental health center. Tahimik na rin ang buong floor. Mahina lang ang ilaw sa hallway, at sa labas ng bintana ay dahan-dahang bumabagsak ang malakas na ulan. Hindi makatulog si Hershey, parang may bumabagabag sa kanya. May kakaiba rin siyang nararamdaman sa kanyang sarili na hindi niya maipaliwanag. Nakatulala lang siya sa kisame ng kwarto niya, yakap pa rin ang hoodie ni Ralph. Ilang buwan na, pero nananatili pa rin ang amoy nitong halos kumupas na. Nagagalit siya kapag akma nilang kinukuha ang jacket para labhan ito. Pero ayaw niyang ipalaba. Natatakot siyang mawala pati ang amoy ni Ralph. Huminga siya nang mabigat at dahan-dahang umupo sa kama. Nanginginig na naman ang dibdib niya. Iyong pamilyar na sakit na dumarating kapag sobrang tahimik na ang paligid. Lalo na kapag wala siyang ibang marinig kundi sarili niyang isip. Mga katagang ayaw na niyang balikan pero pilit pa ring sumisiksik sa kanyang isipan. 'Patay na siya. Hindi na siya baba
Banggaan Third Pov Tahimik ang consultation room ng mental health facility, pero ramdam ang tensyon sa paligid. Nakatayo si Mommy sa tabi ng mesa ng doktor, tuwid ang likod, matigas ang mukha. Basta na lang pumasok si Kuya nang hindi kumakatok. Galit na galit itong sinugod ang ina. "Bakit mo siya pinigilan?" diretso tanong ni Haris. Hindi na nagkunwari si Mommy. "Dahil iyon lang ang tama." "Tama para kanino? Para kay Hershey o para sa pride mo?" madiing sagot ni Kuya. Nagliwanag ang mata ni Mommy sa galit. "Huwag mo akong bastusin." "Huwag mo ring kontrolin ang buhay niya. Just because ikaw ang ina, hindi ibig sabihin na diktahan mo kaming mga anak mo na parang mga robot!" balik ni Harrison. Sa labas ng bahagyang nakabukas na pinto sa hallway, nakatayo si Ralph. Nakatago sa gilid, tahimik, pero bawat salita ay tumatama sa dibdib niya. "Buhay si Ralph," mariing sabi ni Kuya. "At may karapatan si Hershey malaman iyon." "Wala siyang kailangan malaman!" putol ni Mommy. "Sa tuwi
Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga Ralph Pov Wala siyang choice kundi hanapin ang kontak ng Kuya ni Hershey para magpatulong dito. Bahala na kung magagalit siya sa akin. Ang mahalaga lang ngayon ay makita ko si Hershey. Sana paniwalaan niya ako sa ipapaliwanag ko sa kanya. At sana pumayag siya sa gusto kong mangyari na makita si Hershey kahit isang beses lang. Sa gabing iyon, tumakas na naman ako sa hospital. Kailangan ko pa kasing mamalagi ng ilang araw dito. Pero dahil pasaway ako, hindi ako nakinig sa doktor ko. Makikipagkita ako sa kuya ni Hershey. Pasalamat ako dahil nandito siya sa Amerika. Pagdating ko, madilim ang rooftop parking ng mental health center. Mahangin at malamig ang simoy ng hangin. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kapaligiran. Pero mabigat ang hangin sa pagitan naming dalawa ng lalaking kaharap ko ngayon. Nakatayo si Kuya Haris, ang mga kamay niya ay nasa bulsa, matigas ang panga habang nakatingin sa akin. Nandito ako sa harapan niya. A
Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga Third POV Tahimik ang private lounge ng mental health center. Amoy kape at antiseptic. Nasa isang sulok ang Mommy ni Hershey, hawak ang phone, habang kausap ang isang staff na tila nag-aalangan. "Ma'am... I'm sorry, but I can't disclose any information..." nanginginig na sabi ng staff. "Hindi ko hinihingi ang records ng anak ko," malamig na putol ni Mommy. "Ang tanong ko lang... sino 'yung lalaking nasa labas noong isang araw. Narinig ko ang sabi ng guard dito?" Napatingin ang staff sa pinto. Halatang kinakabahan kasi alam nilang matapang at war freak siyang tao. Walang pinapalampas na kahit ano. "Ma'am, we really... " Umusog si Mommy palapit sa staff. Tumaas ang kilay at matalim ang titig. "Don't play with me," bulong niya, pero parang kutsilyo ang bawat salita. "Alam kong hindi random visitor 'yon. May dahilan kung bakit siya nagtanong kay Hershey." Natahimik ang staff. Hanggang sa malalim itong napabuntong-hininga.
Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga Ralph Pov Aalis na sana ako ng maalala kong i-message ang kaibigan ko. Nang maka-message na ako kay Jorge para ipaalam sa kanya kung nasaan ako ay agad na akong lumabas ng kwarto ko. Hindi ko pinansin ang paninermon niya sa akin. Itutuloy ko pa rin ang balak ko. Kahit isang beses makita ko lang siya , ayos na ako. Sa labas ng Mental Health Center ay nakatayo lang ako. Panalangin na sana wala siyang bisita. Kahit masilip lang siya saglit. Hindi ako susuko. Gagawa ako ng paraan. Sana paunlakan nila ang hiling ko. Nasa parking area na ako, nakatayo sa labas ng gate. Malinis ang suot ko, naka-cap para hindi nila ako agad makilala, pero halata ang kaba sa katawan ko. Medyo nanginginig pa nga ako. Tumingala ako sa gusali na nasa harapan ko. Tahimik ang lugar. Walang ingay na maririnig. Tamang-tama sa mga may mga karamdaman na nagpapagaling dito. Hindi ko akalain na darating ang araw na makikita ko ang mahal kong babae dito. Wa
Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga Ralph Pov Ang balitang hindi ko talaga inasahan na mangyayari. Sumakit bigla ang dibdib ko. Makalipas ang ilang linggo ng gamutan, nakatayo na ako, malakas na at pwede na akong umuwi. Nakatingin ako sa harap ng salamin sa private room ko. May peklat sa gilid ng kilay ko may bahagyang pilay pa rin ang paglakad ko, pero mas malinaw na ang paningin ko ngayon. Mas malinaw na rin ang galit ko sa mga taong inakala kong totoong pamilya. Ngayon, nakaramdam ako ng mas matinding pangungulila sa mga magulang ko at kay Hershey. Kung sana may kapatid ako, hindi sana ako nahihirapan ng ganito at lumalaban na mag-isa. Sumikip na naman ang dibdib ko ng maalala ko ang mga magulang ko. May karamay sana ako sa lahat ng problemang dumarating sa buhay ko. Hanggang ngayon, wala pa ring hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko. Mahina daw ang ebidensya kaya agad nilang ibinasura sa Korte nang hindi man lang sila nag-iimbestiga. Alam ko na may kina
Chapter 190 Margarita "Nay, Tay, Tita," tawag ko na agad sa kanila. Lumapit naman sila agad sa amin. Nagmano na muna ako sa kanila. Inutusan ko ang kambal na magmano na rin sa kanila. Kinarga ni Nanay si baby Molly at si Tatay naman si baby Hollis. Umiiyak na naman ang baby girl ko. "Daddy
Chapter 184 Harisson "Sino kayo?" malakas na tanong ni Ralph ang ex-boyfriend ng kapatid ko. "Hey! My dear cousin!" ngisi ni Mateo. Nagmukha na itong parang adik dahil sa itsura nito. Mabalbas na ang mukha nito at mahaba ang buhok. Mukhang hindi na naliligo dahil sa magulo ng buhok niya. "
Chapter 183 Harisson Todo alalay ako sa asawa ko dahil kada umaga nagsusuka. Ayoko naman na ako ang maglihi at baka masaktan ko na naman siya. Dibaling siya na lang ang maglihi at ako ay taga-agapay sa kanya. Alam ko na mahirap ang maglihi, kung pwede lang na ako na naman ang maglihi, ay okay lan
Chapter 182 Margarita Nagising akong kakaiba ang pakiramdam ko. Tumakbo ako patungong banyo at nagsuka roon. Nagulat pa ako nang makita si Harisson na umiihi sa loob ng banyo . "What the!" bulalas ni Harisson. Mabilis niya akong naalalayan dahil kamuntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko. Tin







