KINAKABAHAN si Ace habang mabilis na nagmamaneho ng kaniyang kotse papunta sa pinakang malapit na ospital sa kanilang kinalalagyan. Kanina pa siya patingin-tingin sa rearview mirror kung saan andoon ang kaniyang ina at si Philip. “Ace bilisan mo pa!” dahil sa sinabi ni Philip ay mas inapakan pa niya ang gas dahil emergency na iyon at wala na siyang paki-alam sa trapiko. Dahil sa pagmamadali ay nakarating agad siya sila sa ospital at pagbaba palang niya ng kotse ay agad siyang pinagtinginan lalo na at sa main entranced na siya pumarada hind isa parking lot. “Help my mother!” malakas na sigaw niya na ikinatauhan ng mga staff na nakatingin sa kaniyang pagmamadali. Kialla si Ace sa buong mundo kaya hindi mahirap na kilalanin siya lalo na kung naka tuxedo ito na puti at puro dugo. Binuksan niya ang pinto sa likuran at binuhat ang kaniyang ina papasok sa loob kung saan kadarating lang ng stretcher. Inihiga niya doon si Athena at tumakbo pa sila papunta sa emergency room. “Bigla nalang si
“SINO ho, ang kamang-anak ng pasyente?” Agad na napatayo si Stella mula sa kaniyang kinau-upuan nang bigla nalamang bumukas ang emergency room. “Ako po,” seryosong sagot niya dito. “Hindi namin pwedeng gamutin ang pasyente—” hindi napapagpigil si Stella dahil sa narinig at agad na kinuwelyuhan ang doctor. “Anong hindi pwede?! Pasyente siya!” agad na tumalima sina Lucas at Philip upang pigilan si Stella sa pagtatanggak niya sa doctor. “B-Bitawan niyo ako!” galit na sabi ng dalaga. “Miss, pakinggan mo muna ako. Nalaman namin na mayroon ‘din siyang cancer sa baga. Lumabas ‘din sa result na may cancer siya sa utak kaya sigurado kami na mayroon siyang doctor. Mayroon anng humahawak sa kaniya kaya hindi namin pwedeng galawin ang pasyente.” Dahil sa kaniyang narinig ay unti-unting kumalma si Stella at umalis sa pagkakahawak ng dalawa. “Anong gusto niyong mangyari doc?” tanong niya dito. Kailangan siyang dalhin sa ospital kung nasaan ang doctor niya.” Napatingin di Stella kay Philip dahi
“STELLA, susundan lang naming si Ace at Philip.” Narinig niya na sabi ni Lucas kaya napalingon siya sa mga ito ngunit papalabas na sila ng kwarto ni Athena. Napailing nalamang siya dahil doon at hinayaan ang mga ito sa gusto nila, tiwala naman siya na di ito papatulan ni Philip kaya hindi na siya nag-abala pa na sundan o lingunin manlang si Ace kanina. Muli siyang napatingin kay Athena na mahimbing na natutulog at napabuntong hininga. Hindi pa ‘rin ito nagigising kaya nag-aalala na siya. Wala siyang ganang magpahinga o di kaya matulog kahit malapit ng sumapit ang hating gabi. Habang pinagmamasdan niya si Athena na natutulog ay napansin niya ang kamay nito na gumalaw. “M-Mama?” tawag niya dito at maya-maya ay idinilat na nga ng tuluyan ni Athena ang kaniyang mata kaya napatayo siya. “Mama gising kana! Tatawag ako ng doctor!” aalis na sana siya ngunit nagulat siya ng hawakan ni Athena ang kaniyang kamay. “W-Wag kang umalis, Stella.” Unti-unti na napabalik ang kaniyang mata sa kinah
ANG pamilya Chan ay kilala bilang mga tsinong negosyante na siyang pinakang nakilala sa buong pilipinas lalo na sa maynila. Marami ang usap-usapan na noong sinaunang panahon palang ay andito na sila at naghahanap buhay, mayroon ‘din naman nan akapangasawa ang isang Chan ng mayamang Filipina kaya ito ang ginamit na pera upang magsimula ng negosyo. Naraming usap-usapan ngunit walang nakakapagpatunay, mailap ang mga Chan tungkol sa kanilang nakaraan o background ng pamilya. Kung baga wala silang kahit na anong impormasyon bukod sa mayroon silang kaisa-isang anak na lalaki na sa katunayan ay wala pang nakakakita dito. Kaakibat ng pagiging misteryoso nila ay marami ‘ding usap-usapan na kumakalat sa pagiging marahas ng mga Chan. Nariyan na sinasabi ng lahat na ang ka-negosyante nito ay pinapatay ng walang habas dahil ayaw nito na mayroong kahati sa Negosyo ngunit malaki itong kasinungalingan dahil magpahanggang ngayon ay marami pa ‘rin itong negosyo sa buong pilipinas at mayroong mga par
“TINATANONG kita Stella,” Napalunok si Stella nang muling magsalita si Ace. Nakatitig siya sa mga mata nito na punong puno ng pagtataka. Tumatambol na ‘rin ang kaniyang puso sa sobrang kaba at ‘di alam ang gagawin. Bigla nalamang siya nitong hinawakan sa magkabilang braso nang sobrang higpit. “Sumagot ka saakin, Stella.” Sa puntong iyon ay may diin na ang salita ni Ace kung kaya natauhan na siya at agad na lumayo na naging dahilan ng pagkakabitaw ni Ace sa braso niya. “Bakit tila naging interesado ka saakin ngayon, Ace?” ngising sabi niya dito. Kahit pa na kinakabahan siya sa maaaring susunod na mangyayari ay hindi niya ito pinahalata sa lalaki at nagpanggap na maayos ang lahat. “Bakit?” natatawa nitong sagot. “Dahil asawa mo ako! Dahil anak ko ‘yun!” muli siyang natigilan sa sagot nito ngunit matapos ang ilang segundo ay bigla siyang napatawa. Napakunot naman ang noo ni Ace at hindi makapaniwalang nakatingin kay Stella. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” nagtitimpi nitong tanong.
KONSENSYA. Iyan ang nangigibabaw ngayon kay Stella dahil sa nakikita niyang reaksyon ni Ace sa kaniyang harapan. Alam niyang hindi tama na burahin niya sa lalaki ang kanilang anak ngunit nadala lang din siya ng emosyon. Marami siyang napagdaanan at sa lahat ng iyon ay wala ito, ipinagtatabuyan siya. Sa puntong iyon ay natutulad na siya kay Ace na pinapairal ang galit. “I-I’m sorry.” Tanging nasabi niya habang yakap-yakap ang lalaki. Bigla nalamang gumati ng yakap si Ace at sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Stella ang purong emosyon sa yakap na iyon. Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. “Ako dapat ang mag sorry. Ang laki ng kasalanan ko sa’yo Stella. Sobrang laki, na maging ang anak natin ay nadamay sa pagkamatigas ko.” Napadilat siya dahil doon at agad na napahiwalay mula sa pagkakayakap niya dito. Tinignan siya ni Ace ng nagtataka. “M-May problema ba?” tanong nito na hindi niya ikinasagot at basta-basta nalamang na tumayo. “N-Nakaraan na iyon Ace. An
NAPATAWA nang pilit si Ace dahil sa narinig niya na tanong ng mga kaibigan. “Kahit ako ay hindi makapaniwala,” sabi niya habang muli nanamang tinungga ang bote na hawak. “Nag ka-anak kami na siyang itinanggi ko!” mas lalong naguguluhan ang dalawa dahil sa kwento ni Ace. Gustong-gusto na nilang malaman ang katotohanan. “A-Ace, ano ang nangyari, ikwento mo saamin.” Napatingin si Ace kay Lucas dahil doon at tinignan ito ng seryoso. “Gusto niyong marinig?” pagkatapos niya iyong sabihin ay napa-sinok pa ito ngunit sabay lang na tumango ang dalawa sa kaniya. “Sige iku-kwento ko,” at ikunuwento na ng ani Ace ang lahat sa dalawa. Wala siyang iniwan na detalye, lahat ay kinuwento nito sa dalawang kaibigan dahil alam niya na sila lang ang makakatulong sa kaniya ngayon. Naging malihim ‘man siyang kaibigan ngunit sinadya niya dahil hindi siya handa na ilabas ang katotohanan. Ngayon na nailabas na niya ito ay hindi lang siya handa, nagsisisi pa. Matapos marinig lahat ng dalawa ang sinabi ni A
MABILIS na inikot ni Stella ang kinalalagyan niya papunta sa shutgun seat upang pagbuksan ng pintuan ang lalaki. Alam kasi niya na wala pa ito sa sarili, andodoon pa ‘rin ang konsensya sa kaniyang isipan dahil sa ginawang kasinungalingan sa lalaki ngunit mas nangingibabaw pa ‘rin ang kagustuhan niya na itago ang anak dito. Pinagbuksan niya ito ng pinto at ngumiti sa kaniya ng pilit si Ace. “S-Salamat,” sabi nito at lumabas ng sasakyan. “Ako dapat ang gumagawa nito sa’yo.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng lalaki at tumingin lamang sa bahay na nasa kanilang harapan. Mayroon itong dalawang palapag, simple lang ito ngunit ang desensyo nito ay katulad ng mga bahay sa ibang bansa. Makinis na makinis ang pader at mayroong kulay na gray at cream. “Nagustuhan mo ba?” napatingin siya kay Ace dahil doon at nakita niya ito na nakatingin din sa kaniya na tila nag-aalala. Napakunot ang kaniyang noo dahil doon. “Pwede na,” tanging naisagot niya na ikinabuntong hininga ni Ace. “Sabagay mas okay n