The Enkanto Who Stole My Bra

The Enkanto Who Stole My Bra

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-09-15
Oleh:  jollybeeOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
6Bab
3Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Ang nais lang ni Mahalia ay ang mabuhay ng payapa sa Sta. Cruz, San Roque Dela Francia. Kasama ang kaniyang tiya, pinsan, at matalik na kabigan na si Jason, Ngunit sa hindi mlamang dahilan, nakuha niya ang atensyon ng lalaking kaniyang pinakainiiwasan—si Florence, anak ng Mayor, isang CEO at Bilyonaryo. Makakaiwas kaya si Mahalia kung sa bawat titig nito’y nanginginig ang tuhod niya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Simula

Mabilis na napabalikwas si Mahalia mula sa pagkakahiga ng makaramdam ng mainit na hininga sa kaniyang leeg. Iyon ay kaniyang hinawakan at mabilis na napalinga-linga sa paligid, ngunit wala siyang ibang nakita kundi purong kadiliman lamang.

Taas baba ang kaniyang balikat, siya ay kinilabutan ng tumama sa kaniyang mukha ang malamig na simoy ng hangin. Dagli siyang tumayo at isinarado ang munting kahoy na bintana ng kaniyang kuwarto, at kalauna'y lumabas upang uminom ng tubig.

Mukhang hindi na naman siya makakatulog.

"Oh Mahalia, ang aga mo naman yatang nagising?" Gulat na tanong sa kaniya ng kaniyang tiyahin na si Bebang. 

"Mano po Tyang," Saad niya at dito ay nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos," Rinig niyang usal nito. "Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita,"

Mabilis naman siyang umiling at ginawaran ito ng masuyong ngiti. Kahit kailan talaga ang tiyang niya, masyadong maaalalahanin. E, siya nga itong galing pa ng trabaho at hindi pa nakakapagpahinga.

"Hindi na po kailangan Tyang. Ako na po," Tugon niya. "Ikaw na lang po ang ipagtitimpla ko dahil tiyak na pagod at nagugutom ka." 

"Napakabait mo talagang bata," May malawak na ngiti sa labi nitong wika. "Hayaan mo Mahalia. Kapag naibenta ko lahat ng isda sa palengke bukas mamamasyal tayo," 

Nagningning naman ang kaniyang mga mata nang dahil sa sinabi nito.

"Talaga po Tyang?" Puno ng galak niyang usal at ito'y niyakap ng napakahigpit. "Maraming salamat po. Hayaan niyo Tyang kapag ako naman itong nakapagtrabaho lahat ng gusto mo ay ibibigay ko," Puno ng kumpyansa niyang tugon.

Natatawang h******n siya ng kaniyang tiya sa pisngi at sinabing, "Oh siya, Ipagtimpla mo na ako ng kape." Na siyang agad niya naman sinunod.

Maagang namaalam sa mundo ang kaniyang ama at ina, kaya naman ang tiya niyang si Bebang—kapatid ng kaniyang ina ang kumopkop at umaruga sa kaniya. Pinag-aaral siya nito, sa ngayon ay nasa huling baitang na siya sa kolehiyo.

Dalawang araw pa lang ang nakakaraan magbuhat ng ipinagdiriwang niya ang ika-dalawampu’t dalawang taon ng kaniyang buhay, at mula roon ay nagsimula na ang mga kakatwang pangyayari sa kaniya gabi-gabi. Hindi tuloy siya makatulog ng maayos nang dahil doon, ayaw niya namang sabihin sa tiyang niya sa kadahilanang ayaw niya ng dagdagan pa ang problemang pinapasan nito.

Nang tuloyan niya ng natapos ang tinitimplang kape ay inihanda niya na rin ang dala-dalang almusal na champorado ng kaniyang tiyahin, ang kaniyang paborito.

"Tyang almusal na po tayo," Nakangiting saad niya habang inihahanda sa mesa ang almusal.

"Mabuti pa nga't nagugutom na ako," Tugon nito at bahagya pang naghimas ng tiyan.

Pasado alas tres y media na ng madaling araw, at ang kaniyang tiya ay kakauwi lamang galing sa trabaho nito—isa itong kumadrona, meaning mayroon itong pinaanak sa baryo. 

"Kamusta naman po ang trabaho Tyang?" Tanong niya habang hinahalo ang kapeng nasa tasa.

"Maayos lang naman," Tugon nito at sumimsim ng kape. "Mahirap pero masaya, sa kadahilanang kambal ang supling nila Tano." Nanlaki ang bilugan niyang mga mata sa pagkamangha.

"Talaga po Tyang? Kambal? Nakakatuwa naman," 

"Oo Mahalia, kambal..." 

Halos lumutang siya sa hangin nang dahil sa naging tugon ng tiyahin. Mahilig sa bata si Mahalia, kaya nga kursong may kinalaman sa mga bata ang kinuha niya pero hindi niya sigurado kung mapaninindigan niya iyon. 

"Maaari ko ba silang dalawin Tyang?" Tanong niya, naninimbang at puno ng pag-iingat.

"Oo naman," Wika nito na siyang nagpagalak sa kaniya ng husto. "Ang nais nga ni Tano ay ikaw ang magpangalan sa mga bata," Dugtong pa nito.

"Talaga po Tyang?!" Hindi mapigilan niyang sigaw.

Napatawa naman ang kaniyang tiyahin nang dahil sa kaniyang naging reaksyon. Ito ay tumango at bahagya pang kinurot ang kaniyang pisngi, tila nanggigil.

"Oo Mahalia. Kaya mag-isip ka na ng pangalan ngayon kasi mamaya isasama kita kela Tano. Iidlip muna ng kunti intong tiyahin mo baka mamaya'y sunodin na ni Kamatayan," Wika nito at bahagya pang tumawa.

Siya ay napangisi ng may maisip na kalokohan, bahagya pa siyang tumikhim at itinuro ang tiyahin gamit ang kutsara. 

"Naku Tyang, matagal ka pang susundoin ni Kamatayan. Ika nga sa kasabihan 'di ba, matagal mamatay ang masamang damo. Kaya tiwala lang Tyang," Pabirong kinindatan niya pa ito.

Halos buong katawan niya ay umalog sa kakahagikhik, nang dahil sa naging reaksyon ng kaniyang tiyahin. Nakaawang ang labi nito at ang mga mata nito'y kapwang nanlalaki, talaga namang nabigla ito sa kaniyang sinabi.

"Ikaw na bata ka!" Sikmat nito at umambang siya ay papaluin. "Saan mo natutunan ang bagay na 'yan? Kay Jason ba?" Sunod-sunod nitong tanong. 

Mabilis naman siyang umiling bilang tugon. "Wala pong kinalaman dito si Jason, Tyang. Kasabihan naman po talaga 'yon hindi ba?" Umakto pa siyang walang alam para mas kapani-kapaniwala.

Tama naman ang Tiyang Bebang niya, si Jason nga ang naturo sa kaniya ng bagay na 'yon. Sino nga ba si Jason sa buhay niya? Si Jason ay ang kaniyang kababata rito sa basyo Sta. Cruz, magkasama silang lumaki at halos lahat ng kaganapan sa buhay niya ay alam nito—gano'n din naman siya rito.

Teka sandali, dalawang araw niya ng hindi nakikita ang kaniyang nakababata. Nasaan na kaya ang isang 'yon?

Mas matanda sa kaniya si Jason ng anim o pitong taon. Lumaki si Jason sa Maynila, at ito rin ang nagturo sa kaniya na magbasa, magsulat, at magsalita ng ingles. 

"Napansin niyo po ba Tyang si Jason?" Kunot noong tanong niya, at kumain ng champorado.

"Si Jason ba kamo?" Pag-ulit nito kaya naman siya ay tumango. "Aba'y hindi ko rin alam. Ni hindi ko nga makita ang anino ng isang 'yon sa palengke," 

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status