Share

Pagtakwil

Penulis: Nelia
last update Tanggal publikasi: 2026-06-07 16:47:34

Alexandra POV

Parang hindi mauubos ang luha ko. Ilang oras na akong nakadito sa sulok ng kwarto, niyayakap ang sarili ko habang parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko sa sakit. Ang hirap-hirap tanggapin na ang lalaking akala ko’y magiging takbuhan ko sa lahat ng bagay, siya pa ang naging dahilan ng pagkawasak ko.

Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya! Handa akong ibigay ang lahat para sa kanya, kasi siya ang unang tao na nagparamdam sa akin na mahalaga ako. Siya ang nagsabing maganda ako, sa kaniya ko naramdaman na sumaya sa kabila ng bigat ng buhay, at siya yung lalaking naging inspirasyon ko.

Sa bawat halik at yakap niya, naramdaman ko ang pagmamahal na matagal ko nang hinahangad. Kaya nung sinabi niyang “Mahal na mahal kita, Alexandra. Gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala sa piling ko,” naniwala ako nang buong-buo. Hindi pumasok sa isip ko na kaya lang pala niya sinasabi ang lahat ng ‘yon ay para lang makuha ang gusto niya, at kapag nakuha na, iiwanan na rin niya ako.

Masakit mang pakinggan pero tinakbuhan niya ako. Tinalikuran niya kami. Sa oras na kailangan ko siya nang higit sa lahat—ngayong may buhay na nabuo sa pagmamahalan namin—doon pa siya nagkaroon ng lakas ng loob na tumalikod at maglaho na parang bula. Parang naging panaginip lang ang lahat ng pinagsamahan namin, at ako na lang ang gumising sa katotohanang ako na lang mag-isa ang haharap sa lahat ng ito.

At ang pinakamabigat sa lahat... kailangan kong itago ang lahat dito sa bahay. Lalo na kay Daddy.

Alam kong itatakwil ako ni Daddy kapag nalaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Yun ngang tama yung ginagawa ko may nasasabi pa dito sa bahay yun pa kayang nagkamali ako? Kaya kailangan kong magpanggap. Kailangan kong itago yung maliit na umbok sa tiyan ko.

Ang hirap, sobrang hirap. Yung mga araw na parang nilalabasan ako ng kaluluwa sa matinding pagsusuka, kailangan kong pumunta sa banyo nang palihim at pigilan ang bawat daing ng sakit para walang makarinig. Kapag kumakain ako, kahit na gustong-gusto ko nang sumuka dahil sa amoy o lasa ng ulam, pinipilit kong lunukin ito at ngumiti na parang wala lang. Kapag sumasakit ang ulo ko o kaya’y nanghihina ang buong katawan ko, nagpapanggap lang akong pagod lang sa pag-aaral o gawaing bahay.

At ang pinakamahirap sa lahat, ang pagtatago ng lumalaking tiyan ko.

Bumili ako ng mga damit na mas malaki kaysa sa suot ko dati. Kapag nasa sala kami o kasama ko sila Daddy at ang mga kapatid ko, laging may hawak akong unan o kaya’y nakayakap sa punda ng unan kapag nakaupo para matakpan ang ibabang bahagi ng katawan ko. Bawat gabi, kapag nag-iisa na ako sa kwarto, dahan-dahan kong hinahaplos ang tiyan ko habang tumutulo ang luha ko.

“Pasensya ka na, anak,” bulong ko, na parang naririnig niya ako. “Pasensya ka na kung kailangan kitang itago na parang isang kasalanan. Hindi ko ginusto ‘to. Hindi ko ginustong ipanganak ka sa mundong puno ng takot at pag-aalala, at higit sa lahat, sa mundong wala ang tatay mo na dapat sana’y kakampi natin.”

Paminsan-minsan, sa sobrang sakit ng loob, sinasaktan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsisisi. Sinasampal ko ang pisngi ko, kinukurot ang braso ko, habang sinisigawan ang sarili ko sa isip ko.

“Ang tanga mo talaga, Alexandra! Napaka-uto-uto mo kasi! Bakit ba kasi masyado kang naniwala sa kaniya? Bakit mo ibinigay ang buong pagkatao mo sa kanya? Binigay mo ang lahat-lahat, pero ano ang ibinalik niya? Hirap! Pagdurusa! At kahihiyan!”

Dahil sa katangahan ko, nasira ko ang sarili kong kinabukasan. Yung mga pangarap kong makatapos ng pag-aaral, magkaroon ng magandang trabaho, at maiangat ang antas ng pamumuhay namin—lahat ‘yon, parang gumuho na parang kastilyong buhangin na tinangay ng alon. Nasira ko rin ang pangarap ni Daddy para sa akin. Ang lahat ng paghihirap niya para mapag-aral ako at mapalaki ako nang maayos, parang balewala na lang dahil sa isang maling desisyon dulot ng bulag na pagmamahal.

Napayuko ako at niyakap nang mahigpit ang tuhod ko habang humahagulgol. Pakiramdam ko’y dinudurog ang pagkatao ko, parang wala na akong halaga. Parang dumi na akong tinapakan ng kapalaran.

Kahit mag-isa lang ako. Kahit wala na si Artur. Kahit galit man ang mundo sa akin, o kahit itakwil man ako ng sarili kong ama... kailangan kong maging matatag. Hindi na para sa sarili ko, kundi para sa batang walang kasalanang dala-dala ko ngayon. Siya na lang ang natitirang yaman ko. Siya na lang ang dahilan ko para huminga at magpatuloy, kahit na parang hinihila ako pababa ng lungkot at pagsisisi.

“Kakayanin natin ‘to, anak. Pangako,” bulong ko habang pinapahiran ang luha ko, kahit na sa loob-loob ko, takot na takot ako sa kung ano ang naghihintay sa atin.

____________________

Akala ko kaya ko pa. Akala ko kakayanin ko pa. Pero tila ba unti-unti nang binibigay ang katawan ko sa hirap ng dinaranas ko. Hindi ko na talaga matiis ang bawat hapdi ng aking sikmura, ang panghihina ng buong katawan, at hindi ko na kayang pigilin yung pagsusuka ko.

Sa bawat umagang gigising ako, naririnig na nila ang pagduwal ko mula sa banyo. Nakikita nilang halos hindi ako makatayo nang tuwid, na ang kulay ng mukha ko ay parang papel na pinaputla ng takot at sakit.

Napapansin ko na ang mga tinginan nila. Ang mga tinginan nina Daddy, ng mga kapatid ko, at ng mga kasambahay. Puno ng pagtataka, pag-aalala, at unti-unti... paghihinala. Lalo na si Daddy. Kitang-kita ko ang pagkunot ng kanyang noo tuwing nakikita niya akong halos hindi makakain sa mesa. Alam kong nagsisimula na siyang magduda, pero wala akong magawa kundi ang manahimik at umasa na sana ay isipin nilang simpleng sakit lang ito.

Hanggang sa dumating ang umagang kinatatakutan ko.

Gaya ng dati, pinilit kong bumangon kahit parang umiikot ang paligid ko. Sinubukan kong maglakad palabas ng kwarto, pero parang biglang kinuha ng lupa ang lakas ng mga binti ko. Naramdaman ko ang panlalabo ng paningin ko, ang bigat ng talukap ng mata ko, at ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay ay ang sigawan nila.

"Alexandra! Anak!"

Ramdam ko ang magagaspang na kamay ni Kuya na inaalalayan ako, habang sa kabilang banda ay naririnig ko ang mabibigat na hakbang ni Daddy. Halos buhatin na lang nila ako papasok ng sasakyan, at naririnig ko ang galit na utos ni Daddy na bilisan ang pagmamaneho dahil akala niya ay malubha yung lagay ko. Gusto kong magsalita, gusto kong sabihing ayos lang ako, pero tila ba sarili kong bibig ay ayaw sumunod sa akin.

They rushed me to the hospital.

Nagising ako na nasa isang malamig na kwarto ng ospital. May nakakabit sa akin na mga tubo, at nakatayo sa tabi ko si Daddy at Kuya, parehong may halong pag-aalala at pagkainip sa mukha. Dumating ang doktor, at ang mga sandaling iyon ang tila ba pinakamahaba sa buong buhay ko.

Nang matapos ang pagsusuri, lumingon ang doktor sa kanila. Ang ngiti sa labi nito ay tila ba mabigat para sa akin. "no! don’t speak, please!" sa isip-isip ko.

"Masasabi kong nasa mabuting kalagayan naman po ang pasyente, at maging ang dinadala niya. Tatlong buwan na po siyang buntis. Kaya pala nararanasan niya ang matinding pagsusuka at panghihina—normal po iyan sa pagbubuntis."

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

Tatlong buwan. Tatlong buwan ko silang niloko. Tatlong buwan kong tinago ang katotohanang ito habang sila ay nag-aalala at nagtitiwala sa akin.

Nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Daddy. Mula sa pag-aalala, unti-unti itong napalitan ng pagkabigla, na agad ding naging matinding galit at pagkadismaya. Ang kulay ng mukha niya ay namutla muna, tapos ay namula sa sobrang inis. Humakbang siya palapit sa akin, ang mga kamao niya ay nakakuyom na parang nais niyang wasakin ang anumang mahawakan niya.

"Buntis ka?" garalgal ang boses niya, halos ibulong pero puno ng poot. "Paano ka nabuntis? Sino ang lalaking gumawa nito sa 'yo? Sino ang nakabuntis sa 'yo? Tatlong buwan ka nang naglilihim sa amin? Tatlong buwan mo na pala tayong niloloko habang akala namin ay nag-aaral ka nang mabuti? Pinag-aaral kita, Alexandra! Binibigay ko ang lahat ng kailangan mo, pero nakuha mo pa talagang maglandi at magpagamit sa lalaki!"

Nanginginig ang buong katawan ko habang nakahiga ako sa kama. Gusto kong magtago sa ilalim ng kumot. Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa.

"Daddy... sorry po... Daddy, patawad po..." tanging lumabas sa bibig ko. Wala nang iba akong masabi kundi ang humingi ng tawad, kahit alam kong hindi sapat ang salitang 'yon para pagtakpan ang ginawa ko.

Dito ko naramdaman ang pagkawasak ng lahat. Ang tingin ko sa sarili ko na anak niyang dapat ipagmalaki, biglang naging dumi na lamang sa paningin niya.

"Anong sorry?! Sagutin mo ang tanong ko!" sigaw niya na yumanig sa buong kwarto.

Napayuko lang ako. Nanatiling nakababa ang tingin ko sa puting kumot na tumatakip sa akin. Wala akong lakas ng loob na magsalita. Paano ko sasabihin sa kanya na nadisgrasya lang ako? Na masyado akong naniwala sa mga pangako na napako? Na ang lalaking akala ko ay sasandalan ko, siya ring tumalikod at tumakbo nang malaman ang kalagayan ko? Hindi ko kaya. Nakakahiya. Sobrang nakakahiya.

"Putng ina!"* mura niya na hindi ko kailanman narinig mula sa kanyang bibig noon.

Napapikit ako nang mariin. Alam ko na kung ano ang susunod na sasabihin niya.

"Ibig sabihin ba nito ay wala ring ama ang dinadala mo? Tinakbuhan ka? Iniwan ka nung nalaman niyang buntis ka?!" Tumaas ang boses niya sa galit, ang ugat sa kanyang leeg ay lumitaw dahil sa sobrang tensyon. "I am so disappointed in you, Alexandra! Sobrang nadismaya ako sa 'yo! Pinilit kong baguhin ang kapalaran mo! Pinaghirapan ko para hindi ka maging katulad ng ina mo! Pero ano? Wala rin palang pinagkaiba! Wala kang sariling isip! Napapadala ka lang sa kung ano ang gusto mo! Sayang lang ang perang inilaan ko para mapag-aral ka! Sayang lang ang tiwala ko sa 'yo! Pinatunayan mo lang sa asawa ko—sa madrasta mo—na tama siya! Tama ang lahat ng sinabi niya tungkol sa 'yo na wala kang mabuting patutunguhan! Ikaw mismo ang gumawa ng paraan para lalo kang malugmok sa putikan!"

Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang patalim na tumatarak sa puso ko. Mas masakit pa ito kaysa sa ginawa ni Artur. Mas masakit pa ito kaysa sa lahat ng hirap na dinanas ko.

Humarap siya sa akin nang deretsahan, ang mga mata niya ay puno ng galit na parang handa na akong itaboy palayo.

"Lumayas ka! Lumayas ka sa harapan ko! Mula sa araw na ito, tinatakwil na kita! Wala na akong anak na parang basahan na basta na lang itinatapon ng iba! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin at sa bahay ko dahil hindi ko kayang tignan ang mukha ng isang kahihiyan!"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    wakas

    Isang hapon, umuwi si Elara galing sa trabaho na masama ang pakiramdam. Nahihilo siya, pagod na pagod, at ang init ng panahon ay tila lalong nagpabigat sa kanyang pakiramdam. Akala niya ay makakayanan pa niyang maghanda ng pagkain para sa sarili, pero nang makarating siya sa pintuan ng kanyang apartment, doon na siya napaupo sa sahig, hawak ang kanyang noo, humihinga nang mabigat. Nagkataong dumaan si Louie—dahil sinabi niyang may ipapasa siyang dokumento mula sa opisina ng ama ni Elara. Nang makita niya ang kalagayan ng dalaga, agad siyang lumapit, walang pag-aalinlangan. "Elara! Ayos ka lang ba?" tanong niya nang may tunay na pag-aalala. Agad niyang inalalayan si Elara na tumayo at dahan-dahang pumasok sa loob. "Dahan-dahan lang. Huwag kang magmadali. Hinga ka nang malalim." "Nahihilo lang… siguro dahil sa init at pagod," mahinang sagot ni Elara, hindi makatingin nang diretso dahil sa hiya. "Masyado lang akong naging abala sa trabaho ngayong araw. mamaya okay na rin ako," Hindi

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Finally

    Ang Bagong SimulaIlang linggo na ang lumipas mula noong kumalat ang balita sa social media tungkol sa kasal nina Kelly at Elisse. Sa harap ng huwes lang—walang grand church wedding, walang bonggang handaan, walang mahabang listahan ng bisita, walang mamahaling gown o barong. Simple lang, tahimik, parang sadyang itinago nila mula sa mundo para walang makialam o humusga. Pero sa kabila ng pagiging simple nito, totoo at sagrado ang bawat pangakong binitawan nila sa isa’t isa. Nagulat ang lahat—mga kaibigan, kamag-anak, mga dating katrabaho, mga taong sanay na sanay na makita sila sa mga malalaking okasyon at magagarang kainan. Pero sa kabila ng mga bulungan at usap-usapan na umikot sa buong lungsod, unti-unti ring naintindihan ng marami na minsan, ang pag-ibig ay hindi laging sumusunod sa mga inaasahan ng iba. It doesn’t follow society’s timeline, hindi ito laging sumusunod sa plano ng pamilya o sa dikta ng tradisyon. Ito ay sumusunod lamang sa tibok ng pusong tapat—pusong nasaktan, ngu

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Respect

    Elara’s POVSa oras na ito, alam ko na. Alam ko nang hindi na babalik si Kelly. Not because he doesn’t love me anymore—kundi dahil nasaktan ko siya nang sobra. Sobrang mali ng ginawa ko. At alam kong hindi na siya babalik, because I know him very well. Hindi niya ipipilit ang isang bagay na alam niyang hindi na maaari. Hindi 'yon ang ugali niya. Kapag nakita niyang wala nang saysay ang paglaban, tahimik lang siyang aalis—hindi dahil sumuko siya agad, kundi dahil nirerespeto niya ang sarili niya enough to walk away from something that keeps hurting him.Siguro iniisip niya yung bata sa sinapupunan ko. Hindi sa ayaw niya itong tanggapin. Maybe he just doesn’t want to be unfair—ipipilit pa ba naman niya yung relasyon namin kahit alam niyang maraming masasaktan sa huli? Ito yung bagay na hindi ko ginawa dati. I was selfish. Oo, pinatawad ko siya ng paulit-ulit noon sa mga pagkakamali niya kay Elisse, tinanggap ko ang lahat kahit ang bigat-bigat, pero ngayon ko lang narealize na naging mak

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    come back

    KELLY’S POVNakaupo lang ako sa bench sa labas ng bahay namin, nakatingin sa kawalan, hawak ang phone na parang bigat-bigat sa kamay. Kanina pa ako ganito—binubuksan ko ang messages, tinitignan ang contact number ni Elara, tapos isasara ko ulit. hindi ko na kasi alam kung ano pang sasabihin ko. Ano nga ba ang sasabihin ko? Na Sorry, pero kailangan na nating maghiwalay kasi nagpabuntis ka sa iba? Sorry, pero pumayag na akong mag-give way kasi yan ang gusto ng pamilya mo? Wala naman akong karapatang magalit nang todo, kasi sa huli, ako rin naman ang may pagkukulang sa umpisa. May mga anak ako kay Elisse, may responsibilidad ako doon, at hindi ko naman pwedeng itanggi 'yon.Huminga ako nang malalim, parang gusto kong huminga ng hangin hanggang sa kailaliman ng dibdib ko para lang mabawasan kahit konti yung bigat na dala-dala ko. Pero hindi. Nandoon pa rin. Parang nakadagan sa akin yung buong mundo.Tumunog ang phone ko. Si Elisse ang nagchat."Kelly, pwede ka dumaan? Nagcraving kasi ak

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Enough

    KELLY’S POVPagkagaling ko sa ospital, dumiretso ako sa bahay nina Mommy at Daddy kung saan din ako umuuwi. Pagpasok ko pa lang sa pinto, agad nilang napansin na may mali. Namumugto ang mga mata ko, parang ubos na ubos ang lakas ko, parang dala ko ang bigat ng buong mundo sa balikat ko."Anak? Bakit ganyan itsura mo? What happened?" tanong agad ni Mommy, lumapit agad at hinawakan ang braso ko, punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. "You look sick,"Gusto kong sumagot, pero pagbukas ng bibig ko, walang lumabas kundi hikbi. Umupo na lang ako sa sofa at doon na bumuhos ang lahat—umiyak ako nang hindi ko na napigilan, parang batang matagal nang pinipigilan ang luha. Paulit-ulit silang nagtatanong. "Anak, bakit kako? anong problema? may masakit ba sa 'yo? ha, anak?"Pero umiiyak lang ako. Hindi ko kayang sabihin agad ang totoo. It’s so hard to say it out loud. Ang hirap aminin na niloko ako, na ang nabuntis si Elara ng ibang lalaki.Maya-maya, nang humupa nang konti ang bigat at sama n

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    who is Louie?

    Louie’s POV Hindi naman ako basta basta lang kaibigan ng daddy niya. I’m more than that—family friend talaga ako nila. Mula pagkabata, kilala ko na si Elara. Nakita ko siyang lumaki, mula sa batang mahilig tumakbo sa garden nila hanggang sa naging ganito siya kaganda ngayon. At totoo naman… dati pa man, may lihim na akong pagtingin sa kanya. Pero noon kasi, torpe pa ako. Wala akong lakas ng loob na aminin. Si Elara naman, suplada minsan, lalo na sa mga taong hindi niya masyadong kilala nang lubusan. Kaya hindi talaga kami nagkaroon ng pagkakataon na maging close nung nagdalaga at nagbinata na kami. Tapos dumating si Kelly. Nung pumasok siya sa buhay ni Elara, parang doon na lumayo lalo ang loob niya sa akin. Busy na siya—sobra. Palaging kay Kelly ang atensyon niya, palaging kay Kelly ang oras niya. And I understood that, of course. Mahal niya yung lalaki, at mukhang masaya naman siya kasama ito. Kaya wala akong ginawa kundi tumabi lang, manood, at magmasid sa gilid. Tahimik lang a

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Waitress

    Alexandra POV Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko habang suot ko ang ibinigay nilang uniporme. Isang simpleng puting polo shirt na bahagyang maluwag sa akin, at isang itim na palda na sadyang napakaikli—halos umabot lang sa itaas ng tuhod ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa maliit na sala

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    survival mode

    Alexandra POV Nakahiga ako sa upuan gawa sa kawayan, tahimik ang paligid at malalim akong nag-iisip. Bawat tunog ng tiyan ko dahil sa gutom, bawat tingin ko sa payat na katawan ng mga kapatid ko, at bawat hininga ni Nanay na parang pasan ang buong mundo—lahat ‘yon ay parang tinik na tumutusok sa

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Tubig at asin

    Alexandra POV Wala akong dala kundi ang sarili ko at ang maliit na supot na naglalaman ng iilang damit. Walang ibang kasama kundi ang bigat ng dibdib ko at ang batang dinadala ko. Nilakad ko ang daan pabalik sa tanging ibang bahay na matatawag kong sarili—ang bahay ng nanay ko sa tabi ng ilog. Ang

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Pangako

    Umuwi ako sa bahay at suwerte na walang tao maliban kay kuya na kanina pa ako hinihintay. "Saan ka galing? Anong oras na, ha? uwi pa ba yan ng estudyante?" sita niya sa akin. Dito sa bahay, kami lang ng Kuya ko ang magkakampi palibhasa ay pareho kaming sampid dito pero this time, kailangan kong mag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status