Mga magulang.
Sila ang unang nagturo sa atin sa mga bagay bagay, katulad ng magandang asal, respeto, pagpapatawad, paghingi Ng tawad at lalong lalo na ang pagmamahal.
Kahit makailan man tayong nagkasala sa kanila, hindi pa rin magbabago ang kanilang pag-ibig sa atin.
Ikwenento ng aking abuela ang mga kapilyohan ng aking inay noong bata pa lamang siya.
Kung paano siya binigyan ng kung ano ng kaniyang mga magulang kahit gaano kahirap kunin ay kinakaya para sa kaniya.
Ibang iba pala ang inay noong bata pa siya, ngayon kasi hindi siya gaanong nanghihingi ng kung ano kay itay.
Ipinakita rin niya sa akin ang mga laruan na galing sa
Maaga akong bumangon para magsanay. Kahapon pa nagpabalik balik sa aking isipin ang sinabi ng aking abuela."Apo, mag-ingatka sa heneral.Huwagkang lumapitlapitsa kaniya.Pakiramdamko ay may sama ngloobiyansa iyong ina,"Bakit naman kaya siya magagalit kay ina? Wala talaga akong maisip na dahilan kung bakit may galit ang heneral sa aking ina.Narinig pa ang ingay ng mga kuliglig at ramdam na ramdam ko ang maginaw na ihip ng hangin. Kumikinang pa rin ang mga bituin sa kalangitan at nagdagdag ilaw ang buwan para makakita ako ng maayos sa dilim. Malapit nang sumikat ang araw kung kaya't naririnig ko na ang pagbangon ng mga isasanay ngayong araw.Hindi ako nagpatinag sa mga ingay N
"Quiénerestú?" (Sino ka?) ang syang unang narinig namin mula nang magkayapan kami ni Manuelo. Agad naman kaming naghiwalay nang namataan namin ang heneral sa aming likod.Lumapit sa amin ang heneral at nagpapagpag naman so Manuelo sa kaniyang kasuotan. Lumaki ang kaniyang ngiti at parang batang nasasabik makilala ang isang bagong kaibigan."Ah! Heneral, si Manuelo po ang aking kaibigan. Taga amin rin siya," tinitigan niya muna simula sa mukha hanggang paa at pabalik sa mukha ang kaharap."Manuelo, ang heneral, si HeneralEustaquio....EustaquioMarino Miguel Ponce dela Pena," pagpapakilala ko sa dalawa. At napansin ko ang kaniyang parang nangliliit na ekspresiyon. Ngumisi siya ng bahagya bago bumalik sa seryoso ang mukha.
Bukas na ang ikasampung araw ng aking pagsasanay, ang sabi nila'y magkakaroon daw kami ng pagsusulit kinabukasan kung kaya't dapat kami maghanda.Maaga kaming bumangon ngayon kagaya ng sa mga nakaraang araw. Dapat raw muna namin gawin ang pangaraw-araw na ensayo bago kami sumabak sa pagsusulit na mangyayari mamayang hapon.Mag-aala una na nang matapos kaming magtanghalian, at sa ala una y media ay nagbigay pugay kami sa bandila ng Espanya. Tahimik at seryosong seryoso ang lahat dahil magsisimula na ang aming pagsusulit.Maraming mga opisyales ang dumayo. Nagsimula na kaming magmartsa patungo sa aming mga pwesto. At nang biglang putok ng mga baril, walang sinuman ang yumuko o nagtakip ng tenga, dahil ito na ang hudyat ng pagsisimula ng pasulit.
Unti-unti akong napadilat at napagtanto kong nasa loob na ako ng pagamutan.Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi, ngunit ang natatandaan ko lamang ay ang aking pagkawalan ng malay at ang kamay na humila sa akin.Mahina akong bumangon at nang maalala ko ang asking suot kagabi, minadali kong sinuri ang asking sarili.Suot ko pa naman ang aking panloob ngunit hindi ko damit ang suot ko ngayon.May biglang pumasok na babaeng doktor."Estas despierta," (Gising ka na pala) sabi niya.Alam kong nasa loob pa rin ako ng kampo, ngunit alam ko ring hindi siya ang doktor dito."Nasaan po si
Nagsimula na akong nagayos sa mga libro na nasa salansanan. Malapit na akong matapos nang marinig kong humagok ang heneral sa loob ng kanyang kuwarto.Hindi pa rin ako makapaniwala sa kaniyang sinabi noong nakaraang araw na dito niya ako patutulugin at sa mismong kuwarto niya pa.Nahihibang ba siya, bakit ako matutulog sa kuwarto niya meron naman akong mapapahingahan.Pumasok sa isipan ko ang aming pag-uusap noon."Sa akingkuwarto," seryosoniyangsabi."P-po? Anong ibig niyo pong sabihin?" Sa k-kuwartoniyo pomismo?!"Natatarantakongtugonsakanya.Walasiyangimik&nbs
"Paco,kuninmo yong mga sulat na nasaoficinapostal," utos ng heneral."Paco,dalhinmo ito saopisinangTinyenteKoronel,""Paco,ipagbilimo ito sa mgatauhanna nasacusina,""Paco,...""Paco,...""PACO!""ANO NA NAMAN BANGIUUTOSMO HENERAL?!" sigaw ko nang pabalik sa kaniya na ikinagulat niya.Lumaki parehas ang aming mga mata at bahagyang natahimik ang loob ng opisina.Tumikhim muna ako bago magsalita.
Lumapit siya sa akin at inilapag ang baso sa lamesa na nasa harapan ko."Narito na po ang iyong tubig ginoo," aniya.Napairap ako sa kaniyang sinabi at bahagyang tumawa."Pambihira ka naman Manuelo, parang hindi tayo magkaibigan," biro ko sa kaniya, "Umupo ka at matagal tagal na rin tayong hindi nagkita."Umupo na man siya sa upuan na nasa aking tapat. Lumingon lingon muna siya sa paligid at tumikhim."May nalaman ako tungkol sa kung nasaan ang iyong mga magulang. Ngunit nang puntahan ko iyon ay wala na sila. Isa pa ay may mga kasamahan rin akong tumutulong sa paghahanap sa kanila."Mainam akong naakikikinig sa kaniyang sinasabi ngu
Nagsimula nang nagdagsaan ang mga taong kakilala at mga kaibigan ng abuelo. Hindi ko inaasahan na marami-rami rin ang mga dumating, sumala sa mga trabahador at mga kassyoso sa negosyo. Inutusan ako ng aking lola na huwag makihalubilo sa mga bisita kahit na kakilala ito ng aking abuelo. Para narin hindi mas maging komplikado ang lahat kapag bumalik na kami sa dati.May ilang mga taong lumapit sa akin at nagtanong kung ano ang aking kaugnayan sa mga Luviano, at ang sinabi ko ay isinama lamang ako ng heneral at hindi ako pamilyar sa kanila. Mabuti naman at walang nagpupumilit at nagtatagal kumausap sa akin, hindi kasi ako sanay sa mga pagtitipon gaya nito maliban sa simbahan.Napatingin ako sa mga bisita para mahanap ang heneral. Agad ko siyang namataan na may kausap na matandang lalaki. Nakasuot ito ng puting barong tagalog at may hawak h