แชร์

Waitress

ผู้เขียน: Nelia
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-08 07:24:40

Alexandra POV

Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko habang suot ko ang ibinigay nilang uniporme. Isang simpleng puting polo shirt na bahagyang maluwag sa akin, at isang itim na palda na sadyang napakaikli—halos umabot lang sa itaas ng tuhod ko.

Tinitigan ko ang sarili ko sa maliit na salamin sa paligid. Hindi ako sanay. Hindi ito ang uri ng damit na suot ko noon kapag pumapasok ako sa eskwelahan o lumalabas kasama ang pamilya ko. Nakakahiya. Parang ibang tao ang nakikita ko sa salamin. Hindi ko akalain na dahil lang sa isang pagkakamali, dahil lang sa pagiging bulag ko sa pagmamahal, ay dadalhin ako ng kapalaran sa ganitong uri ng trabaho, sa ganitong uri ng lugar, at sa ganitong paraan ng pamumuhay. Yung dating Alexandra na puno ng pangarap at dangal, parang napalitan na ng babaeng kailangang ibaba ang sarili para lang mabuhay.

Huminga ako nang malalim at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Para sa kanila, Alexandra. Para kay Nanay, para sa mga kapatid mo, at para sa anak mo. Kaya mo 'to," bulong ko sa sarili ko habang hinahaplos ko nang dahan-dahan ang tiyan ko na bahagyang umuumbok pa rin kahit pilit kong tinatakpan ng damit.

Dumating si Lala, ang manager namin. Isang babaeng matapang ang mukha pero mabait ang mga mata. Pero mabait siya sa akin. Alam niya ang kalagayan ko—alam niyang nagdadalang-tao ako—kaya naging maunawain siya agad sa akin.

Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa mesa na may laman na mga gamit sa pagpapaganda.

"Halika na, maglalagay ka ng kaunting kolorete sa mukha mo. Ito ang isa sa mga kinakailangan dito," utos niya nang may ngiti.

"Kailangan po ba talaga, Ma'am Lala?" nahihiyang tanong ko. Naalala ko tuloy si Artur. Siya yung dahilan kung bakit ako naglalagay ng make up dati. Gusto kong maging maganda sa paningin niya pero kulang pa rin pala ako sa kaniya.

Tumawa siya nang mahina. "Oo naman, iha. Ito ang panuntunan dito. Hindi kailangang sobrang ganda, sapat lang na presko at masaya ang tingin sa iyo. Para matuwa ang mga parokyano."

Sinunod ko siya. Tinulungan niya akong maglagay ng kaunting kolorete sa pisngi at pampaganda ng kilay at labi. Nang matapos, muli akong tumingin sa salamin. Mas maliwanag ang mukha ko, parang nabawasan ang pagkaputla dulot ng hirap at gutom, pero sa kabila nito, ramdam ko pa rin ang lungkot sa mga mata ko.

"Ayan, mas bagay sa'yo," puri ni Lala. "Tandaan mo ito, Alexandra: basta dapat laging nakangiti kapag naghahain ka. Iyon lang ang kailangan mong gawin. Madali lang naman ang trabaho mo dito. Ang tunay na kalaban mo lang talaga ay ang puyat pero masasanay ka rin."

Tumango ako nang buong puso. Alam kong hindi ito magiging madali, pero wala akong ibang pagpipilian.

"Opo. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para magtagal sa trabahong ito. Kailangan na kailangan ko po kasi ng pera, lalo pa at buntis ako." sagot ko nang may halong determinasyon ang boses ko.

Tinapik niya ang braso ko bilang pampalakas ng loob.

"Alam ko 'yan, at naiintindihan kita. Kaya nga sinasabi ko sa'yo, kapag maganda ang serbisyo mo—kapag magalang ka at palaging nakangiti—malaki ang magiging pakinabang mo dito. Ang mga parokyano dito ay mga mayayaman at mga taong makapangyarihan. Kapag nagustuhan ka nila, hindi ka nila pababayaan. Hindi ka uuwing walang dala, maniwala ka sa akin. Sa tip pa lang makakaipon ka na,"

Napalunok ako habang nakikinig sa kanya. Ang ibig sabihin ba nito ay kailangan kong aliwin sila? Kailangan kong pagtiyagaan ang mga tingin at usapan nila kahit minsan ay hindi na maganda? Kinabahan ako, pero naisip ko agad ang mukha ni Nanay na nagtitiis sa tubig at asin. Naisip ko ang gutom na nararamdaman ko at ng dinadala ko.

"Opo, susundin ko po ang lahat ng sasabihin niyo," pangako ko.

Sinimulan ko na ang paglilibot sa malaking bulwagan. Maingay ang paligid, puno ng tawanan, musika, at amoy ng alak at usok na halos masuka ako sa simula. Dala-dala ko ang tray na puno ng mga bote ng alak at baso. Naglalakad ako nang maingat, sinusubukang huwag matisod o matapon ang dala ko habang nararamdaman ko ang iba't ibang tingin ng mga lalaking naroon.

May mga tinging masaya, mayroong mapaglaro, at mayroon ding nakakakilabot. Pero gaya ng bilin sa akin, pinilit kong iguhit ang ngiti sa labi ko kahit ang totoo ay parang gusto ko nang tumakbo palayo. Nilapitan ko ang bawat mesa, ibinaba ang inumin, at pilit na nagsasalita nang magalang sa kabila ng takot at hiya.

At totoo nga ang sinabi ni Lala. Kapag natutuwa sila sa pag-aasikaso ko, naglalagay sila ng malalaking tip sa ibabaw ng mesa bilang pasasalamat. Sa bawat pagkakataon na nakakakuha ako nito, parang lumulutang ang puso ko sa tuwa. Ito na ang perang pambibili ko ng pagkain. Ito na ang paraan para hindi na sila Nanay manghingi sa kapitbahay.

Kahit bawat hakbang ay parang pabigat na sa paa ko, kahit parang nahihiilo ako sa amoy ng paligid, at kahit pakiramdam ko ay dinadagdagan ko ang kahihiyan ko sa sarili ko, tinitiis ko ang lahat. Bawat pisang salapi na natatanggap ko ay katumbas ng pag-asa para sa pamilya ko. Bawat ngiting pilit ko ay kapalit ng kinabukasan ng batang nasa sinapupunan ko.

"Kakayanin ko ito," bulong ko sa sarili habang mahigpit na hawak ang kakarampot kong kita. "Para sa ulam nila bukas, kaya kong tiisin ang lahat ng ito."

Pagkatapos ng mahabang oras ng pagtayo, paglalakad, at pagngiti sa mga taong hindi ko naman kilala, sa wakas ay narinig ko na rin ang hinihintay kong utos—oras na para umuwi.

Paglabas ko ng pinto ng club, agad kong kinuha mula sa bulsa ko ang perang kinita ko sa buong gabing iyon. Nanginginig ang mga kamay ko habang binibilang ito nang dahan-dahan sa ilalim ng madilim na poste ng ilaw sa kalsada.

Walong daang piso.

Halos mapalundag ako sa tuwa nang matapos ko ang pagbilang. Walong daang piso! Para sa iba, maliit na halaga lang ito. Siguro ay pambili lang ito ng isang gabi nilang kasiyahan dito. Pero para sa akin, para sa pamilyang halos walang makain kahit kanin lang, ito ay napakalaking yaman. Parang milyon ang halaga nito sa paningin ko ngayon. Yung iniisip ko kaagad yung mga bibilhin namin bukas.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko, pero sa pagkakataong ito, luha ito ng tuwa at ginhawa. Ang sakit ng paa ko, ang bigat ng talukap ng mata ko dahil sa antok, at ang hiya na naramdaman ko kanina—lahat ng iyon ay parang nabura agad dahil lang sa makapal na pirasong papel na hawak ko ngayon.

"May pera na tayo, anak," bulong ko sa tiyan ko habang hinahaplos ito. "Bukas, hindi na tayo magugutom. Hindi na sila Nanay magtitiis sa tubig at asin."

Naglakad ako pabalik sa amin na parang lumulutang sa tuwa. Kahit pagod na pagod ang katawan ko, parang may pakpak ang mga paa ko dahil sa sobrang saya. Bawat hakbang ko ay puno ng pag-asa.

Pagdating ko sa bahay, tahimik na ang paligid. Tulog na silang lahat. Dahan-dahan akong humiga sa tabi ni Nanay, pero hindi ako agad nakatulog. Nakayakap ako sa perang iyon na nakatupi sa aking palad. Iniisip ko na ang mga bibilhin ko bukas.

Bukas... bukas may pambili na kami ng pagkain.

Hindi na kami manghihingi ng toyo o asin sa kapitbahay. Makakabili ako ng sariwang isda, ng gulay, at kahit kaunting karne para naman makatamis ang aming hapag-kainan. Makakapagluto si Nanay ng masarap na sabaw na papawi sa gutom ng mga kapatid ko. Makakakain kami nang marami hanggang sa mabusog.

At hindi lang iyon!

May pang-baon na rin ako papuntang eskwela.

Hindi na ako lalakad nang walang dalang pagkain o pera tulad ng mga nakaraang araw. Makakabili ako ng meryenda kapag oras ng pahinga, at may pamasahe na rin ako para hindi ko na kailangang lakarin ang malayo. Ang pangarap ko ay unti-unti nang nabubuo muli, kahit pa dumanas ako ng matinding hirap.

Sa wakas, nakaramdam ako ng ginhawa sa kabila ng lahat. Kahit pa mabigat ang pinagdaanan ko ngayong gabi, sulit na sulit ito. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman kong kaya kong tumulong. Kaya kong ibigay ang pangangailangan namin gamit ang sarili kong pawis at pagod.

Nakangiti ako habang dahan-dahang nilalamon ng antok ang diwa ko. Bukas ay panibagong araw. Bukas ay magiging mas magaan ang buhay namin kahit paano, dahil sa kakarampot kong kinita ngayong gabi.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Aileen Bautista
blvififn h hjk jj
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    cheating husband

    ELARA’S POVHindi ko alam kung alin ang dapat kong maramdaman habang nakatingin sa kisame, tulog pa rin sa tabi ko si Kelly na parang walang mabigat na kasalanan na ginagawa sa akin.Sa isip-isip ko, Dapat ba akong magpasalamat? O dapat ba akong magtanong nang paulit-ulit?Na dapat bang magpa salamat ako sa Diyos dahil maaga pa lang ay ipinakita na niya sa akin ang totoo at panloloko ng asawa ko? O tatanungin ko siya nang "bakit naman ganun kaaga? Bakit kailangang ngayon pa? Kakakasal lang namin. Sariwa pa ang mga pangako sa harap ng altar. Bakit kailangang ganito kabilis mabunyag ang lahat?"Sobrang sakit. Parang hinahati ang puso ko sa dalawa. Sa isang banda, alam kong mas mabuti nang nalaman ko na ngayon kaysa nagpatagal pa ako nang ilang taon bago mahuli ang lahat. Mas mabuti nang hindi ako nagpatuloy sa paniniwalang masaya ako habang niloloko lang pala ako nang paulit-ulit.Pero sa kabilang banda… bakit kailangang ganito kasakit? Bakit kailangang sa mismong simula pa lang ng b

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    the truth

    ELARA’S POVParang panaginip lang talaga ang lahat. kahapon lang single ako tapos ngayon may singsing na ako sa daliri ko at kasama ko na ngayon pang habambuhay ang lalaking mahal na mahal ko. A dream come true. Iyon ang pakiramdam ko habang nasa biyahe kami papunta sa aming honeymoon destination—yung perpektong simula na matagal ko nang pinapangarap. Dito kami magha-honeymoon sa isang eksklusibong eight-star hotel, halos mga sikat at mayayaman lang ang nakakapunta dito, at pamilya ko ang nasa likod ng lahat ng ito. Gusto nilang siguraduhin na magiging flawless ang simula ng aming buhay bilang mag-asawa. After dito, lilipad naman kami papuntang Maldives. Pagpasok pa lang namin sa suite, namangha na ako. Napakalawak ng kwarto, may malalaking bintana na nakatanaw sa karagatan, at ang kama ay napakalaki at napakalambot parang ulap. Puno rin ng mga sariwang bulaklak na nagbibigay ng mabangong amoy sa buong kwarto—lahat inihanda para lang sa amin."Ang ganda, 'di ba?" tanong ko sabay

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Red flag

    ELARA’S POV Kanina pa ako puno ng kasiyahan —halos hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nakatayo ako sa altar. Lahat ay parang panaginip. Ang ganda ng simbahan, ang piling taong nandito para sa amin, at nasa harap ko si Kelly—ang taong pinili kong makasama habambuhay.It was like a Fairytale to me. Im the Princess and I am here standing with my Prince. Dalawang salita na lang ang iniintay kong lumabas sa kaniyang bibig nang biglang bumagsak si Elisse… doon ako nagtaka. Nakita ko kung paano tumakbo agad pababa si Kelly. Mabilis, parang hindi nag-isip, parang may higit pa sa pag-aalalang kaibigan o katrabaho. Medyo nagulat ako, oo. Bakit ganoon siya kabilis kumilos? Maid of honor ko naman si Elisse, hindi ba? secretary niya lang. pero bakit iniwan niya ako sa gitna ng altar para lang puntahan si Elisse? Like, Hello no! That’s Red flag. Buti pala pinigilan siya ng mga magulang niya. Alam kasi nilang mali yon. Pero nang marinig ko ang sinabi ng Mommy niya—"Leave it to them. Your

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    faint

    KELLY’S POVNang gabing iyon, bago ang araw na magbabago ang lahat ng aking buhay, nagkita kami ni Elisse. I know I shouldn’t have gone—alam kong lalo lang naming sasaktan ang isa’t isa—but I couldn’t help myself. Parang may humihila sa akin papunta sa kanya, parang kailangan ko siyang makita. Ayokong sabihin na ito ang huling pagkikita namin. Nagkita kami sa isang tahimik na lugar, malayo sa ingay ng siyudad, malayo sa mga taong nakakakilala sa amin. Nang makita ko siyang lumalapit, parang dinurog ang puso ko. Gusto kong pagsisihan na ginulo ko pa ang buhay niya. We promised na walang magbabago. kami pa rin kahit magkasalungat na ako. pero alam kong kalupitan lang yung idea na yon. masasaktan lang si Elisse.She looked so thin, so pale, and I could see the exhaustion in her eyes—hindi lang dahil sa dami ng inayos para sa kasal, kundi dahil sa bigat ng dinadala ng kanyang puso. Ang babaeng pinangakuan ng pagmamahal pero hindi ang pakakasalan. "Kelly… bakit mo pa ako pinapunta?" bung

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    pain

    ELISSE’S POV Of all people sa akin pa talaga humingi ng tulong itong si Elara. Kung pwede daw na tulungan ko siya sa preparations ng wedding. Gusto kong tumanggi. Gusto kong sabihin na iba na lang kasi hindi ko kaya na makita ko ang lahat-lahat ng paghahanda ng kanilang kasal kasi baka ikamatay ko pa yon kaya lang mapilit siya at wala na akong nagawa. Nandito ako sa gilid, inaayos ang mga papel na kailangan para sa kasal—mga listahan ng bisita, venue options, kulay ng mga bulaklak. Lahat ng ito, hawak ko sa kamay ko. Lahat ng ito… para sa kasal ng taong mahal ko at ng babaeng itinuturing akong kaibigan. Bawat salitang naririnig ko mula sa kanila—mga usapan tungkol sa kung anong kulay ang gagamitin, kung saan ang reception, kung anong suit ang isusuot ni Kelly—parang patalim na tumutusok sa dibdib ko. Nakatingin ako sa kanila habang nag-uusap nang masaya, habang hinahawakan ni Elara ang kamay ni Kelly, habang nakangiti siya nang ganoon katamis. At ako… nandito lang, nakatayo, nag-

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Tuloy na tuloy na talaga

    ELARA’S POV Parang panaginip lang ang lahat. Akala ko matatagalan pa. akala ko mga isang taon pa ang magiging preparasyon pero eto na. Kelly wants to rushour wedding. Kasi kailangan niya ng tulong ng family ko. pero alam ko naman na mahal niya ako its just kailangan lang namin madaliin ang kasal. Ilang araw na ang nakalipas mula noong pumayag na si Kelly na paagahin ang kasal, at ngayon… tuloy-tuloy na ang lahat. Rush wedding nga, sabi nila, intimate lang daw para mas mabilis at mas simple. Pero para sa akin, hindi mahalaga kung simple lang o maraming bisita. Ang mahalaga… sa wakas, magiging akin na siya nang tuluyan. Wala nang pag-aalinlangan, wala nang ibang makapaghiwalay sa amin. Soon, magiging asawa ko na siya. Sobrang saya ko. Parang laging nakangiti ang labi ko, parang laging umaangat ang pakiramdam ko tuwing naaalala kong mag-asawa na kami sa lalong madaling panahon. Kahit minsan ay tahimik pa rin si Kelly, kahit minsan ay parang malayo ang tingin niya, pinipili kong h

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    survival mode

    Alexandra POV Nakahiga ako sa upuan gawa sa kawayan, tahimik ang paligid at malalim akong nag-iisip. Bawat tunog ng tiyan ko dahil sa gutom, bawat tingin ko sa payat na katawan ng mga kapatid ko, at bawat hininga ni Nanay na parang pasan ang buong mundo—lahat ‘yon ay parang tinik na tumutusok sa

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Tubig at asin

    Alexandra POV Wala akong dala kundi ang sarili ko at ang maliit na supot na naglalaman ng iilang damit. Walang ibang kasama kundi ang bigat ng dibdib ko at ang batang dinadala ko. Nilakad ko ang daan pabalik sa tanging ibang bahay na matatawag kong sarili—ang bahay ng nanay ko sa tabi ng ilog. Ang

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    first

    Dumating na ang oras ng uwian. Gaya ng napag-usapan namin kanina, sasama ako sa kanya sa bahay nila Artur. Sabi niya gusto daw akong makilala ng mga magulang niya, gusto raw nilang makilala ang babaeng mahal niya.Kahit kinakabahan ako at parang gusto ko nang umatras dahil sa takot, sumama pa rin a

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Unang pag-ibig

    Ako si Alexandra De Vera, labing-walong taong gulang, pangalawa sa apat na magkakapatid. Mula noong bata pa ako, alam ko na ang puwesto ko sa buhay—isa lang akong anak sa labas, walang karapatang humingi ng ano man, lalo na ng respeto at pagmamahal. Kami ng kuya ko ang nakatira sa bahay ng tata

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status