Share

CAPITULO DOS

Agosto 30, 1883

Mahal kong inay at itay,

Marahil kayo ay naguguluhan kung bakit ako ay nawawala. Sana'y patawarin niyo po ako sa aking gagawin. Alam ko po na kayo ay hindi sasangayon sa absurdong  ideyang pumasok sa aking isipan. Ako rin ay kontra sa aking sarili, subalit wala na po akong ibang maiisip pa kundi ang gawin ito. Hindi ko po lubos maisip na nag-iintay ng apatnapu at higit pang mga araw at nagdadasal na ligtas si itay. Hindi ko po kayang siya ay mawala at alam kong iyan din ang iniisip mo ina. Huwag niyo pong isipin na kayo ay nagkulang sa pag-aaruga sa akin sapagkat ay sobra sobra ang inyong ibinigay. Pangako ko po sa inyo na ako ay babalik na ligtas. Huwag po kayong mag-alala, wala naman pong makakaalam na nagpapanggap lamang ako. Ako at kayo lang po ang may alam. Mag-iingat po ako palagi para makabalik sa inyo, at kayo rin po, sana'y mag-iingat po kayo para may mabalikan pa po ako. Ama, huwag po kayong magtrabaho ng labis sapagkat kayo ay may malubha ng karamdaman. Alagaan niyo po ang isa't isa at aalagaan ko po ang aking sarili.

Huwag po kayong sumunod sa akin at huwag niyo muna po akong hanapin. Kapag may naghahanap sa akin sa bahay sabihin niyo pong nasa Hacienda po ako at nagsisilbi bilang isang katulong. Mahal na mahal ko po kayo inay at itay, patawad po. Nawa'y maabot sa inyo ang liham na ito.

Palaging nagmamahal,

Corazon Alfarero

Marahil sa mga oras na ito ay nabasa na nila inay at itay ang aking sulat para sa kanila at sana'y mapatawad nila ako. Nagsisimula nang sumikat ang araw habang kami ng mga kasamahan ko ay papunta sa Ciudad de Cavite.

Ang Cavite Nuevo ay ang lugar kung saan nangyari noon ang Galeón de Manila o ang Kalakalang Galyon ng Maynila at Acapulco. Ngunit ito ay naitigil sa taong 1815 dahil sa digmaang sumiklab sa Mehico na tinawag Guerra de Independencia de México ng mga Espanyol. Di kalaunay nagsanib ang mga karatig-bayan nito at nagawang munisipalidad ang lugar kasama na ang San Roque at La Caridad.

Nakasakay kami sa isang karitong hila-hila ng isang itim na kalabaw. Mahigit kumulang mga sampu lamang kami rito na mga taga San Pascual at yung iba naman ay nasa kabilang kariton na nagmula sa ibang lungsod o barrio.

Mabuti na lamang at ang iba dito ay tahimik lamang at hindi ako gaanong binibigyang pansin maliban na lang sa isang binata na nasa harapan ko. Puno ng buhay ang kaniyang mga bilog at kulay kayumangging mata, matangos din ang ilong niya, makapal ang kilay at manipis ang labi. Kahit na kayumanggi ang kulay nito, mapagkakamalan mo siyang isang Espanyol. Siya ang ubod ng daldal dito sa kariton namin, wala ni isa ang pumansin sa kaniya.

Pero ako ay sadyang sinuklaban ng langit at lupa dahil lagi niya akong kinukulit, "Psst, bata anong pangalan mo? Ang liit mo naman. Ano na ba ang edad mo? Wala ka bang kapatid?" paulit ulit niyang tanong.

Hindi ko na kinaya ang pangiistorbo niya kaya sinagot ko na siya, "Wala akong kapatid, labingsiyam na ako at ano sa pake mo kung ako'y maliit," sabi ko dahil sa pagkairita. Parang hindi pa siya nakontento sa sagot ko, "Anong pangalan mo?" tanong niya, baka isa ngang masamang ideya ang aking pagsama rito, "Cora-aaayyyy nakuu may langaw!" sabi ko habang simampal ko ang kaniyang noo.

Muntikan na akong madulas sa pagsabi ng totoo kong pangalan kaya nagkunwari akong may langaw na pumatong sa noo niya. Buti na lamang at nagawan ko ng paraan, "Paco, Paco Alfarero," sagot ko sa katanungan niya kanina.

"Anak ka pala ni Mang Pepe?" habang binubugaw niya pa rin ang langaw na sinabi ko.

"Kilala mo si itay?" natatarantang tanong ko. Hindi sumagi sa aking isipan na maaaring magtaka ang mga nakakakilala ni itay na may anak silang lalaki.

"Oo eh, nakasama ko siya paminsan minsan kapag nagiimbak ng sako ng bigas ang Hacienda. Kakilala din siya ng aking inay," napatango naman ako, "Akala ko babae lang ang anak niya, yung Corya? Coriana?

Ano nga pangalan noon?" napataas naman ang isa kong kilay sa kaniya.

"Corazon," pangwawasto ko sa kaniya.

"Akala ko sabi mo wala kang kapatid?" naguguluhan niyang tanong. Mas nataranta ako nang maalala ko yung sinabi ko kanikanina lamang.

"Ah eh, nag-away kasi kami ni Corazon bago ako umalis," ramdam ko ang maginaw na butil ng pawis. Sana tanggapin niya ang palusot ko. Tinignan niya naman ako ng mabuti wari'y nangiimbestiga kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Sa pagmumukha mo palang, parang maganda ang iyong kapatid ah. Pwede ko ba siyang ligawan pag-uwi natin  mula sa polo y servicio?" nagulat ako sa kaniyang katanungan.

Tumawa ako sa sinabi niya kaya nagtaka siya, "Sino naman ang magkakamaling ligawan ako?!" tawa ko pa.

"Sino naman ang may sabing ikaw ang liligawan ko? Isa iyang kalapastangan at kasalanan," sabi niya at dahil dun natauhan ako sa sinabi ko.

"Ang ibig kong sabihin ay ganiyang din ang magiging reaksiyon ng aking kapatid kapag iyan ay kaniyang narinig ginoo," napatango naman siya.

"Huwag ka nang maging pormal sa akin, tawagin mo na lamang akong Manuelo," sabi niya at nagtaka naman ako kasi inabot niya sa akin ang kaniyang kamay. Nakuha ko naman ang kaniyang gustong ipahiwatig at nakipagkamay sa kaniya.

Mahigit walong oras kaming naglalakbay mula sa Obando Bulacan hanggang dito sa Ciudad de Cavite . Sa unang pagkakataon nakita ko ang Intramuros, kahit na hindi kami pumasok at lumiko lamang kami sa labas ng Intramuros, ramdam ko pa rin ang enganyo ng lugar. Pangarap ko na noon pa ang pumasok sa loob ng Intramuros dahil sa mga kwentong sinasabi sa akin ni inay.

Nang marating na namin ang Ciudad de Cavite , gaya ng Intramuros ay napapaligiran din ito ng isang malaking pader ngunit hindi ito gaanong kasarado. May parte na nakaharap sa isang baybayin ang bukas.

Sa parteng iyon ko din nakita ang iba pang polista na nagtutulungan para makabuo ng isang malaking barko na pangtransportasyon. Pinag grupo grupo muna kami kung saang parte kami magtatrabaho sa barko at binigyan nila kami ng direksiyon bago magsimula.

Naging magkasama pa rin kaming dalawa ni Manuelo sa paggawa sa parte ng barko kung saan nanunuluyan ang mga principalia at mga makapangyarihan. Nagsimula kami kaagad pagkatapos kami utusan kung saan kami magtatrabaho.

Naging madali lamang ang aming trabaho dahil tagapokpok lamang ng tabla ang aming ginagawa. Binigyan muna nila kami ng maikling oras para makakain ng tanghali at nang matapos ay bumalik kaagad kami sa aming mga pwesto. Maghapon kaming nakapokpok at kapag may isang tumigil o magpahinga ay pinapagalitan ito ng isang bantay na may hawak na latigo.

Nang maggabi na ay pinatuloy kaming mga tagamalayo sa simbahan na nasa harapan ng plaza para mapaaga kinabukasan. Ang mga polista ay pinapadala ng kanilang mga encomiendero ay pinapatira sa kanilang Hacienda. Pero dahil sadyang isang mapabayang Encomiendero si Don Fetalino, kaming mga nasasakupan niya ay pansamantalang nanunuluyan sa simbahan.

Dito daw muna kami manunuluyan pansamantala hanggang sa matapos ang aming servicio sa polo. Mabuti naman at mabait ang kanilang kura paruko na si Padre Maxino Faustor. Pumayag siyang patuluyin kami sa simbahan dahil para sa kaniya ang bahay ng Panginoon ay bahay rin ng mga taong nangangailangan.

Talagang madaldal itong si Manuelo dahil kahit tulog na yung ibang kasamahan namin ay lagi pa rin siyang nakikipagusap sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa makatulog ako at unti unti na siyang huminahon.

Ginising kami ng mas maaga kaysa sa oras ng trabaho dahil magmimisa si Padre Faustor dito sa simbahan. Tinulungan namin siyang maghanda para sa misa habang nagsimula nang magsipasukan ang mga mamamayan. Unti unti na mang napuno ang loob ng simbahan ng mga Espanyol at mga Indiyo. Kahit na sa malayong lugar ako, hindi ko pa rin nakakalimutang maglingkod sa Panginoon. Hindi ko napansin na napapakanta na rin pala ako kasama ang choro kaya napatingin ang mga kasamahan ko sa akin. Lalong lalo na si Manuelo.

"Naku, Paco. Kay ganda ng boses mo. Hindi ko naman naririnig si Mang Pepe kumanta ng ganiyan, maliban na lang kung sa inay mo iyan nakuha," sabi niya na may halong pagkamangha. Nang matapos na ang misa, agad kaming pumunta sa kaniya kaniya naming estasiyon para tapusin ang nasimulan kahapon.

Mabilis ang takbo ng oras kung kaya't hindi ko namalayan na ikasampung araw ko na pala rito. Paulit ulit lamang ang walang tigil naming tinatrabaho. Katatapos lamang namin sa ikalawang bahagi ng barko at kung titignan ay maaari na namin itong matapos sa loob ng siyam hanggang sampung araw.

Hindi gaanong kalakihan ang barko ngunit hindi rin ito ang pinakamaliit, nasa katamtamang sukat lamang ang barkong ito. Dahil dito, hindi maitatanggi na madadagdagan pa ang aming trabaho hanggang sa matapos ang apatnapung araw ng servicio, at maaari din itong madagdagan pa ng iilang araw.

Nang umabot ang araw ng buwan kung saan dumurugo ang ating pagkababae sa hindi malamang dahilan. Sa loob ito ng tatlong araw nangyayari kung kaya't lagi akong nagtatapis ng makapal na tela sa ibaba para matigil ang pagdurugo. Lagi akong nagdadala ng mga makakapal na tela dahil bigla biglaan ang pagdurugo. Sa ikalawang araw nga habang ako ay naliligo sa paliguan nabigla ako nang may kumatok sa pintuan. Kinsagisnan ko na kasi ang pagligo ng maaga para hindi ko na masabayan ang iba pa.

"Huy Paco! Matagal ka pa ba diyan?! May nililigawan ka ano?" sigaw ng lalaki sa labas. Natataranta akong nagmamadaling matapos dahil sa sigaw niya. Pagkalabas ko naman, nakita kong si Caloy lang ay agad ko siyang hinarap.

"Nagbibihis lang eh," napatingin naman siya sa hinahawakan kong telang may dugo.

"Oh, napano ka?" agad ko namang itinago sa aking likuran ang tela bago sumagot, "Ah wala, lagi na lang ito. Biglang bumubukas ang aking sugat at dudugo," tuluyan na akong lumabas sa paliguan para sa kaniya. Bago pa man ako makahakbang papasok, binigyan na naman niya ako ng panibagong bagong tanong, "Bakit ka ba kasi nagbibihis sa loob ng paliguan. Ganiyan ba yan kaliit, at ikinahihiya mo?" tumawa siya ng malakas at pumasok na si Caloy sa paliguan.

Sa ikalabinglimang araw, naranasan namin ang magkasakit dahil sa pambihirang ginaw na inihahatid ng bagyong paparating. Maraming nagkakaubo at lagnat, kahit ako ay nadapuan na din ng ubo. Pero dahil sa malakas ang sistema ko, agad itong nawala pero para sa iba, unti unti silang nanghihina at dinagdagan pa ito ng mga parusa na galing sa mga bantay.

May isang matandang pinabugbog nila sa mga guardia civil dahil hindi nito tinupad ang utos ng isang bantay. Naawa naman ako kay Mang Raul dahil nasa edad limampung anim (56) na siya at may sakit na at dinagdagan pa ng parusa mula sa mga guardia civil.

Nang matapos ang aming trabaho, agad kong tinulungan si Mang Raul at ginabayan papasok sa loob ng simbahan. Kasamahan namin si Mang Raul dahil nagsisilbi rin siya sa Hacienda Fetalino. Tinulungan din naman ako ni Manuelo, na sa hindi ko inaasahan ay magiging kaibigan ko dito sa pagpopolo.

Septiembre 14, 1883

Ikalambinglimang araw na at ako ay nangungulila na kina inay at itay. Kamusta na kaya sila? Kumakain ba sila ng tama? Sana'y nasa bahay na ako, hindi ko kayang hindi sila masilayan. Labinglimang araw na din nang huli akong sumulat sa talaarawang ito. Sa loob ng mga araw na iyon ay naging kaibigan ko ang mga katrabaho ni itay sa Hacienda. Ang saya ko dahil ipinagmamalaki niya ako sa kanila, bilang Corazon. Pero mas naging malapit sa akin si Manuelo. Kung inyo siyang makilala ay talagang magsisisi kang nakilala mo siya. Pero hinding hindi ka magsisisi na maging kaibigan siya. Maaalahanin si Manuelo at palabiro. Masaya akong naging kaibigan ko siya sa gitna ng paghihirap na ito. Malapit din akong mahuli ni Caloy, mabuti na lamang at madali ko siyang nabigyan ng magandang rason kung bakit ang tagal ko sa loob ng paliguan. Sa susunod ay dapat na mas maging maingat pa ako dahil baka ay pagdudahan ako ng mga kasamahan ko.

Corazon

sto 30, 1883

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status