“MAGPAPAHINGA na muna ako at magbibihis. Ikaw ‘din magbihis kana para hindi ka sipunin.”
Mabilis na sabi ni Stella sa kaniya at agad na pumasok sa loob ng kwarto. Napatingin siya sa orasan na nasa ding-ding at tanghali na pala kung kaya’t naligo muna siya at nag luto ng makakain. Nagluto siya ng sopas tutal ay malamig. Pumunta siya sa pinto ng kwarto nito at kakatok na sana ngunit biglang pumasok sa isip niya ang tagpo na muntik na niyang halikan ito.
Napailing siya dahil doon at agad na winaglit iyon sa kaniyang isip at kumatok sa pinto. “Stella, nakapagluto ako ng sopas, kumain na tayo.” Ilang minutong walang sumagot sa kaniya kung kaya’t binuksan niya ang pinto at nakita niya ito na mahimbing na natutulog. Napangiti siya dahil doon at sinara nang muli ang pinto.
Hinayaan nalang ito na matulog at kumain siya ng mag-isa. Nang matapos siyang kumain ay mahihiga sana siya sa sofa ng biglang tumunog ang kaniyang telepono na nasa lamesa. Mayroon siyang touch screen na cellphone na binili niya ng maibenta ang baka na dati niyang alaga. Napasimangot siya ng makita ang pangalan ng ama sa screen.
“Hello Ace,”
“Why?” walang emosyon niyang tanong dito. “Maaari ka bang pumunta dito? Andito na ang bagong baka na alagaan, wala kasing ibang maghahatid jan.” napatango siya sa sinabi nito na tila nakikita ng ama at agad na binaba ang tawag. Muli niyang chineck ang dalaga at tulog pa ito kung kaya’t umalis siya sandali upang kunin ang mga baka.
Idinugtong niya ang kulungan ng baka sa likuran ng kaniyang sasakyan at pinaandar na iyon. Malapit lang naman ang pupuntahan niya dahil naka sasakyan siya ngunit inaabot din ng limang minuto. Kung lalakarin mo ito ay aabutin ka ng kalahating oras. Nang makarating siya sa Hacienda ay sinalubong siya ng mga bantay na pawang nakangiti sa kaniya.
“Good afternoon, Alas!” ginantihan niya ang mga ito ng ngiti. “Good afternoon din sa inyo. Sinabi ba sa inyo ni papa kung nasaan ang kalabaw?” tanong niya na ikinatango ng dalawang bantay. “Andito Alas,” sinundan niya ang dalawang lalaki at nakita niya sa malawak na damuhan sa gilid ng mansion ng mga Del Rosario ang tatlong baka na medyo malalaki na.
“Maraming salamat sa inyo,” nakangiti niyang sabi at bumaba sa kotse. “Walang ano ‘man Alas! Tulungan kana naming,” agad siyang umiling dahil doon. “No, I’m okay. Sige na bumalik na kayo sa trabaho niyo baka pagalitan pa kayo ng amo niyo.” Walang nagawa ang dalawa kung di ang tumango at nagpaalam sa kaniya.
Ilang beses na niya itong ginagawa sa kaniyang buhay kung kaya’t maayos na niyang naipastol papasok sa kulungan na mga baka. “Kuya Alas!” napalingon siya sa tumawag sa kaniya at napangiti siya ng makitang tumatakbo papalapit sa kaniya si Faith. Si Faith ay anak ng kaniyang ama sa asawa nito na isang Del Rosario. Siya ay anak sa labas ng kaniyang ama na si Daniel Alcantara na nakapangasawa ng isang Del Rosario na si Talia Del Rosario.
Kaya ganoon nalamang ang galit nito sa ama dahil pinabayaan nito ang ina hanggang sa mawala na ito ng tuluyan. Ngunit sa kabila ng galit niya sa ama ay maayos ang tunguhan nila ni Faith, maliban kay Diego at sa pamilya nito. “Kumusta ka Faith?” niyakap siya ng babae at nakangiting humiwalay dito. “Ayos naman po kuya! Ayon medyo magulo sa bahay nagyon,” malungkot na sabi nito.
“Bakit may bago ba?” natawa si Faith dahil sa sinabi niya at pinalo ang braso nito. Napatitig siya sa kapatid sa ama. Alam niya na halos di nagkakalayo ang edad nito at ni Stella habang siya ay nasa edad bente dos na. “Kuya naman, iba to ngayon. Alam mong alam mo na kung ano ‘yon.” Napatango siya sa sinabi nito.
“Ilang taon kana ba Faith?” biglang tanong niya na ikinakunot ng noo ng kapatid. “Kuya naman, mag didisuwenebe na ako! Kinalimutan mo agad,” napanguso ang babae dahil doon na ikinangiti niya at pinisil ang pisnge nito. Naalala niya na engrande nga pala ang kaarawan nito noong nakaraang taon.
“Sorry naman, may naalala lang ako. O’siya maiwan na kita Faith marami pa akong aasikasuhin.” Napasimangot ang dalaga dahil doon. “Kuya naman ngayon na nga lang ulit kita nakita!” natawa siya sa sinabi nito. “Kakikita lang natin kagabi,” napatawa ng alanganin ang kapatid niya dahil doon.
“Sabi ko nga po, hehe. Sige kuya basta may utang ka saakin ah! Sa susunod dito ka muna!” naiiling na tumango siya sa kapatid at niyakap itong muli at sumakay na sa sasakyan niya. Kumaway siya kay Faith at ganoon din ito sa kaniya. Nagpasalamat siya muli sa mga bantay na naroroon at nagmaneho na siya pauwi.
Pagkarating niya sa bahay ay iginaya niya muna ang mga baka sa malawak na palayan na wala pang tanim dahil hindi pa niya pinapataniman at ng matapos ay umakyat na siya sa bahay at tahimik parin doon. Tulog na tulog parin ang dalaga, naisip niya na baka napagod ito dahil sa takot kanina sa kulog kung kaya’t nahiga nalamang siya sa sofa at natulog.
***
Madilim na ng magising siya kung kaya’t binuhay niya ang ilaw sa buong bahay. “Tulog parin si Stella?” nagtataka niyang sabi lalo na ng makitang hindi nito ginalaw ang pagkain sa lamesa. Nagpasiya siyang pumasok mula sa kwarto nito at nilapitan ito upang gisingin.
“Ste—Stella mainit ka!” bigla niyang sabi ng mahawakan ang braso ng dalaga. Iniharap niya ito sa kaniya at kitang-kita niya ang masamang muka nito tandan a mayroon itong mataas na lagnat. Dali-dali niyang kinuha ang first aid kit na mayroon siya sa kwartong iyon at ginamit ang thermometer. Lumabas na nasa 40 degree ang taas ng lagnat nito kung kaya’t agad niya itong ginising.
“Stella! Stella ang taas ng lagnat mo!” napadilat ang babae at para itong lasing na nakatingin sa kaniya. “A-Alas,” hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil tuluyan na itong nakatulog muli. “Sh*t!” nagmamadaling ininit ni Alas ang sopas na niluto niya kanina at hinanda ang gamot na maaaring ipainom sa dalaga pati narin isang plangganang tubig at isang puting bimpo.
Nang matapos ay dali-daling pumasok sa loob ng kwarto at ginising itong upang kumain. Mabuti nalang at nagising ang dalaga’t naupo kung kaya’t sinubuan niya ito ng sopas. “Kasalanan ko ito eh!” inis na sabi ni Alas habang pinapakain si Stella. “W-Wala kang kasalanan Alas, ako.” Umiling siya sa dalaga at muling sinubuan.
“Wag ka ng magsalita jan Stella at kumain ka ng kumain para pawisan ka,” sabi niya dito ngunit maya-maya ay nagulat siya ng bigla itong sumuka sa kaniyang damit. “Stella ayos ka lang ba?” hinahagod nito ang likod ng dalaga at hindi pinansin ang pagsuka nito sa kaniyang damit. Bigla nalamang umiyak si Stella na lalo niyang ikina-alala dito.
“P-Patawad A-Alas! N-Nasukahan kita.” Sabi nito at hilong hilong napahiga sa unan. “N-Nahihilo ako,” iyak na sabi nito na lalong pinag-alala niya dito. “Stella dadalhin na kita sa hospital!” sabi niya ngunit umiling ang dalaga sa kaniya.
“A-Ayaw ko sa ospital, m-maaalala ko lang sila mommy at daddy.” Iyak na sabi nito na ikinatigil ng lalaki.
PAGKABALIK niya galing sa pagpapalit ng damit ay agad niya itong pinainom ng gamot at paulit-ulit na pinahidan ng bimpo na basa upang kahit papaano ay bumaba ang lagnat nito. “M-Mommy… wag niyo po akong iwan…” napatigil siya sa pagpupunas ng bigla itong magsalita habang natutulog. “M-Mommy… Daddy…” hindi niya mapigilan na maawa sa babae. Alam niya ang pakiramdam ng nag-iisa. Alam niya ang feeling ng mawalan ng pamilya kung kaya’t alam niyang masakit ito para sa babae. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas niya sa babae ngunit lumipas ang ilang minuto ng magulat siya dahil bigla itong nanginig dahil sa sobrang lamig na nararamdaman. “S-Stella, Stella anong nangyayari sayo?!” tawag niya dito ngunit hindi nito magawang idilat ang kaniyang mga mata o di kaya ang sagutin manlang siya. “W-Wala po akong kasalanan!” napatigil siya ng magsalita nanaman ito. Alam na niya, binabangungot ang babae kung kaya’t nilamig siya ng ganoon lalo na at mataas ang lagnat nito. Gusto na niya itong dalhin sa
ITO ang unang pagkakataon na pupunta si Stella sa bayan para mag grocery. Kapag kasi si Abby ang kasama niya ay ibang lugar naman ang pinupuntahan nila, bar. Si Abby ang nag pakilala sa kaniya ng bar kung kaya’t natuto siyang uminom ngunit hindi siya ganoon kalakas sa alak kung kaya’t lasing na lasing siya ng may mangyaring gulo sa pagitan niya at ng mga Del Rosario. “Are you okay?” napalingon siya kay Alas dahil nagsalita ito at kinunutan niya ng noo. “Sorry—I mean, patawad. Ang sabi ko, kung ayos ka lang?” napangiti siya dahil sa sinabi nito at tumango sa lalaki. “Ito kasi ang unang beses na mamimili ako ng sariling pagkain.” Binigyan siya nito nang natutuwang reaksyon ng sabihin niya iyon. “Seryoso?” tumango siya dito. “Well, that’s good!” muli ay tinignan niya ng kakaiba ang lalaki na tila isa itong kakaibang nilalang sa mata niya. “Ang sabi ko maganda ‘yan. Alam mo dapat siguro mag-simula tayo sa mga basic English words.” Panaka-nakang tingin ang ibinigay ni Alas sa kaniya dah
“GUSTO mo bang tulungan kita magbuhat ng ref Alas?” napangiti siya sa tanong ng babae at umiling. “Hindi pwede, mabigat ito. Ipasok mo nalang sa loob ang mga pag-kain natin.” Tumango sa kaniya ang babae kaya napangiti habang umiiling siya dito. Nang maipasok niya sa loob ang ref ay nakita niya si Stella na nag-aayos ng mga delata. “Stella,” napalingon ito sa kaniya at ngumiti na ikinatigil niya. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing ngumingiti ang babae sa kaniya ay napapangiti din siya at parang mayroong mga paro-paro sa kaniyang tiyan. “Ayos ka lang ba Alas?” napakurap siya dahil sa sinabi ng babae at hindi niya napansin na andito na pala sa harapan niya. “A-Ah oo, sasabihin ko lang sana na tuturuan na kitang mag basa mamaya ng ingles at magsulat.” Biglang nagkaroon ng ngiti sa muka ni Stella dahil doon na lalo niyang ikinahinto dahil lalong gumanda ang babae. “Talaga?! Sige, bibilisan ko na dito!” malaki ang ngiti sa muka ng babae pagkasabi niya niyon kung kaya’t nag presinta na
“STELLA!” Nagulat siya ng marinig ang malakas na pagtawag sa kaniya ni Alas kung kaya’t dali-dali niyang iniwan ang libro na hawak dahil baka kung anong ang nangyari sa lalaki. Pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay nakita niya ang masamang muka nito at nang magtagpo ang kanilang mata ay sobrang sama nito kung makatingin kung kaya’t napaatras siya dahil doon. “A-Alas, nakauwi kana pala.” Pinipilit niyang ngumiti sa harapan ng lalaki dahil sa takot dito. Ngunit hindi niya inaasahan ang mabilis na paglapit nito sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang magkabilang braso. “Sino kaba talaga Stella?!” bigla siyang nakaramdam ng takot sa lalaki dahil doon lalo na sa higpit ng pagkakakapit nito sa kaniyang braso. “N-Nasasaktan ako A-Alas,” pagpupumiglas niya ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. “Talagang masasaktan ka saakin!” natigilan siya sa isinigaw nito sa kaniyang muka. Kitang-kita niya na iba na ang itsura nito doon sa Alas na nakilala niya isang linggo na ang nakakaraan. “Sa
PALAKAD lakad si Stella sa malawak na daanan sa bayan nila habang nakatulala at walang pakialam sa kaniyang paligid. Para siyang isang garapon na walang laman dahil pakiramdam niya ay wala ng natitirang lakas sa kaniyang katawan. Kusang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata at hindi siya nag-abalang pahidan iyon. “Akalain mo nga naman ang pagkakataon,” nakarinig siya ng nagsalita sa kaniyang gilid at nakita niya na mayroong isang lalaking pababa ng kaniyang kotse at nanlaki ang mata niya ng makilala iyon. Ito ‘yung lalaking kinagat niya at muntik na siyang kunin kasama ang mga kaibigan nito. Tatakbo na sana siya palayo ngunit agad nitong nahawakan ang kaniyang kamay. “Saan ka pupunta?” nakangisi nitong sabi sa kaniya. “B-Bitawan mo ako!” mahina ngunit takot na sabi niya sa lalaki. Dahil nga nanghihina siya ay hindi niya magawang magpumiglas sa lalaki. “Not ever again. Sumakay ka, may utang ka pa saakin.” Wala siyang nagawa ng ipasok siya nito sa loob ng sasakyan nito at bumalik it
MABILIS ang kaniyang takbo papalayo sa bahay na pinagmulan nila kanina. Alam niya na hindi siya titigilan ni Alas at hahabulin ito ng hahabulin kung kaya’t ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang hindi siya nito maabutan. Takot na ang nadarama ng dalaga para sa binata hindi tulad noon na tuwang-tuwa siya kapag nakikita niya ito. Ang lahat ng iyon ay biglang naglaho sa isang kisap mata. “A-Aray!” napadapa siya dahil doon at ang polo na ibinigay sa kaniya ng lalaking kumuha sa kaniya kanina ay isinuot niya dahil punit na ang kaniyang damit. Hindi niya alam kung saan ang tungo ng kaniyang tinatakbuhan basta ang gutso niya ay makalayo kay Alas. Maya-maya ay nakakita siya ng kalsada sa dulo ng kaniyang tinatakbuhan kung kaya’t mas binilisan niya ang takbo. Nang makalabas sa kalsada ay laking gulat niya ng sumalubong sa kaniya ang tunog ng busina ng isang kotse. Kusa siyang napaupo sa sahig at inintay ang pagtama nito sa kaniyang katawan. Ngunit ilang sandali ang kaniyang inintay ay
“BAKIT galit sayo si madam Talia?” biglang usisa sa kaniya ng mayordoma ng makapasok siya sa loob ng kusina. Napayuko naman siya dahil doon at hindi makasagot. “H’wag mong sabihin na ikaw yung babaeng kasama ni sir Diego sa news?!” mas lalo siyang nanliit dahil sa sinabi ng matanda at hindi alam kung saan lulugar. “Wag kang mag-alala hija, hindi ka naming huhusgahan. Magtiwala ka lang saamin at mag kwento.” Napaangat siya ng tingin dito at nakita niya ang kasamahan niya na tumango maliban sa isang lalaki, habang nakangiti kaya biglang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Sa dirty kitchen sila kumakain kung saan mayroong hapagkainan para sa kanilang mga katulong, body guards at mga bantay sa bahay. Mula sa dirty kitchen papasok sa pinakang loob ay kanilang perte lalo na at walang ibang amo na pumapasok doon maliban kay Faith na alam nilang mabait na bata. Ang katulong doon ay nasa tatlo, pang apat siya at ang dalawa ay may sakit kung kaya’t dalawa lang sila na andodoon. Ang body guards
“HALIKA, tignan mo itong mga larawan na ito.” Nakangiting sumunod si Stella kay nanang Lili at kinuha ang isang lalagyan ng sapatos kung saan andoon sa loob ang mga litrato na ubod ng dami. “Kung hindi ako nagakakamali ay mayroon ditong dalawang litrato, litrato namin at litrato niya.” Muling dagdag ng matanda at hinanap niya iyon. Napakaraming litrato ng matanda na siya uso pa noong nakaraang panahon, ang mga developed na litrato. “Ito ho ba?” Mayroon siyang kinuhang isang litrato ngunit umiling ang matanda sa kaniya kaya naghanap pa ito doon. Maya maya ay napahinto siya ng mayroon siyang makitang dalawang dalaga sa isang litrato at kamukang-kmuka niya ang isa. “M-Mommy...” nag-init bigla ang kaniyang mga mata dahil doon na ikinatingin sa kaniya ng matanda. “Ayan! Iyan ang iyong ina Stella, sabi ko sayo kamuka mo siya.” Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil doon. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lamang nakita ang itsura ng kaniyang ina. Kung tutuusin ay hindi