Share

Chapter Three: Ako si Stella

HINDI makapaniwalang nakatingin ang dalaga sa lalaki na mukang ikinatauhan din nito. Bigla nalamang namula ang tenga nito at nag-iwas sa kaniya ng tingin. “H’wag kang mag-alala dahil dito ako sa sala’s matutulog!” mabilis na sabi ng lalaki at naunang maglakad sa kaniya kaya wala siyang nagawa kung di ang sumunod dito. Binuksan nito ang nag-iisang pinto sa may parte papunta kusina at binuhay ang ilaw. 

Mayroong isang papag na siguradong pang isang tao lamang, mayroon na ding isang unan at kumot ang nasa ibabaw. Mayroong isang bintana na gawa lamang sa kahoy at tinutungkuran ng kahoy kapag binubuksan, kasing laki ito ng isang malaking kahon. Mayroon ding lamesa na maliit sa tabi ng higaan at mayroong mga libro sa ibabaw. 

“Pasensya kana sa libro, mahilig kasi akong magbasa kapag walang ginagawa.” Napatingin siya sa lalaki at umiling dito. Naglakad ito papunta sa higaan at ibinaba ang bag niya doon. “Ito na ang iyong magiging higaan. Wag kang mag-alala saakin dahil sanay ako sa ganoon, dati nga sa kalye ako natutulog.” Nakita niya na parang binabalikan ng lalaki ang munting ala-ala nito sa nakaraan habang nakangiti ng mapait. 

“Maaari ba akong mag tanong?” napatingin ito sa kaniya dahil doon. “Oo, naman. Ano iyon?” nakangiti nitong sabi na ikinaiwas niya ng tingin at napahigpit ang kapit sa kaniyang kamay. “B-Bakit mo ako tinutulungan?” natahimik ang lalaki dahil sa kaniyang tanong at pagtingin niya dito ay mukang nagulat din ito sa tanong niya. “W-Wag mo sanang masamain, hindi mo ako kilala, hindi kita kilala. Kaya’t nagtataka ako.” Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at ngumisi ng nakakaloko. 

“Ikaw, bakit sumama ka saakin dito? Hindi ba’t hindi mo ako kilala? Hindi kaba natatakot na baka katulad ako ng mga lalaki kanina sa daan?” hindi niya inaasahan ang pagbabalik nito sa kaniyang tanong at para na siyang kiti-kiti na hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Nararamdaman na niya ang panlalamig ng kaniyang kamay. “A-Ah h-hindi ko alam,” kabado niyang sagot. 

“Exactly!” nagulat siya sa pagsigaw nito at napatingin dito na nakangiti na. “Ang ibig kong sabihin tama ka, ganiyan din ako. Hindi ko alam, so isipin nalang natin na matagal na tayong magkakilala okay?” wala siyang nagawa kung di ang tumango sa lalaki at naglakad na ito papalabas ng kwarto. “Maiwan na muna kita para makapagpahinga ka. Kapag nagugutom ka lumabas ka at ipagluluto na kita.” Napalingon siya dito dahil doon at sasabihin sana na h’wag na ngunit naisara na nito ang pinto. 

NAPABUNTONG hininga si Alas ng isara niya ang pinto ng kaniyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa isang babae lalo na hindi niya naman ito lubos na kakilala. Napapikit siya dahil doon at napasabunot sa kaniyang buhok, kauuwi niya lang galing sa kaniyang ama dahil kinausap siya nito. Isa pa iyon na kaniyang problema, ang kaniyang ama. 

Ipinilig nalang niya ang kaniyang ulo at dumeretsyo sa kusina. Naglabas siya ng isang delata na hindi niya kinakain dahil binili iyon ng kaniyang ama at nagbuhay ng kalan upang igisa ito. Mabuti nalang at may natira pang kanin kung kaya’t hindi na niya kinakailangan pang mag saing. Nang matapos na niyang igisa ang corn beef na alam niyang mamahalin dahil bibihira lang ang taong nakakabili nito ay tinakpan niya ito sa lamesa pati ang kanin pagkatapos ay dumeretsyo siya sa sala at nahiga sa sofa. 

Napatitig siya sa bubong ng kaniyang bahay at biglang naalala ang kaniyang ama. “Ace handa akong paaralin ka sa Maynila. Basta umalis ka lang dito at wag babalik hangga’t wala kang maipagmamalaki sa kanila.” Naipilig niya ang kaniyang ulo dahil doon. Aalis? Para saan, para maging masaya sila ng pamilya niya? Takbo sa isip ng lalaki na ikinakuyom ng kaniyang kamao. 

“Hindi ako aalis hangga’t hindi ko nakikitang miserable ang buhay ng mga Del Rosario.” Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dahil sa pagod ay hindi niya namalayang nakatulog na siya. Kasya naman siya sa sofa at malambot iyon dahil bili narin ng kaniyang ama kung kaya’t nakatulog siya agad. Ang kaibahan lang ay mas malamig doon kaysa sa kaniyang kwarto. 

Isang oras ang lumipas at nakaramdam siya ng presensya na lumapit sa gawi niya. Pinakiramdaman niya muna ito dahil alam niya na ang babaeng pinatuloy niya sa kaniyang bahay iyon. Hindi pa niya natatanong ang pangalan nito, ngunit napahinto siya sandali ng maramdaman niya ang isang malambot na kumot na tumabing sa kaniyang buong katawan. 

“Hindi pa ako nagpapasalamat sa’yo Alas,” mahinang sabi nito sa kaniya at mukang wala itong balak na gisingin siya. “Salamat sa pagtulong saakin, kung alam mo lang kung gaano ako katakot kanina.” Narinig niya ang buntong hininga nito at alam niyang aalis na ang babae kung kaya’t idinilat niya ang kaniyang mga mata at mabilis na hinawakan ang pulsuhan nito. 

Nanlalaki ang matang napalingon pabalik sa kaniya ang babae na gusto niyang ikatawa ngunit pinigilan niya. “Walang ano ‘man binibini, ano ba ang iyong pangalan?” medyo kakaiba pa ang kaniyang boses dahil galing siya sa pagtulog. Nakita niya na napalunok ang babae bago sumagot. 

“A-Ako si Stella,” napangiti siya dahil doon at binitawan na ang kamay nito’t niyakap ang kumot na ibinigay nito. “Ka’y gandang pangalan. Salamat sa kumo’t Stella.” Tumango lamang ito sa kaniya at mabilis na naglakad papunta sa kwarto. Napatawa pa siya ng napalakas ang pagsara nito ng pintuan, kitang-kita niya ang pamumula ng muka nito kanina. 

“Stella, kay gandang pangalan.” Nakangiti niyang sabi at muli ng pumikit upang ipagpatuloy ang pagtulog. 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
napaganda ng pag kakasulat ng kwentong ito pati na rin ang mga salitang ginamit ay tumugma sa lugar kong saan sila nani nirahan sa ngayon mabuhay ka binibining tagasulat nawa ay maging malawak pa ang iyong imahinasyon sa pag sulat ng Iba pang kwento ng pag ibig
goodnovel comment avatar
Rita San Juan
exciting ang story n e2
goodnovel comment avatar
Debbie Gabriel
the story is beautiful and the girl nk amaze
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status