NAIINIS na napahigpit ang kapit ni Ace sa kaniyang cellphone ng makita ang ka-sesend palang na number ni Philip na sinasabing kay Stella daw. “Paano siya nagkaroon ng number ng asawa ko? At anong nagpalit ng numero?” gusto na niyang itapon ang kaniyang cellphone ngunit kailangan niya pang tawagan si Stella kaya hindi niya iyon ginawa. Matapos ang ilang ring ay sumagot ito sa kaniya. Nang malaman na mayroon daw itong pinuntahang importante sa ganoong oras ay mas lalo siyang nainis. Ayaw ‘man niyang isipin ngunit si Philip agad ang pumasok sa kaniyang isip na kinita ng babae. “Pupunta na ako sa ospital.” Iyon ang huling sinabi ni Stella at nawala na ito sa kabilang linya. Napatingin nalang siya sa cellphone niya ng ilang sandali at agad na umalis ng kanilang bahay. Nakatulog na kasi siya sa pagbabasa ng mga libro na ibinigay ni Philip at tanging tawag sa ospital ang nagpagising sa kaniya. Mabilis siyang nakasakay sa sasakyan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Ilang minuto lang a
NAKAUPO habang nakahawak sa manibela ng kaniyang sasakyan si Stella matapos niyang magmadaling umalis ng marinig ang sinabi ng doctor. Gusto niyang umiyak ngunit naiisip niya ang masakit na katotohanan na noong una palang ay sinabi na ng doctor na maghanda na sila sa paglisan ni Athena sa kanilang mundo. Kahit na ganoon ay isang buwan pa ‘rin ang inaasahan niya. Isang linggo na ang nakalipas matapos na malaman nila ang tungkol sa sakit nito tapos ngayon na nabawasan pa ang natitirang araw nito at tila mas lalo siyang na-pepressure sa mga susunod na mangyayari. Nasunod na naman niya ang hiling nito na mapakasalan ang anak ngunit ngayon na hindi nito maalala si Ace ay tila hindi ito sapat para mapasaya ang ginang. Susundin niya naman ang kagustuhan nito na tulungan si Philip ngunit hindi ganoon kadali ang lahat. Maraming proseso na kailangang pagdaanan. “Anong gagawin ko?” napayuko nalamang siya sa kaniyang manibela dahil doon. Nag-iisip siya ng paraan para kahit papaano ay makita ni
“PWEDE naman na umalis ng ospital si Mrs.Devellian pero hindi pwedeng mapagod. Kung kinakailangan na nasa isang tabi lang siya ay maaari. Sa loob lang ng bahay hindi pwedeng ilabas.” Iyan ang bilin ng doctor sa kanila ng ipaalam ng mga ito ang kagustuhan ni Athena na sumama sa bahay nila ni Ace. Dahil doon ay wala silang nagawa kung di ang pumayag sa gusto nito basta may dala itong wheelchair at doon ang kwarto niya sa baba. Mabuti nalamang at mayroong bukod tanging guess room sa baba para sa mga ayaw umakyat sa hagdan. Nagpasiya silang umalis mga alas otso ng umaga kaya pinatulog muna nila si Athena para mas makapagpahinga pa ito. Kanya-kanya silang pwesto sa kwarto habang si Lucas at Harris naman ay umuwi na, pupunta nalamang daw ang mga ito sa bahay nila Ace sa hapon. Nakaupo si Stella sa sofa habang nasa tabi niya si Ace at nakapatong ang ulo sa kaniyang balikat. Hindi pa sila nag-uusap ng lalaki ngunit hindi niya ‘rin maintindihan ang sarili kung bakit hinayaan niya ito na s
TATLONG taon na ang lumipas magmula ng simulang itayo ni Stella ang MonReal State sa tulong ni Athena. Si Athena ang nag-push kay Stella na ituloy ang negosyong ito, wala sana siyang balak mag negosyo ngunit naisip niya na malaking tulong ito sa kaniya pagdating nang araw. At ang araw na iyon ay alam niyang nalalapit na. Sa ilang taon n alumipas ay hindi nahirapan ang kaniyang kumpanya na sumabay sa mga malalaking kumpanya sa Real State. Bukod sa magaling siyang makipag-negotiate ay magaling din siyang kumilatis ng lugar na pagtatayuan ng mga bahay. Walang mintis na lahat ng kaniyang mga village ay nagkaka-ubusan dahil sa daming gustong tumira dito. Kapag MonReal na ang pinag-uusapan ay marami ang nagkakandarapang makausap ang kahit na sinong nagtatrabaho dito. Pinili ni Stella si Vanessa, ang kaniyang sekretarya na walang ibang nakaka-alam kung di si Athena lamang dahil si Vanessa na talaga ang pinapaharap niya sa mga business partners nila at sa media. Lahat ng mga kanegosyante
HINDI makapaniwalang nakatingin si Ace kay Abby dahil sa sinabi nito. “Abby anong sinasabi mo? Wag kang gumawa ng gulo!” mahina na bulong niya kay Abby ngunit hindi nagpatinag ang babae at mas nilakasan pa ang kaniyang boses. “Hindi ako gumagawa ng gulo Alas, gusto ko lang malaman ang totoo!.” Dahil sa sinabing iyon ni Abby ay doon na kusang napakunot ang noo ni Athena. “Alas?” napatingin si Stella kay Athena dahil doon. “Doon nga tayo mag-usap sa sala.” basta nalamang hinila ni Ace ang kamay ni Abby papunta sa living room habang naiwan naman sila Stella at Athena sa kusina. “Stella tama ba ang narinig ko? Alas ang itinawag sa kaniya nung babae?” Tumango si Stella dahil sa tanong nito at napatahimik naman ang matanda. “Totoo ang sinasabi sayo ng asawa ko na anak mo siya mama. Ikaw ang may gusto na maikasal kami.” Muli itong napatingin sa kaniya. “A-Anong sinasabi mo patay na ang anak ko!” Hindi na nais pang patulan ni Stella ang matanda kaya tumango nalamang siya dito. Sa hinula
“MARAMING salamat Alas! Maraming salamat!” Biglang niyakap ni Abby si Ace na ikinangiwi nito. Hindi niya ginantihan ang yakap ng babae at nakalapad lang ang kamay nito palayo sa dalaga. “O-Oo na Abby, sige na umalis ka na jan at baka makita ka ng asawa ko.” Sakto pagkasabi ni Ace ng katagang iyon ay lumabas si Stella mula sa kusina na katatapos lang linisan ang naiwang pinagkainan nila. Biglang humiwalay si Abby kay Ace mula sa pagkakayakap at mabilis na hinalikan si Ace sa pisnge nito. “Thank you, Alas!” Napairap si Stella dahil sa kaniyang nakita at nagtuloy-tuloy sa paglalakad paakyat sa itaas. Si Ace na nagulat dahil sa ginawa ni Abby ay mas nagulat siya ng makita na dumaan si Stella. “T-Teka Stella!” hahabulin na sana ni Ace si Stella na umakyat na ng hagdan pero pinigilan siya ni Abby. “Dito ka lang, nagugutom na kasi ako diko kabisado ang bahay niyo.” Paawa effect na sabi ni Abby kay Ace kaya wala siyang nagawa kung di ang tanawin si Stella na papaakyat sa taas. *** “H
“ABBY, ayaw ko sanang maging bastos pero kung sana lang ay itigil mo na kung ano ang binabalak mo.” Napahinto ang kasama ni Ace sa kusina habang tumatawa ng bigla siyang magsalita. Simula ng pumasok na sa loob ng kwarto sina Stella at ang mama niya ay nakikisakay nalamang siya sa dalaga. Sa totoo lang ay naiinis na siya dahil nararamdaman niya ang kakaibang balak ni Abby. Matagal nang walang koneksyon sa pagitan nila ni Abby kaya nakakapang hinala para sa kaniya ang lahat ng iyon. “B-Bakit Alas, m-may nagawa ba akong mali? D-Di ba masarap ang luto ko?” nakita niya na naiiyak na si Abby sa kaniyang harapan kaya.napailing siya. “Hindi sa ganoon Abby, ang ibig kong sabihin ay wag mong sirain ang relasyon namin ni Stella. Pinatuloy kita dito para pansamantalang tulungan ka lalo na at dika na naiiba saakin dahil kabaryo kita.” Hindi nakasagot ang babaeng nasaharapan ni Ace kung kaya tumayo na siya. “Masarap ang luto mo Abby, wala akong problema sa’yo sa ngayon pero kapag pamilya ko ang
LUMAPIT siya sa kinalalagyan ni Athena at ng lapitan niya ito ay niyogyog niya ang balikat ng matanda dahil tila nanaginip ito habang tulog at umiiyak. “M-Mama! Mama!” ginigising niya ito mula sa pagkakatulog at inabot ito ng halos sampung segundo at kusang dumilat ang mga mata nito. Nagtama ang kanilang mga mata at bigla nalang itong bumangon at niyakap siya. Nagulat si Stella sa naging kilos ng babae at niyakap ito ng mahigpit. “Mama ayos ka lang po ba? Anong nangyari sa’yo, may masakit po ba?” sunod-sunod na tanong niya sa matanda ngunit nagsimula nanaman itong umiyak. Hahayaan niya muna sana ito dahil doon ngunit kusa na itong nagsalita. “N-Nanaginip ako Stella, at sa panaginip na iyon ay hindi ko na daw maalala ang anak kong si Ace at kung ano-anong masasakit na salita ang nasabi ko sa kaniya.” Natigilan si Stella dahil sa narinig. Maging ang kamay na kaninang humahagod sa likod ng matanda ay natigil dahil doon. “A-Alam ko na kapag tumagal ay lalala ang sakit ko Stella pero hi