Share

Chapter Four: Sa loob ng kagubatan

NAKATULALA na nakatingin si Stella sa itaas ng bubog. Paulit-ulit na nag-iingay ang manok sa labas at alam niyang maaga na ngunit wala siyang ganang tumayo dahil naaalala niya ang nangyari kagabi. Naitakip niya ang kaniyang kamay sa muka at tahimik na sumigaw. Kung alam niya lang na gising ang lalaki edi sana ay hindi na siya naglakas loob na lapitan ito at bigyan ng kumot. 

Pabalang na napaupo siya sa papag at kinausap ang sarili. “Ano ka ba naman Stella! Tama ang ginawa mo dahil malamig doon!” sabi niya sa sarili na ikinahinto niya sandali at maya-maya ay napatango. “Tama, tama. Tama ang sinabi mo.” Pag sangayon niya sa sarili ngunit maya-maya pa’y muli siyang napasabunot sa buhok. “Hindi! Nakakahiya talaga!” ipinadyak pa niya ang kaniyang paa ngunit napahinto siya ng makarinig ng katok sa pinto. 

“Stella ayos ka lang ba jan? Bakit ka tumitili?” napa-upo siya ng tuwid at nanlalaki ang matang itinigil ang ginagawa. “A-Ayos lang ako! L-Lalabas na ‘rin ako!” kabado niyang sabi at dali-daling tumayo sa kaniyang higaan at inayos ito. Nang masiguradong ayos na pati ang kaniyang soot ay ayos na nagpunta siya sa pinto at hinawakan muna ito’t bumuntong hininga. 

“Kaya mo ‘yan Stella.” Pag papalakas niya ng loob at nakangiting lumabas doon. Ngunit nawala din ang ngiti nito sa labi ng walang makitang Alas sa sala at kusina. “Alas?” tawag niya dito at naglakad papunta sa may pinto palabas. Pagpunta niya sa terrace ay nakita niyang papasikat palang ang araw kung kaya’t namangha siya dahil doon. Iyon ang unang beses na nakita niya ang pagsikat ng araw. 

“Magandang umaga Stella,” napapitlag siya ng may may nagsalita sa kung saan at pagkakita niya kay Alas ay may hawak itong manok habang nakangiti sa kaniya. Natigilan pa siya dahil sa uri ng pag ngiti nito. Bigla niyang naalala ang lalaking lalaking boses nito kagabi lalo na at kagigising lang. Agad niyang ipinilig ang ulo dahil doon. “M-Magandang umaga ‘din Alas.” Alanganing ngiti niya dito at naglakad papunta sa gawi nito. 

“Alaga mo?” tanong niya ng makalapit sa lalaki at tumango. “Mahilig ako mag-alaga ng mga hayop, ang kaso manok nalamang ang natira at ilan pang hayop dahil naibenta na ang iba.” Napatango siya sa sinabi nito at binitawan ng lalaki ang manok at pinakawalan. “Halika, sumama ka saakin at may ipapakita ako sayong lugar.” Nauna itong maglakad sa kaniya kung kaya’t tumakbo muna siya sa may pinto at sinara iyon. 

Pagbalik niya sa pinuntahan ni Alas ay nagtataka itong nakatingin sa kaniya. “Akala ko dika sasama eh,” napangiti siya dahil doon at umiling. “Sinara ko lang ang pinto, baka may pumasok eh.” Napangiti din ito dahil doon. “Wag kang mag-alala dahil private property ito. Walang magtatangkang pumasok dito maliban satin.” Napatango siya dahil doon at binuksan na ng lalaki ang isang kuwadra. 

Napamangha siya ng makita ang iba’t-ibang kulay ng kabayo sa loob. Anim ang kabayo na nasa loob ng kuwadra at mayroong apat na bakante sa dulo. “Sayo lahat ito?” mangha niyang tanong sa lalaki. “Yes, ako mismo ang bumili sa kabayo, dati ay dalawa lamang sila ngayon dumami na.” mas lalo siyang namangha sa lalaki at naglakad papunta sa isang kabayo at hinawakan ito. 

Napangiti siya ng malaki ng nagpahipo naman sa kaniya ang kulay puting kabayo. Marunong siyang sumakay sa kabayo dahil mga buhay na hayop din ang madalas niyang kalaro sa Hacienda nila. “Mukang gusto ka niya.” Napalingon siya sa kanan niya kung saan andoon si Alas. “Pwede ko ba siyang sakyan? Saan ba tayo pupunta?” nakangiti niyang sabi dito. 

“Of course. Halika, ilabas na natin sila.” Tumango siya sa lalaki at inilabas niya ang putting kabayo habang kay Alas naman ay isang kulay brown na kabayo. “Pupunta tayo doon.” Itinuro nito ang kakahuyang parte ng lugar na iyon na ikinatigil sandali ng dalaga. “Mayroong falls doon at sigurado akong magugustuhan mo.” Narinig niya na sabi ng lalaki. 

Tanda na niya ang lugar na ito, nasa dulo sila ng Hacienda ng mga Del Rosario kung saan malapit sa kanilang Hacienda. Kung saan ay dati siyang pumupuslit sa malawak na palayan na daraanan nila para makapunta siya sa sinasabi nitong magandang tanawin. “Stella ayos ka lang ba?” napakurap siya ng tawagin siya ng lalaki at napatingin dito. “O-Oo ayos lang ako. Halika na,” sumakay na siya sa kabayo na ikinanga-nga ng lalaki. 

“Marunong ka mangabayo?” gulat na sabi nito na ikinangiti niya at tumango. “Tinuruan ako ng aking tiyuhin.” Naalala niya ang kaniyang tiyo dahil doon. Kahit kaaalis niya palang sa kanila ay miss na niya ang mga ito. Sumakay narin si Alas sa kabayo niya. “Kung ganon, ayos lang ba sayong mangarera tayo?” napatingin siya dito dahil doon. 

Hindi pa niya nasusubukang mangarera. Kadalasan ay mag-isa lamang siyang nangangabayo kung kaya’t agad siyang tumango sa lalaki at hinimas ang puting kabayo. “Narinig mo? Magkikipagkarera tayo, h’wag mo akong ipapahiya.” Narinig niya ang tawa ni Alas kaya napalingon siya dito. “Bakit? Naniniwala ako na naiintindihan tayo ng mga hayop kaya tinuturing ko silang kaibigan.” Napangiti nalang ang lalaki dahil doon at napailing. 

“Oo na, handa kana ba?” tumango siya dito at hinanda ang sarili sa karera. “1… 2… 3… Go!” mabilis niyang tinapik ang kabayo gamit ang kaniyang pa na siyang ikinatakbo nito ng mabilis. “Hah! Hah! Hah!” napalingon siya kay Alas ngunit hindi niya napansin na nasa unahan na niya pala ito kaya napaseryoso siya at pinabilis pa ang kabayo. “Kaibigan, maari mo bang mas bilisan pa? Hindi ako papayag na matalo ng amo mo.”sigaw niya sa kaniyang kabayo at tila naintindihan nito ang kaniyangg sinabi dahil maya-maya pa ay nangunguna na siya. 

Sobrang laki ng ngiti niya ng mauna siya sa pinakang bungad ng kakahuyan at inabangan si Alas na nakangiti ng makarating sa kaniyang tabi. “Hindi mo naman sinabi saakin na magaling ka pala dito,” natawa siya sa sinabi nito at nagkibit balikat. “Hindi ka naman nagtatanong eh,” natawa din ito sa sinabi niya at pumasok na sila sa loob habang nakasakay parin sa kabayo. 

“Alam mo ba na sa tuwing naiinis ako o kung ano pa ‘man ay dito agad ang deretsyo ko?” napatingin siya sa lalaki dahil doon. “Talaga? Bakit naman?” mabuti at hindi tayo nagkakatagpo sa lugar na ito. Dugtong niya sa kaniyang isipan dahil kung nagkataon ay magkakagulo sila lalo na at bawal pumasok ang ibang tao doon. “Simple lang, dahil maganda at tahimik dito. Narerelax ang isip ko kapag andoon ako sa falls.” Napatango siya sa sinabi nito dahil parehas sila. 

Bukod sa gustong-gusto niya ang tubig doon dahil malamig at presko sa katawan, ang pagkatahimik nitong lugar at tanging huni ng ibon lamang ang naririnig niya ang dahilan. Hindi nagtagal ay naririnig na niya ang lagaslas ng tubig at maya-maya pa’y sumalubong sa kanila ang magandang tanawin na nakatago sa loob ng kagubatan. “Wow,” kahit ilang beses na siyang nakapunta doon ay palagi parin siyang namamangha. 

“Mabuti naman at nagustuhan mo,” napatingin siya kay Alas dahil doon. “Hindi ko nagustuhan, dahil gustong-gusto ko!” nakangiti niyang sabi at bumaba na sa kaniyang kabayo. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status