Share

survival mode

Author: Nelia
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-08 07:14:04

Alexandra POV

Nakahiga ako sa upuan gawa sa kawayan, tahimik ang paligid at malalim akong nag-iisip. Bawat tunog ng tiyan ko dahil sa gutom, bawat tingin ko sa payat na katawan ng mga kapatid ko, at bawat hininga ni Nanay na parang pasan ang buong mundo—lahat ‘yon ay parang tinik na tumutusok sa puso ko.

Hindi pwedeng ganito na lang kami. Hindi pwedeng habambuhay kaming maghihintay ng awa sa iba, manghihingi ng kaunting toyo o bigas para lang may mailagay sa sikmura. Ako ang dumagdag sa pasanin nila, kaya ako rin ang dapat gumawa ng paraan para gumaan kahit paano ang buhay nila.

Napabaling ang tingin ko sa dingding kung saan nakadikit ang lumang kalendaryo. Doon ko naisip ang solusyon. "Kailangan kong magtrabaho," bulong ko sa sarili ko, na parang isang ilaw na biglang sumilip sa gitna ng madilim kong mundo. "Oo! Magtatrabaho ako! Kahit ano pa, para lang kumita ng pera."

At hindi lang iyon ang pangarap ko. Nariyan pa rin ang pagnanais kong makapagtapos ng pag-aaral. Kahit pa pinalayas ako ni Daddy, kahit pa gumuho ang mundo ko, ang pangarap kong magkaroon ng diploma ay nananatili sa puso ko. Alam kong iyon lang ang paraan para tulungan ko sila Nanay nang lubusan sa hinaharap.

Kaya naisip ko ang plano: maghahanap ako ng trabahong panggabi.

Sa umaga, mag-aaral ako. Gagawin ko ang lahat ng paraan para makapasok at makasabay sa klase. At pagdating ng gabi, doon naman ako magtatrabaho. Mahirap, nakakapagod, at alam kong hindi magiging madali, pero mas pipiliin ko pa ito kaysa makita silang nagtitiis sa gutom habang wala akong ginagawa.

Kinabukasan, pagkatapos naming makakain ng lugaw na halos tubig na ang dami, agad akong nag-ayos ng sarili ko. Isinuot ko ang pinakamaganda kong damit—ang tanging damit na dala ko lang din naman—at naglakad papunta sa bayan.

Isang mahabang paglalakad ang dinanas ko. Pinuntahan ko ang iba’t ibang opisina, mga tindahan, mga pabrika, kahit sa mga kainan. Nag-apply ako kung saan-saan. Pero laging pareho ang sagot:

"Pasensya ka na, anak. Hindi ka namin matatanggap dahil buntis ka."

"Wala kaming bakante ngayon."

"Hindi kami tumatanggap ng part-time."

Ilang beses akong nadismaya. Ilang beses akong pinaramdam na parang wala akong halaga dahil sa kalagayan ko. Nakakapagod, nakakahiya, at minsan gusto ko nang sumuko, pero kapag naaalala ko ang mukha ni Nanay at ng mga kapatid ko, bumabalik ang lakas ko.

Hanggang sa napadpad ako sa isang malaking kalsada kung saan naroon ang mga makukulay na ilaw, malalakas na tugtog ng musika, at mga taong parang nagsasaya sa loob ng magagandang gusali. Tabi-tabi ang mga bar at night club sa bayan.

Dito ko sinubukan ang huling pagkakataon bago ako umuwi. Pumasok ako sa isang mukhang restaurant sa pang labas pero night club pala ang loob. kahit na nakakakaba ang paligid—maingay, amoy alak at usok ng sigarilyo, at puno ng mga lalaking tila naghahanap ng aliw. Lumapit ako sa taong tila namamahala at mahinahong nagtanong kung pwede akong mag-apply bilang waitress.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang mapansing medyo bilugan na ang tiyan ko kahit pilit kong tinatakpan ng damit. Kinabahan ako, akala ko tatanggihan na naman ako.

Pero gulat ako nang bigla siyang ngumiti at tumango.

"Sige, pwede ka naming kunin. Kailangan namin ng tauhan. Simula bukas, gabi na ang pasok mo, mula alas-otso ng gabi hanggang alas-kwatro ng umaga. Taga-hain ka ng inumin at pagkain. Okay ba sa'yo?"

Halos tumulo ang luha ko sa tuwa. Ito na 'yon! Ito na ang pagkakataon ko! Kahit na alam kong hindi ito ang trabahong pinangarap ko dati, kahit na alam kong may halong panganib at hirap dito, tinanggap ko ito nang buong puso.

"Opo! Maraming salamat po! Tatanggapin ko po 'yan!" sagot ko nang may galak sa boses ko.

Pag-uwi ko sa amin, hindi ko sinabi kina Nanay kung saan eksakto ang trabaho ko. Sinabi ko lang na natanggap ako bilang empleyado sa isang establisyimento na gabi ang pasok para makapag-aral ako sa umaga. Ayokong mag-alala sila, ayokong isipin nilang napapahamak ako.

Pero sa sarili ko, alam ko ang sitwasyon ko.

Bawat gabi, papasok ako sa mundong iyon. Magiging waitress ako sa isang night club. Maghahain ako ng alak, ngingiti sa mga estranghero, tititiisin ang tingin ng mga lalaking minsan ay masyadong matalim at bastos, at pipilitin kong maging matatag habang nakikisalamuha sa iba't ibang klase ng tao.

Para sa akin? Para sa pangarap ko. Pero higit sa lahat... para makabili ako kahit kaunting ulam para sa kanila.

Ang hawak ko ay yung mataas na pangarap ko. Magtitiis ako sa ngayon pero alam ko sa sarili ko na pansamantala lang ako dito. Sa ngayon kasi ay nasa survival mode pa kami kaya ilalaban ko ito.

Basta mabigyan ko sila ng masarap na sabaw o kahit isda at gulay man lang sa hapag-kainan, mapapawi ko ang gutom nila, at makakapagpatuloy kami. Kahit anong hirap ng trabahong ito, kakayanin ko. Hahanguin ko ang dangal ko sa putikan, dahil ang pagmamahal ko sa pamilya ko ay mas matimbang kaysa sa kahihiyan na nararamdaman ko sa bawat gabing pagpasok ko doon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    wakas

    Isang hapon, umuwi si Elara galing sa trabaho na masama ang pakiramdam. Nahihilo siya, pagod na pagod, at ang init ng panahon ay tila lalong nagpabigat sa kanyang pakiramdam. Akala niya ay makakayanan pa niyang maghanda ng pagkain para sa sarili, pero nang makarating siya sa pintuan ng kanyang apartment, doon na siya napaupo sa sahig, hawak ang kanyang noo, humihinga nang mabigat. Nagkataong dumaan si Louie—dahil sinabi niyang may ipapasa siyang dokumento mula sa opisina ng ama ni Elara. Nang makita niya ang kalagayan ng dalaga, agad siyang lumapit, walang pag-aalinlangan. "Elara! Ayos ka lang ba?" tanong niya nang may tunay na pag-aalala. Agad niyang inalalayan si Elara na tumayo at dahan-dahang pumasok sa loob. "Dahan-dahan lang. Huwag kang magmadali. Hinga ka nang malalim." "Nahihilo lang… siguro dahil sa init at pagod," mahinang sagot ni Elara, hindi makatingin nang diretso dahil sa hiya. "Masyado lang akong naging abala sa trabaho ngayong araw. mamaya okay na rin ako," Hindi

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Finally

    Ang Bagong SimulaIlang linggo na ang lumipas mula noong kumalat ang balita sa social media tungkol sa kasal nina Kelly at Elisse. Sa harap ng huwes lang—walang grand church wedding, walang bonggang handaan, walang mahabang listahan ng bisita, walang mamahaling gown o barong. Simple lang, tahimik, parang sadyang itinago nila mula sa mundo para walang makialam o humusga. Pero sa kabila ng pagiging simple nito, totoo at sagrado ang bawat pangakong binitawan nila sa isa’t isa. Nagulat ang lahat—mga kaibigan, kamag-anak, mga dating katrabaho, mga taong sanay na sanay na makita sila sa mga malalaking okasyon at magagarang kainan. Pero sa kabila ng mga bulungan at usap-usapan na umikot sa buong lungsod, unti-unti ring naintindihan ng marami na minsan, ang pag-ibig ay hindi laging sumusunod sa mga inaasahan ng iba. It doesn’t follow society’s timeline, hindi ito laging sumusunod sa plano ng pamilya o sa dikta ng tradisyon. Ito ay sumusunod lamang sa tibok ng pusong tapat—pusong nasaktan, ngu

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Respect

    Elara’s POVSa oras na ito, alam ko na. Alam ko nang hindi na babalik si Kelly. Not because he doesn’t love me anymore—kundi dahil nasaktan ko siya nang sobra. Sobrang mali ng ginawa ko. At alam kong hindi na siya babalik, because I know him very well. Hindi niya ipipilit ang isang bagay na alam niyang hindi na maaari. Hindi 'yon ang ugali niya. Kapag nakita niyang wala nang saysay ang paglaban, tahimik lang siyang aalis—hindi dahil sumuko siya agad, kundi dahil nirerespeto niya ang sarili niya enough to walk away from something that keeps hurting him.Siguro iniisip niya yung bata sa sinapupunan ko. Hindi sa ayaw niya itong tanggapin. Maybe he just doesn’t want to be unfair—ipipilit pa ba naman niya yung relasyon namin kahit alam niyang maraming masasaktan sa huli? Ito yung bagay na hindi ko ginawa dati. I was selfish. Oo, pinatawad ko siya ng paulit-ulit noon sa mga pagkakamali niya kay Elisse, tinanggap ko ang lahat kahit ang bigat-bigat, pero ngayon ko lang narealize na naging mak

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    come back

    KELLY’S POVNakaupo lang ako sa bench sa labas ng bahay namin, nakatingin sa kawalan, hawak ang phone na parang bigat-bigat sa kamay. Kanina pa ako ganito—binubuksan ko ang messages, tinitignan ang contact number ni Elara, tapos isasara ko ulit. hindi ko na kasi alam kung ano pang sasabihin ko. Ano nga ba ang sasabihin ko? Na Sorry, pero kailangan na nating maghiwalay kasi nagpabuntis ka sa iba? Sorry, pero pumayag na akong mag-give way kasi yan ang gusto ng pamilya mo? Wala naman akong karapatang magalit nang todo, kasi sa huli, ako rin naman ang may pagkukulang sa umpisa. May mga anak ako kay Elisse, may responsibilidad ako doon, at hindi ko naman pwedeng itanggi 'yon.Huminga ako nang malalim, parang gusto kong huminga ng hangin hanggang sa kailaliman ng dibdib ko para lang mabawasan kahit konti yung bigat na dala-dala ko. Pero hindi. Nandoon pa rin. Parang nakadagan sa akin yung buong mundo.Tumunog ang phone ko. Si Elisse ang nagchat."Kelly, pwede ka dumaan? Nagcraving kasi ak

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Enough

    KELLY’S POVPagkagaling ko sa ospital, dumiretso ako sa bahay nina Mommy at Daddy kung saan din ako umuuwi. Pagpasok ko pa lang sa pinto, agad nilang napansin na may mali. Namumugto ang mga mata ko, parang ubos na ubos ang lakas ko, parang dala ko ang bigat ng buong mundo sa balikat ko."Anak? Bakit ganyan itsura mo? What happened?" tanong agad ni Mommy, lumapit agad at hinawakan ang braso ko, punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. "You look sick,"Gusto kong sumagot, pero pagbukas ng bibig ko, walang lumabas kundi hikbi. Umupo na lang ako sa sofa at doon na bumuhos ang lahat—umiyak ako nang hindi ko na napigilan, parang batang matagal nang pinipigilan ang luha. Paulit-ulit silang nagtatanong. "Anak, bakit kako? anong problema? may masakit ba sa 'yo? ha, anak?"Pero umiiyak lang ako. Hindi ko kayang sabihin agad ang totoo. It’s so hard to say it out loud. Ang hirap aminin na niloko ako, na ang nabuntis si Elara ng ibang lalaki.Maya-maya, nang humupa nang konti ang bigat at sama n

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    who is Louie?

    Louie’s POV Hindi naman ako basta basta lang kaibigan ng daddy niya. I’m more than that—family friend talaga ako nila. Mula pagkabata, kilala ko na si Elara. Nakita ko siyang lumaki, mula sa batang mahilig tumakbo sa garden nila hanggang sa naging ganito siya kaganda ngayon. At totoo naman… dati pa man, may lihim na akong pagtingin sa kanya. Pero noon kasi, torpe pa ako. Wala akong lakas ng loob na aminin. Si Elara naman, suplada minsan, lalo na sa mga taong hindi niya masyadong kilala nang lubusan. Kaya hindi talaga kami nagkaroon ng pagkakataon na maging close nung nagdalaga at nagbinata na kami. Tapos dumating si Kelly. Nung pumasok siya sa buhay ni Elara, parang doon na lumayo lalo ang loob niya sa akin. Busy na siya—sobra. Palaging kay Kelly ang atensyon niya, palaging kay Kelly ang oras niya. And I understood that, of course. Mahal niya yung lalaki, at mukhang masaya naman siya kasama ito. Kaya wala akong ginawa kundi tumabi lang, manood, at magmasid sa gilid. Tahimik lang a

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Waitress

    Alexandra POV Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko habang suot ko ang ibinigay nilang uniporme. Isang simpleng puting polo shirt na bahagyang maluwag sa akin, at isang itim na palda na sadyang napakaikli—halos umabot lang sa itaas ng tuhod ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa maliit na sala

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Tubig at asin

    Alexandra POV Wala akong dala kundi ang sarili ko at ang maliit na supot na naglalaman ng iilang damit. Walang ibang kasama kundi ang bigat ng dibdib ko at ang batang dinadala ko. Nilakad ko ang daan pabalik sa tanging ibang bahay na matatawag kong sarili—ang bahay ng nanay ko sa tabi ng ilog. Ang

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    first

    Dumating na ang oras ng uwian. Gaya ng napag-usapan namin kanina, sasama ako sa kanya sa bahay nila Artur. Sabi niya gusto daw akong makilala ng mga magulang niya, gusto raw nilang makilala ang babaeng mahal niya.Kahit kinakabahan ako at parang gusto ko nang umatras dahil sa takot, sumama pa rin a

  • Ang mga lalaki sa buhay ni Alexandra    Unang pag-ibig

    Ako si Alexandra De Vera, labing-walong taong gulang, pangalawa sa apat na magkakapatid. Mula noong bata pa ako, alam ko na ang puwesto ko sa buhay—isa lang akong anak sa labas, walang karapatang humingi ng ano man, lalo na ng respeto at pagmamahal. Kami ng kuya ko ang nakatira sa bahay ng tata

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status