Share

Chapter Two: Ang unang pagkakakilala

NAGLALAKAD si Stella sa gitna ng malawak na daanan na kung saan ay bibihira lamang ang mga dumadaan na sasakyan o di kaya bibihira lang ang bahay ang naroroon sa gilid ng kalsada. Siya ay nakatira sa Isabella at doon lumaki ngunit walang ibang nakakaalam na siya ay isang Montecarlos o ang nag-iisang anak ng Montecarlos.

Kahit na ganoon nagawa niyang kabisaduhin ang bawat sulok na mayroon sa kanilang bayan dahil mayroon siyang kakayanan na madaling maka-alala sa mga bagay o lugar na unang beses palang niya na makita. Alam iyon ng dalaga kaya kahit na madilim na sa daan at tanging ilaw sa poste ang kaniyang gamit na kung minsan nga ay pundi pa ang ilaw ay hindi siya natatakot na maglakad mag-isa.

Mayroon naman siyang naitabi na pera kung kaya’t nagbabalak siya na pumunta sa Maynila kung saan malayo doon lalo na at pinag-iinitan siya ng mga Del Rosario. Maya-maya ay mayroong huminto na mamahaling sasakyan sa kaniyang gilid kaya napayakap siya ng mahigpit sa kaniyang bag.

“Wow! Kung sinuswerte ka nga naman!”

Nakita niya doon ang limang lalaki na nasa loob at agad na bababa sa sasakyan kaya bago pa ‘man makababa ang mga ito ay dali-dali na siyang tumakbo sa abot ng kaniyang makakaya.

“Hoy miss! Bilisan niyo pumasok kayo sa loob at magmaneho!” sigaw ng isang lalaki at pinukpok pa ang bubong ng kotse.

Si Stella ay mabilis na tumatakbo ng walang lingon-lingon sa kaniyang likuran dahil alam niyang maaabutan siya kapag ginawa niya ito ngunit nakalimutan niya ata na sasakyan ang kaniyang kalaban sa takbuhan kung kaya’t maya-maya ay mayroong humawak sa kaniyang kamay na ikinatili niya.

“Ahhh! B-Bitawan mo ako!” lakas loob niyang kinagat ang kamay ng lalaki na siyang ikinabitaw nito sa kaniya at agad siyang tumakbo pabalik sa kanilang dinaanan kanina.

“P*tang i*ang babae yon! Bilis bumalik tayo!” galit na sabi ng lalaki habang hawak ang kaniyang kamay.

“Sino ba iyon, kilala niyo?!” sabi ng isa na siyang anak ng mayor sa kanilang lugar.

“Hindi naming kilala tol! Mukang naliligaw dito sa bayan natin!”

“Kahit sino pa siya sisiguraduhin kong malalagot siya sa ginawa niya saakin!” galit na sabi nito habang si Stella ay nakita niyang paparating nang muli ang sasakyan kung kaya’t huminto siya sa pagtakbo at muling bumalik sa kabilang daan.

“Sh*t! Mautak ang babaeng iyon!” sabi ng nagmamaneho.

“Oo at mas mautak sayo, b*bo!” galit na sigaw ng anak ng mayor at muling minaubra ng driver ang sasakyan.

“T-Tulong! Tulungan niyo ako!” sigaw ni Stella sa abot ng kaniyang makakaya habang mabilis na tumatakbo.

Maya-maya ay mayroong papadaan na isang lumang sasakyan papasalubong sa kaniya kung kayat agad siyang humarang sa pinakang gitna niyon at walang takot na hinarang ang katawan kahit pa na malaki ang posibilidan na masagasaan siya dahil mabilis din ito magmaneho.

“What?! Sh*t!” mabilis na inapakan ng lalaking driver ang kaniyang break dahil sa biglang paglitaw ng babae sa kung saan mabuti nalang at hindi niya ito nasagasaan.

Napadilat si Stella at nakita niya na wala siyang kasugat-sugat sa katawan kahit isa kung kaya’t agad niyang pinulot ang mga gamit sakto na siyang pagbaba naman ng driver ng sasakyan.

“Nasisiraan kana ba miss?! Magpapakamatay kana ba?!” galit na sabi nito sa kaniyang ngunit hindi siya pinansin ng babae lalo na at nakita niyang paparating na ang sasakyan ng humahabol sa kaniya.

“T-Tulungan mo ako! Tulungan mo ako hinahabol ako ng mga lalaking nasa kotse na iyon!”

Utal-utal na sabi niya sa lalaki at mahihimigan mo doon ang sobrang takot na ikinalingon naman ng lalaki sa itinuro ng babae at napakunot ang kaniyang noo ng makilala ang sasakyan na iyon.

‘Sasakyan ni Lee’ nasabi nalang ng lalaki sa kaniyang isip at walang pagdadalawang isip na hinila ang babae papunta sa kabilang pwesto at binuksan ang pinto.

“Pasok bilis!”

Hindi nagdalawang isip si Stella na pumasok sa loob at mabilis na bumalik ang lalaki sa driver seat at nagmaneho na tila walang nangyari. Kitang-kita ni Stella ang sasakyan ng mga lalaki at bukas pa ang bintana nito na tila hinahanap siya sa kung saan-saan.

Bigla nalamang napaiyak si Stella nang lagpasan sila ng sasakyan ng mga ito. Napalingon sa kaniya ang lalaki at hindi na nagsalita pa dahil kita niya ang panginginig ng katawan nito. Pansin niya na may yakap itong bag na nasisiguro niyang damit ito dahil sa umbok niyon at lambot na ikinailing niya. Alam niyang naglayas ang babae lalo na at walang matinong babae ang magpapagala-gala sa gitna ng gabi lalo na sa masukal na daan.

Hindi nalang niya pinansin ang ingay ng dalaga at nagmaneho papa-uwi sa kaniyang tinitirhan. Si Stella naman ay napaiyak dahil sa sobrang takot, ang buong akala niya ay makukuha na siya ng mga lalaki at mapapagsamantalahan lalo na at kitang-kita niya nag pagkasabik sa muka ng mga ito. Maya-maya ay napansin niyang huminto na ang makina ng sasakyan kung kaya’t napatigil siya sa pag iyak at napatingin sa paligid.

“Bumaba ka na miss. At kung pwede lang tumigil ka na kakaiyak dahil nakakarindi, ligtas kana kanina pa okay?”

Napalingon siya sa lalaki ngunit pababa na ito ng sasakyan kung kaya’t hindi niya namukaan ito. Mabilis ang mga pangyayari kanina kung kaya’t wala na sa isip niya na kilalanin ang muka ng lalaki. Sa di malamang dahilan ay walang takot na naramdaman si Stella at pinahiran ang kaniyang luha pagkatapos ay binuksan ang pinto ng kotse at lumabas doon.

Tanging tunog lamang ng mga kuliglig ang kaniyang naririnig sa paligid at sobrang dilim na paligid ang kaniyang nakikita. Kung wala lang ang mumunting bahay na nasa tapat ng pinagparadahan nila ay iisipin niyang nasa gubat sila. Napatingin siya sa likod ng lalaki kung kaya’t dali-dali siyang tumakbo ng tahimik upang makasunod dito.

“Wag kang mahiya—oh, anajan kana pala.”

Napayuko si Stella dahil sa biglang paglingon ng lalaki at napahinto siya sa sa pag-akyat sa hagdan. Mayroong tatlong hakbang ng hagdan paakyat sa pinakang silong ng bahay, sa terrace pagkatapos ay ang pinakang pintuan na papasok sa loob. Gawa sa kahoy ang bahay at sobrang kinis ng sahig, ‘yun ang unang napansin ni stella.

“Halika doon tayo sa loob.” Tumalikod muli ang lalaki kaya sumunod siya dito habang patingin-tingin sa paligid.

Mayroong isang lamesa sa may gilid o sa terrace mismo at mayroon din doong dalawang upuan ang kaibahan lamang dahil ang mga iyon ay gawa sa bakal katulad ng upuan na mayroon sa kanilang hardin. Binuksan ng lalaki ang pintuan kung saan bukas ang ilaw kung kaya’t kitang-kita ang loob nito. Ngunit hindi napansin ni Stella ang paghinto ng binata kaya tumama ang kaniyang noo sa matigas nitong likod.

“Aww…!” d***g niya at napahawak sa kaniyang noo. “Ang tigas naman ng kahoy—” napahinto siya sa pagsasalita ng pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatingin sa kaniya ang lalaki.

Nanlaki ang mata niya dahil doon at agad na yumuko na ikinatawa ng lalaki. Pumalibot ang lalaking-lalaking tawa nito sa paligid lalo na at tahimik doon at higit na mas matangkad sa kaniya ang lalaki habang siya ay hanggang balikat lamang nito kaya nakayuko ito sa kaniya kung tumingin.

“You know what you’re cute,” sabi ng lalaki na ikinakunot naman ng kaniyang noo at tahimik na napatanong ng ano sa kaniyang sarili. “Anong pangalan mo? Bakit ka nasa gitna ng kalsada gayong gabi na?” sumandal ang lalaki sa kaniyang kahoy na ding-ding at nag pinag-krus ang kaniyang mga braso’t tinignan lamang siya.

Naramdaman naman ni Stella ang titig ng lalaki kung kaya’t nagsimula ng manlamig ang kamay niya dahil sa hiya at napahigpit din ang yakap niya sa kaniyang bag na dala.

“Pinalayas ka ba sa inyo?” muling tanong ng lalaki na ikinatingin ni Stella saglit sa lalaki ngunit agad ding napaiwas ng tingin dahil hindi niya akalain na sobra ito kung makatitig na parang hihigupin siya nito ng buhay.

“A-Ah o-oo. P-Pinalayas ako.” Nanginginig niyang sabi ngunit nagulat siya ng biglang may humawak sa kaniyang baba at iniangat ito.

Nabitawan niya ang hawak na bag at mabilis na hinawakan ang kamay na iyon habang nanlalaki ang mga matang nakatagpo ang mata ng lalaki. Kitang-kita niya ang kakaibang kulay niyon dahil may pagkaginto ito o sadyang naduduling lamang siya ng mga sandalling iyon.

“Wag kang matakot saakin binibini, ako nga pala si Alas. Mag-isa lamang akong nakatira dito kaya kung pinalayas ka sa inyo ay pwede ka ditong manirahan hangga’t kalian mo gustuhin.”

Napakurap si Stella dahil sa sinabi nito lalo na ang malalim nitong boses ay parang musika sa kaniyang tenga. Napatitig siya sa mata nitong nakaka-akit at nagawa na din niyang mapagmasdan ang buong muka nito. Mayroon siyang matangos na ilong at makakapal na kilay at pilik-mata habang ang kaniyang mga labi ay mamula-mula na tila naglagay ng lipstick.

“Wag mo akong titigan sa labi dahil baka diko mapigilan ang sarili ko at mahalikan ko ang nakaka-akit mong mga labi.”

Napantig ang kaniyang tenga dahil doon kaya dali-dali siyang pumalag sa lalaki na ikinabitaw nito sa kaniyang baba na ikinatawang muli ng lalaki.

“Nagbibiro lamang ako binibini.” Sabi nito at tumalikod na sa kaniya. “Halika, pumasok ka sa bahay ko. Wag kang mag-alala dahil hindi ako nangangain ng tao. Pwera nalamang kung masarap,” napatayo siya ng maayos dahil doon na ikinatawa muli ng lalaki dahil natatawa siya sa nagiging reaksyon nito.

“Nagbibiro lamang ako, hahaha.” Nakahinga ng maluwag si Stella dahil doon at naglakad na siya papasok pagkatapos pulutin ang kaniyang bag.

“Maliit lamang ito sa loob dahil na ‘rin isa lang ako dito. Ang aking ama naman ay minsanan lamang kung dumalaw kung kaya’t ako lang mag-isa dito.”

Sabi ni Alas habang si Stella ay nakita ang mga nakapaskil sa dingding na mga painting na kaniyang ikinamangha. Mayroong sala doon at may sofa habang nakapaskil sa itaas nitong dingding ang dalawang malaking painting. Ang isa ay kagubatan na mayroong falls habang ang isa naman ay malawak na kalupaan at nasa gitna niyon ang isang malaking puting bahay.

“Hacienda Del Rosario,” mahina niyang sabi sa sarili. “Tama ka, iyan nga ang hacienda Del Rosario. Ang laki diba?” napalingon siya sa kaniyang gilid at nagulat siya na andoon ang lalaki na nakatingin sa painting kung kaya’t hinayaan nalang niya ito at tumingin nalang din sa painting.

“Ikaw ba ang gumuhit nito? Napakaganda,” nakangiti niyang sabi at ibinaba ang kaniyang bag pagkatapos ay sumampa sa sofa upang mahipo ang painting na iyon. Nakakuha ng attention niya ay ang kagubatan na mayroong falls, kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang gubat sa hacienda Del Rosario.

Minsan na siyang nakapunta doon dahil narin nagkakadugtong ang hacienda nila at hacienda ng mga Del Rosario ay nagagawa niyang makatakas papasok sa kalibliban ng gubat.

“Maraming salamat, ako nga. Alam mo ba na andito tayo ngayon?”

Mayroon itong itinurong lugar sadulo ng kanang parte ng painting ng hacienda Del Rosario na ikinagulat ng dalaga.

“Nasa lupain tayo ng Hacienda Del Rosario?!” gulat niyang sigaw.

“Easy ka lang binibini but yes. Nasa dulo tayo, ngunit wag kang mag-alala dahil hindi ito pinapansin ng mga Del Rosario.”

Kumalma si Stella dahil sa sinabi ng lalaki lalo na at tama ito. Kaya niya nagagawang makapuslit sa lupain ng mga Del Rosario dahil walang bantay sa parteng kinalalagyan nila kung saan madalas siyang pumuslit. Ngunit ngayon niya lamang nakita ang bahay na iyon, marahil dahil narin sa sobrang laki ng ari-arian ng mga Del Rosario kaya hindi na niya naabot ang lugar na ito.

“B-Bakit ka nandito? Paano ka nakapagtayo ng bahay dito?”

“Dahil sa aking ama, nagtatrabaho din ako sa mga Del Rosario kaya ganoon.” Kibit balikat na sabi ni Alas at tumingin sa kaniya. “Hindi mo ba ako kilala?” seryosong tanong ng lalaki na ikinakunot ng noo ni Stella.

“Ikaw si Alas hindi ba? Kasasabi mo lang kanina,” napatawa ang lalaki dahil sa sinabing iyon ng babae at hindi na napigilan na pisilin ang pisnge ng babae. “Aww…!” reklamo ni Stella dahil sa sakit.

“Pasensya na, ang cute mo kasi! Pero mabuti narin na hindi mo ako kilala, wag kang mag-alala dahil welcome na welcome ka sa bahay ko.” Nakangiting sabi ni Alas na ikinatigil sandali ng babae dahil mas lalo itong gumwapo dahil doon. Bumaba na ito sa sofa kaya agad siyang lumingon muli sa painting.

“Sandali, iyong kagubatan na iyon. Bakit mo siya ipininta?”

Napatigil ang lalaki sa paghakbang at lumingon sa kaniya pagkatapos ay tumingin sa painting na ikinangiti niya ng mapait.

“Sa lugar na ‘yan ako ipinanganak at jan ko ‘din huling nakita ang aking ina.”

Natigilan si Stella dahil sa sinabi ng lalaki ngunit tumingin nalamang ito sa kaniya at iniangat ang kamay upang hawakan niya at nang maayos siya makababa mula sa sofa. Tinanggap naman niya ito at humingi ng tawad sa lalaki.

“Patawad sa aking kalapastangan,” sabi niya na ikinailing lamang ng lalaki.

“Wala ‘yun ano kaba! Tiyaka ba’t ang lalim mo masyadong magtagalog huh?” nakangiti nitong tanong. “Dudugo ata ilong ko sa tagalog mo eh,” dugtong pa nitong sabi.

“Hindi kasi ako nakapag-aral kaya pasensya na lalo na at hindi ko maintindihan ang mga ingles na sinabi mo kanina,” nagulat ang lalaki dahil sa sinabi nito na siyang ikinabitaw ni Stella sa kamay ng lalaki at napaiwas ng tingin dito pagkatapos ay pinulot ang kaniyang bag.

Nagulat siya ng kinuha bigla ng lalaki ang bag niya. “H’wag kang mag-alala dahil tuturuan kita hangga’t andito ka sa aking puder.” Agad siyang napalingon sa lalaki dahil doon at mayroon siyang gulat na ekspresyon.

“Totoo?!”

Ngumiti ang lalaki at muling pinisil ang kaniyang pisnge.

“Totoong-totoo! Halika ipapakita ko sayo ang kwarto, kaso isa lang iyon.”

Biglang nawala ang pagkatuwa ng dalaga dahil sa kaniyang narinig.

“Isa lang ang kwarto?!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status