Share

Chapter 2

"Ano po??"

"Ang sabi ko alis! Umalis ka sa bahay namin at wag kanang bumalik!!" 

"Pasensya na po pero ang daddy mo lang ang may karapatan na magpa-alis sakin." Mahinahon nitong sabi, napangisi naman ako.

"Eh, di aantayin ko nalang na umalis ka ng kusa." Mahinang ani ko sa sarili pero mukhang narinig niya iyon.

"Hindi po mangyayari iyon."

"Really?" Tinignan ko siya sa mata at tumango-tango lang ito.

"Kumain na po kayo Ms. Vee, sabi ng dad niyo ipagluto daw po kita."

"Hindi na, busog ak--" bigla namang tumunog iyong tyan ko. Napaiwas nalang ako ng tingin kase nag pipigil siya ng tawa ngayon at nakakahiya kase tumunog ang tyan ko.

Umupo nalang ako at nagsimulang kumain. "Paki on ng tv." Utos ko sakanya at ginawa niya naman.

Pagka on ng tv, lumabas naman ang mukha ni daddy at may mga tao pa sa likuran niya, may interview yata tsk.

"Sobrang bait talaga ni Mr. Wisconsin, paniguradong mahal na mahal ka ng anak niyo." 

"Oo naman at mahal na mahal ko din siya, hindi ko kakayanin kong mawawala ang anak ko sakin." Naibuga ko naman iyong kinakain ko at napahalakhak ng malakas.

Plastik! Ako mahal na mahal niya?! Seryoso ka dad??

"Okay ka lang Ms. Vee??"

"Tumahimik ka nga! Ang daldal mo!" Pinanlakihan ko siya ng mata at inirapan.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto, napatingin ako sa phone ko ng bigla itong mag ring at agad kong sinagot iyon ng makitang si Rhea ang tumatawag.

[Hello Vee!! Shopping tayo ngayon!!] Exited nitong sigaw sa kabilang linya, inilayo ko naman ang phone ko ng kaunti kase nakakabingi ang boses niya.

"Grabe! Hinaan mo nga yang boses mo di naman ako bingi Rhea!!" Sigaw ko din sakanya. Narinig kong tumawa siya kaya tumawa na din ako.

[Exited lang ako kase maraming discount don sa mall sabi ni Wendy sakin ngayon-ngayon lang--] di na niya natapos ang sasabihin, bigla-bigla nalang naputol iyong linya.

"Vee!!!" Nagulat ako ng may tumatawag sa pangalan ko mula don sa labas. Mabilis akong tumayo at sumilip sa bintana, napatawa nalang ako ng makita si Rhea at Wendy na kumakaway pa sakin.

"Vee!! Halika na!" 

"Sandali lang!!" Sigaw ko pabalik.

Naligo muna ako at nag bihis tapos lumabas na nang kwarto.

"May lakad ka Ms. Vee?" Tanong nito sakin.

"Oo at hindi ka kasama."  Inirapan ko siya at lumabas ng bahay.

"Grabe ka Vee! Pinag antay mo kami ng mahigit isang oras ah!" Inis na saad ni Wendy at niyakap din naman nila akong tatlo.

"Ms. Vee antayin mo po ako!" Kunot noo akong lumingon sa likuran ko. Ano pa nga bang inaasahan mo Vee?! Syempre sasama yan sayo para bantayan ka no!

"Sino yan Vee? Bagong bodyguard mo na naman??" Pabulong na tanong ni Rhea sakin at tumango nalang ako.

"Grabe napaalis muna iyong bodyguard na kaka-hired lang ng dad mo kahapon?"

"Syempre ako pa! Expert kaya ako sa ganyan." Pag mamayabang ko sabay kinindatan silang dalawa. Nilingon ko iyong lalaki at papalit-palit lang ang tingin niya sa aming tatlo, para bang naguguluhan siya kung ano ang pinag-uusapan namin.

"Pero Vee, salamat naman at medyo may etchura itong na hired ng dad mo, di katulad nong iba na parang mapapatakbo ka nalang sa takot ng mga--"

"Shhh! Ikaw talaga itikom mo nga iyang bibig mo!"

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ni Rhea don sa lalaki.

"Keven po." Magalang nitong sagot.

"Grabe kong maka po sayo oh, parang ang tanda-tanda mo na." Natatawang saad ni Wendy kay Rhea.

"Ilang taon ka na ba Keven??" Ganyan talaga sila, parang nang i-interview kapag may new bodyguard ako.

"20 years old."

"Pfft, 6 years ang gap niyo Rhea!" Humalakhak pa ng tawa si Wendy.

"Kayong dalawa tumigil na kayo sa kakadaldal!"

"Oo, na!"

"Halika ka na Vee." Hinawakan nila pareho ang kamay ko, sumunod naman samin si Keven.

"Ms. Vee!" Tawag niya sakin at pinag binuksan ang pintuan ng kotse.

"Eh? Vee may dala akong sasakyan." Giit ni Rhea.

"Ako din kaya may dalang sasakyan no!"

"Ms. Vee ang bilin ng daddy mo sakin ay kung aalis ka, itong sasakyan ang gagamitin."

"Sige na nga, wala naman tayong choice eh." Pumasok nalang kami don sa loob at si Keven na ang nag drive.

"San po ba kayo pupunta?" Kita kong sumulyap-sulyap si Keven saamin.

"Pupunta ako sa langit sasama ka?" Malanding tanong ni Rhea kay Keven.

"Po??"

"Ikaw talaga Rhea puro kalokohan." Kinurot ko ang tagiliran niya at mahina naman siyang napadaing.

"Sa mall kami pupunta." Ani ko at napairap.

"Puntahan mo na natin sila!" Medyo nagulat naman ako kay Wendy.

Sinabihan ko si Keven na puntahan muna namin iyong ina pa naming kaibigan. 

Nandito na si Elena at Jenna, si Billie nalang ang kulang. Ang kaibigan namin bakla. Lumabas kami ng sasakyan at nandito kami ngayon sa labas ng bahay niya.

"Billie!!" Sigaw ni Jenna.

"Hoy! Wag kang sumigaw baka marinig ka ng daddy non!" 

"Yaya nandyan ba si Billie?" Tanong ni Jenna don sa katulong.

"Nasa kwarto yata niya nag kukulong, nag away sila nong daddy niya kanina eh." Wika nito.

"Pwede bang pumasok?" Hindi pa siya nakasagot ay nagsi-pasok na kaming lahat.

"Sino--oh, kayo pala Vee!" Nag mano ako sa daddy ni Billie. Ninong ko siya at matalik siya na kaibigan ni daddy.

"Pwede po bang sumama si Billie samin Ninong?" Pakiusap ko at nag pout pa.

"San ba kayo pupunta?"

"Ahh...ehh..." Napalingon ako sakanilang apat at pati narin don kay Keven.

Ano ba yan! Anong sasabihin ko ayayain  namin ang anak niyang mag shopping??

"Ano po...kakain lang kami sa restaurant." Saad ko sabay napalunok.

"Tama po si Vee! Kakain lang kami at hindi mag sho-shopping heheh." Matalim ko namang sinulyapan si Rhea at ganon din naman iyong iba ko pang kaibigan.

"Pahamak ka eh, itikom mo nalang bibig mo Rhea." Mahinang sabi ni Elena at kita kong kinurot niya pa ang siko ni Rhea.

"Aray ko--" tinakpan ni Jenna ang bibig nito.

"Okay ka lang ba yang kaibigan mo Vee?"

"Ah, opo Ninong. Oyy lumabas na nga muna kayo ako na bahala dito!" Lumabas naman sila at kumaway-kaway pa talaga sakin.

"Mga baliw." 

"May sinasabi ka ija?"

"Wala po, pwede na po bang sumama si Billie samin??" Ngiting tanong ko.

"Oh, sige. Puntahan mo nalang siya sa kwarto niya." 

Umakyat naman ako ng hagdan at bubuksan na sana ang pintuan kaso bigla lumabas si Belly sa kwarto niya, kambal siya ni Bellie. 

Iba nga lang siya kase itong si Bellie bakla, iyong kambal niya lalaking-lalaki talaga.

"Hey, Vee!" Tinaas niya pa ang kamay niya. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo.

"Ang sexy mo ah, nag sisimula tuloy uminit katawan ko dahil sayo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status