Share

Chapter Five: Kulog at Kidlat

KITANG-kita ang paglagaslas ng tubig na nagmula sa falls na nakalilikha ng mumunting usok dahil sa pagtatagpo nito sa tubig na nasa ibaba. Naglilikha din ito ng malamig na simoy ng hangin habang ang paligid nito ay napapalibutan ng naglalakihang bato at mangilan-ngilan na ligaw na bulaklak at halaman. Naglakad siya papunta sa pinakang dulo ng lupa at isang hakbang nalang ay maaari na siyang tumalon sa tubig. 

“Gusto mong maligo?” napalingon siya sa kaniyang likod dahil doon. “Pwede ba?” nakangiti niyang sabi na ikinatango ng lalaki. “Syempre naman!” pagkasabi niyon ni Alas ay agad na siyang tumalon sa tubig at lumangoy doon. Nagtagal siya sa ilalim dahil kitang-kita niya ang ganda nito mula doon, sanay siyang lumangoy dahil natuto siya sa pagpuslit niya sa lugar na iyon. 

Maya-maya ay nakita niya si Alas na tumalon din at papalapit ito sa kaniya kaya agad siyang umahon. “Stella! Stella!” napakunot ang kaniyang noo ng tawagin siya ng lalaki na umahon kasabay niya. “Akala ko nalunod kana!” alalang sabi nito sa ikinatawa niya ng mahina. “Pasensya na hindi ko nasabi sayo na marunong akong lumangoy.” Winasikan siya nito ng tubig na ikinatili niya. 

“Palagi ka nalang hindi nagsasabi kaya kinakabahan ako sayo eh!” natawa siya dito at gumanti sa pagwasik ng tubig. “Hindi ka naman kasi nagtatanong!” tawa niyang sabi dito. “Di pala nagtatanong ah,” nanlaki ang mata niya dahil doon at lalapitan siya kung kaya’t lumangoy siya papalayo dito. 

“A-Alas! Alas! Kyahh!” napatawa siya ng abutan siya nito at kiniliti sa kaniyang bewang. Nagpumiglas siya dahil doon at ng makawala ay muli siyang lumangoy papalapit pa sa falls. “Stella mahuhuli din kita!” napatawa siya ng marinig ang boses ni Alas kung kaya’t lumangoy siya pailalim sa may falls at tumawid upang makapunta sa likuran niyon. 

Iyon ang unang beses na makakapunta siya sa likuran ng falls at namangha siya sa kaniyang nakita. Mayroong kweba doon na hindi niya inaasahang mayroon pala niyon sa likod ng falls. “Kung alam ko lang may ganito dito, dito na ako titira.” Iling na sabi niya sa sarili at umahon upang umakyat sa maliit na kweba. 

Open ang kwebang iyon at sapat na upang pagtaguan ng dalawang tao. “Stella! Stella nasaan ka?!” narinig niya ang sigaw ni Alas mula sa kabila ng falls na ikinatapi niya sa kaniyang noo at nakalimutan ito. “Alas nandito ako sa likod ng falls! Lumangoy ka pailalim upang makatawid!” sigaw niya dito na alam niyang ikakarinig ng lalaki. 

Hindi nga siya nagkamali dahil maya-maya ay andoon na ito at nagtaka din sa kinalalagyan niya. “Mayroon palang kweba dito?” napangiti siya dahil doon. “Hindi ko ‘din akalain. Halika ang ganda dito,” lumapit ang lalaki sa kinalalagyan niya at sumampa din doon. 

Naupo sila sa pinakang dulo nito at pinagmasdan ang paglagaslas ng tubig. “Ang ganda dito,” bigla niyang sabi na ikinalingon ni Alas sa kaniya. “Stella ayos lang ba kung tanungin ko kung bakit ka pinalayas?” natigilan siya sa tanong nito dahil doon. “Wag mo sanang masamain pero, hindi ko lubos na maisip na pinalayas ang isang magandang dalaga katulad mo.” Napangiti siya ng mapait dahil doon. 

Iyon ang unang pagkakataon na mayroong ibang taong pumuri sa kaniyang kagandahan bukod sa kaniyang tiya at tiyuhin. “Salamat sa papuri Alas, pinalayas ako dahil sa maling bintang.” Tumingin siya dito at nagtagpo ang kanilang mga mata. “Alas, maniwala ka saakin. Hindi ko alam, wala akong alam sa nangyari.” Naiiyak niyang sabi dito at napailing habang nakapikit na ikinahawak ng lalaki sa kaniyang magkabilang pisnge at hinarap siya dito. 

“Stella tumingin ka saakin.” Wala siyang nagawa kung di ang idilat ang kaniyang mga mata at muling nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi siya naduduling kagabi, totoong may halong ginto ang mata ng lalaki samantalang ang kaniyang ay brown. “Naniniwala ako sayong wala kang kasalanan. Kahit saglit palang tayong nagkasama ay napatunayan ko agad na isa kang mabuti, walang kamuwang-muwang na babae yet malakas at matibay ang loob.” 

Hindi siya makapagsalita dahil sa sinabi nito. Iyon ang unang pagkakataon na mayroong pumuri sa kaniyang pag-uugali, sabagy iyon din ang unang pagkakataon na nakisalamuha siya sa ibang tao bukod sa kaibigan niya na si Abby. “Ang ganda ng mata mo,” wala sa sarili niyang sabi habang nakatitig sa mga iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi siya makapagsalita dahil hinihikaya’t siya ng mga ito na tumitig nalamang. 

Hindi niya maintindihan ang sarili lalo na ng makita niyang unti-unting bumaba ang muka ng lalaki at alam niyang hahalikan siya nito ngunit hindi niya ito pinipigilan. Ano bang ginagawa mo Stella pigilan mo siya! Sigaw niya sa kaniyang isipan ngunit hindi niya makontrol ang kaniyang katawan. Unti-unti na itong lumalapit sa kaniya na nakatingin lamang ang lalaki sa labi niya. 

Nang isang pulgada nalang ang layo nito sa kaniya ay biglang kumulog ng malakas kasabay ng pagbuhos ng ulan na siyang ikinayakap niya sa lalaki. Takot siya sa kulog. “Kyahhh!” naramdaman niya na nanginginig ang kaniyang katawan dahil sa biglang pagkulog na pumalibot sa katahimikan. 

“S-Stella, ayos ka lang ba?” tanong sa kaniya ng lalaki na ikinailing nya. Muling kumulog kung kaya’t napahigpit muli ang yakap niya sa binata. “T-Takot ako sa kulog—Kyahhh!” muli nanamang kumulong na ikinasuksuok ng kaniyang muka sa leeg ng lalaki. “Shhh…Andito lang ako, wag kang mag-alala.” Hinagod nito ang kaniyang likod at natahimik sila dahil doon. 

Ilang minuto ang lumipas at panaka-nakang kulog nalamang ang mayroon sa kalangitan ngunit ang napakalakas na ulan naman ang bumuhos. Kahit na bumubuhos ang tubig mula sa falls ay rinig din nila ang buhos ng ulan. “Stella kailangan na nating umuwi,” napatango siya sa sinabi ng lalaki at humiwalay siya sa pagkakayakap dito ngunit muling kumulog kaya napayakap siyang muli dito. 

Rinig na rinig na niya ang mabilis na tibok ng puso nito dahil sa dibdib nito ang bagsak ng kaniyang muka. “H-Hindi ko kaya Alas! Hindi ko kayang lumabas ng kumukulog!” mahinang sabi niya dito ngunit nanginginig na din. Nagsisimula na siyang manginig dahil sa takot at lamig, mas lalo kasing lumamig ng umulan kaya ganoon ang naging reaksyon ng kaniyang katawan. 

“P-Pero Stella baka magkasakit ka, nanginginig ka na.” muli siyang umiling sa lalaki na ikinabuntong hininga nito. “Okay sige dito muna tayo. Tutal may nakita akong kahoy doon, gagawa nalamang ako ng apoy.” Mabuti nalang at andoon si Alas dhail kung wala ito ay hindi niya alam ang gagawin. 

Iniupo siya nito sa isang tabi at kinuha ang kahoy at nagsimulang gumawa ng apoy. Sa tuwing kumukulog ay napapatakip nalamang siya sa kaniyang tenga at mas sumisiksik sa kaniyang kinalalagyan. “Stella halika, pwede na itong apoy.” Napa-angat siya ng tingin dahil doon at tama nag lalaki. Mayroon ng malaking apoy sa gitna. Mabilis siyang tumabi sa lalaki at sumiksik dito na ikinaakbay ng lalaki sa kaniya. 

“Bakit ka takot sa kulog o kidlat?” tanong nito habang akap siya at muling siyang napapitlag dahil sa pagkulog. “H-Hindi ko alam, s-siguro ay dahil mag-isa lang ako ng mga panahong kailangan ko ang magulang ko kapag ganito.” Napatahimik ang lalaki dahil sa sinabi niya. “Bakit nasaan ba ang magulang mo?” napangiti siya ng mapait sa gitna ng pagtakip niya sa kaniyang tenga. 

“Wala na sila. Iniwan na ako,” muling napatahimik ang lalaki dahil sa sinabi nito ngunit naglakas loob parin ito na magtanong. “Sila ba ang nagpalayas sayo?” muli siyang napapitlag dahil sa kulog at napabuntong hininga bago nagsalita. “Sana nga ganon nalang, kaso patay na sila eh.” Doon na tuluyang napatahimik si Alas at hindi na din siya nagsalita pa. Dahil sa katahimikan ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. 

“Stella, Stella.” Nakaramdam siya ng yumuyugyog sa kaniya at pagdilat niya ay nakita niya si Alas. “Humunto na ang ulan at kulog, maaari na tayong umuwi.” Nakangiti nitong sabi at ngingiti din sana siya ngunit bigla siyang napabahing sa harap nito mabuti at nakapagtakip siya ng bibig. “P-Pasensya na.” hinging tawad nito dito na ikinawala ng ngiti ni Alas. 

“Hindi magandang pahiwatig ‘iyan. Baka magkasakit ka, halika na at umuwi na tayo.” 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lilibeth Minalabag
i like th story very much
goodnovel comment avatar
Debbie Gabriel
amazing story and beautiful it is fun to read my heart love this story its romantic
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status