Share

Sixty One

Crystal

Nagulat ako  nang isang pamliyar na boses ang tumawag sa akin habang nasa Drugstore kami ni Jarred. May binili lang ako sandali roon, mga disenfectants at ointment para kung sakaling manakit nag aking puson ay may magagamit ako.

Nilingon ko at hinanap ang pinagmulan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko na hindi makapaniwala sa nakikitang pamilyar na bulto. Naumid din ang dila ko na hindi agad nakahuma at parang napako sa kinatatayuan. 

Wala doon si Jarred nang mga oras na iyon dahil nagpaalam ito sandali at may pupuntahan lamang. 

Nang ganap na makabawi ay walang salitang tinalikuran ko na lamang si Kent. Wala din naman akong dahilan para kausapin ito. 

Napahinto ako ng paghakbang nang bigla niya ako tinawag ulit. "Sandali--"

Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit at alam kong mula iyon kay Kent. Nilingon ko siya na puno ng pagkairita. 

Sa loob ng halos dalawang buwan ay para siyang naging hangin matapos makuha ang gusto sa akin. Ngayon ay bigla itong magpapakita para ano? Para magmakaawa at humingi ng tawad? Tapos ano? Malalaman niya na siya ang ama ng bata at pipilitin akong makipagbalikan sa kaniya? No way!

Pilit kong hinamig ang sarili ko sa mga naiisip kong iyon. Masyado naman yatang napasobra ang pag-ooverthink ko samantalang wala pa ngang sinasabi si Kent.

"What?" Nakataas ang mga kilay na untag ko dahil sa nakikita kong tila aligaga ang lalaki na sabihin kung ano man ang nasa loob niya. 

"I-i dont know how to begin or when will I start... but still I have one thing that I wanted to say, totoo bang buntis ka? A-at ako ang ama?" Sunod-sunod na napalunok ng laway si Kent at parang nililinis ang lalamunan. 

Gulat naman ako at hindi makapaniwala sa narinig mula kay Kent mismo. Hindi ko inaasahang sabihin niya iyon. Paanong nalaman niya na buntis ako?

Parang ibig tuloy mahilo ng isip ko at mawalan ng panimbang. Hindi ko alam pero parang mas gusto kong mawalan ng malay keysa sagutin ang tanong na nasa kinakaharap ko ngayon. Hindi ko alam kung gaano katagal na parang tumigil ang mundo. Hindi ko din alam kung nainip na si Kent sa kahihintay ng isasagot ko.

"Crystal..."

Pinilit kong ibukas ang aking bibig sa pagkakataong iyon. Kaylangan kong iligaw ang sitwasyon at wala pa akong balak sabihin ang tungkol sa tunay na kondisyon ko. Hindi ko lang maiwasang mag-isip kung paano ni Kent nasabi na nagdadalang-tao ako. Imposible namang si Jarred dahil hindi ko pa nga iyon nasasabi rito.

Sa tuwing tatangkain ko kasing sasabihin iyon ay hindi ko naman alam kung dapat ko bang ilihim kung sino ang tunay na ama ng batang nasa sinapupunan ko. Batid ko ding magtataka si Jarred dahil napakabilis naman yata nang pagbubuntis ko? One month palang naging kami at one month na din ang ipinagbubuntis ko.

Hindi naman maaring nabuntis agad ako nang naging kami dahil kelan lang may nangyari sa aming dalawa. 

'Walang katotohanan ang mga sinabi mo o kung ano mang nalaman mo sa kung sino mang nagsabi ng kahibangang iyan sa iyo." Mariing tanggi ko. "Huwag kang basta na lang maniwala."

Iyon lang at tumalikod na ako para itago ang makulimlim kong mukha. Pinakaayaw ko sa lahat ay para akong nagmamakaawa at pinagsiksikan ang sarili sa isang tao. Akmang aalis na ako nang pinigilan niya ako.

"Wait-" aniya sa akin na ihinarap akong muli. "You wont believe me kung ako lang ang nagsasabi nito pero paano kung sasabihin ko sa iyong mula kay Jarred ang nalaman kong iyon?"

Napatda ako sa narinig. Mula kay Jarred mismo nalaman nitong buntis ako? Paano?

"Nagsisinungaling ka. Paano ni Jarred sasabihin ang bagay na iyon ay wala pa akong pinagsasabihan ng tungkol doon." Giit ko at pinakli ang kamay nitong nakapigil sa akin.

Tinalikuran ko na siya at baka maabutan pa kami ni Jarred na naguusap. Masyado nang komplikado ang sitwasyon, ayuko nang magkaroon pa ng karagdagan.

"I think you'll need a proof, so I record this. Please hear these after i sent you in your mess*ng*r later."

Bahagya ko nang narinig ang iba pang sinasabi nito dahil malayo na ako at wala na akong dahilan para marinig pa iyon.

***

Liza

Umuwing badtrip ako ng mga oras na iyon dahil kay Jaspher. Imagine, mas kinakampihan pa yata nito si Lance kaysa sa akin. Bagay na nadala ko ang init ng aking ulo sa aking pag-uwi.

"Anyare sa iyo?" Tumatawang tanong ni Mj ng hapong iyon. Nasa kusina kaming dalawa ng mga oras na iyon at kasalukuyang nagmemeryenda ng kape at toasted bread na may peanut butter. "Kanina pang pagdating mo ay mukha ka ng Biyernes santo. Anong problema mo, magtapat ka nga sa akin."

Sinubukan kong hindi magkuwento pero nang lumapit si Mj at haplusin ang palad ko ay para akong nahipnotismong napasalita nang lahat ng nasa loob ko at hindi napigilan. Akala ko nga ay totoong kasimpatiya ko ang kaibigan pero nagulat ako nang bigla lamang itong tumawa.

Kunot-noo naman akong napatingin sa kaniya na nagtatanong ang mga mata.

"O, akala ko ako lang ang may sayad? E bakit parang ikaw ay nahawa na din?"

"Ayaw mo pa noon? Sama-sama na tayo."

Sabay kaming napahalakhak matapos mag-appear. "The more, the merrier! Bestfriend forever!"

Pareho kaming nalibang sa mga bagay na ginagawa namin noon. Pareho naming binalikan ang mga dialogue bondings na namiss namin pareho.

Parang ang saya lang na pwede naman palang makalimutan ang mga problema kahit sa isang pakikipagbonding lang? Kaya naman kahit papaano ay masasabi kong makakahinga ako kahit saglit sa mga problema ko.

Maghapon kaming naglinis ng buong bahay. Halos hindi namin namamalayang tumatakbo ang oras at pagabi na. Tuwang-tuwa naman si Aling Mema, ang inay ni Liza sa panonood sa mga kakulitan namin at kabusihin.

Bale may tatlo pang kapatid si Liza, dalawang highschool at dalawang elementary. Masasabing hindi maykaya ngunit hindi din mahirap ang pamilya ni Liza.

Simple lang ang pamumuhay ng mga ito at kuntento. Isang pamilya na pangarap niya din noon hanggang sa lumantad ang buong katotohanan.

"O mga Ineng, halina kayo at magpahinga na. Alas singko na, mukha yatang nalilibang talaga kayong dalawa diyan?" Tawag ni Aling Mema sa amin ni Liza na naroon pa din sa garden ng mga oras na iyon. Nagkatinginan naman kami pareho na parang nagulat.

"Po? A-alas singko na?" gulat na wika ko na hindi makapaniwala.

Natatawang lumapit sa amin si Aling Mema. "Oo. Aba at totoo nga namang nalilibang kayo sa inyong mga ginagawa. Ano bang itinatanim niyong gulay?"

"Marami po Inang." Si Liza na ang sumagot. "May talong, sitaw, okra at kalabasa."

"At marami pang iba." Mabilis na singit ko sa usapan. 

"Aba e, kung ganoon ay kumpleto na ang pakbet sa bahay-kubo. 'Asan ang ampalaya?" Sumali na din ito sa mga kalokohan nila.

"Baka nasa paligid lang po?" Ani Liza.

Nagtatakang nagtanong si Aling Mema. "Nasa paligid?"

"Di pa bo, ang huling kanta sa bahay-kubo ay sa paligid-ligid ay puno ng linga?" saad ni Liza at sabay kaming napahalakhak.

"Mga palabiro talaga kayo." tugon naman nito na nahawa lang din sa amin.

***

Jarred

"Totoo bang ikaw ang kumumpronta kay Kent tungkol sa ipinagbubuntis ko?"

Napatitig ako sa maganda ngunit tila nalalambungan ng ulap na mukha ni Crystal ng gabing iyon. Matutulog na sana kami at nakahiga na pareho nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.

"P-paano mo nalamang buntis ako?"Mayamaya ay dagdag na tanong nito.

Sinubukan kong maging kalmado sa pakikipag-usap. Maaring nagkita na ang dalawa at tiniyak ni Kent kung totoo nga ang lahat sa babae. Wala namang bagay na ikakagalit ito sa ginawa ko at mas lalong wala akong karapatang magalit kung itinago man nito ang totoo sa akin.

"Bakit? Buntis ka nga bang talaga?"

Parang napaso siya ng titig ko kaya't umiwas ng tingin sa akin. Tumalikod ito ng higa na nais may itago sa akin at ayaw na ayaw na makita ko. 

"Crystal..." tawag ko sa pangalan niya. 

Hindi sumagot ang babae. Nanatili itong tahimik at walang kakibo-kibo pero naramdaman ko ang pag-alon ng katawan niya na parang nahihirapang huminga.

I knew it, and i swear, umiiyak siya ngayon. Kahit pa sabihing nakatalikod siya ay rinig ko ang impit na hikbi niya na sinisikap na pigilan upang hindi ko mahalata.

"I knew everything. You don't need to tell me the details." Pahayag ko na niyakap siya ng buong higpit. "I don't want you to be upset or mad at me. I'm just trying to help and reach your burdens. I can let you if you want to--"

Naputol ang iba ko pang sasabihin nang bigla siyang humarap sa akin at masuyong angkinin ang mga labi ko kahit luhaan ang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status