Three Months ago...Jarred "Congratulations! Happy Wedding!" Panabay na bati nina Liza, Jaspher, Crystal at Kent. Lahat sila ay parehong kinuha kong mga abay. Naroon din si Lance Venturillo, kaibigan ko, sina Mommy Cherry Ann, Daddy Ian Fidel, maging ang kinilalang magulang ni Shella Mae na sina Aling Patricia at Mang Rigor kasama ang mga kapatid nito na sina Nene at Tonton."Congrats, Mj!" Si Liza na niyakap nang mahigpit si Shella Mae. Ito ang ang kinuhang Maid of Honor ni Mj dahil hindi pwede si Crystal dahil ikakasal na din ito kay Kent Buencamino next week.Wala naman naging problema sa kasunduan ng dalawa. Si Jaspher naman ang kinuha kong bestman dahil ayaw ni Lance. Hindi ko na pinilit ang kaibigan dahil mas gusto lang nito maging abay lang.Naroon din ang iba pang mga kakilala at kaklase ko maging ang kapamilya ko Villagracia. "Thanks!" Maluhang tugon ni Mj. Inawat naman siya ni Liza. "O, huwag ka nang umiyak. Hello, it's your wedding day, tatapusin mo lang ba sa pamamagitan
Jarred Pagpasok na pagpasok ko sa hospital na sinasabi ni Liza ay nagmamadali akong tinungo kaagad ang Inquiry Desk ng hospital."Nurse, may naging pasyente ba kayong nangangalang—" Hinihingal dahil sa kaba na inquire ko sa bantay doon pero agad na naputol nang makita ko si Liza na sa tingin ko ay kanina pa ako hinihintay."S-sorry. Just excuse me." Pamamaalam ko na lang na patakbong nilapitan si Liza. Nakita ko kaagad na may mga dugo nga sa damit nito, patunay na totoo ang sinasabi nito kanina sa phone habang kami ay magkausap. "How is she?" Kinakabahang tanong ko agad dahil gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang totoong kondisyon ng babae. "Is she okay now?"Nakita ko mula sa mukha ni Liza ang pangamba at paggusot ng mukha. "Sundan mo na lang ako." Tumango lang ako at agad na sumunod sa kaniya na malakas ang sasal na tibok ng puso ko. Natatakot ako para sa babaeng bukod tangi kong minahal.Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito sa buong buhay ko.Isang ta
Mj"He was about to go in an hour."Napalingon ako sa may pintuan nakatayo roon si Liza. Hindi naman ako nagulat dahil hinahayaan ko lang naman na bukas palagi ang kuwarto ko. Ako naman ay nasa bintana, nakanaw sa labas ng bahay at malalim ang iniisip. Hindi ako sumagot sa halip ay muli kong ibinalik ang tingin at atensiyon sa mga nakikita ko sa labas ng bintana.Tinatanaw ko ang paligid ng kinatitirikan ng bahay nina Liza. Sari-saring mukha at disenyo ng bahay ang aking nakikita. Nagtataasan din ang mga bubong na dikit-dikit at walang pagitan. Hindi naman squatters area ang lugar na iyon. Sadya lang siguro iyon ang mga nakikita ko dahil nasa taas ako."Hindi mo ba ako narinig?" Muling pukaw sa akin ni Liza na dinig ko kahit pa nakatalikod ako. Nasa tono ng pananalita nito ang pagkainis sa pangiisnob ko. Dinig kong humakbang ito papunta sa akin na may bigat ang mga paa.Tumabi ito sa akin sa gilid ng bintana."Ano ba kasing tinitingnan mo diyan?" Dagdag pa niya na hinawi ang mahabang
Jarred Alam kong hindi inaasahan ni Shella Mae ang biglang pagsulpot ko ng mga sandaling iyon.Kahit na batid kong may kausap pa ito sa phone ay pilit ko pa ring pinalakas ang loob ko na malapitan siya at makausap. Ayukong masayang ang pagkakataon na ito bago man lang ako ganap na lumayo sa kaniya. Ikalawa, ayuko ring masayang ang todo preparations ni Liza para magkita kami at makapagpaalaman, kung saka-sakali man.May konting kirot na umalma sa puso ko ang ideyang magkakahiwalay na nga kami ni Mj/Shella Mae ng tuluyan.Nakita ko kung paano parang namutla at tila matutunaw sa kinauupuan niya si Shella Mae. Bukod sa nagulat ito ay hindi rin siguro nito sukat isipin na nandoon ako. Lalo kong naramdaman ang pagkataranta ng mukha niya at parang ibig maglaho ng bigla na lamang sa sirkulasyon huwag lang ako makita akong papalapit.“W-what are you doing here?” Hinayaan ko muna ang sariling makalapit sa kaniya ng tuluyan bago ako sumagot.‘What do you mean I’m doing here? It is a restaurant
Liza “Uuwi na ba tayo?” nagtatakang tanong ko kay Mj nang mapansin pumara na ito ng taxi. Nakakunot-noo namang sinulyapan ako ng kaibigan. “What do you mean? Ano pa bang naisip mong gagawin natin bukod pa sa dito sa Drugstore?’ “I mean, hindi ba tayo dadaan ng mall? Mag unwind muna tayo dahil minsan ka lang nakakalabas. I mean, minsan lang gusto mong lumabas.” Pang-iimbento ko ng kuwento na halos ikapilipit ng dila ko. kahit kaylan kasi ay hindi ako nasanay na magsinungaling. Napaisip ang kaibigan na napahinto din sa paglalakad. Nasa loob pa din kasi kami ng malawak na Drugstore na iyon. Matagal siyang napaisip at bago nakapagsalita. “Saan mo ba gustong pumunta?” “Ahmm.” Tugon ko kaagad na nag-isip. Nasa isipan ko na kung saan ko siya dadalhin. Ang address na isinend ko kay Jarred ang unang pumasok sa isipan ko kaagad. “Sa Malhala FoodHouse!” walang gatol kong wika mayamaya matapos kong maalala ang usapan naming ni Jarred. “S-saan?” Maang na tanong ni Mj. “Sa Malhala. Iyon ban
Liza ‘Italy? Ang layo noon ha?’ Hindi ko inaasahang marinig iyon mula kay Jarred. Hindi ko akalaing aalis na pala ito nang hindi sila nagkakaayos ni Mj. Hindi ko maiwasang malungkot sa dalawa dahil sa nalalapit na pagkakalayo. >Do you mean, are you leaving Philippines soon? Hindi agad nakasagot si Jarred. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito o baka naman ay paraan lang nito iyon gaya ng mga nagaganap sa mga teledrama. Tapos matataranta ang girl at hahabulin ang lalaki tapos magkakaabutan sa airport. Inalis ko sa isip ang mga malilikot kong imahinasyon at nagpokus sa isasagot ni Jarred. >Yes. Marami nang naganap sa buhay ko na gusto ko na lang lampasan. Mga one month lang naman ako doon para lang magmind clear at para na din lumikha ng mga bagong memories. Ramdam ko sa text ng kausap ang kakaibang lungkot na nababakas ko sa mga mensahe niyang ipinapadala. >What about Mj? Matitiis mo ba siyang iwan sa ganitong kalagayan niya? >You said it na hindi naman siya buntis di’ba? Why a