Dumating na ang oras ng uwian. Gaya ng napag-usapan namin kanina, sasama ako sa kanya sa bahay nila Artur. Sabi niya gusto daw akong makilala ng mga magulang niya, gusto raw nilang makilala ang babaeng mahal niya.Kahit kinakabahan ako at parang gusto ko nang umatras dahil sa takot, sumama pa rin ako. Mahal ko siya eh, at sa isip ko, ibig sabihin seryoso siya sa akin kung gusto niya talaga akong ipakilala sa pamilya niya. Nangako rin naman siya na saglit lang ako doon—makikipagkilala lang, tapos ihahatid na niya ako sa sasakyan pauwi sa amin.Magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob ng bakuran hanggang sa makarating kami sa pinto. Pero pagkapasok namin sa loob, nagtaka ako agad. Ang dilim ng buong sala, nakapatay lahat ng ilaw, at parang wala talagang tao sa paligid. Tahimik na tahimik, walang ingay, parang bahay na matagal nang walang nakatira.“Artur… bakit ang dilim? Nasaan ang nanay at tatay mo? Sabi mo nandito sila,” tanong ko nang mahina, nanginginig na nga ang boses ko habang ma
Last Updated : 2026-06-02 Read more